Expose the Truth

Expose the Truth

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Expose the Truth, Religious Center, San Isidro malate Manila, Manila.

I JUAN 4:1 (ADB)
Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.

25/08/2025

Paano maging kaanib sa MCGI❓❓❓

1.) Kailangan mong umatend ng 15 Araw para ikaw ay maging Miembro ng Member Church Of God International o MCGI.

2.) Wala po kayong obligasyon na mag abuloy hanggat hindi pa po kayo nababautismuhan sa Iglesia ng Dios. gaya ng nasusulat basahin natin.

III JUAN 1:7 (ADB)
Sapagka’t dahil sa Pangalan, ay nangagsiyaon sila na walang kinuhang anoman sa mga Gentil.

🌞Dahil na din po sa pagsunod natin na ganapin lahat ng utos kasama diyan ang di pagkuha mg abuloy sa hindi pa kaanib ng Iglesia. Basahin natin ang talata na bilin ng Panginoong Hesus.

MATEO 28:19-20 (ADB)
19. Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gumawa kayo ng mga alagad sa lahat ng bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
20. Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon.

3.) Pumunta lamang sa malapit na local sa inyong lugar at pwede ninyo pong I google kung anong MCGI na local ang malapit sa inyong lugar.

4.) Ang ikalabing limang araw ay ang araw na kayo po ay mababautismuhan sa Apalit Pampanga. May mga sasakyan ang bawat local para kayo po ay madala sa main MCGI sa Apalit Pampanga para sa bautismo.

5.) Kapag tayo po ay nabautismuhan may mga utos ang Dios na hindi na dapat nating gawin pa lalo na yung mga kasuklam suklam sa Panginoon.

🌞Bilang pauna ang utos ng Dios na tayo po ay magsuri kung ang inaaniban ba nating Iglesia ay tunay nga bang sa Dios. Siyang pamagat ng ating programa na Test The Spirits. Basahin natin.

I JUAN 4:1 (ADB)
Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.

🌞Yung Guide natin sa pagaaral ng katotohanan ay dapat hindi tayo hihigit sa nasusulat. Ito ang magiging batayan natin kung ang turo ba ay naayon sa bibliya o hindi. Basahin natin.

I CORINTO 4:6 (ADB)
Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.

🌞Dapat ang tagapagturo ay marunong kumilala sa mga bagay na nasusulat kung iniisip ninoman na siya'y propeta o ayon sa Spiritu. May mga utos ang Panginoon na dapat nating sundin upang tayo ay maging ganap at lahat yan ay nakasulat. Basahin natin.

I CORINTO 14:37 (ADB)
Kung iniisip ninoman na siya'y propeta, o ayon sa espiritu, ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo'y isinusulat ko, na pawang utos ng Panginoon.

🌞Ang atin pong pamumuhay ay dapat naayon sa ebanghelyo ng Panginoon siya na ang ating susundin at hindi na tayo aaring ganap pa sa kautusan ni Moises. Basahin natin.

FILIPOS 1:27 (ADB)
Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo’y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo’y matitibay sa isang espiritu, na kayo’y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;

🌞Ito naman ang talata na tayo ay hindi na aaring ganap sa kautusan ni Moises.

GAWA 13:39 (ADB)
At sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.

Ang tunay na pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng ebanghelyo. Basahin natin.

ROMA 10:17 (ADB)
Kaya nga ang pananampalataya’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.

🌞Nawa'y magsuri tayo gaya ng utos ng Panginoon upang maintindihan natin ang ebanghelyo ng Panginoon. Huwag po tayo manatili kung ano na ang ating nakasanayan at wala pong mawawala kung tayo po ay magsusuri sapagkat ito po ay utos niya.

🌞Upang maikumpara natin ang turo ng inaaniban nating Iglesia kung tunay nga bang sa Dios o hindi. Huwag po tayong tumingin sa kabaitan ng mga nagtuturo sa iba't ibang Iglesia ang tignan natin kung ang turo ay ayon ba sa bibliya. Kapag di nakasulat o hindi iyon ang totoong kahulugan ay huwag po tayong maniwala. Kaya po sinulat ang bibliya upang ang nakasulat ang siya nating batayan sa katotohanan.

Lagi po nating panatilihin ang tatlong ito:

I CORINTO 13:13 (ADB)
Datapuwa’t ngayo’y nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni’t ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.

To God Be The Glory.

MCGI Cares

Pag Ibig❤️❤️❤️

05/08/2025

🙏Pagkakaiba ng Talata sa EFESO 2:9 Kumpara sa EFESO 2:10🙏

🌞Dito maliliwanagan tayo sa malaking pagkakaiba ng talata sa EFESO 2:9 at EFESO 2:10.

🌞Sapagkat pinakakahulugan nila na Faith alone can save you and not by good works.

Ito ang nakalagay sa EFESO 2:9

EFESO 2:9 (ADB)
Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.

Ang nakasulat diyan gawa. Ngayon alamin natin ano ba yung gawa na tinutukoy para sabihin nilang Faith alone and not by good works.

Basahin natin at itutuloy lang natin sa parehong chapter.

EFESO 2:15 (ADB)
Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan;

🌞Ang nakalagay batas at palatuntunan.

🌞Alam niyo ba kapatid na ang sampung utos ng Dios ay gawa at hindi para kay Kristo na matuwid. Kaya sa EFESO 2:10 mababasa muna ang Good Works sapagklat tayo ay gawa ni Cristo na inihanda ng una pa lang upang siya nating lakaran at salungat sa tinuturo nila na di na daw kailangan ng Good Works. basahin natinn ang talata.

EFESO 2:10 (ADB)
Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

Para patunayan na ang sampung utos ay hindi para kay Kristo basahin natin ang talata sa I timoteo.

