Skip to content
FindGlocal
Pagsanjan MENRO

Pagsanjan MENRO

JP Rizal Street, Pagsanjan Government Organization

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pagsanjan MENRO, Government Organization, JP Rizal Street, Pagsanjan.

The MENRO shall take charge of the Municipal Environment and Natural Resources Office and shall take charge to manage,conserve,preserve,and protect the environment and natural resources of the municipality.

30/10/2026

📢 PABATID: GARBAGE COLLECTION HOLIDAY

Walang koleksiyon at paghahakot ng basura sa October 31 – November 1, 2026. Magpapatuloy ang regular na koleksiyon sa November 2, 2026 (Monday).

Hinihikayat ang lahat na mag-segregate at pansamantalang huwag munang maglabas ng basura habang suspendido ang koleksiyon.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa!

30/10/2026

📢 PABATID | PANATILIHING MALINIS ANG ATING SEMENTERYO! 🌿

Sa paggunita natin sa ating mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas, hinihikayat ang lahat na panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng ating mga sementeryo.

Ugaliing magtapon ng basura sa tamang basurahan, at kung walang makitang basurahan, pakibitbit na lamang ito pauwi. Isabuhay ang Clean As You Go sa bawat pagbisita.

Sama-sama nating ipakita ang disiplina at malasakit sa ating kapaligiran.

Malinis na Sementeryo, Responsableng Paggunita! ❤️🌱

11/09/2026

📢 PABATID SA PUBLIKO

Muli po naming ipinapaalala na hindi pa regular ang pangongolekta ng basura sa ilang lugar dahil sa pagkakaroon ng Cease and Desist Order (CDO) sa disposal facility na ginagamit ng ating bayan.

Habang inaayos ang alternatibong sistema ng koleksyon, hinihiling po ang inyong pakikiisa: i-compost ang nabubulok, i-recycle ang recyclable, ihiwalay ang malinis na plastic para sa Plastic Waste Recovery Program, at maayos na itabi ang residual waste habang hinihintay ang abiso ng Barangay.

Sama-sama nating panatilihing malinis, maayos at ligtas ang Pagsanjan.

Pusong Makakalikasan, Pusong Pagsanjan!

04/09/2026

📢 ABISO AT MAHALAGANG PAALALA SA PUBLIKO

Ang kasalukuyang pagkaantala sa pagkolekta ng basura ay dahil sa pansamantalang problema sa ating pagdadalhan at pagtatapunan ng basura.

📌 Simula ngayong araw, ang Waste Processing Facility na kasalukuyang pinagdadalhan ng ating mga nakokolektang basura ay nabigyan ng Cease and Desist Order (CDO) ng DENR.

Dahil dito, mahalaga ang wastong paghihiwalay ng basura upang mabawasan ang dami ng kailangang kolektahin at itapon.

♻️ ANO ANG DAPAT GAWIN?

NABUBULOK – I-compost kung may angkop na lugar.
RECYCLABLE – Dalhin sa Barangay MRF o Junkshop.
RESIDUAL – Itabi nang maayos at hintayin ang schedule ng koleksyon.

⚠️ Huwag paghaluin ang mga uri ng basura. Iwasan ding magtapon sa kalsada, kanal, ilog, bakanteng lote, o iba pang hindi awtorisadong lugar.

Habang patuloy na gumagawa ng paraan ang Bayan ng Pagsanjan upang maibalik sa normal ang ating koleksyon ng basura, hinihiling po ang inyong pang-unawa at pakikiisa

Makiisa. Mag-segregate. Maging responsable.

🌱 Para sa malinis at makakalikasang Pagsanjan.

04/09/2026

📢 PAALALA

May kaunting pagkaantala man sa pagkolekta ng basura, tayo-tayo pa rin ang susi sa malinis na kapaligiran.

Makipagtulungan po tayo sa tamang segregation—i-compost ang nabubulok, dalhin sa MRF/Junkshop ang recyclable, at itabi nang maayos ang residual waste.

Konting disiplina, malaking ambag sa kalinisan! ♻️

Maraming salamat sa inyong pakikiisa!

