Ang Siklab
The Official Student Filipino Publication of Columban College Basic Education - Asinan Campus
08/03/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐! ๐
Sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Kababaihan, ating kilalanin at ipagdiwang ang katapangan, talino, at lideratong ipinapakita ng mga kababaihang Pilipina.
Tulad ng mga babaylan noong sinaunang panahon, tayo ay magsilbing ilaw at tinig ng pagbabagoโmatatag na naninindigan para sa karapatan, pagkakapantay-pantay, at katarungan.
Mula sa mga komunidad hanggang sa larangan ng pulitika, agham, sining, at pamamahayag, patuloy na nagbibigay-inspirasyon ang kababaihan at nagbubukas ng mga bagong oportunidad para sa isang mas maunlad, matatag, at maliwanag na kinabukasan.
๐ผ๐๐๐ฃ๐ฉ๐, ๐๐๐๐๐! ๐โจ
๐๐ช๐ข๐๐ ๐ก๐๐ ๐ ๐, ๐ฝ๐๐๐๐! ๐โจ
01/03/2026
Ang "Ang SIKLAB", ang opisyal na pahayagang pangkampus ng Columban College, Inc. โ Asinan, ay muling pinagtibay ang katayuan nito bilang isa sa mga nangungunang publikasyon sa Olongapo matapos mag-uwi ng ibaโt ibang parangal sa ginanap na Division Schools Press Conference, patunay ng husay nito sa pagbabalita at ng matibay nitong ambag sa pamamahayag pangkampus.
Nagtamo ito ng pagkilala sa ibaโt ibang kategoryaโ8th sa Pahinang Balita at Ag-Tek, 6th sa Opinyon at Isports, 7th sa Lathalain at Pag-aanyo ng Pahinaโat itinanghal bilang Ika-6 na Pinakamahusay na Pahayagang Pangkampus sa SDO Olongapo City. Ipinapakita ng mga parangal na ito ang isang pahayagang pinatatakbo nang may katumpakan, paninindigan, at integridad sa bawat lathala.
Higit pa sa mga tropeo, sinasalamin ng mga pagkilalang ito ang isang kulturang pamamahayag na pinagbubuklod nang malinaw na pag-uulat, makabuluhang komentaryo, at malikhaing presentasyonโisang tinig na lumalagpas sa pahina at tumatatak sa isipan ng mambabasa.
Sa pag-usad nito tungo sa panibagong hamon, dala ang mas pinatibay na paninindigan at adhikaing maghatid ng katotohanan, patuloy na itinataguyod ng Ang SIKLAB ang bandila nang wasto at makabuluhang pamamahayag. Hindi lamang para sa kompetisyon, kundi para sa mas mataas na layuning maglingkod sa komunidad at sa bayan.
Patuloy na magniningas ang Ang SIKLABโnaglalahad ng katotohanan, nagbubunyag ng realidad, at nagbibigay-kapangyarihan sa isip sa bawat kwento.
Anyo ni; Alvin Solis | Patnugot sa Isports
26/02/2026
Apatnapung taon matapos ang EDSA People Power Revolution, muling binibigyang-diin ng mga tagamasid at lider sibiko ang kahalagahan ng pag-unawa sa makasaysayang pangyayari, kasabay ng panawagang patatagin ang mga institusyong demokratiko sa gitna ng makabagong hamon.
Nagbalik-tanaw ang ibaโt ibang sektor sa mga pangyayari noong 1986 na nagbunsod sa mapayapang pag-aaklas ng mamamayan laban sa pamahalaan noon ni Ferdinand Marcos Sr.. Sa ilalim ng batas militar, naharap sa matinding pagsubok ang kalayaan sa pamamahayag, oposisyon, at ilang batayang karapatan, ayon sa mga historyador.
Itinuturing na mitsa ng malawakang kilos-protesta ang pagpaslang kay Benigno Aquino Jr. noong 1983. Pagsapit ng 1986, naging sentro ng tensyon ang halalang pampanguluhan na nauwi sa malawakang pagdududa sa kredibilidad ng resulta. Libo-libong mamamayan ang nagtipon sa Epifanio de los Santos Avenue, partikular sa paligid ng Camp Crame at Camp Aguinaldo, upang igiit ang panawagan para sa pagbabago ng pamumuno.