I TIMOTEO 1:8-9 (ADB)
8. Datapuwa’t nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,
9. Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao,

Kaya malaking pagkakaiba ang tinutukoy na gawa sa EFESO 2:9 kumpara sa mabubuting gawa na nabasa natin sa EFESO 2:10

Ito pa idagdag natin

ROMA 3:28 (ADB)
Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.

🌞Inaaring ganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan

🌞Kasi nga ang kautusan ni Moises ay para sa hindi matuwid sa mga mamatay tao para sa lapastangan sa magulang.

🌞Logic kung gawa ang kautusan ni Moises at hindi para sa matuwid ano naman ang kay Kristo ikaw na nananampalataya. Dito na papa*ok ang EFESO 2:10 Ang sabi inaaring ganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.Basahin natin ang EFESO 2:10.

EFESO 2:10 (ADB)
Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

Ang sabi sa talata sa EFESO 2:8 tayo ay nasagip sa biyaya ng Dios. Sa pamamagitan ng pananampalataya. basahin natin

EFESO 2:8 (ADB)
Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios;

kaya tama ang talata sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang sumasampalataya kay Cristo gagawa ng mabuti sa kapwa.

Ang utos ni Cristo mag bautismo tayo at pagkatapos ganapin natin ang lahat ng kanyang iniuutos.

MATEO 28:19-20 (ADB)
19. Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gumawa kayo ng mga alagad sa lahat ng bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
20. Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon.

Kaya walang Faith alone na mababasa sapagkat may kasama yang Faith at meron tayong dapat ganapin na mga utos ang sabi ng mga Apostol panatilihin natin ang tatlong ito:

Ang Pananampalataya, Pag Asa at Pag Ibig na kung saan ang Pag Ibig ang higit sa Pananampalataya at Pag Asa na sa atin.Basahin natin

I CORINTO 13:13 (ADB)
Datapuwa’t ngayo’y nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni’t ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.

Pagkatapos mo maniwala matutuklasan mo na ang Pag Ibig ang higit yan oh nakasulat.

Kaya kapatid magkaakibat ang Pananampalataya at mabubuting gawa at mababasa mo na gawin niyo lahat sa Pag Ibig

I CORINTO 16:14 (ADB)
Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.

Kaya tama ang sabi ni Apostol James na ang pananampalatayamg walang mga gawa ay patay.

SANTIAGO 2:17 (ADB)
Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili.

🌞Na pinatotohanan din naman ni Apostol Pablo na ang sabi niya kung magkaroon ako ng buong pananampalataya bagamat wala akong Pag Ibig ay walang kabuluhan. Basahin natin

I CORINTO 13:2 (ADB)
At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa’t mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa’t wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan.

🌞Kung meron ka namang mabubuting gawa ipinagkaloob mo ng lahat ng iyong tinatangkilik bagamat wala kang Pag Ibig ay walang pakikinabangin sayo.

I CORINTO 13:3 (ADB)
At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa’t wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin.

🌞Kaya tama ang mga Apostol na dapat panatilihin ang tatlong ito

I CORINTO 13:13 (ADB)
Datapuwa’t ngayo’y nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni’t ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.

🌞Maging utos sa pagaabuloy sa puso mangagaling.

II CORINTO 9:7 (ADB)
Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa pinipilit: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.

🌞Utos din ni Cristo ang mahalin mo ang iyong kaaway.

🌞Kaya ang pagganap ng kanyang utos ang tunay na kaligtasan hindi Faith alone lang at wala kang mababasa sa bibliya na faith alone can save you. Kasi ang nasusulat tatlo ang hindi mo nakikita ay ang Pag Asa at Pag Ibig bukod sa Pananampalataya.

To God Be The Glory.

05/08/2025

❤️Ang Utos sa panahong Kristiyano❤️

Judio o totoong Kristiyano?

Alin ba sa dalawa talaga kayo?

10 percent utos para sa Israelita o totoong Kristiyano na ang utos ay magbigay ayon sa ipinasya ng puso?

Alin ba talaga ate at kuya?

Utos sa luma o utos sa Bago?

🌞Sana kung di na kailangan ng Good Works Huwag na magikapu Good works po yon.

🌞Itong verse na ito naka address ito sa mga pamunuan ng relihiyon na hindi talaga sa laman at dugo ang tunay na laban kundi sa kapamahalaan, sa mga namumuno: basahin natin

EFESO 6:12 (ADB)
Sapagka’t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

🌞Kaya may batayan ang bibliya kung bakit sila ang nasa hulang ito ni propeta Isaias basahin natin.

ISAIAS 56:11 (ADB)
Oo, ang mga a*o ay matatakaw, sila’y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila’y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa’t isa’y sa kaniyang pakinabang.

🌞Na ang kanilang Dios ay ang kanilang tiyan basahin natin.

FILIPOS 3:19 (ADB)
Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, na ang kanilang dios ay ang tiyan, at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa.

🌞Hindi sila nakakaunawa pero yang ikapu alam nila yan na hindi na yan ukol sa panahong Kristiyano.

🌞Ang utos sa panahon natin ay magbigay ayon sa ipinasya ng kaniyang puso.

II CORINTO 9:7 (ADB)
Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa pinipilit: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.

🌞Ayon sa talata silang lahat ay nagsiliko at hindi nakakaunawa.

🌞Sa bibliya wala kang mababasa na Faith alone can save you. Ang meron tayo ay naligtas sa biyaya.

🌞Ang meron sa papamagitan ng pananampalataya pero may kasama yang pananampalataya na yan na di mo nakikita kasi nga, Iyan ang Hope , at Love at sinabe na ang Love ang higit kaysa sa Pananampalataya at Pag Asa na sa atin. Paano tayo susunod sa utos ni Cristo kung hindi tayo mananampalataya muna kaya nga sa pamamagitan ng pananampalataya pagkatapos nun may Pag Asa kana at gagawin mo na ang lahat sa Pag Ibig.

I CORINTO 16:14 (ADB)
Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.

Bakit walang mababasang Faith alone can save you?

