Hinaing
This page is all about tagalog hinaing
25/10/2025
Hindi natin mapipili kung kelan tayo mawawala.
Ang kamatayan... hindi kumakatok.
Dumarating lang—tahimik, walang pasabi,
parang ulan sa gabing walang payong.
Minsan iniisip ko,
paano kung bukas… wala na ako?
Paano kung ‘yung mga tawanan natin,
matapos sa gitna ng katahimikan?
Kaya ngayon pa lang,
gusto kong sabihin
mahal ko kayo.
Lalo na ‘yung mga nagmahal,
kahit sa panahong hirap akong mahalin.
24/10/2025
Minsan kasi, hindi natin alam
‘yung taong katabi natin,
baka may mabigat na dinadala.
Tahimik lang, pero pagod na.
Ngumingiti, pero may sugat sa loob.
Baka ngayong araw, sapat na sa kanya
‘yung simpleng kabaitan mo
‘yung ngiti,
‘yung pag-intindi,
‘yung hindi panghuhusga.
Kaya piliin mo sanang maging mabuti.
Kahit minsan, mas madali sanang ipakita na tama ka.
Kasi sa totoo lang, hindi laging kailangan manalo.
Minsan, sapat na ‘yung maging
mabuti ka sa kapwatao mo.
May mga patlang na ikaw lang ang ma kapagpupuno sa sarili mo
May mga bagay na inilaan talaga para sayo. Pero sa ngayon inihahanda ka lang ng panahon.
May ginhawa sa bawat yakap
Self love na lang, at hindi totoo lahat ng iniisip nila sayo.
Yung totoo kumusta ka?
Saglit lang baka kailangan mong marinig 'to
30/09/2025
Alam mo, minsan may mga pangarap
tayong hindi natutupad agad.
Nahahadlangan ng panahon,
sitwasyon, o mga responsibilidad.
At minsan, naiisip natin
“baka hanggang dito na lang ako.”
Pero hindi totoo ’yon.
Huwag mong hayaang mamatay
ang mga pangarap na naantala lang.
Kasi baka bukas, o sa susunod na taon,
mas magaan na ang daloy ng buhay.
Baka mas handa ka na.
Baka mas malinaw na ang landas.
Kaya kung kailangan mag-park, huminto,
magpahinga gawin mo.
Hindi ibig sabihin ay titigil ka na ng tuluyan.
Ibig sabihin lang, magpapahinga ka saglit.
Tapos pag-okay na, pagkaya na tuloy na ulit.
At tandaan mo: hindi mo
kailangang makipag-unahan.
Dahil kung para sa’yo talaga,
hihintayin ka ng pangarap mo.
At kapag dumating ang tamang panahon
- doon ka dadalhin ng tadhana.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Valenzuela
1442