Barangay San Rafael - Montalban, Rizal

Barangay San Rafael - Montalban, Rizal

Share

Ito ang opisyal na page ng Pamahalaang Barangay ng San Rafael sa Bayan ng Montalban, Rizal.

06/10/2026

PAGKILALA AT PASASALAMAT SA MGA NAGLINGKOD AT TUMULONG SA SEARCH AND RESCUE OPERATION

Taos-pusong pagkilala at pasasalamat ang ipinapaabot ng Pamahalaang Barangay ng San Rafael sa lahat ng naglaan ng oras, lakas at kaalaman upang tumulong sa isinagawang paghahanap sa labi ng isang taong nalunod sa Wawa River.

Lubos nating pinahahalagahan ang dedikasyon ng mga kawani ng Pamahalaang Barangay ng San Rafael, partikular ang ating Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) at Barangay Public Safety Office (BPSO) gayundin ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Montalban, partikular ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), mga kawani ng Philippine Coast Guard, at ang mga residenteng nagmalasakit at boluntaryong nakiisa sa paghahanap.

Ang inyong pagtutulungan, sakripisyo at malasakit ay tunay na nagpapakita ng diwa ng bayanihan, lalo na sa panahon ng pagsubok. Maraming salamat sa inyong walang pagod na pagtugon upang makatulong sa pamilya ng biktima.

Kasabay nito, taos-pusong ipinapaabot ng Pamahalaang Barangay ng San Rafael ang aming pakikiramay sa pamilya at mga naulila. Nawa’y bigyan kayo ng Panginoon ng lakas, kapanatagan at pag-iingat sa panahon ng inyong pagdadalamhati.

Muli rin po kaming nakikiusap sa ating mga dumadayong turista at bisita na mahigpit na sundin ang mga ipinagbabawal na lugar para sa pagligo at ang lahat ng babala at paalalang nakapaskil sa mga delikadong bahagi ng ilog.

Ang mga pagbabawal at paalalang ito ay hindi upang hadlangan ang ating pamamasyal, kundi upang mapangalagaan ang buhay at maiwasan ang anumang sakuna. Hinihiling namin ang inyong pakikiisa at pagiging responsable upang maging ligtas ang bawat pagbisita sa ating lugar.

Mula sa Pamahalaang Barangay ng San Rafael, sa pamumuno ni Kapitan Judith Cruz at ng Sangguniang Barangay, maraming salamat sa lahat ng tumulong at patuloy na naglilingkod para sa kaligtasan ng ating mga kabarangay at bisita.

Photos from Barangay San Rafael - Montalban, Rizal's post 05/10/2026

UNITY WALK | 3RD BARANGAY SAN RAFAEL DAY

Narito ang ilan sa mga kuhang larawan mula sa isinagawang Unity Walk ng Pamahalaang Barangay ng San Rafael noong Setyembre 29, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ating 3rd Barangay San Rafael Day.

Sama-samang nakilahok ang ating mga kabarangay, HOA, mga samahan, organisasyon, at iba’t ibang sektor ng ating komunidad bilang pagpapakita ng pagkakaisa, pakikiisa at pagmamahal sa ating Barangay San Rafael.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang na ito!

Mula sa Pamahalaang Barangay ng San Rafael, sa pamumuno ni Kapitan Judith Cruz at ng Sangguniang Barangay, taos-pusong pasasalamat sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa.

Photos from Barangay San Rafael - Montalban, Rizal's post 05/10/2026

LIBRENG GAMOT PARA SA ATING MGA KABARANGAY

Patuloy ang Pamahalaang Barangay ng San Rafael sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kabarangay at kababayan.

Sa buong buwan ng Setyembre, muling nakatanggap ng libreng gamot ang ating mga kwalipikadong kabarangay mula sa ating Botika sa Barangay. Layunin nito na makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangang pangkalusugan ng ating mga residente, lalo na sa mga nangangailangan ng regular na gamot.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng patuloy na nagtitiwala at nakikiisa sa ating mga programa. Nawa’y maging daan ang serbisyong ito upang mas mapalapit sa bawat pamilya ang kinakailangang tulong at serbisyong pangkalusugan.

Mula sa Pamahalaang Barangay ng San Rafael, sa pamumuno ni Kapitan Judith Cruz at ng Sangguniang Barangay, patuloy nating isusulong ang mga programang tunay na may malasakit at direktang nakatutulong sa ating mga kabarangay.

Photos from Barangay San Rafael - Montalban, Rizal's post 05/10/2026

FLAG RAISING CEREMONY | PAGPUPUGAY AT PASASALAMAT

Isinagawa ngayong araw ang regular na Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Barangay ng San Rafael, kasama ang mga opisyal at kawani nito bilang pagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa ating watawat at sa ating bayan.

Kasabay ng programa, binigyang-pugay at pasasalamat ang mga g**ong tagapag-alaga mula sa iba’t ibang Child Development Centers ng Barangay San Rafael, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day. Maraming salamat sa inyong malasakit, tiyaga at dedikasyon sa paggabay at paghubog sa ating mga kabataan.

Binigyang-pagkilala rin ang mga masisipag na kawani ng Barangay Environment and Natural Resources Office (BENRO) at Clean and Green, na patuloy na nangangalaga at nagpapanatili sa ating HAPAG Eco-Garden at Material Recovery Facility (MRF). Ang kanilang sipag at dedikasyon ay naging mahalagang bahagi ng pagkakamit ng Barangay San Rafael ng mga pagkilalang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal:

🏆 Community Garden Awardee
🏆 MRF Awardee
🏆 Greenest Barangay – 4th District Awardee

Ang mga parangal na ito ay patunay na ang sama-samang pagkilos at malasakit sa kalikasan ay nagbubunga ng isang mas malinis, mas maayos at mas luntiang pamayanan.

