Unida Christian Church Santa Rosa
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Unida Christian Church Santa Rosa, Religious organisation, Olympia Subd, Santa Rosa.
26/01/2026
𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝗕𝗶𝗯𝗹𝗲 𝗤𝘂𝗶𝘇𝗕𝗲𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲 📖
Binabati namin ang ating mga kapatid na lumahok sa ginanap na District Bible Quizbee noong Sabado, January 24, 2026 sa UCC Progressive bilang paggunita sa National Bible Month na may temang “𝘎𝘰𝘥’𝘴 𝘞𝘰𝘳𝘥 𝘉𝘳𝘪𝘯𝘨𝘴 𝘓𝘪𝘧𝘦 𝘵𝘰 𝘖𝘶𝘳 𝘏𝘦𝘢𝘳𝘵𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘵𝘰 𝘖𝘶𝘳 𝘏𝘰𝘮𝘦𝘴.”
Ang mga kalahok mula sa UCC Santa Rosa ay nagsipagkamit ng mga karangalan sa kani-kanilang mga kategorya. Ang ating mga kalahok sa 𝘼𝙙𝙪𝙡𝙩 𝙇𝙚𝙫𝙚𝙡 na sina Kptd. Annie De Luna, Kptd. Romy De Luna at Kptd. Edison Ibañez ay nagwagi ng 𝟭𝘀𝘁 𝗽𝗹𝗮𝗰𝗲 at magiging kinatawan ng Distrito ng Laguna sa National Bible Quizbee sa Mayo.
Gayundin, binabati rin namin ang ating mga kalahok sa 𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙢𝙚𝙙𝙞𝙖𝙩𝙚 𝙖𝙩 𝙔𝙤𝙪𝙩𝙝 𝙇𝙚𝙫𝙚𝙡 na kapwa nakakuha ng 𝟮𝗻𝗱 𝗽𝗹𝗮𝗰𝗲. Sa Intermediate ay sina Kptd. Keith Hernandez, Kptd. Abigail Sauler, at Kptd. Luke Arguelles. Sa Youth ay sina Kptd. Aira Hernandez, Kptd. Margarette Manabat at Kptd. Nico Alojado.
Purihin ang ating Dakilang Diyos sa karunungang Kaniyang binibigay sa bawat isa sa ating patuloy na pag-aaral ng Kaniyang mga Salita. Nawa’y manatili tayong mapagpakumbaba sa harap ng Diyos, kinikilala na ang talino at tagumpay ay mula sa Kanya, at gamitin ang mga ito para sa Kanyang kaluwalhatian at sa paglilingkod sa kapwa. 🙏
19/01/2026
𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐁𝐢𝐛𝐥𝐞 𝐐𝐮𝐢𝐳 𝐁𝐞𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟔 📖
Matagumpay na isinagawa ang Local Bible Quiz Bee kahapon, January 18, 2026 sa UCC Santa Rosa bilang paggunita sa National Bible Month na may temang, "God's Word Brings Life to Our Hearts and to Our Homes." Ang gawain ay pinuno ng kasiglahan at kagalakan dahil sa aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral ng Paaralang Lingguhan mula sa Intermediate, Youth, at Adult Levels saklaw ang pag-aaral sa Aklat ng mga Gawa.
Mula sa UCC Santa Rosa, binabati namin ang mga kalahok at ang mga nagsipagwagi sa gawain.
𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔𝗧𝗘
Unang Gantimpala - Kptd. Keith Hernandez & Kptd. Abigail Sauler
𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛
Unang Gantimpala - Kptd. Aira Hernandez
Ikalawang Gantimpala - Kptd. Margarette Manabat
Ikatlong Gantimpala - Kptd. Nico Alojado
𝗔𝗗𝗨𝗟𝗧
Unang Gantimpala - Kptd. Annie De Luna
Ikalawang Gantimpala - Kptd. Romy De Luna
Ikatlong Gantimpala - Kptd. Edison Ibañez
Ang mga nagwagi mula sa lahat ng antas ay magsisilbing kinatawan ng UCC Santa Rosa para sa District Bible Quizbee na gaganapin sa darating na Sabado, January 24, 2026.
Purihin ang Panginoon na nagbibigay sa atin ng kaalaman at karunungan sa pag-aaral ng Kanyang Salita.
📸 Photos by: Aldriana Garcia & Ara Manabat
04/01/2026
𝐏𝐢𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟔! 🤍
Masdan ang mga larawang kuha mula sa unang Linggo ng taong 2026 kung saan sabay-sabay naming isinagawa ang Banal na Hapunan (Santa Cena). Isang makabuluhang paalala ng pag-ibig at sakripisyo ng Panginoon para sa ating lahat.
Sa pagsisimula ng panibagong taon, piliin nating unahin ang Diyos at alalahanin ang Kanyang kabutihan sa ating buhay. Nawa’y manatili ang pusong mapagpasalamat at ang pananampalatayang nakatuon sa Kanya sa buong taong ito. 🙏
Purihin ang Diyos sa bagong simula na Kanyang ibinigay!
