Filipino Netizen

Filipino Netizen

Share

Wag masasaktan sa comment ko, Baka un ang magiging daan para maging friend tayo.

02/05/2026

Huwag mo. Kami iiwan

Marami kang meron na wala ang iba
Kung kayat mga Pilipino sayo ay umaasa
Na isang araw ay iisipin mo
Na kailangan, Pilipinas ay Mabago.

Mula Aparri hanggang Jolo'y nanawagan
Bata at matanda ikaw ang kailangan
Maging mga Artista pati na nasa Laylayan
Nagsusumamo't hiling sana ay pakinggan.

Nalungkot ang bayan sa iyong desisyon
Na di tumakbo sa 2028 Election,
Kung kayat mga grupo nagkakaisa ngayon
sasamahan ka namin sa iyong misyon.

01/05/2026

Need ka ng bayan

Kapag humingi ba ang anak ng pambaon at dagdag pera dahil may babayaran, di ba hindi mahihindian ng magulang? Gagawa ng paraan upang hindi maapektuhan ang pag aaral ng anak. Gagawin ang lahat para magkaroon ng maayos na kinabukasan ang kanyang anak.

Dapat ganun din ang Presidente ng Pilipinas, uunahin ang kapakanan ng mga mamayan lalong lalo na ang manggagawa na syang backbone ng economiya, ang mga katuwang ng mga Negosyante sa pag papaunlad ng negosyo. Dapat Hindi sila ituturing alipin dapat ituturing na katuwang o partner.
Sana ang susunod na Presidente ay may pusong katulad ng isang Ina, katulad ng isang magulang. DIto nagsisimula ang pag usbong ng oagtutulungan at pagkakaisa tungo sa matatag na Republika.

01/05/2026

Paingayon natin

Mahal na Ma’am Leni,

“Ang namulat, hindi na muling pipikit.” Narinig naming sinabi mo ang mga salitang ito, at pinanghawakan namin. Sumusulat kami sa iyo ngayon bilang 25,576,896 bagong Kakampinks na pumili sa iyo, bilang mga bagong botante na handang pumili sa iyo, at bilang mga taong nakakita na kung ano dapat ang itsura ng pamumuno.

Naiintindihan namin ang desisyon mo. Alam namin ang pinagdaanan mo. Nakita namin ang mga atake, ang mga kasinungalingan, ang pagod. Nakita namin kung paano mo piniling manatiling marangal kahit mas madaling lumaban, at kung paano ka nanatiling nakatapak sa lupa kahit napakabigat na ng lahat.

Naiintindihan din namin kung bakit pinili mong manatili sa Naga. Naniniwala ka noon pa man na ang tunay na pagbabago ay nangangailangan ng panahon, na hindi sapat ang isang termino para bumuo ng pangmatagalan. Iginagalang namin iyon. Pero ramdam din namin na ang uri ng pamumuno na binubuo mo roon ay kailangan ng buong bansa.

Kung sakaling dumating doon, magpapaalam kami sa Naga, para lang makapaglingkod ka sa bansa sa paraang pinaglingkuran mo ang iyong lungsod.

Minsan mong sinabi, “Sa gobyernong tapat, aangat ang buhay ng lahat.” Sa paglipas ng panahon, hindi na lang ito naging linya. Naging pamantayan ito. Binago nito kung paano namin tinitingnan ang gobyerno at kung ano ang inaasahan namin dito.

Sinabi mo rin, “Palaging mas radikal ang magmahal.” Sinikap naming isabuhay iyon. Lumabas kami, nagsalita, at tumulong sa abot ng makakaya. Ang ilan sa amin ay nakahanap ng paraan para ipagpatuloy ang gawain sa pamamagitan ng Angat Buhay at sa sarili naming mga komunidad.

Ngayon, bumabalik na naman ang parehong mga tanong. Sino ang mapagkakatiwalaan? Sino ang may napatunayan na? Sino ang nagpakita na ang serbisyo publiko ay kayang gawin nang may integridad? At kapag tinanong ang mga iyon, pangalan mo ang laging lumilitaw. Hindi dahil itinataas ka namin, kundi dahil nariyan ang record mo para makita ng lahat. Mula Kongreso, hanggang Pangalawang Pangulo, hanggang lokal na pamahalaan, humarap ka at ginawa mo ang trabaho, lalo na noong mahirap.

Pwedeng hindi sumang-ayon ang mga tao sa iyo. Pwedeng kwestyunin nila ang mga desisyon mo. Pero hindi nila maituturo na naging korap ka. At ngayon, mas mahalaga iyan kaysa dati.

Alam naman namin noon pa na hindi ito tungkol lang sa isang tao. Lumago ang Pink Movement, at nanatili ang mensahe. Mas maraming tao na ang nakikinig ngayon. May mga unang beses boboto. May mga nagbago ng isip. Marami ang naghahanap lang ng bagay na mapagkakatiwalaan.

Handa kaming tumindig muli. Hindi dahil sa bulag na suporta, kundi dahil alam namin kung anong klaseng pamumuno ang posible.

May mga pagkakataon na ang sitwasyon mismo ang tumatawag para may humakbang, kahit hindi ito ang mas madaling daan. Sinabi mo na rin, ang mga lider ay lumilitaw sa pinakamahirap na panahon. At pakiramdam namin, ito na ang isa sa mga panahong iyon.

