Project Sinag Inc.
Mula sa Project Sinag, para sa baya'y patuloy na magliliwanag.
21/06/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐! ๐ฆธ๐ผโโ๏ธโจ
Ang Araw ng mga Ama ay isang makabuluhang pagpupugay sa kanilang walang kapantay na pagmamahal at walang sawang pagsisikap. Sila ang nagsisilbing matibay na haligi ng tahanan, tahimik na nagtatrabaho at nag-aalay ng sakripisyo upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya at magbigay ng maayos na kinabukasan para sa kanilang mga anak.
Ito ang tamang pagkakataon upang ipaabot ang ating taos-pusong pasasalamat at paggalang. Ang kanilang gabay at katatagan ang nagsisilbing liwanag sa gitna ng mga pagsubok, kaya nararapat lamang silang pahalagahan, mahalin, at alalahanin hindi lamang sa espesyal na araw na ito kundi sa bawat araw ng ating pamumuhay.
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ง๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง, ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฌ ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ. ๐ฑ
Nakiisa ang ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐ ๐ฆ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด ๐๐ป๐ฐ. sa ginanap na ๐๐ฟ๐ฏ๐ผ๐ฟ ๐๐น๐น๐ถ๐ฒ๐: ๐ ๐ง๐ต๐ผ๐๐๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ณ๐ถ๐๐ฒ ๐ต๐๐ป๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐ง๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ฆ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ ๐ฅ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ sa pangunguna ng ๐ฆ๐ฎ๐๐ฒ ๐ฆ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด-๐ฆ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ ๐ฅ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐๐ป๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป noong ika-7 ng Hunyo, 2026โkung saan nagkaisa ang bawat miyembro para masiguro na ang bawat punlang kanilang itinanim ay masaganang lalago at mapapangalagaan.
Patunay ang aktibidad na ito na sa simpleng pagtatanim, may malaking ambag ang bawat isa sa pangangalaga ng ating kalikasan, sapagkat ang mas luntiang kinabukasan ay magsisimula sa mga bagay na ating isinasagawa ngayon. ๐
12/06/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง, ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ! ๐ต๐ญ
Ngayong ika-12 ng Hunyo, ating ipinagdiriwang ang pagkakaisa, katapangan, at paninindigan ng bawat Pilipino. Ang kalayaan na ito ay hindi lamang alaala ng nakaraan, ngunit ito ay isang responsibilidad ng bawat isa na mapangalagaan ang ating bansa sa pamamagitan ng paggalang at aktibong pakikilahok sa mas maunlad na kinabukasan.
Sa paggunita ng araw na ito, patuloy nating alalahanin at pahalagahan ang mga sakripisyo ng ating mga bayaniโpatuloy nating ipagmalaki at ibahagi ang ating lahi, kasaysayan, at kultura, dahil bilang mga kabataan at mamamayan, tayo ang pag-asa na magpapatuloy ng kahalagahan at diwa ng kalayaan.
09/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐งน๐งค
Noong ika-5 ng Hunyo, 2026, masigla at matagumpay na nakilahok ang ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐ ๐ฆ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด ๐๐ป๐ฐ. sa Clean-Up Drive sa ๐๐ฟ๐ด๐. ๐๐ฝ๐น๐ฎ๐๐ฎ, kasama ang ๐๐ถ๐๐ ๐๐ป๐๐ถ๐ฟ๐ผ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ก๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐๐ฟ๐ฐ๐ฒ๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ (๐๐๐ก๐ฅ๐ข) ng Lungsod ng Santa Rosa, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Environmental Month 2026. Nagsimula ang aktibidad nang ika-6 ng umaga kasama ang mga boluntaryo ng organisasyon at mga miyembro ng lokal na komunidad, kung saan sabay-sabay na nagsagawa ng paglilinis at pagdampot ng mga nakakalat na basura sa iba't ibang bahagi ng lawa alinsunod sa temang "Inspired by Nature, For Climate, For Our Future".
Matapos ang aktibidad, maingat na pinaghiwa-hiwalay at pinakilo ang lahat ng nakolektang basura sa mga sako para sa wastong disposisyon at pamamahala nito. Layunin ng hakbang na ito na makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating kapaligiran, maitanim ang malasakit para sa kalikasan, at patunayan na ang pagkakaisa ng bawat isa ay nagbubunga ng tunay at positibong pagbabago โ isang araw na hindi lang puno ng layunin, kundi napuno rin ng saya at pag-asa para sa mas luntiang kinabukasan!