28/08/2026

📢 ADVISORY

Magkakaroon po ng pagkaantala sa paghakot ng basura dahil sa inclement weather at pansamantalang hindi makapagtatapon sa Sanitary Landfill Facility.

🌧️ Paalala: Huwag muna maglabas ng basura hanggang sa maipagpatuloy ang regular na koleksyon.

🙏 Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa!

18/08/2026

📢 PAUNAWA | MULING PAALALA

Dahil sa patuloy na pag-ulan, pansamantalang maaantala ang koleksyon ng basura.

🙏 Hinihiling po ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Samantala, mangyaring panatilihin muna ang basura sa inyong tahanan, isagawa ang tamang segregation, at huwag magtapon kung saan-saan.

📌 Magbibigay po muli kami ng abiso sa oras na maipagpapatuloy na ang koleksyon.

Sama-sama para sa malinis at ligtas na Pagsanjan!

Photos from Pagsanjan MENRO's post 14/08/2026

ORIENTATION ON EFFECTIVE SOLID WASTE MANAGEMENT

Isang makabuluhang araw ng pagkatuto, pakikiisa at pagkilos para sa kalikasan!

Noong July 22, 2026, matagumpay na isinagawa ang Orientation on Effective Solid Waste Management for Barangay Environmental Advocates sa Conference Hall, Rural Health Unit (RHU), Brgy. Biñan, Pagsanjan, Laguna, kasama ang mga kinatawan ng Barangay, Committee on Environment, Eco-Aides/EcoWarriors.

Sa orientation, tinalakay ang mahahalagang usapin tungkol sa wastong pamamahala ng solid waste alinsunod sa Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, kabilang ang tamang segregation, composting, recycling, waste diversion at aktibong pakikilahok ng komunidad.

Tinalakay rin ang mahalagang papel ng Eco-Aides/EcoWarriors bilang katuwang ng Barangay sa:
• Pagpapaalala at pagsusulong ng wastong waste segregation
• Pagmomonitor sa kalinisan ng barangay at mga lugar na sakop nito
• Pakikilahok sa clean-up drives at environmental activities
• Pagtulong sa information, education and communication (IEC) campaigns
• Pagsusulong ng recycling, composting at waste reduction
• Pag-uulat ng mga suliranin kaugnay ng basura at illegal dumping
• Pagiging ehemplo at tagapagtaguyod ng disiplina at malasakit sa kalikasan

Sa pagtutulungan ng Barangay, Committee on Environment, Eco-Aides/EcoWarriors at MENRO, mas mapapalakas natin ang mga programa tungo sa malinis, maayos at makakalikasang Pagsanjan.

Sama-sama sa tamang pamamahala ng basura. Sama-sama para sa mas malinis na barangay!

11/08/2026

📢 PAALALA SA LAHAT!

Dahil sa masamang lagay ng panahon at pansamantalang pagkaantala ng operasyon ng SLF, maaaring maapektuhan ang regular na garbage collection schedule.

♻️ Huwag munang maglabas ng naipong basura. I-manage muna sa loob ng inyong tahanan at panatilihin ang tamang segregation habang hinihintay ang updated collection schedule.

📌 Mga Barangay Officials, mangyaring ipaalam ito sa inyong mga household.

Magbibigay po muli ng abiso ang MENRO para sa bagong schedule ng collection.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Tamang Segregation, Sama-Samang Aksyon para sa Malinis na Pagsanjan!

09/08/2026

📢 ADVISORY | Paigtingin ang Waste Segregation! 🌧️♻️

Dahil sa masamang kondisyon ng panahon at sa pansamantalang walang operasyon ang sanitary landfill, hinihiling po ang pakikiisa ng lahat sa tamang waste segregation.

🌧️ Huwag munang maglabas ng basura sa kalye o sa National Highway. Hintayin ang pagdaan ng truck ng basura sa inyong lugar bago ilabas ang inyong mga basura.

♻️ Mag-segregate at panatilihing malinis ang ating kapaligiran upang maiwasan ang pagbabara at pagbaha.

No Segregation, No Collection.

Pusong Makakalikasan | Pagsanjan MENRO 🫰

Other Government Organizations in Pagsanjan

Show All

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pagsanjan MENRO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Pagsanjan.