Imus GAD Unit
"Promotes Women Empowerment, Gender Equality and Social Inclusion in the City of Imus"
17/06/2026
Maligayang Kaarawan, Konsehala Yen Saquilayan! ๐
Maraming salamat sa iyong dedikasyon at malasakit sa kababaihan, kabataan, at mga pamilyang Imuseรฑo. Nawaโy patuloy kang pagpalain ng lakas, tagumpay, at mabuting kalusugan.โจ
04/06/2026
Late Post
May 21, 2026 - Ang Imus Gender and Development (GAD) Unit ay naanyayahang maging resource speaker sa isinagawang aktibidad sa Barangay Anabu II-E, City of Imus. Sa nasabing programa, tinalakay nina Dr. George G. Tumamak at Awdrey V. Billones ang Magna Carta of Women (Republic Act No. 9710) upang mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga kalahok hinggil sa mga karapatan at kapakanan ng kababaihan.
Binigyang-diin ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mga opisyal at kawani ng barangay sa pagbuo at pagpapatupad ng mga gender-responsive na program at serbisyo upang matiyak ang pantay na pagtrato at oportunidad para sa lahat.
Naging matagumpay at makabuluhan ang nasabing aktibidad sapagkat nakatulong ito sa pagpapalawak ng kamalayan at pagpapalakas ng kakayahan ng mga opisyal, kagawad, at kawani ng barangay sa pagsusulong ng mga karapatan ng kababaihan at pagpapatupad ng mga programang may pananaw sa kasarian s kanilang komunidad.
02/06/2026
๐ ๐ฃ๐ฅ๐๐๐ ๐ ๐ข๐ก๐ง๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐
Ngayong Buwan, ating kinikilala at ipinagdiriwang ang kagandahan ng pagkakaiba-iba, ang tapang ng pagiging totoo sa sarili, at ang karapatan ng bawat isa na mahalin at tanggapin nang walang pag-aalinlangan. ๐โจ
Ang bawat tao ay may sariling kuwento.
Ang bawat boses ay mahalaga.
At ang bawat kulay ay bahagi ng isang mas makulay at mas matatag na komunidad.
Sa Lungsod ng Imus, patuloy nating itinataguyod ang isang lipunang may paggalang, pagkakapantay-pantay, at inklusibong pag-unlad para sa lahat. Sapagkat ang tunay na lakas ng ating komunidad ay nakikita sa ating kakayahang magkaisa sa kabila ng ating mga pagkakaiba. ๐ค๐
โจ Sama-sama nating itaguyod ang pagmamahal kaysa diskriminasyon.
โจ Pag-unawa kaysa panghuhusga.
โจ Pagkakaisa kaysa pagkakahati-hati.
Dahil ang bawat isa ay nararapat makita, marinig, tanggapin, at mahalin. ๐ณ๏ธโ๐
Happy Pride Month, mga Imuseรฑo! Patuloy nating ipagmalaki ang ating mga kulay at ipakita na sa Imus, may puwang ang lahat. ๐ซถ
10/05/2026
๐๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ ๐ ๐ผ๐๐ต๐ฒ๐ฟโ๐ ๐๐ฎ๐! ๐
Sa lahat ng mama, mommy, nanay, at sa mga babaeng itinuring nating ina sa ating buhay, taos-pusong pasasalamat po sa inyong walang sawang pagmamahal, pag-aaruga, at gabay. Kayo ang naging sandigan, lakas, at ilaw na patuloy na nagbibigay direksyon sa aming buhay at mga pangarap.๐ซถโจ
Nawaโy mapuno ng saya, pagmamahalan, at pasasalamat ang espesyal na araw na ito para sa lahat ng ilaw ng tahanan. ๐
06/05/2026
May 4, 2026, Oath Taking of Newly Elected Barangay GAD Officers
PRESIDENT: LOIDA BORATA โ Anabu II-C
VICE PRESIDENT: MAINE LUNGCAY-ELEGINO โ Bucandala II
SECRETARY: VEDASTO BAUTISTA JR. โ Anabu I-F
ASST. SECRETARY: LORNA ALQUIROS โ Magdalo
TREASURER: MONINA VINA MENDOZA โ Poblacion IV-D
ASST. TREASURER PAUL CHRISTIAN CAMET โ Buhay na Tubig
AUDITOR: SUSAN MABBATUNG โ Malagasang II-G
PRO (Public Relations and Officer: GINA PALLESCO โ Pag-Asa III
Public Information Officer: GINA VARGAS โ Bayan Luma IV
Congratulations!