Basahin natin ang talata tungkol sa pananampalataya na buo as in buo bagamat walang Pag Ibig ay walang kabuluhan.

I CORINTO 13:2 (ADB)
At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa’t mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa’t wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan.

🌞Ito naman may mabubuting gawa bagamat walang Pag Ibig walang pakikinabangin.

I CORINTO 13:3 (ADB)
At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa’t wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin.

Kaya tama ang sabi ni Apostol James na ang pananampalataya na hiwalay sa gawa ay patay.

SANTIAGO 2:17 (ADB)
Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili.

Kaya ang kaakibat ng pananampalataya ay ang mabubuting gawa na inihanda ng Dios ng una upang siya nating lakaran.

EFESO 2:10 (ADB)
Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

Anong gawa ba ang tinutukoy sa EFESO 2:9

EFESO 2:9 (ADB)
Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.

🌞Basahin natin ang kahulugan ng gawa na sinasabe sa EFESO 9 kasi may malaking pagkakaiba ang talata sa EFESO 9 At 10 itutuloy lang natin ang pagbabasa sa EFESO chapter 2 din.

EFESO 2:15 (ADB)
Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan;

🌞Yun pala ay mga batas at palatuntunan. Kasi mga kapatid hindi na tayo para sa batas ni Moises

GAWA 13:39 (ADB)
At sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.

🌞Para saan ba ang batas o utos sa panahon ni Moises? basahin natin

I TIMOTEO 1:9 (ADB)
Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao,

🌞Yun naman pala kaya ang Israelita hindi na pwedeng magmapuri na Chosen people of God sapagkat sa panahong Kristiyano wala ng Hudyo o Griego man, tayo ngayon ay iisa kay Cristo Hesus. Basahin natin

GALACIA 3:28 (ADB)
Walang magiging Judio o Griego man, walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka’t kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus.

🌞Ang Faith alone wala kang mababasa pero yung gumagawa ng utos sa hindi nila pagka alam sa utos ay nakatupad na sa utos.

🌞Ito ah walang pananampalataya pero tumutupad sa utos sa hindi nila pagka alam sa Kautusan.

ROMA 2:13-14 (ADB)
13. Sapagka't hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Dios, kundi ang nangagsisitalima sa kautusan ay aariing mga ganap;
14. (Sapagka’t kung ang mga Gentil, na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili;

🌞Kaya ang kahatulan ng Dios sa kanila ay ang mabubuting nagawa nila. Hindi Faith alone, Ang lalabas kasi malupit ang Dios mo kung sa faith ang kaligtasan.

Paano yung gumagawa ng mabuti na walang alam sa kautusan tapos pinatay ng kapwa tao na halang ang kaluluwa. Paano ang hustisya? Paano hahatol ang Dios sa kanila? Di ba sa huli hahatulan sila ayon sa kanilang ginawa.

🌞Tayo na may pananampalataya ang kaakibat nito ay mabubuting gawa. Kaya nga ang sabi sa talata gawin niyong lahat sa pag ibig. Ang utos mahalin mo ang iyong kaaway.

Ang bilin ni Cristo bago siya pumanhik sa langit ay ganito.

MATEO 28:19-20 (ADB)
19. Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gumawa kayo ng mga alagad sa lahat ng bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
20. Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon.

Kung born again ka ang doktrina mo ay Faith alone can save you, Lalabas na ang bautismo ay di makakapagligtas. Kasi nga may mga Pastor nagtuturo na di na kailangan ng bautismo hindi na kailangan ng relihiyon, maliligtas ka sa pamamagitan ng pananampalataya kailangan lang daw ay personal relationship sa panginoon.

May pananampalataya ka o sa ibang wika naniniwala ka, Eh utos niya magbautismo at ganapin lahat ng utos lumalabas kalaban ka ng pananampalataya mo. Kasi nga kaligtasan mo ay Thru Faith. Saka walang mababasa na personal relationship sa bibliya ang meron Alipin kalaunan magiging kaibigan muna siya.

Pero sabihin mong personal relationship nangangahulugang hindi mo pwedeng i share si Cristo sa iba. Personal eh. Gaya ng gamit mo personal yun hindi mo pwedeng ipahiram lalo na sa di mo kakilala yung toothbrush mo.

Ang relationship natin sa Dios ay sa pagitan ng servant na tayo ay alipin at ang panginoon ang ating Master.

JUAN 13:16 (ADB)
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon; ni ang sinugo man ay dakila kay sa nagsugo sa kaniya.

Tayo ay alipin at susunod tayo sa ating Master. Ito ang tunay na relationship natin sa Dios.

LUCAS 9:23 (ADB)
At sinabi niya sa lahat, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa araw-araw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.

Ang krus ay ang mga utos ng Panginoon papasanin natin araw - araw.

🌞Kaya tama ang mga Apostol ng sabihin nila ang talatang ito. Walang kontra kung tatlo ang kahilingan na dapat nating panatilihin.

Panatilihin natin lagi ang tatlong ito:

I CORINTO 13:13 (ADB)
Datapuwa’t ngayo’y nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni’t ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.

Tandaan ang higit sa lahat ay Pag Ibig❤️❤️❤️

To God Be The Glory.

MCGI Cares.

29/07/2025

🔱The Rise of the Anti Christ🔱

👑Ang dalawang klase ng kapamahalaan👑

🌞Ang Ikaapat na tatak na nakita ni Apostol John ay ang maputlang mangangabayo. Kung saan pinagkalooban ng kapamahalaan at may pangalang Kamatayan at ang Hades ay sumusunod sa kanya. basahin natin:

APOCALIPSIS 6:8 (ADB)
At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila’y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.

🌞Itong maputlang mangangabayong ito halos dala niya lahat ang maputi, mapula at ang maitim na mangangabayo. Ang Diablo ang nagbigay ng kapamahalaan sa Kamatayan ito na kung saan ang Hades ay sumusunod sa kanya.

