MOO Malay - Pantawid Program

MOO Malay - Pantawid Program

Share

Welcome to the Official page of Municipal Operations Office (MOO) of Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) - Malay, Aklan!

This page serves as a platform for updates, announcements, community engagement, and program activities.

12/06/2026

MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Kaisa ang Department of Social Welfare and Development Field Office VI sa pagdiriwang ng ika-128 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Sa paggunita sa kabayanihan at sakripisyo ng ating mga ninuno, muli nating pinagtitibay ang ating paninindigan sa paglilingkod nang may integridad, malasakit, at pagkakaisa para sa kapakanan ng bawat Pilipino.

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang diwa ng kalayaan upang patuloy nating isulong ang isang lipunang makatao, maunlad, at matatag para sa lahat.

Photos from MOO Malay - Pantawid Program's post 12/06/2026

LOOK: Meet Mary Jean Magpusao, a 4Ps monitored child and the official representative of the Municipality of Malay in the Aklan Provincial Search for Exemplary Child 2026.

Hailing from Barangay Manoc-Manoc, Malay, Aklan, Mary Jean has consistently demonstrated outstanding character, leadership, academic dedication, and active participation in community activities.

This year, thirteen (13) municipalities across the province have fielded their respective contestants for the Provincial Search for Exemplary Child 2026, and Mary Jean proudly carries the banner of the Municipality of Malay in this competition.

Her inspiring journey serves as a testament to the potential of every young individual to create a positive impact in their family, school, and community.

Best of luck, Mary Jean! The entire Pantawid Malay family is proud of you and grateful for the honor you bring to our municipality. Continue to shine, inspire, and be a role model to other children in the community.

The announcement of winners for the Aklan Provincial Search for Exemplary Child 2026 will be on June 17, 2026./JLT

Photos from MOO Malay - Pantawid Program's post 11/06/2026

LOOK: The Caballes Family is officially representing Malay, Aklan in the Aklan Provincial Search for Huwarang Pamilya 2026 ๐Ÿ’™

Led by Mrs. Emilia Caballes, a 4Ps grantee and loving mother from Caticlan, Malay, Aklan, the Caballes Family has become an inspiring example of resilience, responsibility, and positive community involvement. Their story serves as a testament to the values of a truly huwarang pamilya and continues to inspire those in the community.

Beyond their active participation in community activities, the Caballes Family also takes pride in raising children who excel academically and consistently demonstrate the importance of education, hard work, and perseverance.

For this year's Aklan Provincial Search for Huwarang Pamilya 2026, only eight (8) municipalities from across the province have submitted their entries, and the Caballes Family is proud to be one of the official representatives, carrying the banner of Malay, Aklan.

The announcement of winners for the Aklan Provincial Search for Huwarang Pamilya 2026 will be held on June 17, 2026.

Best of luck, Caballes Family! The entire Pantawid Malay family is proud of you and honored to have you represent our municipality.

No matter the outcome, you have already made us proud by showcasing the strength, dedication, and values of Malaynon families./JLT

Photos from MOO Malay - Pantawid Program's post 05/06/2026

LOOK: DAY 5 OF BRIGADA ESKWELA 2026! ๐Ÿ’™

4Ps Beneficiaries Continue Their Participation on Brigada Eskwela 2026 in Different Schools in the Municipality of Malay.



๐Ÿ“ธ 4Ps Parent Leaders

04/06/2026

Former 4Ps Monitored Child from Brgy. Balabag ๐Ÿ’™

Kauna-unahang professional sa pamilya, ganap na Electrical Engineer

Testimonya ni Adriel Syke Y. Lagaday
Benepisyaryo ng 4Ps

MALAY, Aklan (Pangbabago) - Ako po si Engr. Adriel Syke Y. Lagaday, isang dating minomonitor ng 4Ps at ngayon ay isa nang ganap na Electrical Engineer na nakapasa sa Registered Electrical Engineer Licensure Examination noong April 2026. Ako ang kauna-unahang professional sa aming pamilya kaya ang tagumpay na ito ay hindi basta-basta nakamit, ito ay bunga ng mahabang proseso ng pagsubok, sakripisyo, at matibay na paninindigan sa buhay.

Lumaki ako sa isang pamilyang kapos sa maraming bagay. Ang aking mga magulang ay kapwa senior citizens na at may mga karamdaman, kayaโ€™t wala na silang kakayahang magtrabaho. Sa kabila nito, kaming magkakapatid - na pawang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noon - ay piniling magpatuloy sa pag-aaral. Hindi naging madali ang aming sitwasyon. Dumaan kami sa matitinding pagsubok emosyonal, pinansyal, at maging sa aking kalusugan dahil sinusumpong ako ng seizure kung sobrang stress. May mga pagkakataon ding nakarinig ako ng negatibong komento mula sa iba, ngunit pinili kong huwag itong gawing hadlang sa aking pangarap.

