Skip to content
FindGlocal
RPC Santa Rosa

RPC Santa Rosa

Santa Rosa Non-Governmental Organization (NGO)

This page is created to organize VP Leni Robredo's supporters in Santa Rosa, Laguna.

Photos from RPC Santa Rosa's post 14/11/2026

πŸ‘€ DITO ANG TINGIN, DITO ANG TINGIN!!!
Kilalanin ang komunidad ng Sitio Pulong Mindanao na ating bibisitahin at hahatiran ng Pamaskong Handog ngayong December 12. πŸŽ„βœ¨οΈ

Nang makilala natin ang kwento ng Sitio sa dokumentaryo ni Victoria Tulad, mabilis na nagdesisyon ang RPC Santa Rosa na sa kanila dalhin ang ating ngayong Disyembre.

Para gawing mas makulay at makabuluhan ang pagbisita natin sa Sitio Pulong Mindanao, hindi lamang Noche Buena packages ang layon nating mairegalo sa kanila.

Sa ating pag-aambagan, susubukin din nating magregalo ng mga librong babasahin para sa 51 mag-aaral doon. Kasama pa nito ang pagtatayo natin ng BOOK NOOK para sa kanilang paaralan na maglalaman ng hindi bababa sa 100 librong babasahin.

At para makakwentuhan pa ang mga taga-Sitio, maghahanda rin tayo ng Binalot salosalo kasama ang komunidad at ang ating boluntirs.

Marami-raming pag-iipunan, kaya importante ang ating ! Anumang halagang maibabahagi mo, malayo na ang mararating para sa Sitio Pulong Mindanao. πŸŽ„βœ¨οΈ

Gcash | 0960 550 4806 | Sherinai L

IN-KIND DONATIONS are welcome until December 4
πŸ“ Sherinai Events Place, Presentacion Street, Zavalla Village 3, Brgy Tagapo, Santa Rosa, Laguna

Photos from RPC Santa Rosa's post 14/11/2026

NARITO PA ANG MGA KASAMA NATING NAKI-AMBAG PARA SA ATING PAMASKONG HANDOG! 🩷✨

Katulad ng una nating dalawang season, ang kabuuan ng ating merchant fees mula sa ay mapupunta para sa ating mga proyekto sa komunidad.

Ngayong Disyembre, sa Santa Maria, Laguna at Kabayan, Benguet natin dadalhin ang ating 2026. Mula sa 150 packages, iaangat natin ang target sa 160 packages para hatiran ng makulay na Pasko ang 50 pamilya sa Sitio Pulong Mindanao sa Santa Maria, Laguna, at ang 110 pamilya sa Kabayan Barrio, sa Kabayan, Benguet.

NAUNA NANG MAKIBAHAGI ang mga fuchsiang tindahan! Kayo naman?!! GIFT WHAT YOU CAN para sa isang makabuluhang Disyembre! πŸŽ„βœ¨

Gcash | 0960 550 4806 | Sherinai L
For IN-KIND Donations, drop off at Sherinai Events Place, Brgy. Tagapo, Santa Rosa, Laguna.

13/11/2026

IT'S SAHOD DAY!!! IT'S A GOOD DAY TO SHARE WHAT YOU CAN!!! ✨️

Makibahagi sa ating pagbuo ng Pamaskong Handog para sa Santa Maria, Laguna at Kabayan, Benguet ngayong Disyembre.

Pagtulungan nating gawing makulay at masagana ang Pasko ng ating mga kapatid na magsasaka ng gulay. πŸ₯¦πŸ₯¬πŸ₯•

Gcash | 0960 550 4806 | Sherinai L

Photos from RPC Santa Rosa's post 12/11/2026

BUILD A BOOK NOOK WITH US! πŸ“–βœ¨
Isa sa karagdagang hiling ng Pulong Mindanao Elementary School ngayong Disyembre ay ang madalhan ng mga babasahing libro ang kanilang 51 mag-aaral.

