Pakil Community Development Facilitators Organization

Pakil Community Development Facilitators Organization

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pakil Community Development Facilitators Organization, Community Center, 62 Gonzales Street, Pakil.

Photos from Pakil Community Development Facilitators Organization's post 04/06/2025

🌍 World Environment Day 2025! 🌿

Halina’t ipagdiwang ang World Environment Day sa makabuluhang paraan! Sa darating na Hunyo 6, 2025, tayo'y magkakaisa para sa kalinisan at kalikasan sa pamamagitan ng isang sabayang aktibidad:
"Tayo Na Pakilinis – PakilATAG!" 🧹πŸ’ͺ

Ito ay isang panawagan sa bawat isa β€” mga kabataan, g**o, magulang, barangay, at buong komunidad β€” na magsama-sama upang linisin ang mga ilog at kapaligiran, itaguyod ang disiplina, at ipakita ang tunay na malasakit sa Inang Kalikasan. πŸŒ³πŸ’š

🦟 Kasabay ng pagdiriwang na ito, layunin din nating labanan ang dengue!
Ang malinis na kapaligiran ay hindi lang maganda sa paningin, kundi mahalaga rin upang maiwasan ang mga sakit tulad ng dengue. Sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga stagnant water at mga basurang maaaring pamugaran ng lamok ay mapoprotektahan natin ang ating mga tahanan at komunidad laban sa sakit. πŸ’§πŸš«πŸ¦Ÿ

Hindi lang ito simpleng paglilinis β€” ito ay simbolo ng ating pagkakaisa at responsibilidad bilang isang mamamayan ng Pakil, Laguna.

Maliit man ang hakbang, malaki ang epekto kung tayo’y magkakapit-bisig. 🌏✨

πŸ—“οΈ Kailan: Hunyo 6, 2025 ( biyernes)
πŸ“ Saan: Poblacion, Pakil, Laguna

Tayo na, makiisa! Sama-sama nating ipakita na ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili, sa tahanan, at sa komunidad.

27/05/2025

Hello!πŸ‘‹

Pakilenyo at mga namamanata sa Ahunan sa Ping-As 😊

Muling magpapalaganap ng makabuluhang adbokasiyang pagmamalasakit sa kalikasan ang Pakil Community Development Facilitators’ Organization (PCDFO) na sinuportahan ng Tayo Na Pakil, Ahunan Power, Inc., at Prime Infra Foundation.

Adbokasiya na maipalaganap ang pagmamalasakit sa kalikasan sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga plastic ngayong darating na Ahunan sa Ping-As 2025.

Inaanyayahan ang lahat na mag-ipon ng mga malinis na empty plastic bottles kapalit ng Pineapple Juice o Turumba Shirt, ang naka print sa t-shirt na ito ay ang obra ng Grand Winner noong nakaraang Tayo na PAKILIKHA on-the spot painting competition na ipininta ni G. King Arnold B. Duran.

Matatagpuan ang lugar kung saan pwede nyong ipalit ang mga maiipon ninyong mga malinis na empty plastic bottles sa Mt. Ping-As. Magsisimula po ito ng alas 8 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon, Mayo 31, 2025 araw ng Sabado.

Magdala lamang ng:
15 clean empty plastic bottles - 1 Turumba Shirt
3 clean empty plastic bottles - 1 glass of pineapple juice

Upang mas makaiwas tayo sa mga plastic ay magdala ng kanya kanyang lagayan ng juice o tumbler.

Halina, Tayo Na't Magmahal at Magmalasakit sa mas malinis na Bayan ng Pakil sa natatanging okasyon na ito 😊

πŸ’™
πŸ’š
πŸ–πŸ»

26/05/2025

PinyaSaya na naman!
Dahil sa tagumpay ng PinyaBigasSaya noong Turumba Festival,
mas exciting ang paparating na Ahunan sa Ping-As 2025! 🍍

Magdala ng malinis na plastic bottles
at i-exchange sa…. Abangan! πŸ˜‰

πŸ’™
πŸ’š
πŸ–πŸ»

Music credits:
Kalikasan by Majarlika

25/04/2025

Muling magpapalaganap ng makabuluhang adbokasiyang pagmamalasakit sa kalikasan ang Pakil Community Development Facilitators’ Organization (PCDFO) na sinuportahan ng Tayo Na Pakil, Ahunan Power Inc., at Prime Infra Foundation Inc.

Adbokasiya na maipalaganap ang pagmamalasakit sa kalikasan sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga plastic ngayong darating na Turumba Festival 2025 ang natatanging ambag ng PCDFO sa bayan ng Pakil. Inaanyayahan ang lahat na mag ipon ng mga empty plastic bottles kapalit ng bigas, delata, at pineapple juice.

Matatagpuan ang lugar kung saan pwede nyong ipalit ang mga maiipon ninyong empty plastic bottles sa Festival Ground, New Government Center (NGC). Magsisimula po ito sa Abril 27 hanggang 29, 2025 araw ng Linggo hanggang araw ng Martes.

Magdala lamang ng
10 plastic bottles 1L or 1.5 kapalit nito ay 1kl bigas.

20 plastic bottles size small or med - 1kl bigas

10 plastic bottles s/m size - de lata

5 plastic bottles s/m size either isang twinpack coffee, milo, gatas o sotanghon

2 bote s/m pinya juice.

Upang mas makaiwas tayo sa mga plastic ay mangyari lamang po na magdala ng kanya kanyang lagayan ng juice o tumbler at lalagyan ng bigas.

Halina Tayo Na' t Magmahal at Magmalasakit sa mas Malinis na Bayan ng Pakil sa natatanging okasyon na ito😊

πŸ’™
πŸ’š
πŸ–πŸ»

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Pakil?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


62 Gonzales Street
Pakil
4017