Nagwakas ang apat na araw na pagkilos sa pag-alis ni Marcos sa pwesto at sa panunungkulan ni Corazon Aquino bilang pangulo. Ang transisyong ito ang nagbukas ng daan sa pagbabalik ng konstitusyonal na pamahalaan at muling pagbalangkas ng mga demokratikong institusyon.
Sa paggunita sa ika-40 anibersaryo, binigyang-diin ng mga akademiko at civic groups na ang diwa ng EDSA ay hindi dapat manatili sa alaala lamang. Ayon sa kanila, ang kasalukuyang hamon sa demokrasya ay mas nakikita sa paglaganap ng maling impormasyon, revisionism sa kasaysayan, at tumitinding polarisasyon sa lipunan.
โAng demokrasya ay hindi natatapos sa isang makasaysayang tagumpay. Ito ay patuloy na proseso ng pakikilahok at pananagutan,โ pahayag ng isang propesor ng kasaysayan sa isang forum na ginanap kaugnay ng anibersaryo.
Habang patuloy ang mga talakayan at paggunita, nananatiling sentral ang tanong kung paano mapananatili at mapapalalim ang demokratikong kultura sa bansa. Para sa ilang tagamasid, ang sagot ay nakasalalay sa pagpapatibay ng edukasyon sa kasaysayan, malayang midya, at aktibong pakikilahok ng mamamayan sa pampublikong usapin.
Sa ika-40 taon ng EDSA, malinaw ang mensahe ng mga naggunita: ang aral ng People Power ay hindi lamang bahagi ng nakaraan, kundi gabay sa paghubog ng kinabukasan ng republika.
๐ผ๏ธ: Alvin Solis | Patnugot sa Isports
14/12/2025
๐HINDI KAILANMAN MAUUPOS ANG APOY! ๐
Buong pagmamalaking pagbati sa Columban College Asinan
๐๏ธ The Echo x Ang Siklab
sa matagumpay na pag-alab ng mga boses at panulat sa Division Schools Press Conference na ginanap sa Regional Science High School III at SPED-G noong Disyembre 11โ12, 2025. ๐
๐ Ikalawang Pwesto โ Overall School Highest Pointer
Private School Category
๐ LAHAT NG MGA NAGWAGI AT KINATAWAN:
๐ฐ News Writing (Filipino)
Melissa Tala โ ๐ฅ 3rd Place (RSPC Qualifier)
โ๏ธ Editorial Writing (English)
Ruelyn A. Lacuesta โ ๐ฅ 3rd Place (RSPC Qualifier)
โ๏ธ Editorial Writing (Filipino)
Christ Jr. A. Rodriguez โ 4th Place
๐๏ธ Feature Writing (Filipino)
Sanjo A. Martorillas โ ๐ฅ 2nd Place (RSPC Qualifier)
๐ Sports Writing (Filipino)
Alvin M. Solis โ ๐ฅ 2nd Place (RSPC Qualifier)
๐ธ Photojournalism (English)
Junuel Lebron A. San Pedro โ ๐ฅ 1st Place (RSPC Qualifier)
๐จ Editorial Cartooning (English)
Azriel Ailan A. Dominisac โ ๐ฅ 2nd Place (RSPC Qualifier)
๐จ Editorial Cartooning (Filipino)
Angel Ericselle M. Reyes โ 4th Place
๐ Column Writing (English)
Aaliyah Nicole B. Galicinao โ 4th Place
๐ Column Writing (Filipino)
Lebron James Q. Bawar โ 4th Place
๐ง Copyreading & Headline Writing (English)
Icee T. Escaรฑo โ 5th Place
๐๏ธ Radio Scriptwriting & Broadcasting (Filipino)
๐ฅ 1st Place (RSPC Qualifier)
๐
Best Presenter | Best Script | Best Technical Application
Daphne Aleene Jimenea
Julius Deacon S. Gabriel
Lyra R. Ancheta
Lhady Samantha Raliet O. Fernandez
Danielle KC A. Calimbas
Lerince Nicole S. Delos Reyes
Ralph Gerald B. Antonio
๐บ TV Scriptwriting & Broadcasting (English)
๐ฅ 3rd Place
Iesha Christabel Ramos
Jairo B. Tirol
Heloise E. Tan
Hillary Mish San Pascual
Cameron Sofia F. Gapas
Lee Andizon A. Santos
Rean Rain Arbee D. Santos
๐ฑ Mobile Journalism (Filipino)
๐
Best Output
Sanjo A. Martorillas
Isang malaking pagbati rin sa ating masisipag at dedikadong tagapayo na naging gabay sa tagumpay na ito.:
G. Francis Robert M. Dela Cruz
Bb. Sheila Marie C. Edrosolo
G. Vladimir R. Dela Cruz
Bb. Michaela Malixi
Mabuhay ang lahat ng nagwagi!
