Mister Titulo RPh
Processing Government Documents
Bakit madalas nagkaka-away ang pamilya sa Extrajudicial Settlement (EJS)?
Ang Extrajudicial Settlement of Estate ay paraan para hatiin ang ari-arian ng namatay nang hindi dumadaan sa korte—pero sa realidad, dito rin madalas nagsisimula ang alitan.
Mga karaniwang problema:
1️⃣ Hindi nagkakasundo ang heirs
May gustong ibenta, may gustong panatilihin, may gustong hatiin.
2️⃣ May nakatira na sa lupa
Kahit siya ang nag-alaga o nagbayad ng amilyar, sa batas pantay pa rin ang mana.
3️⃣ May lumalabas na ibang heir
Halimbawa: illegitimate child o apo na may karapatan din sa mana.
4️⃣ Magulo o kulang ang dokumento
Tax declaration lang, walang titulo, o patay na ang nakapangalan sa title.
5️⃣ Hindi magkasundo sa value ng lupa
Nagiging debate kung ibebenta o magkano ang tunay na halaga.
6️⃣ Ayaw mag-ambag sa gastos
Estate tax, transfer tax, registration fees.
7️⃣ May utang o sangla ang lupa
Kailangang ma-settle muna bago maipamahagi.
8️⃣ May ayaw pumirma
Kapag may isang heir na tumanggi, hindi matutuloy ang EJS at mauuwi sa korte.
💡 Reality sa Pilipinas:
Maraming lupa ang hindi nahahati ng 20–50 taon dahil sa family conflict sa mana.
05/03/2026
1️⃣ By Ownership / Tenure
Kung sino ang may legal rights sa lupa:
• Private Land – Pag-aari ng indibidwal o kumpanya; puwede bilhin, ibenta, paupahan.
• Public Land / Government-Owned Land – Pag-aari ng gobyerno, hindi puwede basta-basta ibenta ng private.
• Sub-types:
• Alienable and Disposable (A&D) Land – Maaaring ibenta o ipamahagi sa private.
• Forest Land / Protected Area – Reserved para sa kalikasan; bawal ibenta o gamitin maliban sa permit.
⸻
2️⃣ By Use / Purpose
Kung paano puwedeng gamitin ang lupa:
• Residential Land – Para sa bahay o tirahan.
• Agricultural / Farmland – Para sa pagsasaka, gulayan, o livestock.
• Commercial Land – Para sa negosyo, mall, o tindahan.
• Industrial Land – Para sa factories o plants.
• Special Purpose / Institutional – Para sa eskwelahan, ospital, simbahan, airport, highway.
⸻
3️⃣ By Physical Characteristics
• Alienable / Disposable Land – Puwedeng ipamahagi o ibenta.
• Inalienable / Reserved Land – Reserved for public purpose; hindi puwedeng ipagbili.
• Coastal / Foreshore Land – Lupa sa tabi ng dagat; may limitadong ownership.
⸻
4️⃣ By Tax Declaration / Registration
• Registered / Titled Land – May TCT/OCT; pinakamataas na proof ng ownership.
• Untitled / Tax Declaration Only – May tax dec lang, hindi pa legal na titulo.
⸻
Simpleng Tip
• Know the classification bago bumili o mag-invest – may effect sa transfer, taxes, at possible use.
• Halimbawa: Agricultural land → hindi puwede gawing subdivision o mall nang walang conversion.
This is for educational purpose only
01/03/2026
Mas mahalaga ang fulfilled na buhay kaysa successful na buhay.
Ang success, base sa tingin ng iba.
Ang satisfaction, base sa puso mo.
HELP PEOPLE TO TRANSFER NAME IN THEIR TITLE
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Public Market, Ramon Isabela
Ramon
3319