Pinagbuhatan High School
OFFICIAL PAGE OF PINAGBUHATAN HIGH SCHOOL
Haven of Excellence! Performing to the Highest Standard! OFFICIAL PAGE OF PINAGBUHATAN HIGH SCHOOL
School / Registrar Email Address:
[email protected]
02-2868130
Guidance Office Email Address:
[email protected]
06/08/2026
๐ข
๐จ๐ฃ๐๐๐ง๐ | ๐๐๐ฌ๐๐ฅ๐ก๐๐ฆ, ๐๐๐ข๐ฆ๐ง๐ข ๐ณ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ง๏ธโ ๏ธ
๐ Alinsunod sa Executive Order No. PCG-25, Series of 2025 ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, awtomatikong suspendido ang lahat ng in-person classes sa Early Childhood Care and Development (ECCD), Kindergarten hanggang Grade 12, at Alternative Learning System (ALS) sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Pasig.
Ang suspensyon ay bunsod ng YELLOW HEAVY RAINFALL WARNING na inilabas ng PAGASA kaninang 2:00 AM, Agosto 7, 2026, kaugnay ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat). Ayon sa advisory, kabilang ang Metro Manila sa mga lugar na nasa Yellow Warning Level, kung saan posible ang pagbaha sa mga mabababang lugar at flood-prone areas.
Alinsunod sa itinakdang patakaran, inaasahang magpapatupad ang mga paaralan ng Alternative Delivery Mode of Learning (ADM) o iba pang learning continuity measures para sa mga apektadong mag-aaral.
๐ ๐ด๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐:
โ
Manatiling ligtas at iwasang lumabas kung hindi kinakailangan.
โ
Mag-ingat sa mga baha at iwasan ang pagtawid sa rumaragasang tubig.
โ
Siguraduhing naka-charge ang inyong mga gadgets para sa mahahalagang anunsyo at online learning.
โ
Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa PAGASA, Pasig City Public Information Office, at Pinagbuhatan High School.
๐๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ. ๐ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐, ๐๐ฎ-๐ฃ๐๐ฆ๐ถ๐ฎ๐ป๐! โ๐๐ค
(Sources:
i. Heavy Rainfall Warning No. 15 | PAGASA - National Capital Region PRSD
https://www.facebook.com/share/p/1ETHe1MF76/
ii. EXECUTIVE ORDER NO. PCG-25 Series of 2025 - Pasig City
https://assets.pasigcity.gov.ph/storage/executive_order/2025/09/08/68be6a8b53cce1757309579(08-09-2025)%20EXECUTIVE%20ORDER%20NO.%20PCG%2025%20s%202025.pdf )
๐: Krista Farrah B. Pahilino | Vice President
๐จ: Renalyn M. Alix | President
20/07/2026
๐ข ENSURING A SAFE AND MOTIVATING LEARNING ENVIRONMENT (ESMLE)
๐ก๏ธ Fake News, Dangerous Pranks, at Bomb Threats ay HINDI biro.
Ang Pinagbuhatan High School ay nakikiisa sa pagpapatupad ng DepEd Order No. 006, s. 2026 upang mapanatiling ligtas, maayos, at positibo ang ating kapaligiran sa pagkatuto.
๐ Paalala sa lahat ng mag-aaral, magulang, at kawani:
โ
Mag-isip bago magbahagi ng impormasyon. Siguraduhing totoo ang anumang ipo-post o ipapasa.
โ
Iwasan ang mga prank na nagdudulot ng takot, kaguluhan, o pagkaantala ng klase.
โ
Ang pagbibigay ng bomb threat o pagbibiro tungkol sa bomba ay isang seryosong
paglabag at maaaring magdulot ng mabigat na kaparusahan.
POSIBLENG KAPARUSAHAN (alinsunod sa due process at DepEd Order No. 006, s. 2026, at mga umiiral na polisiya ng paaralan):
โ Written Reprimand (Nakasulat na Pagpapagal)
โ Parent Conference
โ Suspension (para sa mga naaangkop na paglabag)
โ Non-readmission o Exclusion para sa mga seryosong paglabag
โ Maaari ring maharap sa kasong kriminal kung ang paglabag ay lumalabag sa umiiral na batas ng Pilipinas, kabilang ang mga pekeng bomb threat at iba pang gawaing nagdudulot ng panganib sa publiko.
๐ซ Ang ligtas na paaralan ay responsibilidad nating lahat.
