Navotas City Library
Navotas City Library is a very useful platform that brings together people who are willing to learn.
The Navotas City Library under the Public Information Office is open for students of Navotas and other cities. We have different services to name a few
* E-Library
* Storytelling
* Film showing
* Bulilit corner and the latest technology Tech4ED
10/06/2026
📣PAALALA SA MGA NAVOTEÑO 📚
Simula June 16, 2026, ang Navotas City Library ay pansamantalang lilipat sa 2nd Floor, Phase 1B Multipurpose Building, Bangus St., Brgy. NBBS Kaunlaran upang patuloy na makapagbigay ng serbisyo sa ating komunidad.
Maaring bumisita ang mga mag-aaral, mga bata at iba pang Navoteño sa aming bagong pansamantalang lokasyon mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM, Lunes hanggang Biyernes.
Inaanyayahan namin ang lahat na bisitahin ang inyong aklatan at patuloy na magbasa, mag-aral, at matuto.
04/06/2026
Kahapon ay bumisita sa ating City Library si Dr. Meliton P. Zurbano, Schools Division Superintendent ng Schools Division Office–Navotas City, at ibinahagi ang kanyang mga isinulat na aklat ng mga tula.
Ang mga naturang aklat ay magiging bahagi ng koleksyon ng ating City Library at maaaring mabasa ng mga mag-aaral, kabataan, at iba pang bumibisita sa ating aklatan.
Isang taos-pusong pasasalamat kay Dr. Meliton P. Zurbano sa iyong mahalagang donasyon at sa pagbabahagi ng iyong kaalaman, karanasan, at inspirasyon sa pamamagitan ng iyong mga akda para sa kapakinabangan ng ating komunidad.
29/05/2026
Friday Visitors ng Navotas City Library!
Masayang bumisita ang mga bata sa Navotas City Library upang mag-enjoy sa pagbabasa at paglalaro ng board games kasama ang kanilang kapwa bata.
Patuloy na nagbibigay ang Navotas City Library ng mga aktibidad at serbisyo na nagpapalawak ng kaalaman, pagmamahal sa pagbabasa, at pakikipag-ugnayan sa komunidad ng mga kabataan.
*photos with permission
27/05/2026
📖 Isang malaking pasasalamat at pagpupugay sa ating mga Navotas Polytechnic College (NPC) Volunteer Students at NavotaAs Art Scholars na nagvolunteer bilang mga Storytellers! 📖
Sa pamamagitan ng inyong talento, dedikasyon, at pagmamahal sa literatura at pagkukuwento, nabigyang-buhay ninyo ang mga storybooks at naihatid ang mahahalagang aral, saya, at inspirasyon sa ating mga kabataan.
Patuloy nating palaganapin ang pagmamahal sa pagbabasa at pagkatuto upang mas maraming batang Navoteño ang mahubog sa pamamagitan ng mga kwento at literatura. 📖
25/05/2026
Nakaraang linggo, matagumpay na binisita ng Navotas City Library ang labing walong (18) barangays sa ating lungsod!
Kabuuang 586 na batang Navoteño ang aming nahandugan ng masasayang storytelling sessions upang ipakita na ang pagbabasa ay maaaring maging masaya, makulay, at kapana-panabik!
Namahagi rin tayo ng storybooks sa bawat isa sa 586 na batang kalahok upang lalo pang mapaigting ang kanilang pagmamahal sa pagbabasa at pagkatuto.
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga batang nabibigyan ng libro sa murang edad ay mas nagiging engaged sa pagbabasa at mas nade-develop ang kanilang imahinasyon at kakayahan sa pagkatuto.
Patuloy nating buhayin ang kultura ng pagbabasa sa bawat barangay ng Navotas at sama-sama nating hubugin ang susunod na henerasyon ng mga batang mahilig magbasa!
20/05/2026
BOOKS AND BREW: A READING HOUR
Tingnan ang mga kabataang nakiisa sa ating Reading Hour kung saan malaya silang pumili o magdala ng kanilang paboritong libro at magbasa habang nagkakape!
Sa simpleng pagsasama ng kape at libro, mas nahihikayat ang kabataan na muling tuklasin at mahalin ang pagbabasa, at gawing bahagi ng kanilang araw-araw na buhay ang pagbisita sa library para sa kaalaman, inspirasyon, at makabuluhang oras ng pag-aaral at pagbabasa.
Magbasa. Magkape. Mag-enjoy!
20/05/2026
Day 2 : Mobile Library Storytelling sa Bawat Barangay sa Lungsod
Brgy. NBBS Dagat-Dagatan | Brgy. NBBS Kaunlaran | Brgy. San Rafael Village
Kasama sa ibinahaging kuwento ng ating NPC Volunteer Students ang storybook na ipinagkaloob ng Valenzuela City Library na pinamagatang “Taling Hindi Maitali,” gayundin ang “Tiktaktok at Pikpakbum,” na patok na patok sa mga batang Navoteño.
Kasabay nito, namahagi rin tayo ng mga storybooks sa mga bata upang higit pang mahikayat at maibalik ang kanilang interes sa pagbabasa.
Magtatagal ang programa hanggang Biyernes, May 22, 2026!
19/05/2026
Kita-kits bukas sa Navotas City Library!📚☕
🕘 9:00 AM
Magbasa, Magkape, Mag-enjoy!
Tara na at samahan kami sa isang relaxing at masayang araw ng pagbabasa at pagkakape!
18/05/2026
COFFEE AND BOOKS AT NAVOTAS CITY LIBRARY!📚☕
Bumisita na sa ating Navotas City Library ngayong Wednesday, May 20, 2026!
Magbasa, mag-enjoy, at magkape habang naglalaan ng oras para sa kaalaman at pagkatuto.
Maaaring magdala ng sariling mug o tumbler para sa mas eco-friendly na coffee experience!
Tara na at samahan kami sa isang masayang araw ng pagbabasa!
18/05/2026
📚STORYTELLING SA BARANGAY!
Nagsimula na ang Mobile Library Barangay Storytelling ng Navotas City Library sa iba’t ibang barangay sa lungsod!
Kasama ang ating Joyful Reading Treasures Truck, binisita natin sa unang araw ang Brgy. NBBS Proper, Brgy. NBBN at Brgy. Bangkulasi upang maghatid ng saya, kaalaman, at pagmamahal sa pagbabasa para sa mga bata.
Kabilang sa mga aktibidad ang:
📖 Storytelling kasama ang mga Navotas Polytechnic College (NPC) Volunteer Students
🎁 Pamimigay ng storybooks at freebies
📺 Panonood ng AVOT TV tungkol sa tamang pagtatapon ng basura at malikhaing pagre-recycle
🍪 Snacks para sa mga bata
Maraming salamat din sa suporta at pakikiisa ng ating mga Kapitan at barangay officials.
Layunin ng programang ito na ibalik ang hilig ng mga bata sa mga libro at pagbabasa sa pamamagitan ng paghahandog ng storytelling activity at pamimigay ng mga aklat.
Magpapatuloy ang aktibidad hanggang Biyernes, May 22, 2026!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
M. Naval Street , Barangay Sipac-Almacen, Navotas City
Navotas
1485
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |