Mayor Rico Roque
This is the Official page of Mayor Enrico Roque
24/09/2026
๐๐ข๐ฌ/๐๐๐ฅ๐ ๐ข๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ ๐๐น๐ฎ๐บ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป!
Bilang bahagi ng ating Boy/Girl Officials 2026, binigyan po natin sila ng pagkakataong mabisita ang Inang Filipina Shrine upang mas makilala nila ang kasaysayan at kultura ng ating bayan.
Kasabay nito, nagsagawa rin po tayo ng Drug Prevention Awareness Program, Fire Safety Seminar, at Fire Drill upang mas maging mulat sila sa panganib ng ipinagbabawal na gamot at malaman ang tamang gagawin sa oras ng sunog at iba pang emergency.
Hangad po natin na mas lumawak pa ang kanilang kaalaman at mas tumibay ang kanilang malasakit sa paglilingkod. Dahil ang Boy/Girl Officials ngayon ay maaaring maging mga lider ng ating bayan sa hinaharap.
23/09/2026
๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ ๐ฐ๐ฎ๐ป ๐๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ธ. ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐ฐ๐ฎ๐ป ๐น๐ถ๐๐๐ฒ๐ป.
Ngayong International Sign Language Day, nagsagawa po tayo ng tatlong araw na Basic Filipino Sign Language Training para sa ating mga frontline service personnel.
Layunin po nito na mas maging handa ang ating mga kawani na makipag-usap sa ating Deaf Community, upang mas madali nilang maiparating ang kanilang pangangailangan at mas maayos silang mapaglingkuran.
Patuloy po nating itaguyod ang isang Pandi na mas inklusibo, may malasakit, at bukas para sa lahat. Isang sERbisyong handang umunawa at maglingkod sa bawat isa.
22/09/2026
๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ถ๐บ, ๐บ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ถ๐ต๐ถ๐ป!
Isa po sa mga gusto nating maitaguyod sa bawat tahanan ay ang pagkakaroon ng sariling taniman. Kaya sa pamamagitan ng ating Municipal Agriculture Office, namahagi po tayo ng mga binhi sa bawat barangay at sa ating mga PILAK members.
Simple lang ang layunin natin, mas maraming pamilyang may sariling mapagkukunan ng sariwang gulay, may dagdag na pagkain sa hapag, at maaari pang maging dagdag na kita.
Sama-sama po tayong magtanim para sama-sama rin nating anihin ang bunga ng ating sipag.
21/09/2026
๐ฃ๐๐ก๐๐ ๐๐ก๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐ก๐ง ๐๐๐ก๐ง๐๐ฅ | ๐ง๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป!
Ngayong araw, pinasinayaan po natin ang Pandi Enhancement Center, isang lugar na magbibigay ng mas maraming pagkakataon para mahasa ang talento at kakayahan ng bawat Pandieรฑo.
Sa pamamagitan ng mga training at skills development programs, mas marami nating kababayan ang magkakaroon ng oportunidad na matuto, umunlad, at maging mas handa sa kanilang kinabukasan.
Ito po ang isa sa mga hakbang natin para patuloy na makapaghatid ng mga programang may tunay na pakinabang sa bawat Pandieรฑo.
Mga serbisyong tatak sa puso ng bawat Pandieรฑo. Isang sERbisyong may puso at talino!
21/09/2026
๐๐ข๐ฌ/๐๐๐ฅ๐ ๐ข๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ฑ!
Ipinapakilala po natin ang ating mga Boy/Girl Officials 2026 mula sa iba't ibang paaralan sa Pandi. Nakakatuwang makita ang mga kabataang handang matuto, manguna, at maglingkod.
Ngayon po ay pinangunahan din natin ang kanilang panunumpa sa tungkulin. Sa loob ng isang linggo, makakasama nila ang ating mga lingkod-bayan at mga pinuno ng iba't ibang tanggapan para maranasan kung paano ang serbisyo publiko.
Sana ay mas marami pa silang matutunan at mas mahubog ang kanilang leadership, responsibilidad, at malasakit sa kapwa. Dahil ang pagiging lider ay hindi lang tungkol sa posisyon, kundi sa kahandaang matuto at maglingkod.