Sa gitna ng lahat, naging sandigan namin ang isaโ€™t isa bilang pamilya. Hindi man maibigay ng aking mga magulang ang lahat ng aming pangangailangan, hindi naman nila ipinagkait ang kanilang pagmamahal, gabay, at moral support. Ang kanilang mga payo ang nagsilbing ilaw sa aming landas upang manatiling matatag at maging mabuting mamamayan.

Malaki rin ang naging papel ng 4Ps sa aking paglalakbay. Hindi man nito nasolusyunan ang lahat ng aming problema, naging malaking tulong ito upang maibsan ang aming mga alalahanin, lalo na sa aking pag-aaral. Dahil dito, mas nakapagpokus ako sa pag-abot ng aking mga pangarap.

Nang akoโ€™y pumasok sa kursong Electrical Engineering, doon ko tunay na naranasan ang bigat ng responsibilidad. Maraming gabing kulang sa tulog, sunod-sunod na pagsusulit, at mabibigat na proyekto ang aking hinarap. May mga pagkakataong napagod ako, na-stress, at nawalan ng gana. May mga gabi ring napapatanong ako kung kaya ko pa bang ipagpatuloy. Ngunit sa tuwing naiisip ko ang aking pamilya at ang kanilang sakripisyo, bumabalik ang aking lakas at dahilan para magpatuloy.

Pinakamahirap ang panahon ng aking pagrereview para sa board exam. Bukod sa pressure at pagod, kinaharap ko rin ang kakulangan sa pinansyal at ang aking kondisyon sa kalusugan - lalo na ang aking maintenance para sa seizure na lumalala kapag ako ay sobrang pagod. May mga araw na gusto ko nang sumuko, ngunit lagi kong pinapaalala sa sarili ko kung bakit ko ito sinimulan at kung para kanino ko ito ginagawa.

At dumating ang pinakahihintay na araw - ang paglabas ng resulta ng board exam. Hindi ko maipaliwanag ang saya at emosyon na aking naramdaman nang makita kong pumasa ako. Lahat ng pagod, puyat, at sakripisyo ay biglang nagkaroon ng saysay. Napaiyak na lamang ako, hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa aking pamilya at sa lahat ng naniwala sa akin.

Ngayon, bilang isang dating monitored 4Ps child na nakamit ang kanyang pangarap, nais kong magsilbing inspirasyon sa ibang kabataan. Lalo na sa mga nanggaling sa hirap at may pinagdadaanang pagsubok - hindi hadlang ang kahirapan o anumang kondisyon upang maabot ang pangarap. Maaaring mapagod, madapa, at mawalan ng lakas, ngunit huwag kailanman susuko.

Darating ang panahon na titingin ka sa lahat ng pinagdaanan mo - luha, pagod, at sakripisyo at sasabihin mo sa sarili mo: โ€œWorth it ang lahat.โ€ At kung may pinakamahalagang aral akong baon mula sa aking paglalakbay, ito ay: "Walang pangarap na hindi maaabot ng taong may sipag at tiyaga; kapag itoโ€™y pinagsikapan nang buong puso, tiyak na makakamit ang buhay na pinapangarap."
(Submitted by MOO Malay, Aklan POO)

Photos from DepEd Malay Elementary School - Malay Aklan's post 04/06/2026

4Ps Join the Brigada Eskwela 2026! ๐Ÿ’™

Photos from MOO Malay - Pantawid Program's post 04/06/2026

LOOK: DAY 4 OF BRIGADA ESKWELA 2026! ๐Ÿ’™

4Ps Beneficiaries Continue Their Participation on Brigada Eskwela 2026 in Different Schools in the Municipality of Malay.



๐Ÿ“ธ 4Ps Parent Leaders

Photos from MOO Malay - Pantawid Program's post 03/06/2026

LOOK: DAY 3 OF BRIGADA ESKWELA 2026! ๐Ÿ’™

4Ps Beneficiaries Continue Their Participation on Brigada Eskwela 2026 in Different Schools in the Municipality of Malay.



๐Ÿ“ธ 4Ps Parent Leaders

03/06/2026

โ€ผ๏ธ ALS Enrollment for Island Barangays!

Sa mga nagtatanong ito Ang Schedule sa mga gusto mag enrol sa Alternative Learning System (ALS) Boracay

June 4, 2026
Day: Thursday
Time: 7:30am-11:30am
Place: Yapak ALS Classroom

June 4, 2026
Day: Thursday
Time: 7:30-11:30am
Place: ManocManoc Elementary School (Covered Court)

Enrol na Dahil sa ALS may PAG-ASA

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Malay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


MSWDO Senior Citizen Bulding
Malay
5608

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm