Turumba Shrine

Turumba Shrine

Share

The official page of Saint Peter of Alcantara Parish
Diocesan Shrine of Our Lady of Turumba of Pakil, Laguna.

Reach us by dropping a message in our Messenger or through our Gmail, [email protected]

Sa Birhen!

06/10/2026

Martes na Pamimintuho kay San Pedro Bautista

O Dakilang San Pedro Bautista, Apostol ng bayan ng Pakil, pakundangan sa buhay mong inialay ay ipamagitan mo sa Poong Maykapal na patuloy naming makamtam ang walang-maliw na pagpapala't kaligtasan. Ikaw na nagdala ng Katolisismo sa aming bayan, matutuhan nawa naming mamuhay ng tapat sa pananampalataya tulad mo, nang ang sinimulan mong ebanghelisasyon dito sa bayan ay patuloy na lumago't mapagtibay. Bagama't hindi namin kasing dalisay ang iyong puso't kaluluwa, O pinagpalang Martir, tulungan mo kaming makamtam ang buhay na walang hanggan. Amen.

Minamahal naming San Pedro Bautista, Tagapagtatag ng Kristiyanong Pamayanan ng Pakil, ipanalangin mo kami!

05/10/2026

Saint Bruno of Cologne
October 6

Bruno was born in Cologne about the year 1030. According to tradition, he belonged to the family of Hartenfaust or Hardebust one of the principal families of the city. Little is known of his early years, except that he studied theology in the present-day French city of Reims before returning to his native land.

When his education completed, Bruno returned to Cologne, where he was most likely ordained a priest around 1055, and provided with a canonry at St. Cunibert's. In 1056 Bishop Gervais recalled him to Reims, where the following year he found himself head of the Episcopal school, which at the time included the direction of the schools and the oversight of all the educational establishments of the diocese.

For eighteen years, from 1057 to 1075, he maintained the prestige which the school of Reims attained under its former masters, Remi of Auxerre and others. Bruno led the school for nearly two decades, acquiring an excellent reputation as a philosopher and theologian. Among his students were Eudes of Chatillon, afterwards Pope Urban II, Rangier, Cardinal and Bishop of Reggio, Robert, Bishop of Langres, and a large number of prelates and abbots. He died on October 6, 1101 in Italy.

Prayer:

May we be helped by the intercession of St. Bruno, Thy Confessor, O Lord, we beseech Thee, so that we who by our evil deeds have grievously offended Thy Majesty, may by his merits and prayers obtain forgiveness of our sins. Through our Lord. Lord God, you called Saint Bruno to serve you in a life of solitude. Amidst this world's changes help us, by his prayers, to set our hearts always on you. Through our Lord

05/10/2026

Puntos ng Pagninilay

“Nawa ay turuan tayo ng ating Mahal na Patron, San Pedro ng Alcántara na magkaroon ng tapang, katapatan sa ating Panginoong Hesus. Nawa ay patuloy tayong akayin ng ating Mahal na Birhen ng Turumba palapit sa kaniyang Anak. At nawa ang ating pagdiriwang na ito ng ating anibersaryo ay hindi lamang maging pagdiriwang ng ating dakilang nakaraan, kundi maging simula ng isang panibagong misyon para sa kinabukasan”

Rdo. Pd. Jerry R. Oblepias, SThL | Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon | Opening Salvo Mass | Oktubre 3, 2026

Turumba Media
Social Communications Commission

04/10/2026

Saint Faustina Kowalska
Secretary of Divine Mercy
October 5

St. Faustina Kowalska was born in 1905, as the third child of ten, into a very devout but poor family in a small village called Głogowiec. She attended school for just three years and while still a young girl left home to work as a maid and thus help to support her family.

As early as seven years old she felt a calling to the monastic life. When she was 18, she asked her parents for permission to enter a convent, but they refused, because they still needed her help to support the family. In her desire to be obedient to them,
Faustina tried to stifle the inner voice of her vocation. In her Diary she recalls that one day she saw the flagellated Christ, who spoke to her in these words: “How long shall I put up with you and how long will you keep putting me off?” This was the turning point at which she finally resolved to become a nun. In 1925 she was received into the Congregation of the Sisters of Our Lady of Mercy in Warsaw, taking the name of Maria Faustyna.