Patuloy sana ninyong dalhin ang sipag, malasakit, at dedikasyon sa bawat pagkakataong makapaglingkod.
Mabuhay ang Boy/Girl Officials 2026!
Mabuhay ang Kabataang Pandieรฑo!
21/09/2026
Ngayong Lunes, muli po nating sinimulan ang panibagong linggo sa isang taimtim na panalangin, upang humingi ng gabay at patnubay ng ating Panginoon sa bawat gawain at serbisyong ihahatid natin sa ating mga ka-Pandieรฑo.
Kasabay nito ang ating Flag Ceremony kasama ang masisipag nating kawani ng Pamahalaang Bayan ng Pandi, puno ng malasakit at handang maglingkod para sa bawat Pandieรฑo.
Sama-sama po nating harapin ang panibagong linggo nang may pananampalataya, pagkakaisa, at panibagong sigla. Para sa tuloy-tuloy na sERbisyong may puso at talino!
Happy Monday, mga ka-Pandieรฑo!
19/09/2026
Ang bawat tao po ay may pangarap, maaring para sa sarili, pamilya, kapwa, at maging sa bayan. Ngunit tulad po ng pag-akyat sa isang bundok, hindi laging madali ang paglalakbay patungo sa tuktok. May mga matarik na daan, pagod, pangamba, at mga pagsubok na kailangan nating lampasan.
Ngunit hindi po tayo nag-iisa. Dahil sa bawat hakbang, ang Diyos po ang magbibigay ng lakas sa atin upang magpatuloy. Kapag nanghihina tayo, Siya ang ating sandigan. Kapag tila mahirap ang daan, Siya ang nagbibigay ng tapang upang muli po tayong humakbang.
Kaya sa ating paglalakbay, patuloy lang po tayo. Hindi man natin alam kung gaano pa kataas ang ating aakyatin, makatitiyak tayong may Diyos na nagbibigay-lakas sa bawat hakbang.
Have Blessed Sunday po, mga ka-Pandieรฑo!
19/09/2026
Mahalagang Paalala
Alinsunod po sa Memorandum Circular No. 136, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng National Government sa ๐๐๐ป๐ฒ๐, ๐ฆ๐ฒ๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฟ๐ฒ ๐ฎ๐ด, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, simula ๐ญ:๐ฌ๐ฌ ๐ฃ๐ bilang pagdiriwang ng National Family Week.
Nawa'y magamit natin ang pagkakataong ito upang makasama ang ating mga mahal sa buhay. Sulitin natin ang bawat sandali kasama ang ating pamilya.
Ang mga ahensyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo, serbisyong pangkalusugan, at disaster response ay magpapatuloy sa kanilang operasyon.
18/09/2026
Congratulations, Ma'am Ailene Raymundo sa iyong well-deserved promotion bilang Permanent Project Development Officer II (DSWD-Region 3)!
Deserve mo ang tagumpay na ito. Saksi ako sa sipag, dedikasyon, at walang sawa mong paglilingkod, lalo na para sa bayan ng Pandi. Isa itong magandang patunay na ang pagsisikap at tiyaga ay talagang may magandang kapalit.
Wishing you more success, more opportunities, at mas marami pang achievements sa bagong yugto ng iyong career.
Congratulations ulit, Mare!
16/09/2026
Happy Birthday, Grant!
Sana maging espesyal ang araw na ito para saโyo. Tuloy lang sa pag-abot ng mga pangarap mo at sa mga bagay na nagpapasaya saโyo. Huwag kalimutang magpahinga, alagaan ang sarili, at patuloy na maging grateful sa lahat ng blessings na dumarating.
Dalangin namin ang mas marami pang blessings, good health, at tagumpay sa bawat hakbang na tatahakin mo. Mag-ingat ka lagi diyan at sana patuloy kang gabayan at pagpalain ng Panginoon.
Happy Birthday, brother! Mahal ka namin.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
S. Osmena, Poblacion
Pandi