๐ Be Safe. Be Respectful. Be Responsible. Be Truthful.
-JDS
11/07/2026
๐ Congratulations to Sir Carl Gerard Cruz and Emmerald Embuestro of Grade 10 โ Pisces for emerging as the Champion in the Division Poster Making Contest during the 2026 Nutrition Month Celebration of the Schools Division Office of Pasig!
Your creativity, dedication, and exceptional talent have brought pride and honor to our school. As you move forward to represent the Schools Division Office of Pasig in the Regional Poster Making Contest, we wish you continued success and the very best of luck.
Your TLE Department and the entire Pinagbuhatan High School community are incredibly proud of your achievement.
๐ Congratulations once again, and may you continue to inspire others with your outstanding talent. Best of luck at the regional level!
10/07/2026
๐ข ANNOUNCEMENT
Magandang araw!
Batay sa abiso ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, SUSPENDIDO ang in-person PM classes (panghapon) ngayong araw, July 10, 2026, mula Kindergarten hanggang Senior High School (K-12), dahil sa inaasahang malakas na epekto ng Bagyong Inday.
๐ Ang lahat ng mag-aaral sa PM classes ay inaasahang magpapatuloy ng kanilang aralin sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM) (maaaring synchronous o asynchronous), ayon sa instruction ng kanilang mga g**o.
๐ Patuloy na mag-monitor ng updates mula sa inyong advisers at opisyal na FB page ng paaralan.
Mag-ingat po ang lahat. ๐ง๏ธ๐
- JDS
#๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐)
๐ฆ๐จ๐ฆ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ข ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ป-๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฆ๐ฆ๐๐ฆ (๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ฃ๐ข๐ก)
๐๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐ด๐ฎ๐ฟ๐๐ฒ๐ป ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ถ๐ผ๐ฟ ๐๐ถ๐ด๐ต ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น (๐-๐ญ๐ฎ), ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐ฎ๐ ๐๐น๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐๐๐ฒ๐บ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ธ๐ผ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฟ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐๐ป๐ด๐๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐๐ถ๐ด ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐, ๐๐๐น๐ ๐ญ๐ฌ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ.
Ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng Pasig City DRRMO, batay sa forecast ng PAGASA na mas mararamdaman ang epekto ng Bagyong Inday, na mas paiigtingin pa ng Habagat, sa lagay ng panahon simula ngayong hapon.
Inaasahang magpapatupad ang mga paaralan ng Alternative Delivery Mode (Synchronous o Asynchronous)sa kabila ng in-person suspension ng PM classes.
09/07/2026
๐ข ANUNSYO
Para sa lahat ng mga Mag-aaral, Magulang, at Stakeholders ng Pinagbuhatan High School:
Alinsunod sa DepEd Order No. 006, s. 2026, ipatutupad ng ating paaralan ang BAG INSPECTION GUIDELINES upang masig**o ang ligtas, maayos, at maayos na kapaligiran sa pagkatuto para sa lahat.
๐ Mga Dapat Asahan:
โข 100% na inspeksyon ng bag sa pagpasok
โข Paggamit ng metal detector at CCTV
โข Mahigpit na pagpapatupad ng visitor registration at ID validation
โข Mas pinaigting na pakikipag-ugnayan sa mga magulang sa pamamagitan ng PTA
โข Dagdag na presensya ng pulis at barangay sa loob at paligid ng paaralan
โข Aktibong sistema ng pag-uulat at pagmamanman ng kaligtasan
๐ฎโโ๏ธ๐ฉโ๐ซ Layunin ng programang ito na maprotektahan ang lahat ng mag-aaral, maiwasan ang insidente, at mapanatili ang disiplina at kaayusan sa loob ng paaralan.
๐ค Kami po ay humihingi ng inyong buong kooperasyon at pang-unawa sa pagpapatupad ng mga alituntuning ito.
๐ LIGTAS NA PAARALAN, PROTEKTADONG MAG-AARAL!
Sama-sama po tayong maging mapagmatyag, responsable, at nagkakaisa.
- JDS
09/07/2026
๐ข PAALALA MULA SA PINAGBUHATAN HIGH SCHOOL
Alinsunod sa patuloy na pagpapatupad ng mga patakaran ng paaralan at ng Kagawaran ng Edukasyon, itinatakda ang malinaw na mga alituntunin sa disiplina at kaayusan upang mapanatili ang isang ligtas at maayos na kapaligiran sa pag-aaral.
