Tugma.

Tugma.

Share

Tugma at mga talata mula sa isang buhay na itinugma ng Diyos ang bawat pahina.

31/10/2024

KAMUSTA

Kamusta?
Salitang karaniwan na
Minsa'y isang tanong,
Madalas ay pagbati pa nga

Ngunit ito nga ay isa din
Sa mga mahirap sagutin
Sa mabigat ang saloobin,
Mistulang puso ay pipigain

Isang tanong ng kamusta
Maaaring magpalaya
Kung dibdib ay mabigat na
Sana ay sagutin mo na..

13/09/2024
10/09/2024

Jonas 2:6-7

⁶Ako'y bumabâ sa paanan ng mga bundok,
sa libingan ng mga patay.
Ngunit mula roo'y buháy akong iniahon, O Yahweh.

⁷Nang maramdaman kong malalagot na ang aking hininga,
naalala ko kayo, Yahweh. Ako'y nanalangin,
at mula sa banal ninyong Templo, ako'y inyong narinig.

28/03/2024

Liham sa Batang Ako

Kamusta?
Marahil ika'y nagtataka
Kung sino ba itong nangangamusta.
Nais ko lang balitaan ka,
Ngayon lang kita muling naalala.

Siguro'y hindi mo na ako kilala,
'Pagkat ako'y malayo na,
At sa inaasahan mo'y ibang iba.
Sa ugali at kalagayan ay di halata,
Na tayo ay dating iisa.

Alam kong nangangarap ka,
Matayog, malawak, at puno ng pag-asa.
Mga bagay na ngayon ay wala ka,
Alam kong tinatanaw mo na.
Umaasang bukas ay meron na.

Ngunit pasensya ka na,
Mga pangarap mo'y di ko pa nakukuha.
Ako'y maunawaan mo sana,
Kung ako din ay tumatanaw pa,
Sa mga pangarap na sa'yo nagmula.

Alam ko ding natatakot ka,
Ngunit magandang balita,
Ang takot ay hindi ko na kilala.
Hindi na ako madaling sumuko at manghina,
Marunong nang tumayo sa pagkadapa.

'Wag ka sanang mawalan ng pag-asa.
Ako'y malayo pa, ngunit malayo na.
Asahan mong aanyayahan kita,
Sa oras na tagumpay ay malapit na.
Pangakong ipapasyal kita,
Sa mga pangarap mong tinitingala.

Makakaasa ka.

29/12/2023

Dear Kape,

Kaibigan, ika'y
Mapait, matapang, matamis at malinamnam.
Sigla't lakas dala mo sa'king pakiramdam.
Dumaloy ka sa'king katawa'y lagi kong asam
Kung 'di ka matikma'y mistulang mamamaalam

Hilig at panlasa ng karamiha'y nakuha mo.
Maaaring dahil sa lasa't sarap na dala mo,
O sa init at ginhawang taglay mo.
Ngunit higit pa sa mga ito ang dahilan na mayroon ako.
Mga dahilang magsasabi kung paanong ako, ay nahilig sayo.

Dear Kape,
Ito ay liham mula sa isang taong nabihag mo.
Hindi ko rin alam kung kailan o paanong
Ikaw, at tapang na taglay mo'y
Mistulang naging gamot,
Sa karamdaman ng puso't isip ko.
Karamdamang 'di makita ng doktor o aparato,
'Pagkat ito'y nasa kaloob looban ko.
'Ni hindi ko nga alam kung lahat yon ay totoo,
Ngunit isa lang ang alam ko.
Lahat ng 'yon, gaano man kalalim ay napapawi mo.

—Tugma.[2023]

04/12/2023

I Am Done.

26/10/2023

🙌🙌

27/02/2023

Kung ika'y hirap na,
Isa lamang paalala,
Hindi kahinaan na lumuha
Sa'ting Diyos na Lumikha.

23/02/2023

"Salamat sa pagtapos"

Sa mismong sandaling ito,
Lubos na galak ang taglay ko
Di maipaliwanag na silakbo
Ang laman ng puso ko

Pagkat ako'y Iyong itinayo,
Nang ako'y nasa bingit ng pagsuko
Di ako hinayaang matalo
Sa digmaang nasa kalooban ko

Salamat sa Iyo aking Diyos
Kailanma'y 'di naubos o kinapos
Tunay na sa bawat mong haplos
Paghihirap ko'y lubusan Mong tinapos.

10/02/2023

Natagpuan ng Iyong pag-ibig na dakila.🤍

05/02/2023

May Kulay Na🤞

05/02/2023

Hindi ko na maintindihan
Ang aking nararamdaman
Sa kalooba'y mistulang may digmaan
Laban sa pagitan ng puso at isipan

Isipang nagsasabing ako'y nasasaktan
Kaya't dapat akong gumanti at lumaban
Ngunit sabi ng puso'y aking pigilan
Ang makasakit ng iba'y aking iwasan

Dito ko lamang naintindihan
Na ang pinakamahirap na digmaan
Ay ang labanang nasa aking kalooban
Kung saan si Ako at Ako ang magkalaban.
..

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Santa Rosa
4026