Mayor Ralph Lim
Official page of Mayor Ralph Lim - San Andres, Quezon Province
[email protected]
23/09/2026
DOH: ALAMIN ANG MGA POSIBLENG PINAGMUMULAN NG LEPTOSPIROSIS
Hindi lang sa baha nakukuha ang Leptospirosis, maaari rin itong makuha sa maruming lupa, putik, at iba pang lugar na may latak ng ihi ng daga. Basahin ang post na ito para malaman ang iba't ibang posibleng pinagmumulan ng sakit at maiwasan ang panganib nito.
Kung lumusong sa baha o naexpose sa alinman sa mga nabanggit sa post, agad na magtungo sa health center o YAKAP clinic, may sintomas man o wala. Tumawag sa National Emergency Hotline 911 kapag kailangan ng tulong.
22/09/2026
Congratulations sa ating kababayan, Mx. Jamille De Vega!
Hinirang na kauna-unahang Miss Berโgay 2026 na ginanap sa Mulanay bilang bahagi ng gawain ng kanilang paaralan.
๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!๐
The Municipal Tourism Office of San Andres proudly extends its warmest congratulations Kababayan ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ for being crowned ๐๐ข๐ฌ๐ฌ ๐๐๐ซโ๐๐๐ฒ ๐๐๐๐!๐ณ๏ธโ๐๐ organized by Poblacion IV of ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐๐ฒ.
๐ ๐๐๐จ๐จ ๐ฝ๐๐งโ๐๐๐ฎ 2026
๐ ๐๐๐จ๐จ ๐พ๐ค๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐ฉ๐ฎ
๐ ๐ฝ๐๐จ๐ฉ ๐๐ฃ ๐พ๐๐จ๐ช๐๐ก
Your achievement reflects not only your beauty and confidence, but also your authenticity, grace, and inspiring personality. May you continue to shine, embrace your uniqueness, and inspire others to be proud of who they are. ๐
๐พ๐ค๐ฃ๐๐ง๐๐ฉ๐ช๐ก๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐จ, ๐
๐๐ข๐๐ก๐ก๐! ๐๐ ๐๐ง๐ ๐จ๐ค ๐ฅ๐ง๐ค๐ช๐ ๐ค๐ ๐ฎ๐ค๐ช!
๐
22/09/2026
๐ ๐๐ ๐๐ง๐๐๐ง๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐ก ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ก ๐ก๐ ๐๐จ๐ ๐๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฅ๐ข๐ก๐ ๐ค๐จ๐๐ญ๐ข๐ก, ๐๐๐ก๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐
Pinangunahan nina Mayor Ralph Lim at Vice Mayor Nelson Ausa ang ginanap na pagpaparangal nitong Biyernes, Setyembre 18, para sa mga atletang San Andresin na nag-uwi ng tagumpay mula sa Palarong Quezon kamakailan
Muling kinilala sa programa ang natatanging tagumpay ni Laymar P. Angeles na nakasungkit ng apat na gintong medalya sa Secondary Track and Field (100m, 200m, 400m Run, at 4x100m Relay) kasama nina Justine M. Guevarra, Jemel M. Angeles, at Rix A. Toyco. Nag-uwi din ng ginto sina Justine M. Guevarra sa (110m Hurdles) at Aizel O. Alames sa (2000m Walkathon), habang ang iba naman ay nakapag-uwi rin ng silver at bronze medal mula sa iba pang larangan.
Hindi rin nagpahuli ang koponan ng Boxing matapos magtala ng limang kampeon sa iba't ibang kategorya ng timbang sina Archie A. Aurellana, Elizer T. Invento, Reymark T. Dela Torre, Renato Simon E. Emprese, at Renso V. Padua at iba pa.
Sa programa, ipinahayag ng mga lokal na opisyal ang kanilang pagbati at pasasalamat sa mga atleta sa kanilang husay at dedikasyon na nagbigay ng inspirasyon at karangalan sa buong bayan ng San Andres.
I ๐ SAN ANDRES
21/09/2026
Ngayong araw, Setyembre 21 ay pormal na binuksan ng Pamahalaang Bayan ng San Andres, Quezon ang pagdiriwang ng ika-126 Philippine Civil Service Anniversary sa pamamagitan ng isang parada na lumibot sa mga pangunahing lansangan ng Brgy. Poblacion na nilahukan ng mga kawani mula sa iba't ibang ahensiya at tanggapan ng Pamahalaang Bayan bilang pagkilala.
Bukod sa parada, nakatakda rin ang ilang mga palaro na bahagi ng aktibidad na inihanda ng iba't ibang tanggapan para sa buong linggo ng selebrasyon ng Philippine Civil Service Anniversary 2026
I ๐ SAN ANDRES
20/09/2026
TINGNAN: Cash incentives na P10,000, naipagkaloob sa tatlong (3) na nakatatanda sa bayan ng San Andres, Quezon nitong araw ng Huwebes, Setyembre 17, 2026
Pinangunahan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pangunguna ni OSCA Chairperson Andrea S. Banal kasama si Mayor Ralph Lim ang pamamahagi ng nasabing insentibo sa ilalim ng Expanded Centenarian Act o (RA No. 11982), ayon sa naturang batas, makatatanggap ang mga kwalipikadong senior citizens ng halagang P10,000 pagdating sa edad na 80, 90, 95, habang 100,000 libong piso naman ang nakatakda pa nilang matanggap pagtungtong sa edad na 100.