🌞Sa kabilang banda naman ang Dios Ama ang siyang pangulo ni Cristo basahin natin

I CORINTO 11:3 (ADB)
Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.

🌞Ang kapamahalaan ni Cristo Hesus ay buhay.

JUAN 14:6 (ADB)
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.

🌞Ang kapamahalaan ng Dios Ama sa Anak na buhay na walang hanggan . Basahin natin

JUAN 3:16 (ADB)
Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinoman sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mamatay, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

🌞Ang Kamatayan ay ang huling lilipulin. basahin natin.

I CORINTO 15:26 (ADB)
Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan.

💥Itong kamatayan napagtagumpayan na ito ng ating tagapagligtas na si Cristo Hesus ng siya ay mamatay at mabuhay na maguli. Nadaig na niya ang naghahari sa kamatayan samakatuwid ay ang diablo. Basahin natin

HEBREO 2:14 (ADB)
Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, siya nama’y gayon ding nakabahagi sa mga ito; upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, samakatuwid ay ang diablo:

🌞Itong Kamatayan na kung saan ang Hades ay sumusunod sa kanya ay ibubulid sa Apoy. Kaya mga kapatid nakakatiyak tayo na hindi litetal na libingan itong tinatawag nilang Hades na gaya ng sinasabe ng ibang Iglesia. Basahin natin

APOCALIPSIS 20:14 (ADB)
At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, samakatuwid ay ang dagatdagatang apoy.

🌞ltong Kamatayan ang magiging Pastor nila. Kaya masasabi nating itong kamatayan ay isang Spiritual being. Kaya nga isipin natin kung hindi spitual being ito, papaano ito maibubulid sa dagat dagatang apoy. basahin natin.

AWIT 49:14 (ADB)
Sila’y nangatakda sa libingan na parang kawan; Kamatayan ay magiging pastor sa kanila: At ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan; At ang kanilang kagandahan ay mapapasa libingan upang matunaw, Upang mawalan ng tahanan.

🌞May ibang klase ng kamatayan kung saan pinagpapahinga na ng Dios ang taong matuwid at mahabagin. Hindi ito ang kamatayan na tinutukoy at mababasa natin sa Apocalipsis 6:8. Basahin natin ang talata.

ISAIAS 57:1 (ADB)
Ang matuwid na namamatay, at walang taong nagdadamdam; at mga taong mahabagin ay pumapanaw, walang gumugunita na ang matuwid ay naalis sa kasamaan na darating.

🌞Ito pa ang isang klase ng kamatayan na bagama't buhay ay patay. Basahin natin.

I TIMOTEO 5:6 (ADB)
Datapuwa’t ang nangagpapakabuyo sa mga kalayawan, bagama’t buhay ay patay.

🙏🌞❤️🙏🌞❤️🙏🌞❤️🙏🌞❤️🙏🌞❤️🙏

🌞Ang Unang tatak na nakita ni Apostol John ay ang Maputing Mangangabayo na sumisimbolo sa pekeng Cristo sapagkat ginagaya nito ang totoong Cristo: Basahin natin ang unang tatak:

APOCALIPSIS 6:2 (ADB)
At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog; at binigyan siya ng isang putong: at siya'y humayong lumulupig, at upang lumupig.

Itong maputing mangangabayong ito ay naglalarawan bilang Anti Cristo sapagkat taliwas sa sinisimbolo ni Cristo na mababasa sa Apocalipsis Chapter 19.

🌞Ang mga propesiya na darating ang mga Anti Cristo. Ang katuparan ng hula ay ang pag ganap nito at mapalad ang bumabasa, at nakikinig ng mga salita ng hula, at ang mga tumutupad nito.

APOCALIPSIS 1:3 (ADB)
Mapalad ang bumabasa, at ang nakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka’t ang panaho’y malapit na.

🌞Dalawang klase ang hula isang mapalad na tumutupad nito sa kabilang ibayo naman ay kabaliktaran ang kanilang tinutupad. Ang tumutupad ng mga salita ni Cristo at isang tumutupad sa pagiging Anti Kristo.

🌞Ang Book of Apocalipsis ay hindi po intended sa lahat kundi doon lamang sa mga alipin ng Dios. Sila lamang ang pinagkaloobang umunawa ng mga nangasusulat dito. basahin natin.

APOCALIPSIS 1:1 (ADB)
Ang Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin, samakatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali: at kaniyang ipinadala at ipinaalam sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan;

💥Babala ng Panginoong Hesus nang siya'y nangangaral sa lupa.

MATEO 24:24 (ADB)
Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.

🌞Unahin natin yung hula ni propeta Isaias tungkol sa mga Pastor na di nakakaunawa at silang lahat ay nagsiliko. Sabi sa talata silang lahat as in silang lahat. Basahin natin.

ISAIAS 56:11 (ADB)
Oo, ang mga a*o ay matatakaw, sila’y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila’y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa’t isa’y sa kaniyang pakinabang.

🌞Sapagkat tayo po ay may Pastor na, Walang iba kundi ang ating Panginoong Hesus.

I PEDRO 2:25 (ADB)
Sapagka’t kayo’y gaya ng mga tupang nangaliligaw; datapuwa’t ngayon ay nangabalik kayo sa Pastor at Obispo ng inyong mga kaluluwa.

🌞Siya ang mabuting Pastor natin:

JUAN 10:11 (ADB)
Ako ang mabuting pastor: ibinibigay ng mabuting pastor ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa.