Padayon, CCA Campus Journalists! ๐๏ธ๐ฅ
10/12/2025
๐๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ฆ๐๐ฌ ๐๐ซ๐๐ ๐๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ข๐ง๐ , ๐๐๐ข๐ง๐๐จ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐๐๐ง ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐ ๐, ๐๐ง๐.
Dinaluhan ang taunang Lighting of the Christmas Tree noong ika-5 ng Disyembre 2025, sama-samang nagtipon sa ganap na 5:00 ng hapon ang mga kaguruan, kawani, at mga mag-aaral mula sekondarya hanggang kolehiyo upang opisyal na buksan ang pagdiriwang ng kapaskuhan sa Columban College Inc. โ Asinan.
Pinangunahan ni Fr. Gerry Pascual ang programa sa pamamagitan ng isang taimtim na panalangin, na sinundan ng pag-awit ng โAma Naminโ na pinangunahan ng Church Chorale. Matapos nito ay isinagawa ang pagbibigay ng basbas sa Advent wreath, Christmas tree, at Belen.
Pinakainaabangan sa programa ang pagsindi ng ilaw ng Christmas tree, na nagbigay ng makukulay na liwanag at masiglang simula ng pasko sa paaralan. Ang sabayang pagningning ng ilaw at presensya ng buong Columbanista ay nagpaigting sa diwa ng pagdiriwang.
Naging matagumpay at makabuluhan ang buong seremonya. Kumuha ng mga litrato ang mga dumalo upang magsilbing alaala sa kanila sa diwa ng pasko.
โ๏ธ: Jay Sereรฑo
๐ท: Jhane Rapal, Ryne Francisco, at Kylezhanjo Muega
[๐๐๐๐] ๐๐๐๐ซ๐ญ๐๐๐๐ญ ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐
๐๐ฌ๐ญ: ๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ง๐ฌ ๐ข๐ญ๐ฌ ๐๐๐ญ๐ก ๐๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐๐ซ๐ฌ๐๐ซ๐ฒ
Vibrant performances and cheerful crowds filled Columban College, Inc. โ Asinan as the community officially launched its 64th Founding Anniversary celebration. Students, faculty, and guests gathered for the opening program, which set the tone for the week-long festivities, followed by the opening of the interactive organizational booths across the campus.
Report by Iesha Ramos | Staff Broadcaster and Jc Javillonar | Ang Siklab Staff Broadcaster
Videography and Edit by Andizon Santos | Feature Editor
17/11/2025
๐๐๐๐๐ฒ ๐๐จ๐ซ ๐๐๐ค๐๐จ๐๐!
As Columban College, Inc. marks its 64th Founding Anniversary this November 19, 2025, ๐ง๐ต๐ฒ ๐๐ฐ๐ต๐ผ and ๐๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐ธ๐น๐ฎ๐ฏ, the institutionโs official English and Filipino student publications, invite you aboard ๐ง๐๐ฅ๐ ๐๐ก๐๐ ๐:๐ฆ โ the 64th Founding Anniversary Special, a creative voyage celebrating the enduring legacy of excellence and purpose.
Much like a flight embarking toward new horizons, this milestone honors the institutionโs continuous ascent in nurturing Christian character, competence, and service, while upholding the journalistic principles of truth, integrity, and justice that both publications steadfastly champion.
Step into The Echo and Ang Siklabโs booth of boundless experiences, where celebration converges with creativity. Savor the distinct flavor of Columban spirit through an array of ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฐ๐ฟ๐ฎ๐ณ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฑ๐ฒ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐, explore ๐ฒ๐
๐ฐ๐น๐๐๐ถ๐๐ฒ ๐ธ๐ฒ๐ฒ๐ฝ๐๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐บ๐ฒ๐ฟ๐ฐ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ถ๐๐ฒ that reflect the pride of the pen, and strike a pose at the ๐๐ถ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ ๐ฝ๐ต๐ผ๐๐ผ๐ฏ๐ผ๐ผ๐๐ต, that captures the joy and unity of every Columbanite. Each corner invites not only participation but also reflection โ a reminder that the studentry's heart beats strongest when voices harmonize, passions ignite, and stories take flight together.
