Ang Rang-ay
Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralang Komunidad ng San Emmanuel National High School.
05/10/2026
๐ฉ๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
This World Teachers' Day, we honor our School Paper Advisers and SPJ Coordinator for their patience, guidance, and dedication to shaping young journalists who write with purpose and truth.
To Sir Kim, Sir Japheth, Sir Japz, and Ma'am Deb, thank you for standing with us in every deadline, every draft, and every story.
Happy World Teachers' Day! โค๏ธ๐
26/09/2026
BALITA | SENHS, binigyang-diin ang cellphone ban sa GPTA Assembly
โ๏ธ Daniella Quines, Nica Alyssia Kieth Ranga, at Shella Mae Rubin โ SPJ 10
๐ท Marie Anthonette Parian โ SPJ 9
Binigyang-diin ng San Emmanuel National High School (SENHS) ang pagpapatupad ng pagbabawal sa pagdadala at paggamit ng cellphone sa loob ng paaralan sa General Parents-Teachers Association (GPTA) Assembly na isinagawa noong Setyembre 25 sa Barangay Gym.
Ipinasailalim sa naturang patakaran ang lahat ng mag-aaral ng SENHS, na ipinatupad noong Agosto 2026. Batay sa patakaran, walang ipinahayag na exemptions sa pagbabawal sa pagdadala at paggamit ng cellphone sa loob ng paaralan.
Kapag nahuling may dalang cellphone ang isang mag-aaral sa paaralan, ito ay kinukumpiska at ibinabalik lamang sa pagtatapos ng taong panuruan, ayon sa ipinatutupad na patakaran ng paaralan.
Dinaluhan ng mga magulang at iba pang miyembro ng komunidad ng paaralan ang pagpupulong, kung saan tinalakay ang mga usapin kaugnay ng pag-aaral, disiplina, at kaligtasan ng mga mag-aaral.
Ayon kay Felamae Felongco, g**o ng SENHS, makatutulong ang pagbabawal sa paggamit ng gadgets upang mabawasan ang mga problemang kaugnay ng social media at mahikayat ang mga mag-aaral na makihalubilo sa kanilang kapwa mag-aaral nang hindi gumagamit ng gadgets.
Ipinaliwanag din sa pagpupulong na ang layunin ng patakaran ay makatulong sa pagtuon ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral at mga gawain sa loob ng silid-aralan.
Samantala, sinabi ng isang magulang na maaaring makatulong ang pagbabawal o paglilimita sa paggamit ng cellphone, ngunit hindi nito awtomatikong natitiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral. Ayon sa kanya, nakadepende rin ang epekto ng patakaran sa edad ng mag-aaral, lugar, at paraan ng pagpapatupad nito.
Binigyang-diin din ang pakikipagtulungan ng mga magulang sa pagpapaunawa sa kanilang mga anak tungkol sa dahilan at layunin ng patakaran.
Patuloy ding mino-monitor ng paaralan ang pagsunod ng mga mag-aaral sa naturang patakaran at nagsasagawa ng kaukulang hakbang sa mga paglabag.
Sa pagpapatupad ng cellphone ban, muling hinikayat ang mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak at makipagtulungan sa mga g**o sa pagsunod sa mga patakaran ng paaralan.
21/09/2026
SDO Tacurong, itatalaga bilang punong-abala para sa RSPC 2026
Nakatakdang maging punong-abala ang Schools Division of Tacurong sa Regional Schools Press Conference (RSPC) 2026 sa Disyembre 2026 sa Tacurong City, Region XII.
Ayon sa opisyal na page ng nasabing SDO, ito ang napag-usapan sa isang pagpupulong kasama ang mga opisyal ng DepEd Region XII, SDO Tacurong, at si Tacurong City Mayor Hon. Lina O. Montilla, PhD.
Inaasahang pagsasama-samahin ng paligsahan ang mga campus journalist mula sa iba't ibang dibisyon ng SOCCSKSARGEN para sa kompetisyon at pagpapalitan ng kaalaman sa pamamahayag.
09/09/2026
ICYMI | Isinagawa ng San Emmanuel National High School โ Special Program in Journalism (SENHSโSPJ) ang ikatlong School-Based Press Conference noong Agosto 15, 2026, sa ICT Laboratory ng paaralan, na may temang "Empowering Student Voices: Fostering Excellence, Ethics, and Innovation in Campus Journalism."
Humigit-kumulang 130 mag-aaral mula sa iba't ibang baitang ang lumahok sa iba't ibang events sa individual category bilang bahagi ng paghahanda ng paaralan para sa mga susunod na kompetisyon.
Matapos ang paligsahan, humigit-kumulang 70 kalahok ang naging kwalipikado upang kumatawan sa SENHS sa paparating na Division Schools Press Conference (DSPC).