🌞Mantakin mo ituro mo Faith alone can save you tapos puputulin mo iyong ibang bible verse na kinasihan ng Spiritu ng Dios na siyang nagtuturo ng mabuting gawa sa kapwa. Dapat po kasi ituro ng mga pastor na ito ng buo ang mga utos ni Cristo. Ganyan ang turo nila para maraming miembro maanib tapos di nagtitiwalag ng mga maling nananampalataya. Hindi mo na daw kailangan ng mabuting gawa, Iyan po ay isang napakalaking maling kaunawaan sa bibliya. Ang magbigay ng tithes po ay isang mabuting gawa saka hindi po 10% percent ang tithes, Ang utos sa panahon ng Kristiyano ay magbigay ayon sa ipinasya ng kanyang puso. Saka ang pag si share mo ng ebanghelyo sa kapwa ay isang mabuting gawa. Kaya tama ang hula ni propeta Isaias hindi nga sila nangakakaunawa: sila’y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa’t isa’y sa kaniyang pakinabang iyan ang sabi ng hula ni propeta Isaias. Kasi po mga kapatid may mababasa sa bibliya na ang pananampalatayang walang gawa ay patay. Nagtuturo ng laban sa nakasulat. Dapat ang nangangaral ay kilalanin niya ang utos ng Panginoon basahin natin:

I CORINTO 14:37 (ADB)
Kung iniisip ninoman na siya'y propeta, o ayon sa espiritu, ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo'y isinusulat ko, na pawang utos ng Panginoon.

🌞Ang John 3:16 ay inilalarawan kung gaano tayo kamahal ng Dios Ama.

All in one ang John 3:16 itong verse na ito ay naglalaman ng Pag Ibig, Biyaya, at Awa ng Dios Ama sa atin.

JUAN 3:16
Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, - Love

na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, - Grace

upang ang sinoman sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mamatay, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. - Mercy

Ang Efeso 2:8 inilalarawan ang biyaya ng Dios tayo'y naligtas.

Ituloy mo lang sa Efeso 2:10 mababasa mo na tayo'y gawa nilalang kay Kristo Hesus para sa mabubuting gawa.

SANTIAGO 2:13 Inilalarawan nito na ang Dios ay awa.

💥Kapag sinabing Faith ibig sabihin susundin mo ang mga utos niya at maniniwala ka kay Cristo Hesus.

🌞Ang Dios Ama at si Cristo Hesus ay ang nanampalataya una para maisagawa ang kaligtasan. Nagtiwala din ang Dios sa mga Apostol kaya nga pinasulat sa mga Apostol para maging palatuntunan natin o guide upang tayo ay maligtas.

🌞Si Satanas din may pananampalataya na alam niyang iisa ang Dios ang nakakahigit sa kanya pero ngunit hindi siya nakakitaan ng gawa o pagsinod. basahin natin.

SANTIAGO 2:19-20 (ADB)
19. Ikaw ay sumasampalataya na ang Dios ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa: ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig.
20. Datapuwa’t ibig mo bagang maalaman, Oh taong walang kabuluhan, na ang pananampalataya na walang mga gawa ay baog?

🌞Sinasabe ng talata na ang Faith na walang gawa ay maikukumpara kay Satanas datapuwat nanampalataya ay walang gawa.

🌞Kapatid kapag ang basehan lang ng kaligtasan mo ay Faith lumalabas na malupit ang Dios mo. Kasi papaano yung mga ninuno natin na di nakapakinig sa aral ng Dios pero gumagawa ng mabuti sa tingin mo faith ba ang magiging basehan ng kaligtasan nila? Saka paano naman yung mga tao di napakinig at walang pananampalataya na gumagawa ng masama, mamatay tao papaano sila hahatulan ng Dios kung ang kaligtasan ay thru faith? Diba sa huli ang paghuhukom ay ayon sa kanilang ginawa sa lupa? Basahin natin.

APOCALIPSIS 20:12 (ADB)
At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.

💥Ang bilin niya bago siya umakyat sa langit magpabautismo tayo kasi wala namang bautismo sa sampung utos ng Diyos sa lumang tipan.Sa bagong tipan ang utos magbautismo para mahugasan ang ating kasalanan. Sasa atin ang banal na Spiritu ng Dios na magiging katuwang natin at upang tayo ay maipanganak namang muli sa Spiritu. Pagkatapos ng bautismo ang utos ganapin lahat ng mga pinag uutos ng Panginoong HesuKristo. basahin natin.

MATEO 28:19-20 (ADB)
19. Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gumawa kayo ng mga alagad sa lahat ng bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
20. Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon.

🌞Ngayon Ibibihis muna ay si Cristo bilang isang bagong nilalang pagkatapos mo mabautismuhan.

II CORINTO 5:17 (ADB)
Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago.

🌞Ngayon meron mga Pastor dinadala tayo sa kaisipang Faith alone can save you gaya ng nangyare sa tulisan na kasama ni Cristo maipako. Parang pinalalabas na okay lang magpakasama ka muna kasi kapag mamamatay kana ay pwede ka namang manampalataya para masagip ka. Tandaan natin si Cristo ay Dios siyang nakaka alam ng puso ng tao. Noong magsalita ang tulisan na may pag amin sa kanilang nagawang kasalanan siya na Dios na nakaka alam ng puso ng mga tao siya na nagpapatawad ng may sala. Kung nakapakinig sana yung tulisan dapat sana wala siya roon at malamang sa malamang magpapabautismo yung tulisan na yun na siyang utos sa panahong Kristiyano. Ang panghikayat nila para dumami sila, Ang Salvation daw ay thru Faith na ang dapat nilang ituro ay ang mga kautusan ni Cristo na binilin at pinasulat niya sa mga Apostol ang kapal po ng bibliya mga kapatid kung pipiliin lang nila yung mga verse na pabor lang sa faith malamang sa malamang maliligaw tayo. Bakit di niyo itanong sa mga pastor na ligtas naman pala thrue faith bakit kailangan pa ng ikapu?

🌞Dahil silang lahat ay nagsiliko at di nakaunawa ng mga nangasusulat na sa kanila ang bawat isa ay kapakinabangan lumalabas na ang kanilang Dios ay ang kanilang tiyan ayon sa bibliya silang di nakakunawa.:

FILIPOS 3:19 (ADB)
Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, na ang kanilang dios ay ang tiyan, at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa.