So fasten your seatbelts and prepare for departure โ because this anniversary isnโt just a celebration of years gone by, but a takeoff toward the future we continue to build together.
The ๐ฟ๐๐ป๐๐ฎ๐ ๐ถ๐ ๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐, the ๐ฒ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ฒ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐ฟ๐ผ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด, and ๐๐ผ๐๐ฟ ๐๐ถ๐ฐ๐ธ๐ฒ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ถ๐๐.
Layout and Text by Raphanyl Asuelo | The Echo Editor-in-Chief and Heloise Tan | The Echo Managing Editor
04/11/2025
Muling bubuhayin ng SLPC 2025 ang diwa ng kampus journalism ngayong Nobyembre 5, 13, at 14! Hinihikayat ang lahat ng mga mag-aaral na makiisa, matuto, at makipagsabayan sa mga kapwa mamamahayag sa isang pambihirang pagsasanay at paligsahan. Sa tulong ng The Echo at Ang Siklab, ito ang iyong pagkakataong iparinig ang katotohanan, isulat ang pagbabago, at ipamalas ang lakas ng iyong tinig.
Tara na, Campus Journalist โ ikaw ang susunod na boses ng bayan!
02/11/2025
๐๐ข๐ค๐ฅ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐๐ , ๐ฉ๐ข๐ง๐๐๐ฉ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐
Siklab ng apoy ang lumiwanag sa Columban College Inc. - College, Asinan Campus matapos ganapin nitong ika-29 ng Oktubre 2025 ng alas-syete ng gabi ang ๐ช๐๐๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐๐ na inilunsad ng Boy Scout of the Philippines.
Dinaluhan ng bawat pangkat ng BSP ang aktibidad kung saan pinangasiwaan ni G. Eris John Clavo ang aktibidad kasama ng mga senior scouts na bumuo sa pagsindi ng bonfire. Sumunod dito, pinangunahan ni Yelika Freylle A. De Guzman ang pagsasadula ng paghahanap ng liwanag.
Sa pagdaraos ng programa, hindi napigilang umikot at umawit ang bawat scouts palibot sa apoy at tinapos ito nang bumalik muli sa Msgr. Crisostomo A. Cacho Activity Center.
Ulat ni: Jaemie Orgaya | Patnugot ng Balita
Kuha ni: Jhane Rapal | Punong Litratista
02/11/2025
๐๐ข๐ค๐๐ฌ ๐๐ญ ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐ฅ๐ข๐ง๐; ๐๐๐ ๐๐ง๐ฏ๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ, ๐ง๐๐ข๐ฌ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐
Isinagawa noong Oktubre 29 2025, mula ika-1:30 hanggang ika-3 ng hapon ang Boy Scout of the Philippines Investiture Program na may temang: "๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐" sa Msgr. Crisostomo A. Cacho Activity Center ng Columban College Inc. Basic Education Asinan.
Sa pangunguna ni G. Eris John Clavo, sinimulan ang programa sa pagdadasal at sinundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang, Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas at Himno ng Columban.
Nagbigay rin ng paunang mensahe si Dr. Alysa Mae C. Abella, Assistant Principal kung saan malugod niyang binigyang pagbati ang mga bagong miyembro ng BSP, mga kaguruan, at mga magulang.
Sumunod dito, sinindihan naman ng ilang piling scouts ang kandila sa entablado kung saan sumisimbolo ito sa responsibilidad sa diyos, sa bayan, sa kapwa, at sa sarili.
Ipinakilala rin ang tagapagsalita ng programa na si E.S. Brian Charles D. Pineda kung saan kanyang ibinahagi na nakikita niya ang kaniyang sarili sa mga scouts na kabilang sa harap ng entablado.
Opisyal namang itinuring na miyembro ang mga napabilang na scouts sa pagbibigay pins at pagsusuot ng neckerchief na pinamunuan ni G. Paul Henry Silvano, isa rin sa mga tagapayo ng nasabing organisasyon.
Sa huli ng programa, galak at tuwa ang ramdam sa puso ng bawat scouts dahil sa nailunsad na programa.
Ulat ni: Jaemie Orgaya | Patnugot ng Balita
Kuha ni: Jhane Rapal | Punong Litratista
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Olongapo