Vocation Ministry - DSPIC

Vocation Ministry - DSPIC

Share

Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception - City of Malabon

"Vocationi Meae Amor Est"

Photos from Vocation Ministry - DSPIC's post 04/08/2026

Maligayang Araw ng mga Kaparian! ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™Œ

Bilang pagdiriwang natin sa araw ng mga kaparian, ang Vocation Ministry ng ating parokya ay nagsasagawa ng Photo Booth bilang promotion sa ating Vocation Ministry at pakiki-isa na rin sa pagdiriwang ng Kapistahan ni St. John Vianney

Bahagi rin nito ang pagdarasal natin sa mga kaparian dito sa ating Diocese of Kalookan sa pamamagitan ng pagbunot ng kanilang pangalan

Patuloy nating ipagdasal ang ating mga kaparian sa kanilang pakikibahagi sa misyon ni Kristo, ang Dakilang Pari. ๐Ÿ™

01/08/2026

โ€œMany are called, but few are chosen.โ€ (Mt 22:14)
AND BE THE CHOSEN ONE!

Ang bokasyon ay hindi lamang tungkol sa kung ano ang iyong magiging buhay, kundi kung saan ka tinatawag ng Diyos para makabahagi sa kanyang Pag-ibig.

Bilang pagdiriwang sa Kapistahan ni St. John Vianney, patron ng mga pari
ang Vocation Ministry ay magtatayo ng Vocation Booth sa patio ng ating Simbahan, at ating ipagdasal ang mga kaparian na mas lalong maging modelo ng bokasyon at pagmamahal ng Diyos.

August 2, 2026 (Linggo)
8:00-10:45 ng umaga
4:45-7:00 ng gabi

Halina at maging kabilang sa bawat tinawag at pinili ng Panginoon!

12/06/2026

๐•๐จ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐„๐ง๐œ๐จ๐ฎ๐ง๐ญ๐ž๐ซ ๐–๐ž๐ž๐ค๐ž๐ง๐? ๐€๐ง๐จ, ๐ญ๐š๐ซ๐š?

Kung ikaw ay binata na nasa Grade 10, 11, 12, o college at interesado sa buhay ng pagpapari, at nais magtimbang o mag-discern ng iyong bokasyon, tara na! Halinaโ€™t samahan kami sa gaganaping ๐•๐Ž๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐„๐๐‚๐Ž๐”๐๐“๐„๐‘ ๐–๐„๐„๐Š๐„๐๐ƒ sa ๐‰๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ•-๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.

Ito ay on a first come, first served basis. Kung may iba ka pang katanungan o concern, maaari mong i-message ang Vocation Ministry โ€“ Diocese of Kalookan page.

๐Ÿ“Œ Registration link: https://forms.gle/htBHk9fJPRN1YGrm8

Photos from Vocation Ministry - DSPIC's post 28/04/2026

๐๐ซ๐ž๐ฐ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง 2.0: ๐Š๐š๐ฉ๐ž ๐š๐ญ ๐ƒ๐š๐ฌ๐š๐ฅ: ๐†๐š๐›๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ง๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐๐จ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง

โ€œPang-ilang baso mo na? โ˜•โ€

Bilang pagdiriwang ng Good Shepherd Sunday, inilunsad ng Vocation Ministry ang ikalawang taon ng Brewkasyon na may temang โ€œBrewkasyon 2.0: Kape at Dasal: Gabay sa Paghanap ng Bokasyon.โ€ Naging bahagi rin ng programa ang pormal na turnover mula sa outgoing coordinator na si Sis. Francheska Beatrice De Leon patungo sa bagong coordinator na si Bro. Emmanuel Salonga.

Dinaluhan ito ng ibaโ€™t ibang kabataan na nais matuto at mas maunawaan ang kanilang bokasyon. Hindi lamang nabusog sa pisikal kundi pati sa espiritwal na pangangailangan.

Isinagawa ang programa sa tulong at gabay ng ating mga bisitang seminarista na sina Bro. Christopher V. Mabini, Bro. Calvin Nicole Lacuata, at Bro. Joshua Nico Dadula. Maraming salamat sa inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon at sa pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman at karanasan.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta at nagbahagi ng kanilang tulong, lalo na sa ating mga food sponsors:
Sis. Christina de Dios
Sis. Zenaida Vidal
Sis. Normie Lising
Sis. Yolly Herrera
Sis. Edith Santos
Dr. Leonard Dizon
Sis. Jennifer Cruz
Sis. Cherrie Macatangay

Lubos din ang aming pasasalamat sa ating mga kaparian, lalo na sa ating rektor at kura paroko, Rev. Fr. Mariano Bartolome Jr., sa kanilang patuloy na suporta sa ating mga programa ngayong Vocation Sunday.