🌞Mga mapagpanggap na Apostol ni Cristo na obvios naman pera ang hangad.

II CORINTO 11:13
13. Sapagka’t ang mga gayong tao ay mga bulaang apostol, mga magdarayang manggagawa, na nangagpapakunwaring mga apostol ni Cristo.

🌞Sapagkat meron na po tayong Apostol mga kapatid na walang iba kundi ang Panginoing Hesus.

HEBREO 3:1 (ADB)
Kaya, mga banal na kapatid, mga may bahagi sa pagtawag ng kalangitan, inyong isipin ang Apostol at Dakilang Saserdote na ating kinikilala, si Jesus;

💥Sapagkat ang mga Apostol ang kahuli hulihan na. Kapag ba sinabing kahuli hulihan na may kasunod pa ba?

I CORINTO 4:9 (ADB)
Sapagka't iniisip ko, na pinalitaw ng Dios kaming mga apostol na mga kahulihulihan sa lahat, na tulad sa mga itinalaga sa kamatayan: sapagka't kami'y ginawang panoorin ng sanglibutan, at ng mga anghel, at ng mga tao.

🌞Sapagkat maging si Satanas din ay nagpapanggap na Anghel ng kaliwanagan bagamat may pananampalataya ay patay sa gawa.

II CORINTO 11:14
14. At hindi katakataka: sapagka't si satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.

🌞Maging ang kanyang mga ministro ay mapagkunwaring ministro ng katuwiran na ang katotohanan sila ay hindi nakakaunawa.

II CORINTO 11:15
15. Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa.

🌞Anghel na mapagpanggap na ang kanyang ministro ay mapagkunwari rin na ministro ng katuwiran.

💥Hindi po nagsisinungaling ang hula ng bibliya at lahat ng ito ay nangyayare na buhat pa sa panahon ni Apostol John kaya nga babala niya na suriin natin ang bawat Spiritu kung sila ba ay tunay na sa Dios. basahin natin ang talata at dito din ako kumuha ng title ng programa na Test The Spirits:

I JUAN 4:1 (ADB)
Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.

🌞Noong palitan ang pagkasaserdote pinalitan din naman ang kautusan basahin natin:

HEBREO 7:12 (ADB)
Sapagka’t nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan.

🌞Kaya po ang ikapu ay utos pa sa panahon ni Moises at di na tayo aariing ganap sa kautusan ni Moises. Basahin natin.

GAWA 13:39 (ADB)
At sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.

🌞Hindi sapat ang manampalataya lang dahil kailangan nating gumawa ng mabuti sa kapwa upang sila'y mahikayat na magbalik loob sa Panginoon. Dahil utos din ni Cristo na mahalin natin ang ating kaaway at para magawa mo yun hindi sapat ang pananampalataya lang gagawa tayo ng mabuti sa kapwa at gagantihan natin ng kabutihan ang paggawa nila masama sa atin. Bago natin magawa yan dapat matuto muna tayong sumunod kay Cristo dahil yun din ang ibabahagi natin sa ating kapuwa upang sila'y maligtas at magbalik loob sa Panginoon. Kapag natuto kana ibig sabihin na nun nasa sayo na ang Pag asa o ang katuwiran ng Dios na siya nating ibahahagi sa kapwa sa pamamagitan ng mabuting gawa na may Pag Ibig. Ang Pag ibig ang pinaka dakila sa lahat,

I CORINTO 13:13 (ADB)
Datapuwa’t ngayo’y nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni’t ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.

🌞Ang tatlong ito ay dapat manatili sa atin bilang Kristiyano. Ang Pananampalataya, Ang Pag Asa, At ang Pag Ibig. Ang nakakahigit diyan ay ang Pag Ibig.

🌞Sapagkat magkaroon ka man ng buong pananampalataya as in buo kung wala kang Pag Ibig wala itong kabuluhan.

basahin natin:

I CORINTO 13:2 (ADB)
At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa’t mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa’t wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan.

🌞O kaya ikaw naman ay may mabubuting gawa sa iyong kapwa pinagkaloob mo lahat ng iyong tinarangkilik kung wala kang Pag Ibig wala ring pakikinabangin sayo. basahin natin.

I CORINTO 13:3 (ADB)
At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwa’t wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin.

🌞Kaya ang kumpletomg senaryo ng pagsunod kay Cristo Hesus ay dapat may Pananampalataya. may Pag asa na nasa atin, Gagawa tayo ng mabuti sa kapwa sapagkat nasa atin na ang katuwiran ng Dios at higit sa lahat gawin natin itong lahat sa Pag Ibig. Lumalabas na ito'y tatlong kahilingan na dapat nating panatilihin upang tayo ay maligtas. Gagawin natin ang pananampalataya, Ang Pag asang nasa atin ay maibahagi sa kapwa sa pamamagitan ng Pag Ibig.

I CORINTO 16:14 (ADB)
Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.

🌞Saka huwag po tayong papatawag na Ama sa relihiyon sapagkat iisa ang inyong Ama.

MATEO 23:9 (ADB)
At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka’t iisa ang inyong ama, samakatuwid baga’y siya na nasa langit.

🌞Huwag din po kayo papatawag na Rabi sapagkat iisa ang inyong g**o:

MATEO 23:8 (ADB)
Datapuwa’t kayo’y huwag patawag na Rabi: sapagka’t iisa ang inyong g**o, at kayong lahat ay magkakapatid.

🌞Ang dapat nating tawagan sa relihiyon ay Kapatid ayon sa talata maging sa mga mangangaral.

🌞Sa Book of Apocalipsis mayroong apat na mangangabayo na siyang larawan ng mga Anti Cristo. Ito ang mga kasalukuyang nagaganap sa mundo at nagsimula ito sa panahon pa ni Apostol John, Lumabas na itong mga Anti Cristo na ito pagkatapos niya maisulat ang book of Apocalipsis. basahin natin:

I JUAN 2:18 (ADB)
Mumunting mga anak, ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.