Araw-araw, naglalakad ng isa hanggang dalawang oras ang bawat mag-aaral ng PMES para makapasok sa eskwela. At pagdating pa nila sa paaralan, naghahati-hati lamang ang mga estudyante mula Kinder hanggang Grade 6 sa tatatlong klasrum ng paaralan. At bukod sa kakulangan ng pasilidad, danas din ng bawat g**o at mag-aaral ang kakulangan ng gamit sa pag-aaral, katulad ng mga librong pambata.

Kaya ngayong December 12, kasama ang Hope Builders, Dream Tracers, layon nating bumuo ng isang BOOK NOOK na maglalaman ng hindi bababa sa isandaang librong gawa para sa mga batang Pilipino.

MAKIBAHAGI PARA SA ATING REGALONG PAGBASA SA PULONG MINDANAO ELEMENTARY SCHOOL! πŸ“šβœ¨

Gcash | 0960 550 4806 | Sherinai L

Photos from RPC Santa Rosa's post 09/11/2026

NAKI-AMBAG NA FUCHSIA, IKAW READY NA RING MAG-AMBAG?! πŸ˜‰

Narito ang ilan sa ating local merchants na kasama natin sa ikatlong season ng pagbubukas ng ating makabuluhang pamilihan. Sa kanilang pagtitinda sa , hindi lamang sila kumita. Ang kanilang "upa" kasi ay direktang napunta sa ating pagbuo ng 150 PAMASKONG HANDOG packages.

Kaya, lubos ang ating pasasalamat sa bawat nakibahagi sa ating pamilihan! Ngayon, ikaw naman ang may pagkakataong makibahagi! Ready ka na ba'ng mag-ambag?

SHARE WHAT YOU CAN!
Gcash | 0960 550 4806 | Sherinai L

FOR IN-KIND DONATIONS:
βœ… Meatloaf canned goods, Karne Norte
βœ… Pancit Canton, Instant Noodles
βœ… Energen, Powdered Milk
πŸ“ Drop off at Sherinai Events Place, Brgy Tagapo, Santa Rosa, Laguna

Photos from RPC Santa Rosa's post 05/11/2026

GIFT WHAT YOU CAN THIS DECEMBER! πŸŽ„βœ¨
Para gawing makulay at makabuluhang ang selebrasyon natin ng Pasko ngayong 2026, dadalhin ng RPC Santa Rosa ang ating sa dalawang komunidad.

Ngayong December 12, una nating tutunguhin ang Sitio Pulong Mindanao sa Santa Maria, Laguna. Nakilala natin ang Sitio mula sa documentary na inilabas ng ABS-CBN News nitong Agosto.

Pinamagatang HANGGANG SA HULING MILYA ang dokumentaryo na nagpakilala ng kwento ng mga g**o at mag-aaral na nasa isa hanggang dalawang oras ang paglalakbay kada araw para makarating sa paaralan.

Sa December 20 naman, sunod nating bibisitahin ang Kabayan Barrio sa Kabayan, Benguet para maghatid ng packages sa pamilya ng mga upland vegetable farmers doon. Sa balita rin natin unang nakilala ang Kabayan Barrio dahil matidi ang naging epekto sa kanila ng oil crisis at vegetable importation sa merkado. At noong Mayo, mas nabigyang atensyon ang kanilang kalagayan nang sila ay ma-feature sa KMJS.

Ngayong Disyembre, layon nating magkasunod na mahatiran ng siksik at saganang NOCHE BUENA packages ang 150 pamilya mula sa dalawang komunidad. Para maisakatuparan ito, kailangan natin ang PAKIKIBAHAGI at PAGBABAHAGI nating lahat! 🩷✨

SHARE WHAT YOU CAN!
Gcash | 0960 550 4806 | Sherinai L

IN-KIND DONATIONS are accepted until DECEMBER 4
πŸ“Santa Rosa Estates 2, Brgy Don Jose, Santa Rosa, Laguna
πŸ“ Sherinai Events Place, Presentacion Street, Zavalla Village 3, Brgy Tagapo, Santa Rosa, Laguna

Photos from RPC Santa Rosa's post 04/11/2026

GIFT WHAT YOU CAN THIS DECEMBER! πŸŽ„βœ¨
Bilang paghahanda sa ating para sa komunidad ng Pulong Mindanao sa Santa Maria, Laguna at Kabayan Barrio sa Kabayan, Benguet, binubuksan ng RPC Santa Rosa ang iba't ibang paraan ng pakikibahagi para sa lahat!

