Me Diary

Me Diary

Share

🏡Countryside Living 🍳 Cooking | Daily Life 📩 Open for collaboration & endorsement (DM)
📧 Email : [email protected]

12/06/2026

"Hindi lang basta pagkain, may mahalagang aral din! 🇷🇴🇵🇭 Buhay ng nag-iisang Pinay sa Romanian Countryside."

Isang magandang umaga mula sa Romanian countryside! 🇷🇴🇵🇭
Kahit malayo si Hubby para magtrabaho, masaya kaming nagluluto ng aking dalawang anak dito sa aming baryo! ❤️

Ngayong araw, sinubukan kong magluto ng traditional Romanian Mici at ang paborito nating Pork Steak! Pero alam niyo ba ang kwento sa likod ng sikat na sausage na ito? At bakit nga ba ketchup, burger sauce, at may kasama pang kanin ang bersyon ng mga bagets ko? 🤭🍚

Moral Lesson of the day:Ang pag-aasawa ng dayuhan at pagtira sa ibang bansa ay isang malaking adjustment—sa kultura, sa pamumuhay, at maging sa pagkain. Pero ang sarap sa pakiramdam na habang natututo tayong yakapin ang kultura nila, nadadala pa rin natin ang simpleng kulturang Pinoy sa ating tahanan. Ang pag-adjust ay hindi pagkawala ng sarili, kundi pagpapalawak ng ating puso.

✨Panoorin ang buong video at huwag kalimutang mag-like, comment, at i-share ang ating page! 🥰👋

12/06/2026

Nasarapan sila sa Garlic butter shrimp 🍤 natin. Nilagyan ko pa ng Cooking Cream kaya naman mas naging creamer and juicy. 🇷🇴🇵🇭

12/06/2026

Sabaw palang sarap na sarap na sila sa Tinolang Tahong. 🇷🇴🇵🇭

Me Diary

Photos from Me Diary's post 11/06/2026

The Bucharest Favorite: My Private Chef Chicken Burrito Wrap! 🌯✨

Wow! Maraming salamat sa 8,000+ views sa video ko kahapon! 🙏🏽 Dahil marami sa inyo ang nagre-request ng recipe ng ginawa kong Chicken Burrito na paboritong-paborito ng dati kong amo noong private chef pa ako sa Bucharest, Romania—narito na ang kumpletong sangkap at tamang paraan ng pagluluto! 🇷🇴❤️

MGA SANGKAP / INGREDIENTS:

✅️Chicken Breast (Hiwain ng pahaba, katamtaman ang nipis)

✅️Onion / Sibuyas (Maraming red o white onion, hiwang pahaba)
Bell Pepper (Mixed colors, hindi maanghang, hiwang pahaba)

✅️Oil (Para sa paggisa)
Pampalasa: Asin, Black Pepper, Garlic Powder, Knorr Cubes, Turmeric (luyang dilaw), at Paprika.

✅️Cooking Cream / All-Purpose Cream (Para sa malapot at creamy na sauce)
Cheese (Parmesan, Cheddar, o kahit anong cheese na meron ka)

✅️Tortilla Wrap (Mayroong brown o white, pwedeng regular o low-carb)
Extra Sauces (Optional): Ketchup, Mayonnaise, o Burger Sauce.

✅️Pambalot: Foil o Paper wrapping.

💡 STEP-BY-STEP PRIVATE CHEF METHOD:

1. Iprito ang Manok: Sa mainit na kawali na may konting oil, unahing iprito ang chicken breast. Hindi kailangang sobrang prito, basta maluto-luto siya.

2. Isunod ang Sibuyas: Kapag half-cooked na ang manok, ilagay ang maraming hiwang sibuyas.

3. Ilagay ang Pampalasa: Isunod agad ang mga pampalasa—asin, black pepper, garlic powder, Knorr cubes, turmeric, at paprika. Haluin nang mabuti.

4. Isama ang Bell Pepper: Kapag halo-halo na at alam mong luto na ang manok, ilagay ang bell pepper (para hindi ma-overcook at manatiling maganda ang kulay). Halu-haluin ulit!

5. Gawing Creamy ang Sauce: Ibuhos ang Cooking Cream. PRO TIP: Ginagamitan natin ito ng creamy sauce para hindi maging dry ang manok at manatiling napakalasa ng ating niluluto! Haluin hanggang sa maging malapot.

6. Ibudbod ang Cheese: Bago patayin ang apoy, ilagay ang unang batch ng cheese sa ibabaw ng manok. Patayin ang apoy at palamigin nang konti sa kawali.

7. Pagbabalot (Assembly): Kumuha ng Tortilla Wrap (white o brown). Ilagay ang chicken filling nang pahaba (sakto lang ang dami). Budburan ulit ng cheese sa ibabaw para sa extra linamnam!

8. Add Your Sauce: Kung gusto mo ng extra sipa, lagyan ng ketchup, mayonnaise, o burger sauce depende sa iyong panlasa.

9. I-wrap at Ihanda: I-roll nang maayos ang tortilla at balutin gamit ang foil o paper wrapping. At ayan, tapos na! Ganun lang kadali! 🎉

Save mo na ang post na 'to at subukan mo na ring magluto ng ulam na pang-International Private Chef! 🧑‍🍳🌯

10/06/2026

Burrito/Shawarma Recipe na Patok at Nagustuhan din ng mga Amo ng mga Kaibigan ko! (Subukan niyo na!) 🌯 🇷🇴🇵🇭

"Hello, MeAngel Isang simpleng Pinay mom na nag-aalaga ng aking dalawang anak dito sa countryside ng Romania. Ngayong araw, napakasarap ng ating lulutuin! Ishe-share ko sa inyo ang paboritong recipe ng naging amo ko noong nagtatrabaho pa ako bilang private chef sa Bucharest. Subukan niyo rin ito para sa pamilya o sa mga boss niyo dahil siguradong magugustuhan nila! ❤️ subaybayan niyo hanggang dulo kung paano ko ito ibalot at tikman!"

10/06/2026

Alam talaga ng mga hayop kung safe sila sa tao. Binisita ng stray car si jacob dito sa bahay. 🇷🇴🇵🇭

09/06/2026

Panibagong pahina sa Buhay namin dito sa Countryside ng Romania. 🇷🇴🇵🇭

Photos from Me Diary's post 09/06/2026

Mini garden natin may bulaklak at bunga na. 😍 Mga ilang weeks pa siguro may aanihin na tayo. 🇷🇴🇵🇭

08/06/2026

Sariwang Hipon ang tinda sa malaking supermarket. Minsan lang ako makakita ng ganito kaya naman napabili tayo. 🇷🇴🇵🇭

08/06/2026

Sandukin na natin para makakain na ang aking mga amo Romanian charrr. 😄 Minsan lang makatikim ng ganito, Thank Lord sa masarap na ulam. 🙏❤️

Want your business to be the top-listed Media Company in Bucharest?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Bucharest