🌞Ang Anti Cristo sa book of Apocalipsis ay lumalarawan ito sa apat na kulay ng mangangabayo. maputi, mapula, maitim, at maputla. Ang bible meaning ng Maputlang mangangabayo ay something greenish so masasabi nating ito'y kulay berde.

🌞🌞🌞Check niyo merong Iglesia gumagamit ng mga kulay na ito sa kanilang bandera na Maputi, Mapula, at Maputla na ang kahulugan nga sa bibliya ay kulay Berde. Ang maiitim na mangangabayo ay may hawak na timbangan na larawan ng di patas na katarungan o katuwiran sila ang nasa likod ng mga pagkapanalo ng mga nasa gobyerno ayon sa talata lahat ng ito ay sa kanilang kapakinabangan. Larawan din ito ng tag gutom ang maiitim na mangangabayo. Ang maputlang mangangabayo halos dala niya lahat ng tatlong kulay na mangangabayo sapagkat nasa kanya ang kapamahalaan at tinatawag siyang KAMATAYAN at ang hades ay sumusunod sa kanya. Ang maputlang mangangabayo naglalarawan ng isang Spiritual being Dahil may pangalan itong KAMATAYAN at ang hades ay sumusunod nga sa kanya at may talata tayo na mababasa na ibubulid ang KAMATAYAN at Hades sa dagat dagatang apoy kaya kung itoy literal na libingan hindi mo maibubulid ang libingan sa apoy gaya ng maling interpretasyon ng mga iba't ibang Iglesia na hindi nakakaunawa. Para maibulid mo sa apoy ang KAMATAYAN at Hades sila po ay mga masasamang Spiritu o Spiritual being. Basahin natin ang hula:

APOCALIPSIS 20:14 (ADB)
At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, samakatuwid ay ang dagatdagatang apoy.

🌞Iyan po na ang ibig sabihin na ang tinatawag na Kamatayan ay yun na nga ang maputlang mangangabayo na pinagkalooban ng kapamahalaan sa hades kasi nga sumusunod sa kanya. basahin natin

APOCALIPSIS 6:8 (ADB)
At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila’y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.

Pumapatay sa pamamagitan ng tabak.

💥Aral po iyan kapatid kahulugan ng tabak at isang kahulugan pa niyan ay literal na tabak na siyang pumapatay yan ay naglalarawan sa Maputi at Mapulang mangangabayo na kung saan ang Mapulang mangangabayo ang nag alis ng kapayapaan. Sapagkat may mga Iglesia na nagtuturong pumatay ng kapwa alang alang sa kanilang pinuno at samahan na taliwas sa mga ginawa ng mga Apostol ni Cristo na kung saan ang mga Apostol ay handang mamatay para kay Cristo at hindi para pumatay kaya nga inawat ni Cristo si Pedro ng tagain niya ng tabak sa tenga ang isang kawal na umaresto sa kanya.

💥Tag gutom sapagkat darating ang araw na hindi ka na makakabili ng hindi kana kaanib ng Iglesia nila. Larawan ng hindi makatarungang hustisya nasa likod ng mga nasa kapangyarihan kung bakit sila nananalo na ang kauuwian ay ayon sa kanilang kapakinabangan. Ang hawak niyan ay timbangan ang Maitim na mangangabayo na alam natin na ang Dios lamang ang may tamang timbangan.

KAWIKAAN 20:23 (ADB)
Mga iba't ibang panimbang ay karumaldumal sa Panginoon; At ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti.

🌞At ang salot na kung saan alam natin na may mga Iglesia na walang Dios at hindi naniniwala kay Cristo na ang kanilang ginagawa ay gumawa ng salot may mga bansa po na ang majority sa bansa nila ay hindi naniniwala kay Cristo kaya amg kanilang gawa ay wala sa katuwiran gaya na lamang na salot na Covid 19 na ito'y nagsimula sa bansang China na layong gumawa ng chemical warfare para sa kanilang kapakinabangan.

🌞Maraming mga Iglesia ang nagpaliwanag na ang nakasakay daw sa maputing mangangabayo na may hawak na busog at isang putong sa kanyang ulo na humahayong lumulupig ay si Cristo. Ayon sa kanilang interpretasyon na tunay ngang hindi sila totoong alipin ng Dios. Mapapanood niyo yan documentary pa sa Episode ng apat na mangangabayo kung saan apat na Iglesia ang nagkopyahan sa paliwana, na ito daw ay si Cristo na isang malaking pagkakamali sapagkat ayon sa hula sila ang mga naglalakihan Iglesia na eksato sa nilalarawan ng Maputing mangangabayo sa Apocalipsis Chapter 6:2.

🌞Ang maputing mangangabayo na may hawak na busog at may isang putong sa kanyang ulo ay naglalarawan ng mga maling aral sa mga relihiyon ngayon at ang mga ito ay ang mga naglalakihang relihiyon sa bansa sapagkat ayon sa hula sila ay humahayong lumulupig.

🌞Katunayan may apat na relihiyon nabanggit si Bro Eli na nagkamali ng Interpretasyon sa maputing mangangabayo na ito na ang sabi nila ito daw ay si Cristo na humahayong lumulupig at para sa inyong kaalaman hindi po si Cristo ang nakasakay sa kabayong maputi na may hawak na busog at may isang putong sa kanyang ulo. Para malaman niyo kung sinu sino itong mga Iglesia nabanggit ni Bro Eli ay
panoorin po ninyo ang episode ng apat na mangangabayo sa YouTube channel ko na icompile ko na siya para isang panooran na lang. Nasa baba ang link👇

https://www.youtube.com/

APOCALIPSIS 6:2-8 (ADB)
2. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog; at binigyan siya ng isang putong: at siya'y humayong lumulupig, at upang lumupig.
3. At nang buksan niya ang ikalawang tatak, ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay, na sinasabi, Halika.
4. At may lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa’t isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak.
5. At nang buksan niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay.
6. At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada; at huwag mong ipahamak ang langis at ang alak.
7. At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika.
8. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila’y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.