Faustina was a mystic who had many visions of Christ. These she recorded in her Diary, which she was urged to keep by her confessor. Jesus entrusted her with the mission of proclaiming to the whole world the truth of Divine Mercy. He conveyed to her His will that a Feast of Divine Mercy be instituted on the first Sunday after Easter, and he bade her paint a reproduction of her vision, which she was to furnish with the inscription: “Jesu, I trust in You”, that it might be venerated across the world. He also dictated to her a special prayer, called the Chaplet of Divine Mercy, promising that all those who pray it will know His Mercy both in their lifetime and at their death.

St Faustina died in Krakow in 1938 at the age of 33, of tuberculosis. She was canonised by Pope John Paul II in 2000. She is buried in the convent church of the Sisters of Divine Mercy. A new basilica has been built alongside the convent: the Sanctuary of Divine Mercy.

Prayer:

O Jesus, who filled your handmaid St Faustina with profound veneration for your boundless Mercy, design, if it be Your holy will, to grant me, through her intercession the grace for which I fervently My sins render me unworthy of your mercy, but be mindful of St Faustina’s spirit of sacrifice and self-denial, and reward her virtue by granting the petition which, with childlike confidence, I present to You through her intercession. Amen.

Photos from Turumba Shrine's post 04/10/2026

Guadalupan Pilgrimage 2026

Noong ika-23 ng Setyembre araw ng Miyerkules isingawa sa District 4 ng ating Lalawigan ang Guadalupan Motorcade na nilahukan ng Tilma ng Birhen ng Guadalupe at San Juan Diego na kapwa galing sa Mexico.

Sa ganap na ika-8 ng umaga buong galak na sinalubong ng mga mamamayan at mga mananampalataya sa Bayan ng Pakil ang pagdaan ng Guadalupan Motorcade sa tapat ng ating Dambana. Nagkaroon ng Sayaw Pagbati bilang parangal sa Birhen at sinundan ng pag-aalay ng mga bulaklak.

Sa ganap naman na ika-2 ng hapon isinagawa ang motorcade ng Birhen ng Turumba patungo sa Bayan ng Pagsanjan upang makiisa sa ginanap na Coronadas de Laguna Marian Procession. Nagkaroon ng Santa Misa sa Dambana ng Birhen ng Guadalupe sa Pagsanjan sa ganap na ika-5 ng hapon at sinundan ito ng Prusisyon ng Mahal na Birhen matapos ang Banal na Misa. Buong tuwa at saya na tinahak ng Mahal na Birhen ng Turumba ang mga kalye sa Bayan ng Pagsanjan kasama ang mga mananampalataya at deboto na umaawit at sumasayaw ng Turumba. Nagtapos ang Prusisyon sa Rito ng Pamamaalam sa Birhen ng Turumba.

Sa Birhen! Sa Birhen! Sa Birhen!

Turumba Media
Social Communications Commission

Photos from Turumba Shrine's post 04/10/2026

PAHAYAG NG PANININDIGAN UKOL SA AHUNAN DAM

Sa pagtatapos ng Season of Creation at sa paggunita kay San Francisco ng Assisi, Patron ng mga nangangalaga sa sangnilikha, ang Parokya ni San Pedro de Alcantara at Pang-Diyosesis na Dambana ng Nuestra Señora de los Dolores de Turumba ay nagpapahayag ng mariin ngunit mapayapang pagtutol sa Ahunan Dam.

Ang paninindigang ito ay nakaangkla sa diwa ng Laudato Si’ ni Papa Francisco, na nananawagan sa buong sangkatauhan na pangalagaan ang ating common home at isulong ang pag-unlad na hindi nagsasakripisyo sa kalikasan at sa mga pamayanang umaasa rito. Ito rin ay kaisa ng pastoral na paninindigan ni Obispo Marcelino Antonio, at bahagi ng pagpapatuloy ng pamana ng Mahal na Birhen ng Turumba bilang Patrona ng Pangangalaga sa Kalikasan.

Bilang mga Pakileño, naniniwala kami na ang ating mga bundok, ilog, lawa, kagubatan, at likas na yaman ay hindi lamang pinagkukunan ng kabuhayan, kundi mga kaloob ng Diyos na ipinagkatiwala sa atin. Ang tunay na pag-unlad ay yaong nagtataguyod sa buhay, nag-iingat sa sangnilikha, at may pananagutan sa mga susunod na salinlahi.

San Pedro de Alcántara, ipanalangin mo kami!
Nuestra Señora de los Dolores de Turumba,
ipanalangin mo kami!