08/06/2026
๐ช๐ฎ๐ถ๐, ๐๐ฎ๐ถ๐, ๐๐ฎ๐ถ๐, ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ฒ'๐ ๐บ๐ผ๐ฟ๐ฒ! ๐
Isang ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง din sa ating masipag at dedikadong ๐๐ฑ๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ญ๐๐ซ๐ฒโ๐๐๐ฐ๐ซ๐๐ง๐๐ ๐๐๐ฎ๐ฅ๐๐ง! ๐โจ๏ธ
Sa bawat responsibilidad na ibinibigay sa iyo, nakikita ng organisasyon ang iyong dedikasyon at puso. Ang mga ito ay hindi lamang nakatutulong sa organisasyon ngunit nagsisilbi ring inspirasyon sa lahat ng miyembro na iyong nasasakupan.
Sa araw na ito, hangad namin na maramdaman mo ang iyong kahalagahan at kung gaano karami ang taong humahanga sa 'yong kasipagan. Nawa'y mapuno ang iyong kaarawan ng biyayang katumbas ng iyong ibinibigay sa iba.
Muli, ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐
๐ฒ๐ฐ๐๐๐ถ๐๐ฒ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐ฒ๐๐ฎ๐ฟ๐, ๐๐ฎ๐๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฆ๐ฎ๐๐น๐ฎ๐ป! ๐ฑ
08/06/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง, ๐๐๐ฉ๐ฎ๐ญ๐ฒ ๐๐ฑ๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐ข๐ซ๐๐๐ญ๐จ๐ซ, ๐๐ข๐ ๐๐ง๐๐ซ๐๐๐! ๐
Sa bawat gawaing iyong ginagampanan, aming nakikita ang iyong sipag, dedikasyon, at malasakit sa organisasyon at sa bawat kabataan na ating pinaglilngkuran. Mula sa maliliit na simula at detalye hanggang sa malalaking hakbang upang mas mapalakas at mapalawak ang ating mga programa at adbokasiya.
Lubos ang aming pasasalamat sa iyong patuloy na paggabay, pagbibigay-suporta, at inspirasyon sa mga miyembro ng Project Sinag. Ang iyong pamumuno ay isa sa mga dahilan kung bakit na patuloy na nagliliwanag ang ating organisasyon.
Muli, ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฝ๐๐๐ ๐๐
๐ฒ๐ฐ๐๐๐ถ๐๐ฒ ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐๐ผ๐ฟ, ๐๐ถ๐ฎ ๐๐ป๐ฑ๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ฒ! ๐พโจ๏ธ
06/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐ผ
Ngayong Buwan ng Pagmamalaki, buong-pusong nakikiisa tayo sa bawat miyembro ng komunidad ng LGBTQIA+. Ipinagmamalaki natin ang bawat natatanging pagkakakilanlan, at itinuturing nating bahagi ng ating adbokasiya ang pagtataguyod ng respeto at dignidad para sa lahat, anuman ang kasarian o oryentasyon.
Naninindigan tayo para sa ligtas na espasyo para sa bawat isa, at patuloy na lalaban laban sa anumang uri ng diskriminasyon. Dahil ang pag-ibig ay katotohanan, ang paggalang ay karapatan, at ang liwanag ng katarungan ay para sa lahat ng nais mamuhay nang malaya at totoo. ๐
04/06/2026
๐๐๐๐๐: ๐๐๐ค๐๐ฉ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ค๐๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐๐ง ๐๐ญ ๐๐๐๐จ๐ค๐๐ฌ๐ข๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ -๐๐ฐ๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐
Noong ika-23 ng Mayo, 2026, nakiisa ang Project Sinag Inc. sa programang YAKAP mula sa imbitasyon ng ๐๐๐๐ฅ๐ at ๐๐๐๐๐ข, kung saan ito ay naglalayon upang palawakin ang kaalaman ng bawat kabataan tungkol sa kalusugang pangkaisipan at pag-iwas sa ilegal na droga.
Sa nasabing programa ay nabigyan ng pagkakataon ang ating ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ, ๐๐ฏ. ๐๐ฒ๐ป๐ป๐ถ๐ฐ๐ฎ ๐๐ถ๐ฎ๐, kung saan tinalakay niya kung ano ang mental health at ang mga paraan upang mapanatili at mapalakas ang mabuting kalusugang pagkaisipan. Dagdag pa rito, pinangunahan naman ni ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป, ๐. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ผ ๐๐ฒ ๐ข๐ฐ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ผ ๐๐ฟ. ang pagtalakay tungkol sa Substance Abuse at ang epekto nito sa mga Kabataan, maging ang mga pinagkaiba ng mga medical at illegal drugs, kung saan tinalakay din ang iba't ibang uri ng mga ilegal na droga at ang mga paraan kung paano ito iiwasan upang hindi makasama sa sarili at sa komunidad.
02/06/2026
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | Balikan ang mga kaganapan sa isinagawang Finance Workshop.
01/06/2026
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | Balikan ang mga naging kaganapan sa Laguna Youth Patroller na ginanap sa Alonte Sports Arena, Biรฑan Laguna.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Santa Rosa
4026