📸 Photos by: Mhaikee Manabat
03/01/2026
𝐇𝐀𝐒𝐈𝐊: 𝐔𝐧𝐢𝐝𝐚 𝐓𝐡𝐚𝐧𝐤𝐬𝐠𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐅𝐫𝐮𝐢𝐭 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 🎑🌾
Sama-sama nating ipagdiwang bilang isang nagkakaisang iglesia ang Unida Thanksgiving Sunday and First Fruit Celebration 2026 na may temang, "𝗛𝗮𝘀𝗶𝗸: 𝗦𝗼𝘄𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘁𝗼 𝗚𝗼𝗱'𝘀 𝗙𝗶𝗲𝗹𝗱, 𝗥𝗲𝗮𝗽𝗶𝗻𝗴 𝗚𝗼𝗱'𝘀 𝗙𝗮𝘃𝗼𝗿"
Ang Unida Thanksgiving Sunday ay gaganapin sa January 18, 2026 sa ating mga lokal na iglesia. At kasama ang ating mga distrito, ating ipagdiwang ang kabutihan ng ating Panginoon sa pamamagitan ng First Fruit Celebration sa darating na January 24, 2025.
Tunay na ang Diyos ay nararapat na purihin sa Kanyang nag-uumapaw na biyaya sa ating lahat. Purihin ang ating Panginoon!
31/12/2025
𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐨𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐭𝐢𝐝! 🎇
Binabati namin ang bawat isa ng isang pinagpala at maligayang bagong taon. Sa ating pagsalubong sa taong 2026, nawa ay taglayin natin ang kagalakan, pag-ibig at manatiling matatag sa ating mga pananampalataya.
Purihin ang Dakilang Diyos na nagpapala sa atin sa lahat ng oras, araw at panahon! Hallelujah!
31/12/2025
𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗼𝗻, 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗮𝘁𝗶𝗱!🎆
Masdan ang mga larawan kuha mula sa Worship thru Music kanina, December 31, 2025 sa UCC Santa Rosa. Tunay na isang kagalakan ang magpuri sa ating Panginoon sa pamamagitan ng pag-aawitan bilang pasasalamat sa Kaniyang Kadakilaan sa taong nagdaan.
Sa pagtatapos ng taong 2025 at sa ating pagsalubong sa panibagong taon, nawa'y patuloy nating taglayin ang pag-ibig, kaligayahan at matatag na pananampalataya.
Purihin ang ating Diyos na gumabay at patuloy na gumagabay sa ating mga buhay!
📷Photos by: Juliana Medina & Ayel Gloria
24/12/2025
Maligayang Pasko sa ating lahat! 🎄🌟
Ang pinakadakilang kuwento ay naganap nang isilang ang ating Tagapagligtas na si Hesus. Tunay na ipinamalas ng Ama ang Kanyang walang hanggang pag-ibig sa ating lahat.
Sa ating pagdiriwang, nawa'y alalahanin natin ang tunay na dahilan ng Kapaskuhan at maghari ang pag-ibig at kapayapaan sa ating bawat tahanan.
Gloria in excelsis Deo!
24/12/2025
Masdan ang mga larawan kuha mula sa Christmas Eve Worship kanina, December 24, 2025 sa UCC Santa Rosa. Sa ating pagsalubong sa Kapaskuhan ay patuloy nating alalahanin at sambahin ang ating Tagapagligtas, ang Panginoong Jesus.
Maligayang Pasko sa ating lahat!
📷Photos by: AJ Trinidad
23/12/2025
𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝗸𝗼 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁! 🎄
Purihin ang ating Panginoong Jesus sa Kanyang biyaya sa katagumpayan ng Laguna District Christmas Fellowship na ginanap noong Linggo, December 21 sa Balayhangin Elementary School, Calauan, Laguna. Ang gawain ay dinaluhan ng ating mga kapatid mula sa pitong lokal na iglesia at isang misyong iglesia sa Distrito ng Laguna.
Sa ating paggunita sa Araw ng Kapaskuhan, nawa ay alalahanin natin ang tunay na dahilan ng ating pagdiriwang. Pagpupuri at pasasalamat sa ating Dakilang Tagapagligtas na si Jesus, ang tunay na diwa ng ating kapaskuhan.
Purihin ang Panginoon!
📷Photos by: Cheska Bautista, Margarette & Mhaikee Manabat
21/12/2025
𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝗸𝗼, 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗮𝘁𝗶𝗱!🎄🌟
Masayang pinagdiwang ng UCC Santa Rosa ang Christmas Fellowship and Sunday School Gift Giving kahapon, December 20, 2025. Ang gawain ay pinuno ng kasiyahan mula sa pag-awit, palaro, raffle at ng gift giving sa mga masisipag na mag-aaral ng Paaralang Lingguhan.
Papuri sa ating Panginoon sa Kanyang biyaya sa katagumpayan ng gawain. Salamat din sa ating mga kapatid ng buong-pusong nagkaloob para sa ating raffle prizes, gayundin sa mga kapatid na tumulong upang maging matagumpay ang ating Christmas Fellowship.
Mula sa UCC Santa Rosa, binabati namin ang bawat isa ng isang Pinagpala at Maligayang Pasko, mga kapatid!
Purihin natin ang ating Panginoong Jesus!
📷Photos by: AJ Trinidad & Juliana Medina
What a God - SEU Worship (Unida Youth Santa Rosa)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Olympia Subd
Santa Rosa
4026