Iskovery Night

Iskovery Night

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Iskovery Night, Show, Manila.

26/11/2025

Besh, kahit may mga hamon sa national economy, hindi nagpapa-awat ang negosyo sa Maynila!

Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, sa kabila ng paghina ng national growth outlook, tuloy-tuloy pa rin ang sigla ng negosyo sa Maynila papasok ng 2026—mas marami pa rin ang nagbubukas kaysa nagsasara, patunay na buo pa rin ang tiwala ng mga negosyante sa kabisera.

"Ang Maynila, unti-unting bumabangon. Sisikat muli ang araw sa Lungsod. Sa maayos at tapat na pamamahala ng pondo ng bayan, malalampasan natin ang lahat ng pagsubok. May awa ang Diyos," dagdag niya.

Sa mahigit 55,000 rehistradong negosyo, halos 1,400 lang ang nagsara, pero mahigit 7,200 ang bagong nagbukas—kaya tuloy-tuloy ang net growth ng negosyo sa Maynila. Malaking tulong dito ang mga reporma sa city hall: mas mabilis na permits sa eBOSS, mas kaunting requirements sa zoning, at mas maayos na koleksyon ng buwis na umangat sa 81% efficiency nitong huling quarter.

Habang binabaan ng ASEAN+3 Macroeconomic Research Office at ng Fitch Solutions ang growth outlook ng bansa dahil sa bagyo, global uncertainty at isyu sa pamumuhunan—iba ang takbo ng Maynila. Sa unang 100 araw pa lang ni Yorme, naka-generate na agad ng mahigit 12,000 trabaho at bilyon-bilyong piso sa investments.

Sa madaling sabi, besh: habang kinakabahan ang iba, ang Maynila tuloy ang kayod at tuloy ang kita salamat sa current pamamahala ni Yorme. Subtle flex, pero ramdam.

01/07/2025

Walang sinayang na oras si Mayor Isko Moreno Domagoso sa kanyang pagbabalik bilang alkalde ng Maynila — agad itong naglabas ng 5 executive orders na tututok sa disiplina, kalinisan, at kaayusan sa lungsod.

1. Disiplina sa Pamahalaan
Lahat ng opisyal at empleyado, dapat maging huwaran ng magandang asal.

2. Curfew sa Kabataan
10PM–4AM curfew para sa 17-anyos pababa.

3. Sabayang Linis tuwing Sabado
Barangay-led clean-up simula Hulyo 5.

4. Bawal ang Maingay na Tambutso
Striktong pagpapatupad ng muffler noise rules.

5. Ayusin ang Spaghetti Wires
Telcos at cable providers, utos ni Yorme na linisin ang mga kalat na kable.






.pio

30/06/2025

Sa unang araw nya sa opisina, isinailalim ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang Maynila sa State of Health Emergency dahil sa iniwan na problema sa basura ng dating administrasyon.

Nanawagan si Yorme ng kooperasyon ng lahat. Sabi nya, pinakiusapan na daw nya ang Leonel Waste Management na hakutin ang basura ng walang gastos sa lungsod.

Inatasan na rin nya ang City Engineering, DPS, at NDRRMO, na lahat ng human resources, equipment, at logistical capacity na available, ay i-utilize hanggang masolusyunan ang nasabing problema sa basura.

29/08/2024

Jose Mari Chan who? 😜

Sino po may gawa nito may etneb sa akin? Letmaku ah. Ang taba ng utak! 😅

Time will tell at laging may awa ang Diyos mga Batang Maynila! 🙏🏻

24/08/2024

Eyyyyy! Kamusta ang loooong weekend niyo so far mga Iskovery Nighties?

06/08/2024

Aba aba! 👀

Ready na ba kayo? Ako G na! Nag-stretching na nga ako ngayon dahil malapit na ulit tayong magkita-kita at magsama-sama! 😊

26/07/2024

Hmmmm paano kaya yung ISKORvery Night? 😂

Eyyy naging meme pa nga ako. Letmaku talaga kayong mga ISKOrganic, ang tataba ng utak! May etneb kayo sa akin! 😆

24/07/2024

Mag-ingat tayo at magdasal sa Panginoong Diyos para sa kaligtasan at patnubay, Iskovery Nighties! 🙏🏻

Eyyy ka muna eyyy 🤙🏻😅 #GMAGala2024 21/07/2024

Eyyy ka muna eyy 🤙🏻 Happy Sunday, Iskovery Nighties!

Eyyy ka muna eyyy 🤙🏻😅 #GMAGala2024

Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Manila