20/04/2026
READ: ๐ฃ๐๐ช ๐๐น๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ณ๐ถ๐ฒ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฑ๐ด๐ฒ๐ ๐ถ๐ ๐ก๐ผ๐ ๐ฎ๐ป โ๐๐
๐๐ฟ๐ฎโ ๐๐๐ป๐ฑ, ๐๐ฎ๐ป๐ป๐ผ๐ ๐ฏ๐ฒ ๐จ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฎ๐ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐๐๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ ๐ฒ๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฒ๐
Under Advisory No. 2026-001, the PCW reminds all government instrumentalities that the GAD budget is an attribution of an agencyโs existing appropriations representing the cost of mainstreaming gender perspectives into its core mandates, rather than a stand-alone or โextraโ fund. Therefore, it cannot be treated as a general reserve to comply with the energy conservation mandate under Memorandum Circular No. 114 or the national energy emergency declared under Executive Order No. 110.
However, the PCW allows for the strategic readjustment of the GAD Plan and Budget (GPB). Agencies may redirect funds from non-feasible, travel-intensive, or high-energy consumption activities toward cost-efficient interventions that respond to emerging gender issues exacerbated by the crisis. Such readjustments must remain compliant with existing GAD budget policy and administrative and audit guidelines issued by PCW, the Department of Budget and Management, and the Commission on Audit.
Read full statement here: https://bit.ly/20260416PCW
13/04/2026
Ngayon ika-13 ng Abril 2026, inimbitahan ang GAD Unit upang magbigay ng impormasyon patungkol sa Safe Spaces Act sa mga miyembro ng Homeowners Association (HOA). Ang aktibidad ay inorganisa ng Civil Society Organization (Unit) katuwang ang AIMHAI, ito ay dinaluhan ng mahigit 500 kalahok na aktibong nakinig at nakibahagi sa talakayan.
Si Dr.George G. Tumamak Jr. ang naging pangunahing tagapagsalita, kung saan kaniyang tinalakay ang mahahalagang probisyon ng batas, kabilang ang mga karapatan laban sa gender-based sexual harassment sa mga pampubliko at pribadong lugar.
Nagkaroon din ng bukas na talakayan at palitan ng kuro-kuro upang higit na maunawaan ng mga kalahok ang kanilang papel sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na komunidad. Sa kabuuan, naging matagumpay ang aktibidad at nakatulong upang mapalawak ang kaalaman ng mga dumalo hinggil sa pagtataguyod ng ligtas na espasyo para sa lahat.
06/04/2026
Happy Birthday, Ms. Dorotea L. Sagenes, OIC Head of the City of Imus Gender and Development Unit.โจ
Thank you for your genuine service to the community and for championing gender and development with heart. Wishing you a day full of love, good health, and happiness, and more years of inspiring and serving others. ๐
National Women's Month Celebration
Cine Juana: Her Strength, Our Story!
Features "RETIRADA"
Ang event na ito ay inihanda ng OCM-GAD Unit para sa mga kababaihang empleyado ng City Government of Imus at mga babaeng officers mula sa BFP at BJMP. Layunin ng pagpapalabas ng Pelikulang Retirada na magsilbing paalala sa kahalagahan ng tamang pagdedesisyon, lalo na sa pananalapi, at sa pagpapanatili ng katatagan sa buhay.
Ang Retirada ay kwento ng isang babaeng nagretiro na nasangkot sa pagsusugal, na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang naipong retirement. Ipinapakita nito ang epekto ng maling desisyon at ang kahalagahan ng pagbangon, pagtanggap, at muling pagsisimula.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
New Imus City Hall
Imus
4103
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Imus GAD Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.