๐ซ WALANG LUGAR ANG KARAHASAN, PANANAKOT, AT KAWALANG DISIPLINA SA ATING PAARALAN.
Upang masig**ong maayos ang asal at pagkilos ng bawat mag-aaral, ipinatutupad ang tatlong antas ng paglabag (Levels of Offenses):
๐ด 1ST LEVEL: MINOR OFFENSES
Mga paglabag na hindi nagdudulot ng matinding pinsala ngunit nangangailangan ng agarang pagwawasto.
๐ 2ND LEVEL: SERIOUS OFFENSES
Mas mabibigat na paglabag na maaaring makaapekto sa kapakanan ng iba at sa kaayusan ng paaralan.
โซ 3RD LEVEL: GRAVE OFFENSES
Pinakamabibigat na paglabag na may kaukulang seryosong kaparusahan alinsunod sa umiiral na patakaran.
โ ๏ธ Ang bawat paglabag ay may katumbas na kaukulang aksyon at interbensyon para sa mga mag-aaral, sa pakikipagtulungan ng mga magulang at ng paaralan.
๐ฏ LAYUNIN:
Mapanatili ang disiplina, respeto, at kaligtasan ng bawat isa sa loob ng Pinagbuhatan High School.
๐ Sama-sama nating itaguyod ang:
DISIPLINA โข PAGGALANG โข KAAYUSAN โข KALIGTASAN โข KAHUSAYAN
๐ Basahin ang buong detalye sa mga larawan sa ibaba.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at kooperasyon!
-JDS
09/07/2026
๐ข ATTENTION: PINAGBUHATAN HIGH SCHOOL COMMUNITY
Magandang araw!
Ipinapaalam sa lahat ng mag-aaral, g**o, kawani, magulang, at mga bisita ang pagpapatupad ng ating ๐ DRESS CODE GUIDELINES upang mapanatili ang disiplina, kaayusan, at kaligtasan sa loob ng paaralan.
โ
PINAHIHINTULUTANG KASUOTAN:
โข May manggas na polo shirt / blouse
โข T-shirt (disente)
โข Sweater / jacket
โข Jeans / slacks / paldang lampas tuhod
โข Closed shoes / rubber shoes
โ HINDI PINAPAYAGAN:
โข Crop tops, sleeveless, plunging neckline
โข Tube / sando
โข Short shorts / short skirts
โข Ripped jeans
โข Slippers
โข Labis o hindi angkop na accessories
๐ PAALALA SA UNIPORME:
Siguraduhing isuot ang tamang school uniform na may kumpletong detalye (ID, patch, tamang sapatos, at iba pa).
โ ๏ธ MAHALAGA:
Ang hindi pagsunod sa dress code ay maaaring magresulta sa paalala, hindi pagpapapasok, o kaukulang aksyon alinsunod sa patakaran ng paaralan.
๐ฏ LAYUNIN NATIN:
Panatilihin ang isang maayos, ligtas, at disiplinadong kapaligiran sa pag-aaral.
๐ Sama-sama nating itaguyod ang:
DISIPLINA โข PAGGALANG โข KAAYUSAN โข KALIGTASAN โข KAHUSAYAN
๐ Pakibasa at sundin ang buong detalye sa larawan sa ibaba.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon!
-JDS
05/06/2026
02/06/2026
๐๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐๐ ๐ผ๐๐ผ๐, ๐๐๐๐๐ผ๐๐! ๐ข
๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ญ๐จ ๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฉ๐๐๐ญ๐๐ ๐ฌ๐๐ก๐๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ๐ค๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐:
๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ โ Grade 8 (๐ 8:00 AM)
๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ โ
โข Grade 9 & Grade 10 (๐ 8:00 AM)
โข Grade 11 (๐ 1:00 PM)
๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ โ Grade 12 (๐ 1:00 PM)
๐ข ๐๐๐๐: Tandaan ang araw at oras ng inyong schedule para sa Brigada Eskwela 2026.
The best way to start a school year is to help prepare the place where it will happen. ๐ซโจ
Kaya see you on your assigned schedule, PHSians! ๐ค๐๐ป Sama-sama nating ihanda ang PHS para sa S.Y. 2026โ2027. ๐๐ค
โ๐ป: Krista Farrah Pahilino || Vice President
๐ผ๏ธ: Rhean Mosquera || Treasurer & Empress Fabillar || P.I.O
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Address
Urbano Velasco Avenue, Pinagbuhatan
Pasig
1602
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Pinagbuhatan High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.