Higit sa lahat, maraming salamat sa lahat ng miyembrong nakilahok mula sa iba't ibang ministeryo at organisasyon ng ating simbahan.

Lagiโ€™t laging tandaan, ang bokasyon ay pagmamahal! ๐Ÿ’™

25/04/2026

Nagkakape habang pinag uusapan kung saan ka nga bang tinatawag na bokasyon, Ano tara? โ˜•๐Ÿ˜‰

BREWKASYON 2.0
Kape at Dasal: Gabay sa Paghanap ng Bokasyon

Just chill and come with me! Sa pagkakape may pag-uusapan tayong mas mag papagising sa bokasyon mo. Set the date and time!

๐Ÿ—“April 27, 2026 (Monday)
๐Ÿ••6:00 PM
๐Ÿ“Œ2nd Floor, Mater Dei Building

Let's coffee with Jesus, siiipppp!! โ˜•

Photos from Vocation Ministry - DSPIC's post 03/08/2025

๐‹๐š๐ค๐š๐ฒ๐š: ๐Š๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š, ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐, ๐š๐ญ ๐๐š๐ง๐š๐ฐ๐š๐ ๐š๐ง
Isang masigla at makahulugang talkshow na naging daan upang mas makilala natin ang puso at bokasyon ng ating mga kaparian.

Ngunit ang lahat ng ito ay hindi magiging posible kung wala ang walang sawang dedikasyon ng mga taong nasa likod ng tagumpay ng programa. Mula sa mga meetings at brainstorming hanggang sa aktwal na araw ng event, hindi matatawaran ang tulong ng bawat isa.

Maraming salamat po sa inyong paglilingkod!

Photos from Vocation Ministry - DSPIC's post 03/08/2025

๐‹๐š๐ค๐š๐ฒ๐š: ๐Š๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š, ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐, ๐š๐ญ ๐๐š๐ง๐š๐ฐ๐š๐ ๐š๐ง

Isang makabuluhang talkshow kung saan mas malalim nating nakilala ang puso at misyon ng ating mga butihing kaparian!

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Clergy Day, taus-pusong pasasalamat po ang aming handog sa mga pari ng ating dambana at ng St. Jude Thaddeus Mission Station: Rev. Fr. Jun Bartolome, Rev. Fr. Victor Isaac, Rev. Fr. Rey Amante, Rev. Fr. Simeon Baio, at Rev. Fr. Johnson Nwanonenyi.

Salamat sa inyong walang sawang paggabay at sakripisyo para sa bayan ng Diyos.
Maligayang Araw ng mga Pari! ๐Ÿ™




๐Ÿ“ธJerwin Israel Aquino

Photos from Vocation Ministry - DSPIC's post 06/06/2025

๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐›๐š๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค!

Muling nagtipon ang DSPIC Vocation Ministry para sa First General Assembly na isang pagkakatipong pinagbuklod ng panibagong alab sa bokasyon. Sa pagbabalik, pag-ibig ang ating sandigan at layunin.

Photos from Vocation Ministry - DSPIC's post 11/05/2025

๐๐ซ๐ž๐ฐ-๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง: ๐Š๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐ฎ๐ก๐š๐ง๐  ๐๐จ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง

"Tara, kape!"

Isang masarap na kwentuhan at salu-salo bilang pagdiriwang ng Good Shepherd Sunday! Hindi lang nabusog ang tiyan, kundi pati ang puso at kaluluwa.

Maraming salamat kina Sis. Anita Selidio mula sa Missionary Sisters of Mary (MSM) at Bro. Nollen Jed Mendoza mula sa Missionaries of Jesus (MJ) sa pagbabahagi ng kwento ng kanilang buhay bokasyon. Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating mga kaparian, lalo na sa ating rektor at kura paroko, Rev. Fr. Mariano Bartolome Jr., para sa kanyang walang sawang suporta sa lahat ng ating mga programa ngayong Vocation Sunday.

Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng miyembrong nakilahok mula sa iba't ibang ministeryo at organisasyon ng ating simbahan. At higit sa lahat, sa mga buong pusong nagbigay ng tulong upang maisakatuparang ang programang ito.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Malabon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


272 Gen. Luna Street
Malabon
1470

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vocation Ministry - DSPIC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Subscribe

We will notify you when anything happens in Malabon.