Alam naming baka mukhang makasarili ito. Lagi mong pinipiling unahin ang iba. Pero hinihiling namin, nang buong respeto, kung kaya mo pa itong pasanin muli, dahil naniniwala kaming kailangan ka ng bansa ngayon.

Sana pag-isipan mo ulit. Hindi dahil naghahanap kami ng tagapagligtas, kundi dahil nakita na namin kung anong klaseng pamumuno ang gumagana. At naniniwala kaming ikaw pa rin ang pinakamagaling na mamuno patungo sa mas magandang Pilipinas.

Sabi sa kantang Rosas, “samahan mo ako”. Andito po kami. Kasama mo kami sa laban.

Lubos na gumagalang,
*25, 576,896 bagong Kakampinks and counting.

19/04/2026

Siya lang ang qualified. Siya. Ang kailangan ng Pilipinas.
Pwedeng iharap sa mga foreign dignitaries. Pwedeng makipag sabayan sa mga sikat na pinuno ng iba't ibang basa. Pwedeng I harap sa mga matatalinong investors.

Pwedeng isama sa mga mahihirap na hindi nag I Inarte. Dahil Siya ang Liwanag ng bukas.

17/04/2026

Malapit na

Sa taas ng bilihin, sa mahal ng gas at puro Politika sa bansa, Tila ang Pilipinas ay nasa madilim na kalagayan pa rin, marami ang nagugutom, marami ang walang trabaho, marami ang nagtitiis pero Umaasa na isang araw ay sisikat muli ang araw para sa isang bagong umaga.

Konteng tiis na lang, at malalasap din natin ang katiwasayan ng buhay sa 2028 kung mailulok natin ang Reyna ng bagong umaga. Sisibol ang pag asa ng mababa bilihin, libring edukasyon, Libreng gamot at hospitalization at sagana g pagkain sa bawat Mesa ng bawat Filipino.

17/04/2026

Support taka

Halos pitong (7) taong pinagkaitan ng kalayaan. Napaka sakit at napakahirap na makulong ng walang kasalanan.

Si Laila de Lima ay nakalong simula noong February 24, 2017 hanggang November 14, 2023.

Sa 2028, sana Pantay Pantay na karapatan para mabuhay ng Malaya. karapatan mag aral ang lahat ng Pilipino lalong lalo na ang kabataan. Karapatan maging Malaya sa sariling bansa. Karapatang mangisda sa sariling karagatan.

16/04/2026

Inang ko....

Napaka sakit sa isang Ina. "Tama na po may exam pa ako bukas" ito diumano ang huling salita na binitawan ni Kian de los Santos 17 years old noong August 16, 2017 bago barilin ng mga Pulis. Nanlaban diumano ang binatilyo, nasa kasagsagan ng war on drugs ang administration noon ni Dating Rodrigo Duterte.

Sa 2028, nakaka sigurado tayo na wala ng mau ulit na ganitong insidente o pangyayari sa bansa dahil may isang Ina na may puso, magkakaroon ng maayos na edukasyon ang kabataan, maayos na hanap buhay ang mga magulang, at dapat dumaan sa due process ang lahat ng may kaso. Ang malalaking drug lords ang kanyang huhulihin at ikukulong, ang nga adik ay ipagagamot.
Siya ang kailangan ng bayan. Na siyang mag aahon mula sa Kadiliman at kahirapan patungo sa maliwanag at masaganang bukas. Ang ina ng Bayan - Leni Robredo.

justice

15/04/2026

Kumusta na Kapamilya?

Umiyak at nalungkot ang 11,000 empleyado nang nawalan ng Trabaho noong May 5 2020, nang ipasara ni Dating Rodrigo Duterte ang ABS CBN. Naluha pati na ang mga manunuod dahil sa biglaang pagsasara ng nasabing TV Network. Isa ka rin ba sa nalungkot nuong kasagsagan ng Covid 19 na walang programa g mapanuod?
Pero sa kabila ng mga luha at kalungkutang naramdaman ng mga empleyado at manunuod, halakhak at tuwa naman ang reaction ng mga Pro Duterte.

Ngayon nalalapit na ang 2028, sino kaya kina Sara at Leni Robredo o kung sino man susunod na Pangulo ang kayang magbalik ng prankisa ng abscbn?

14/04/2026

Kumusta na po kayo?

14/04/2026

Kaway kaway dyan.

Nakita nyo ba ang liwanag? Naniniwala ka ba na siya ang itinakda sa 2028? Narito ang ilang mga senyales.
1. Masaya sya sa araw na ito hindi dahil nahaharap sa impeachment ang kanyang makakalaban kundi sadya siyang masaya
2. Ramdam nya na Siya ang may pinaka malakas na Alas sa 2028.
3. Napapanahon, Siya ang hanap ng at nais ng taungbayan sa 2028.

13/04/2026

Yakap

Solid pa ba ang suporta hanggang dulo ng mga supporters? Wala bang iwanan? May kasabihan na "makikita mo ang tunay na kaibigan at mga supporters sa oras na ikaw ay nasa kagipitan"
Aminin man o hindi ang impeachment complaint na inihain sa ating butihing VP Sara Duterte ay tunay na balakid sa kanyang hangarin tumakbo bilang Presidente sa 2028.
Ang tanong lang ma asahan pa rin ba ang mga Tagasuporta hanggang dulo, may mangiiwan ba at lilipat na parang palaka at lulundag sa kabilang bakod ng Politika.
Laban lang VP Sara.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Taguig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Taguig