Kikonnect
Mula sa barangay, patungo sa bagong yugto. Dating SK, laging ka-Kikonnect niyo. Abangan ang susunod na kabanata!
๐ Wawa to the World
10/02/2026
For your information
05/02/2026
โฅ๏ธ
04/02/2026
31/01/2026
Sa araw na ito, nais kong ipaalam sa publiko ang aking pasya na magbitiw sa aking tungkulin bilang SK Chairman ng ating Barangay Enero 31, 2026
Nililinaw ko na ang tunay at orihinal na itinakdang pagtatapos ng aking termino ay Disyembre 5, 2025, alinsunod sa itinakdang panahon ng panunungkulan. Ang aking pananatili matapos ang petsang ito ay hindi upang manatili sa posisyon, kundi upang matulungan ang maayos na pag-apruba ng badyet para sa susunod na pamunuan ng Sangguniang Kabataan, upang sila ay makapagsimula ng implementasyon nang maayos at hindi mahirapan.
Ang desisyong ito ay hindi naging madali. Ito ay bunga ng mahabang pagninilay at pagkilala sa hangganan ng aking kakayahan bilang isang indibidwal. Sa panahong ako ay naglingkod, sinikap kong gamitin ang posisyon hindi lamang para sa mga tradisyunal na gawain, kundi upang maghatid ng mga programang may mas malalim na layunin. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya, nang may buong puso at malasakit.
Ang pagbibitiw ay hindi nangangahulugang pagkatalo. Ito ay isang desisyong ginawa nang may buong pag-unawa sa sarili at sa tungkuling ginampanan. Ang pag-alis sa posisyon matapos maglingkod nang tapat ay hindi kahinaan, kundi isang anyo ng tapang at pananagutan. Sa puntong ito ng aking buhay, pinipili kong bigyang-halaga ang aking personal na kapakanan at ang isang mas tahimik na pamumuhay. Hindi ito pagtalikod sa serbisyo, kundi isang pagpapasya na tapusin ang aking tungkulin nang maayos, tama, at may kapayapaan ng loob.
Ang aking termino bilang SK Chairman ay nagtapos noong Disyembre 5, 2025, at nagpatuloy ako ng ilang linggo upang tulungan sa maayos na pagproseso ng badyet ng sk para sa taong kasalukuyan para sa susunod na pamunuan. Dahil sa mga hindi inaasahang pagkakataon sa proseso ng pag-aayos ng badyet, hindi na naging feasible ang agarang pag-apruba, kaya ipinagkatiwala ko ang proseso sa bagong SK at sa kanyang konseho.
Kasabay nito, nagbitiw na rin sa kanilang tungkulin ang aking katuwang sa pamunuanโSK Secretary Christian D. Malvar at SK Treasurer Jelyn Lamarca. Sa loob ng 2 taon, 2 buwan, at 21 araw, buong puso naming inialay ang aming oras at kakayahan para sa kapakanan ng kabataan.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa Diyos Ama, aming pamilya, Sa Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kapitan Erwin Malabay sampu ng kanyang konseho, Youth Volunteers lalo na kay Airah Monton, at sa aming mga tagapayo tulad nina Kuya Jay Mason at Jeremy Hernandez. Sa susunod na SK Chairwoman, Alyssa Lazo, buong puso naming ipinagkakatiwala ang pamumunoโhangad namin na mahigitan pa ninyo ang aming nagawa.
Maraming salamat sa lahat ng kabataang naniwala at nagtiwala sa amin. We are rooting for all of you.
SK Chairman Kiko Hernandez
SK Secretary Christian Malvar
SK Treasurer Jelyn Lamarca
Para sa Maayos, Tama, at Tapat na paglilingkod sa inyong lahat.
29/01/2026
Save the Date: November 2, 2026
29/01/2026
Ang mahusay na lider ay hindi takot sa kritisismo at marunong kumilatis kung alin ang may malasakit at alin ang ingay lang.
29/01/2026
Takbo, gusto? Compute, ayaw?
Para sa mga tamad mag-compute kung makakatakbo pa ba sila sa SK, eto na ang guide:
โ
Makakatakbo kung ipinanganak ng:
2002: November 2 to December 31
2003: January 1 to December 31
2004: January 1 to December 31
2005: January 1 to December 31
2006: January 1 to December 31
2007: January 1 to December 31
2008: January 1 to November 2 only
๐ข Oldest allowed: November 2, 2002
๐ข Youngest allowed: November 2, 2008
โ Born before Nov 2, 2002 โ NOT eligible
โ Born after Nov 2, 2008 โ NOT eligible
29/01/2026
๐ฃ Sino ang Katipunan ng Kabataan (KK)?
Ang Katipunan ng Kabataan (KK) ay binubuo ng lahat ng kabataang Pilipino sa bawat barangay na:
โ
Nakatira sa barangay nang hindi bababa sa 6 na buwan
โ
May edad 15 hanggang 30 taong gulang
โ
At rehistrado sa listahan ng botante ng COMELEC at/o nasa listahan ng KK na hawak ng SK Secretary
Ano ang papel ng KK?
1๏ธโฃ Sila ang bumoboto para sa: 1 SK Chairperson
at Pitong (7) SK Kagawad
๐ Lahat ng kabataang kasama sa listahan ng SK voters ng COMELEC ay kwalipikadong bumoto.
2๏ธโฃ Sila ang pinakamataas na policy-making body pagdating sa mga usaping kabataan sa barangay.
Ibig sabihin:
Ang SK ay dapat kumonsulta at kumuha ng pagsang-ayon ng mayorya ng KK (na may quorum) sa paggawa at pag-apruba ng mga:
๐ Plano
๐ Programa
๐ Proyekto at aktibidad para sa kabataan
Tulad ng CBYDP at ABYIP
๐ค Sa madaling sabi:
Ang KK ang puso at boses ng kabataan sa barangay. Hindi lang sila botante โ sila ay dapat kasama sa pagdedesisyon kung anong direksyon ang tatahakin ng SK.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Sitio 2, Brgy. Wawa
Pinamalayan
5208
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
| Saturday | 8am - 5pm |
| Sunday | 8am - 5pm |