🌞isa lang ang common sa apat na mangangabayo na yan lahat yan ay mamamatay tao. .

🌞Ang paglabag sa utos ang kinauuwian ay ang mga talatang ito dahil na rin sa sila'y natatatakan na ng maling aral na kung saan makikita sa gawa ng kamay ang mali at hindi mabuting gawa ang tanda rin ng Anti Kristo. Nagbabala na ang Dios, Ipinasulat na sa mga Apostol at propeta upang di tayo maloko ninoman kapag di ka magsusuri ikaw ay matatatakan sa isip ng maling aral at tanda sa iyong kamay na gawang di mabuti.

APOCALIPSIS 13:16-18 (ADB)
16. At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo;
17. At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, samakatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan.
18. Dito’y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka’t siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu’t anim.

🌞Bilangin mo lahat yan ang kanyang bilang ay 666 ang bibliya na ang nagbigay sa atin ng bilang ng Anti Cristo. Lahat ng kanyang nasasakupan o kapamahalaan ay sa kanyang kapakinabangan.

🌞Nasusulat na sa bibliya na itong Anti Cristo ay magmumula sa Relihiyon na may maling aral at pagkaunawa sa bibliya. Ang mga Apostol ni Cristo noong unang panahon nakikibaka sila pero di sa laman at ang mga ito ang gumigiba ng mga kuta basahin natin:

II CORINTO 10:4-5 (ADB)
4. (Sapagka't ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta);
5. Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa't bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo;

🌞Kaya mga kapatid totoo ang sinasabe ng bibliya na hindi tayo nakikipaglaban sa laman at dugo sapagkat nagtagumpay na si Cristo sa labang ito ng laman at dugo, Kundi ang totoong laban ay sa mga pamunuan, sa may mga kapangyarihan na kung saan ang Kamatayan ang siyang namamhala sa mga ito.

EFESO 6:12 (ADB)
Sapagka’t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

🌞Ang pupuksa sa mga pamunuang ito ay ang tunay na aral ng Dios na walang iba kundi ang aral at utos ni Cristo na walang iba kundi tayong mga tunay na Kristiyano na sumusunod sa Panginoong Hesus na kung saan ang lahat ng utos ay katuwiran

AWIT 119:172 (ADB)
Awitin ng aking dila ang iyong salita; Sapagka’t lahat ng mga utos mo ay katuwiran.

🌞Kung saan ang Cristo Hesus ang siyang pinagkalooban ng kapamahalaan sa buhay na walang hanggan.

JUAN 3:16 (ADB)
Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinoman sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mamatay, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

🌞Noong pasimula ng madaya si Eva at Adan ng ahas na kung saan ang ahas ay naglalarawan kay Satanas ay sinabi nga ng Dios.

GENESIS 3:15
15. At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.

🌞Ilalagay sa ilalim ng kanyang mga paa ang ulo ni Satanas na siyang binhi ng babae. Ang binhi ng babae na tinutukoy ay ang Ebanghelyo ito ang nanganganak ng nanganak hanggang ngayon bashin ang pagdurog sa ulo ni Satanas sa pamamagitan ni Cristo Hesus.

EFESO 1:22 (ADB)
At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia,

🌞Ang kahuli hulihan pasusukuin ay ang Kamatayan.

I CORINTO 15:25-26 (ADB)
25. Sapagka’t kinakailangang siya’y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway.
26. Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan.

🌞Pagkatapos na mapasuko na ang lahat sa pamamagitan ng katuwiran ng Dios ang Anak din ay susuko sa Ama upang ang Ama ay maging lahat sa lahat. Lord of Lords mga kapatid.

I CORINTO 15:28 (ADB)
At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.

🌞Ngayon ang maliligtas magkakaroon ng buhay na walang hanggan at mananahan sa bagong Jerusalem na hindi na ipinasakop sa mga anghel basahin natin:

HEBREO 2:5 (ADB)
Sapagka’t hindi niya ipinasakop sa mga anghel ang sanglibutang darating, na siya naming isinasaysay.

🌞Itong mundo natin nasasakop pa ito ng mga anghel kung saan ang mga anghel ang nangasiwa sa mga ninuno natin.

🌞Ang hindi nila pagkaunawa sa aklat ng Apocalipsis ang siyang nagbigay daan para matupad ang hula na kung saan ang hindi pagkaunawa at hindi pagsunod sa utos kay Cristo ay lumalabas na sa kanila naganap ang hula na kung saan sila ang gumaganap na Anti Cristo ayon sa nakasulat.

🌞Ang pagbabahagi ng kaalaman ito ay hindi upang mang atake kundi upang maliwanagan tayo sa totoong nangyayare sa mga relihiyon na ating inaaniban. Sapagkat utos ng Dios na tayo ay magsuri kung sila ba ay tunay na sa Dios na mababasa natin mismo sa sulat ni Apostol John na sumulat ng aklat ng Apocalipsis. basahin natin

I JUAN 4:1 (ADB)
Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.

🌞Sa ganitong paraan malalaman natin kung tunay o hindi ang inaaniban nating relihiyon at upang di tayo maloko ninoman.

Hanggang sa muli mga kapatid.

💥Tandaan na dapat nating panatilihin ang tatlong kahilingan ng kaligtasan:

I CORINTO 13:13 (ADB)
Datapuwa’t ngayo’y nananatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni’t ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.

Tandaan ang higit sa lahat ay ang Pag Ibig❤️❤️❤️

To God Be The Glory

MCGI Cares.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


San Isidro Malate Manila
Manila
1004