Matapos ang palatuntunan ng pagbibigay-pugay sa watawat ng Pilipinas, isinagawa naman ang pagbabasbas at panalangin para sa mga bagong sasakyan at kagamitan na natanggap ng ating Pamahalaang Barangay. Pinangunahan ito ni Rev. Father Marc Anthony Ramos, bilang panalangin para sa ligtas at maayos na paggamit ng mga ito sa patuloy na paglilingkod sa ating mga kabarangay.

Mula sa Pamahalaang Barangay ng San Rafael, sa pamumuno ni Kapitan Judith Cruz at ng Sangguniang Barangay, taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kawani at lingkod-bayan na patuloy na nagbibigay ng kanilang oras, sipag at puso para sa kapakanan ng ating komunidad.

Patuloy tayong magkaisa sa paglilingkod, pangangalaga sa kalikasan, at pagbuo ng mas maunlad at ligtas na Barangay San Rafael.

05/10/2026

MALIGAYANG WORLD TEACHERS’ DAY!

Taos-pusong pagbati at pasasalamat mula sa Pamahalaang Barangay ng San Rafael sa lahat ng ating mga minamahal na g**o na walang sawang naglalaan ng panahon, kaalaman, malasakit at dedikasyon para hubugin ang kinabukasan ng ating mga kabataan.

Sa bawat aral na inyong itinuturo, inspirasyong ibinabahagi, at hamong inyong hinaharap, kayo ay nagsisilbing ilaw at gabay sa bawat mag-aaral tungo sa kanilang mga pangarap.

Maraming salamat sa inyong sakripisyo at patuloy na paglilingkod. Tunay na kayo ay mga bayani ng edukasyon!

Maligayang World Teachers’ Day sa lahat ng ating mga g**o!

Mula sa Pamahalaang Barangay ng San Rafael, sa pamumuno ni Kapitan Judith Cruz at ng Sangguniang Barangay, maraming salamat po sa inyong walang katumbas na ambag sa kinabukasan ng ating pamayanan.

05/10/2026

ABISO PUBLIKO | REAL PROPERTY TAX (RPT)

Sa mga Montalbeñong nais magbayad nang maaga, tumatanggap na ang Municipal Treasurer’s Office ng advance payment para sa 2027 Real Property Tax (RPT) o amilyar.

May 20% discount para sa advance payment, para sa updated RPT lamang. Magbayad nang maaga upang makaiwas sa abala at maayos na mapaghandaan ang inyong obligasyon.

Photos from Barangay San Rafael - Montalban, Rizal's post 02/10/2026

PASASALAMAT PARA SA KALIGTASAN NG ATING MGA KABARANGAY! 🚨

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Pamahalaang Barangay ng San Rafael sa Prime Infra Foundation Inc., Olympia Violago, at Wawa JVCo sa kanilang mahalagang donasyon ng mga Emergency Response Equipment and Supplies na malaking tulong sa ating Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO).

Kabilang sa mga ipinagkaloob ang:

🟢 2 units - Rescue Boats
🟢 100 pcs – Rain Coat
🟢 30 pcs – Pocket Size Flashlights
🟢 10 pcs – Heavy Duty Flashlights
🟢 200 meters – Kernmantle Rescue Rope
🟢 5 sets – Trauma Bag with Contents
🟢 50 pcs – Whistle
🟢 100 pairs – Rain Boots
🟢 5 units – Megaphones
🟢 30 units – Modular Tents
🟢 20 pcs – Life Ring/Buoy
🟢 20 pcs – Healthy Lifestyle Flyers

Ang mga kagamitang ito ay mas magagamit natin sa paghahanda, pagresponde at pagtugon sa mga emergency at kalamidad, lalo na sa panahon ng sakuna at iba pang sitwasyong nangangailangan ng agarang aksyon. Makakatulong ito upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng ating BDRRMO at mapangalagaan ang kaligtasan ng ating mga kabarangay.

Lubos din ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Lalawigan ng Rizal sa pamumuno ni Governor Nina Ynares, kay Congressman Tom Hernandez ng 4th District of Rizal, at kay Mayor General Ronnie Evangelista, sa patuloy na suporta sa ating mga adbokasiya, programa at proyekto para sa kapakanan at kaligtasan ng ating komunidad.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at patuloy na pagtulong sa Pamahalaang Barangay ng San Rafael.

Mula sa Pamahalaang Barangay ng San Rafael sa pamumuno ni Kapitan Judith Cruz at Sangguniang Barangay, maraming salamat sa inyong malasakit at suporta!

01/10/2026

Maligayang Kaarawan Congresswoman Hon. Rebecca Maria "Mia" A. Ynares ng Unang Distrito ng Rizal!

Hangad namin ang iyong mabuting kalusugan at malakas na pangangatawan upang patuloy mong mapaglingkuran ang ating mga kalalawigan mula sa unang distrito ng Rizal.

Pagbati mula sa Pamahalaang Barangay ng ating Kapitan Judith Cruz kasama ang Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng San Rafael.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Rodriguez?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Sitio Libis Barangay San Rafael
Rodriguez
1860

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5am
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 12pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Rafael - Montalban, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Rodriguez.