Bukod naman sa nasabing insentibo, tumanggap rin ang mga ito ng sertipiko ng pagkilala bilang tanda ng kanilang mahabang buhay at naging kontribusyon sa ating komunidad.
I ๐ SAN ANDRES
Puwede nang mangarap sabi ni Lyca Gairanod ๐ Tara po sa Alibijaban, Makapaya, Silangang-Yugno, at Nabaroto.
19/09/2026
โ ๏ธ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐โ ๏ธ
May pekeng Facebook account na gumagamit ng pangalang โMayor Ralph Limโ at aking larawan.
Mangyaring huwag maniwala, tumugon, o magbigay ng pera at personal na impormasyon sa account na ito.
๐ด ๐-๐ง๐๐ฅ๐ค๐ง๐ฉ ๐ฅ๐ค ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ค๐ช๐ฃ๐ฉ:๏ฟฝhttps://www.facebook.com/profile.php?id=61579750151645
Para sa opisyal na impormasyon at updates, dito lamang po sa aking ๐ผ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ฎ๐ฐ๐ฒ๐ฏ๐ผ๐ผ๐ธ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฒ.
Maraming salamat po sa inyong pag-iingat at pakikiisa. ๐
18/09/2026
| ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐: ๐ฆ๐๐ก ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฆ ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ฅ๐ฆ, ๐ ๐๐ฌ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐ข๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง๐จ๐ก๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐-๐ง๐ข๐จ๐ฅ๐๐ฆ๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐จ๐๐ง๐ข
Kanina, nakiisa ang San Andres Tourism Office sa Culminating Program ng matagumpay na Coconut Farming Household Upskilling and Enterprise Transformation (Phase 2): ๐๐ง๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ค๐ฃ ๐พ๐ค๐๐ค๐ฃ๐ช๐ฉ ๐๐๐ก๐ช๐-๐ผ๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐ค๐ก๐ค๐๐๐๐จ ๐๐ค๐ง ๐๐ค๐ฃ-๐๐ค๐ค๐ ๐๐ง๐ค๐๐ช๐๐ฉ ๐ฟ๐๐ซ๐๐ก๐ค๐ฅ๐ข๐๐ฃ๐ฉ, sa ilalim ng COCOHUT Project, na isinagawa ngayong September 14โ18, 2026 sa Brgy. Camflora, San Andres, Quezon na pinangasiwaan ng MOCA Family Farm RLearning Center Inc.
Sa programa, aktuwal na nasaksihan ng mga Tourism Personnel ang ibaโt ibang produktong likha mismo ng ating mga kapwa San Andresin bilang bunga ng kanilang limang araw na pagsasanay.
Aktibong nilahukan ito ng mga coconut farmer mula sa pitong (7) barangay ng San Andres, na naglaan ng panahon, sipag, at dedikasyon upang matuto ng mga bagong kasanayan at ideyang maaaring makatulong sa kanilang kabuhayan.
Sa pamamagitan ng training, natutuhan ng mga kalahok ang ibaโt ibang value-adding techniques sa paglikha ng non-food products mula sa niyogโisang hakbang tungo sa mas malawak na paggamit at pagpapahalaga sa ating lokal na yamang agrikultural.
Mahalaga ang ganitong mga programa dahil nagbubukas ito ng potensyal para sa pagpapaunlad ng local products, dagdag na livelihood opportunities, at pagpapalakas ng community-based tourism sa ating bayan. Sa hinaharap, ang mga produktong likha ng ating mga magsasaka ay maaari ring maging bahagi ng mga lokal na produktong maipagmamalaki at maipakikilala sa ating mga bisita at turista.
Sa ating mga masisipag na magsasaka, saludo kami sa inyong sipag, pakikilahok, at kagustuhang matuto at sumubok ng mga bagong ideya.
Asahan ninyong ang LGU San Andres, katuwang ang Municipal Tourism Office, ay patuloy na makikiisa sa mga programang nagbibigay-halaga sa ating lokal na produkto, ating mga magsasaka, at ating komunidad.
Mula niyog, tungo sa negosyoโat mula sa ating mga magsasaka, tungo sa bagong oportunidad! ๐ดโจ
I ๐ SAN ANDRES
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
2nd Flr. De Leon Street New Municipal Bldg. Brgy. Poblacion San Andres
Quezon
4314
Opening Hours
| Monday | 8am - 7pm |
| Tuesday | 8am - 7pm |
| Wednesday | 8am - 7pm |
| Thursday | 8am - 7pm |