Aw Aw
its all about me!❤️❤️
Ako lang ba nagpapakain ng raw fish sa GR nila?
Si awaw kasi paborito na yan dati pa..
Ang nakakatawa, ayaw nya kainin pag may ulo, naaawa ata sya sa isda kasi nakatingin sa kanya🤣🤣🤣
PS: yung mga kasama nya bawal sa raw fish kasi kinakati sila🤷.. si awaw lang may tolerance sa raw fish.. Pati sa hipon😅
01/08/2026
Alam ko na agad na magaling na sya kasi nagyaya nang maligo sa ulan..
Ayan napagod pagtapos magbanlaw..
Bumakat na talaga sa katawan nya yung buto nya dahil sa kapayatan.
Halatang halata nung nabasa sya..
Pero ok lang, madali na yan habulin..
Ang importante magaling na sya... ❤️❤️❤️
-furdad
29/07/2026
3 days after vet visit.. still recovering.. bumabalik na ang energy nya pero napansin ko nagiging picky easter sya, bland diet sya ngayon chicken breast and rice lang.. hinahaluan ko ng sayote sometimes pero yung kanin binawasan ko, pag maraming kanin ayaw nya kainin.. isa pa sa napansin ko para syang bumalik sa pagiging puppy, halos buong araw natutulog lang sya..kahit sa gabi.. kakain lang, mag walk for 30 mins to 1 hour, pag uwe tulog agad... halatang nagbabawi.. ang laki ba naman ng binawas ng timbang nya.. wala na yung diarrhea at vommiting. Firm na din ang stool.. may napansin din ako sa kanya neto lang, kahit tulog sya, pag wala ako sa line of site nya hahanapin nya ako, tapos matutulog lang sya kung saan ako malapit.. pag lumipat ako ng lugar lilipat din sya, hindi sya nadikit sakin, basta nagsstay lang sya malapit sakin.. hindi ko alam kung tapos na yung dinosaur era nya or talagang may nararamdaman lang sya.. nakakapanibago..
-furdad
26/07/2026
Haaaay... kawawa naman almost 2 kilos binagsak ng timbang🥲🥲🥲...
Kagagaling lang namin ng vet..
Fully recovered na kaso yun nga lang, ang laki ng pinayat.
Hindi pa bumabalik yung usual appetite pero masigla na.
Pahamak yung baryang yun..🤷🤷🤷
Pagaling kana para makapag swimming na tayo ulit🥲🥲🥲
-furdad
19/07/2026
19/07/2026
Ang taba ng alien🤣🤣🤣🤣
Simula na ng turok serye ng alien🤣🤣🤣🤣🤣 #
19/07/2026
Naalala nyo yung huling post nung nakalunok ako ng barya?
Ayan natuluyan na akong nasiraan ng tyan..
Pang 2 days 1 night na ngayon, suk@ t@e ako..
Pinag fasting while taking electrolyte, gatorade blue pa nga, 1 tablespoon every 30 mins..
sa ngayon naka recover na ako pero hindi pa ako pinapakain ng marami ni furdad🤷..
hindi din naman sila sure kung sa barya kaya nasira ang tyan ko kasi nalabas ko na yung barya bago ako nag diarrhea..
Schedule ko sana ng heartworm shots kaso bawal daw pag may diarrhea kaya next week nalang..😅😅😬😬
17/07/2026
Nakalunok ako ng barya😅😅🤷🤷.. pero nalaman lang ni furdad nung tin@e ko na🤣🤣🤣
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Rodriguez