Turumba Media
Social Communications Commission

04/10/2026

LIVE: Banal na Misa | Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Oktubre 04, 2026 | Linggo

𝙎𝙊𝘾𝙄𝘼𝙇 𝙈𝙀𝘿𝙄𝘼 𝘼𝘾𝘾𝙊𝙐𝙉𝙏𝙎:
Facebook: Turumba Shrine
TikTok and Instagram:
Youtube: Turumba Shrine

𝙀𝙈𝘼𝙄𝙇
:[email protected]
𝗖𝗲𝗹𝗹𝗽𝗵𝗼𝗻𝗲 𝗡𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿: 0908 200 6538
𝗟𝗮𝗻𝗱𝗹𝗶𝗻𝗲: (049) 537 9525

Diyosesis ng San Pablo
Parokya ng San Pedro de Alcantara
Dambana ng Mahal na Birhen ng Turumba
Pakil, Laguna

Turumba Media
Social Communications Commission

04/10/2026
03/10/2026

San Francisco ng Assisi
Fundador de la Orden de los Frailes Menores
Oktubre 4

Si San Francisco ay ipinanganak sa bayan ng Assisi sa rehiyon ng Umbria (Italy) noong taong 1181. Sina Pedro Bernardone, isang mayamang mangangalakal at ang kanyang maybahay na si Mona Pica ang mga magulang ni Francisco. Sa kabataan niya ay walang mababakas ni isa mang tanda na siya’y makararating sa tugatog ng kabanalan, na hahangaan ng mga Katoliko at kahit ng mga hindi Katoliko.

Si San Francisco ay isang lalaking lagalag at marangya, isang sundalong mahilig sa kamunduhan. Ngunit nang minsang magkasakit nang malubha sa bilangguan, siya’y nagbago ng isipan, itinakwil ang lahat ng kinapal upang lalong mapalapit sa Maykapal.Sa pagkakabigay niya sa maralita ng kanyang kayamanan upang tuparin ang habilin ni Kristo sa Ebanghelyo ay nagalit ang kanyang ama at siya’y itinakwil na anak. "Mula ngayon," wika niya, "masasabi ko nang tunay, Ama Namin."

Nabuhay siyang isang maralita sa gubat at namalagi sa pananalangin at pagpepenitensiya sa simbahan ni San Damian at kapilya ng Virgen de los Angeles. Pinaglingkuran ang mga dukha at maysakit, inari niyang "esposa" ang karukhaan at mga kapatid ang araw, mga hayop at ibon. Ang kanyang kabanalan at pagtitiwalag sa lahat ng bagay ay nahahalintulad sa buhay ng Panginoon. Upang mapalaganap ang kanyang kilusan ay itinatag ang Orden ng mga paring Pransiskano, Madre Clarisa at Orden Tercera.

Noong 1224, tinanggap sa kanyang katawan ang mga sugat ng Panginoon (stigmata) na tumagal hanggang sa dumating ang kapatid na "Kamatayan" noong Oktubre 4, 1226. Sa kanya nagmula ang "belen" na inilalagay natin sa mga altar kung dumarating ang Pasko.

Panalangin:

Maluwalhating San Francisco, iginawad sa iyo ng Panginoong Diyos ang pagkawangis kay Kristo sa kusang pagpapakarukha at pamumuhay ng hamak. Matalunton ko nawa ang iyong landas upang masundan kita at makaisa ka sa maligayang pag-ibig, sa Diyos, sa kapwa at sa sangnilikha. Tulad mo nais kong usalin: Panginoon, gawin Mo akong kasangkapan ng iyong kapayapaan, Saan man may alitan, paghasikin mo ako ng pagibig. Sa may pagkukulang, kapatawaran. Sa may pag-aalinlangan, pananampalataya. Sa kasawiang-palad, pag-asa. Sa kadiliman, liwanag. Sa kalungkutan, ligaya.

O Panginoon, Loobin Mo nawang higit kong naisin ang umaliw, kaysa aliwin. Ang umunawa, kaysa unawain. Ang nagmahal, kaysa mahalin. Sapagkat nasa pagbibigay ang pagtatanggap, nasa pagpapatawad ang kapatawaran. At nasa pagkamatay ang pagsilang sa buhay na walang hanggan. Kaisa ni San Francisco ng Assisi, dinggin Mo po Ama ang aking panalangin sa pamamamagitan ni Hesuskristo, kasama ng Espiritu Santo, Diyos magpasawalang hanggan. Amen.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Pakil?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


1 Taft Street
Pakil
4017

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 6am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Turumba Shrine posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Pakil.