Halina't gawing makabuluhan at makulay ang ating Pasko ngayong 2026! πŸ‡΅πŸ‡­
MAY APAT NA PARAAN NG PAKIKIBAHAGI:
πŸ’Έ Sponsor ONE Noche Buena Package for a family for only 999php
πŸ› Sponsor a family's Binalot meal during our program for 500php
πŸ“š Build a BOOK NOOK with us by donating at least 300php
πŸ₯« Share IN-KIND donations in our drop-off points until Dec 4!

Bukod sa Noche Buena packages, isa rin sa hiling ng paaralan ng Pulong Mindanao Elementary School ay ang magkaroon ng BOOK NOOK ang mga estudyante nilang nasa 1-2 oras ang nilalakad papasok ng school araw-araw.

At syempre pa, bukod sa paghahatid natin ng mga regalo ay magdaraos din tayo ng maikling programa at salosalo para sa buong komunidad, kaya may Binalot meals din tayong ihahanda.

Kaya talagang maraming pag-iipunan! Napakarami ring paraan para makibahagi. πŸ˜‰
Gcash | 0960 550 4806 | Sherinai L

Photos from RPC Santa Rosa's post 02/11/2026

MAY RESIBO FUCHSIAAA!!! 🧾✨
Nang dahil sa ating pagtitinda, pagdalo, at pakikibahagi sa Season 3 nitong October 10 at 11, nakaipon na tayo ng pondo para maghanda ng 110 Pamaskong Handog packages na ating dadalhin sa dalawang komunidad ngayong Disyrembre. πŸŽπŸŽ„

Talagang lumalaki na ang komunidad ng ating makabuluhang pamilihan! Maraming salamat po dahil mula sa ating lahat ang higit 120,000php na ating naipon mula sa isang weekend lamang. 🩷✨

Ngayon, tuloy pa rin ang ating pag-iipon! Pupunuin pa natin ng natitirang 40 Pamaskong Handog packages para sa Santa Maria, Laguna at Kabayan, Benguet. May iba't ibang mukha ang pakikibahagi:
πŸ’Έ Sponsor ONE package for 999php
πŸ₯« Bring IN-KIND donations to help complete our package
πŸ› Sponsor binalot meals for our Salosalo with the community
πŸ“© Message us for partnerships we can explore with your organization, school, or company!

MAKIBAHAGI NA AT MAGBAHAGI!
Sama-sama tayo sa paghahatid ng isang mapagpalayang Disyembre sa Sitio Pulong Mindanao sa Santa Maria, Laguna at sa Barrio Kabayan sa Kabayan, Benguet.

Photos from RPC Santa Rosa's post 31/10/2026

NAKI-AMBAG FUCHSIAAA!!! 🩷✨
Sa ikatlong pagkakataon, kasama pa rin natin ang Alon ng Kape sa Season 3!

At nitong October, ginawa pa nating mas makabuluhan ang pagdaraos ng annual LAGUNA BREWERS COMPETITION dahil bawat registrant ay mayroon nang direktang donasyon para sa pagbuo natin ng 150 Pamaskong Handog packages.

Maraming salamat sa buong komunidad ng Alon ng Kape na patuloy nating nakakasama sa pagsuporta sa ating local merchants at sa ating iba't ibang pagkilos at adhika ! πŸ‡΅πŸ‡­

Other Non-Governmental Organizations (NGOs) in Santa Rosa

Show All

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RPC Santa Rosa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Santa Rosa.