HalaManyika
Magtanim ng buto ng kabutihan at magdilig ng positibong pananaw at kaligayahan
30/04/2026
Magandang M🌺rning 🥰🥰🥰
25/04/2026
(A)ng sarap sa pakiramdam pati na rin sa dila
(N)ginunguya’y organiko at sariwa
(I)ba ang ramdam na tuwa pag ANI’y sa sariling bakuran nagmula
-halamANyIka
22/04/2026
Throwback Wednesday…6 years ago sa aking FB memories. Kasagsagan ng Covid 19. Ugaliin po nating magtanim.🙂🙂🙂
*******************
KATAS (ng pagtatanim)
Mula nang kumaway itong Covid-19,
Saganang KumATAS mga suliranin
Animo’y halimaw, kay talim ng pangil
KATAS ng kamandag, masipag kumitil
Takot kumaKATAS, habang tumatagal
Pandemya’y kay bilis, lunas ay matumal
MaKATAS na bulsa’y panay panic buying
Payat na pitaka’y wala nang makain
Wala nang maKATAS, tyan na tumatahol
Nang dahil sa lockdown, trabaho’y naputol
Tulad ni tipaklong, wala mang naipon
Umaasa na lang sa KATAS ng tulong
Merong makaKATAS, handang sumaklolo
Ngunit ‘di sumapat, sisi’y sa gobyerno
Sana nung tag-araw, ginaya si langgam
Para may naKATAS, pagsapit ng ulan
Hindi lamang KATAS ng pagtatrabaho
O ipong pera ang aking pinupunto
Maraming maKATAS na pamamaraan
Nang kinabukasan ay mapaghandaan
Mahirap umasa sa KATAS ng iba
Panahon ng krisis, piga ang ayuda
Pwede lang asaha’y KATAS ng sarili
Pera’y aanhin kung wala nang mabili?
Gawin mong puhunan itong pagtatanim
MaKATAS na ani’y ‘di ka gugutumin
Kahit tuluyan pang KumATAS ang lockdown
Sa impok na tanim, hindi mana-knockdown
Binhi ng sampalataya ay itanim
Diligan ng maKATAS na panalangin
Matutuyo rin ang KATAS ni “Corona”
Pag-asa’y kaKATAS sa tulong ni Ama🙏
~manyika~
22/04/2026
Feb. 24 nakaharvest ako ng 2 bulb
Sila ay aking ni-chop
Ibinaon ko sa lupa ng islayt
Diniligan ko sila with love
Heto na sila, full of life😁🥰
08/04/2026
Parang kailan ko lang siya itinanim, ngayon marami na siyang supling. Good m🎃rning!
♥️
07/04/2026
Yesterday’s GROWcery. 🤗🤗🤗
06/04/2026
Ako ay may tanim na banana
Kaliit pa’y eksayted nang magbunga
Sana makayanan ang bigat na dala
Ano kaya ang variety niya?
03/04/2026
Di bale nang mangitim sa kakatanim, meron namang sariwang gulay na aanihin. Laging from farm to table ang pagkain namin. Gandang morning!😊
Ganitong buhay ang pangarap ko pag ako’y senior citizen na. Magandang umaga.🙂
27/03/2026
Pag may itinanim, meron nang uulamin😋😋😋
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Mabiga
Mabalacat
2010