Sa pamamagitan ng SBPC, patuloy na hinuhubog ng SENHS ang kakayahan ng mga mag-aaral sa responsableng pamamahayag, malikhaing pagsulat, at wastong paghahatid ng impormasyon.
Video courtesy: Stephen Jade Norberte โ Punong Patnugot
Photo courtesy: Kim Jacent E. Espaรฑola โ SPJ Coordinator at Czar Japheth G. Deles โ School Paper Adviser
08/09/2026
IN PHOTOS | Isinagawa ng San Emmanuel National High School โ Special Program in Journalism (SPJ) ang Adopt-a-School: An SPJ Extension Service for Campus Journalism Enhancement kanina, September 8, 2026, sa San Emmanuel Elementary School.
"It only takes a single match to light a spark in each of you," pahayag ni SPJ Coordinator Kim Jacent E. Espaรฑola sa mga batang jurno.
Ayon pa sa kaniya, hindi lang nakatuon sa kompetisyon ang dyurnalismo kundi sa pagpapahayag ng makatotohanan at makabuluhang impormasyon partikular na sa mga isyung panlipunan.
Tampok sa programa ang lecture proper tungkol sa news, feature, editorial, column, at sports writing, kasunod ang writeshop para sa mga batang campus journalist.
Layunin ng gawain na linangin ang kaalaman, kasanayan, at kumpiyansa ng mga mag-aaral ng SEES bilang adopted school ng SENHS sa pamamahayag bilang paghahanda sa paparating na Division Schools Press Conference (DSPC) 2026.
Kuha nina: Althea Baybayan โ Tagapamahalang Patnugot at Stephen Jade Norberte โ Punong Patnugot
06/09/2026
Hindi lamang nananatili sa lugar ng sunog ang usok. Kapag tinangay ng hangin, ang maliliit na particle mula sa forest at peatland fires ay maaaring bumiyahe patungo sa ibang bansa at makaapekto sa kalidad ng hangin.
Sa Mindanao, muling naging usapin ang haze na inuugnay sa transboundary smoke mula sa Indonesia. Ngunit paano nga ba nabubuo ang haze? Ano ang PM2.5? At paano nakaaapekto sa kalusugan at kapaligiran ang mga particle na dala nito?
Alamin natin sa agham at teknolohiya at pagpapaliwanag na report ni Mikka-Ella Dancil, isang estudyante sa ika-siyam na baitang ng Special Program in Journalism (SPJ) ng San Emmanuel National High School (SENHS).
Basahin ang buong artikulo sa bawat larawan.
Taga-anyo: Stephen Jade Norberte โ Punong Patnugot
20/08/2026
๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐
San Emmanuel National High School officially launches "๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐ ๐ฅ๐ฒ๐ฎ๐ฑ & ๐ฅ๐ถ๐๐ฒ: ๐ ๐๐ผ๐ผ๐ธ ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ถ๐ด๐ป ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ถ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ป๐ฟ๐ถ๐ฐ๐ต๐บ๐ฒ๐ป๐" in support of DepEd's Brigada Pagbasa framework!
We are aiming to collect ๐ฐ,๐ฌ๐ฌ๐ฌ ๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฟ๐ฒ๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฏ๐ผ๐ผ๐ธ๐ to enhance our school library and support our learners' reading intervention programs.
๐ ๐ช๐ต๐ฎ๐ ๐๐ผ๐ ๐ฐ๐ฎ๐ป ๐ฑ๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ฒ:
โข Academic Textbooks & Reference Guides
โข Fiction & Non-Fiction Books
โข Dictionaries & Encyclopedias
โข Reviewers & Magazines
๐ ๐๐ฟ๐ผ๐ฝ-๐ผ๐ณ๐ณ ๐ฃ๐ผ๐ถ๐ป๐๐:
โข SENHS Main Drop-off Desk (School Guard House)
โข San Emmanuel Barangay Hall
Your generosity will breathe new life into our library and empower hundreds of young minds!
๐ ๐๐ผ๐ฟ ๐ถ๐ป๐พ๐๐ถ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐: Contact 09097209013 (Glory Mae Acosta) or message our official page.
11/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐-๐๐,
๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐! ๐ฐโ๏ธ
The deadline is approaching, press packs are being prepared, and the pens are ready to roll.
San Emmanuel National High School โ Special Program in Journalism presents: School-Based Press Conference (SBPC) 2026!
Sharpen your pens. Finalize your style guides, practice your headline writing, and review ethical journalism standards.
Check your tools. Ensure your laptops are charged, cameras have clear memory cards, and note pads are stocked.
Stay focused. Truth, accuracy, and integrity are your top priorities as young campus journalists.
See you there, CJs!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
San Emmanuel National High School
Tacurong
9800
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Ang Rang-ay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.