SiDi
Confession page. you can share your story/experience in this page. This is the format po. Title,
Age, kasarian, and story please
And please follow our page.
Thanks
09/06/2026
Hi sidi this is my 2nd time to share my journey to u im single mom i hve 1 daughter, f asa 30's age, to make it short sabi ko stop ko na pag lalaro ng scatter dahil ng ka debt ako ng 250k ng stop ako almost 2months lng ata tas ng relapse sidi 😢 natemp nnmn ako mg laro un kita ko sa small business ko tinataya ko nnmn at nilalaro ko sa scatter to make it short again sa relapse ko n ito nakapg patalo nnmn ako ng almost 40k 😢 today again ilost 7k....
And today parang bigla ako natauhan sabi ko sa sarili ko nastop ko dati ang poppo games i know in my almost 2years in egames scatter ma sstop q din ang sarili ko habang asa 300k+ palang ang credit ko....
And today i fully determine n stop egames nag reach out ako sa cs ng egames na nlalaruan q then she advised na pwde ako mg paban sa PAGCOR so i signup the pagcor and they msg me in 3days process ban nako sa kahit anong egames ..
I decided na tlga habang alam kong my pag asa pako na malagpasan ang addiction ko na ito para sa future ng ank ko, at sa mga ola and credit ko unti unti bbyaran ko sila makakabangon pa ako alam ko,..
This is my final farewell sa E-GAMES kaya sa mga tulad ko na hirap n at kala nyo wla n pag asa, tulungan nyo sarili nyo makausad at mag decided na iban ang sarili nyo wla pong easy money totoo yan salamt nlng din sa scatter n ito dami ko narealize sa journey na ito...
Sabi nga ng cs na naka usap ko sa egames site na nilalaruan ko " PROUD SYA SAKIN KASI AKO NA MISMO ANG NG SEEK NG HELP, PARA SA ADDICTION KO NA MAG STOP SA GAMBLING" WLA PO TALAGA IBANG TTULOG SAYO KUNDI SARILI MO
Hanggang dito nlng sidi huling msg kona ito kasi soon magging debt free nako at ibabalik kona pagging masinop ko sa pera at mag ffocus sa business ko bbuhayin ko ang nilubog kong negosyo at aayucn ang buhay para sa anak ko 😇🙏🤞
08/06/2026
Unti-unti, hindi ko na napansin na hindi na saya ang habol ko—habol ko na yung pakiramdam na mabawi ang talo.
Dumating ang panahon na hindi na sapat ang online sabong. Lumipat sa online gambling. Mas mabilis ang ikot. Mas mabilis ang panalo. Pero mas mabilis din ang pagkawala.
May mga araw na gigising akong iniisip ang odds. Matutulog akong iniisip kung paano babawiin bukas. Kapag natalo, dagdag puhunan. Kapag nanalo, hindi rin humihinto.
Hanggang sa dumating sa punto na hindi ko na mabilang kung magkano ang nailabas.
Halos 500k ang nawala.
At dahil sa kagustuhang bumawi, nagsimula ang sunod-sunod na utang. Isang OLA. Dalawa. Hanggang naging 10 OLA na bayarin.
Sa umpisa, iniisip ko: “Kapag nanalo ako isang beses, matatapos din lahat.” Pero hindi ganoon ang nangyari.
Mas lumaki ang obligasyon kaysa sa pagkakataong makabawi.
Dumating yung punto na hindi na pera ang nawawala—katahimikan, tulog, tiwala sa sarili, at mga araw na dati normal lang.
Walang nakakaalam ng buong kwento. Tahimik lang. Ngiti sa harap ng iba. Pero sa isip, paulit-ulit ang tanong:
Paano ako napunta dito?
Isang araw, tinigil ko ang paghahabol.
Hindi dahil nabayaran na lahat. Hindi dahil okay na agad.
Kundi dahil na-realize ko na habang pilit kong binabawi ang nawala, mas marami pang nawawala.
Ngayon, isa-isa. Hindi mabilis. Hindi madali. Pero mas totoo.
Hindi na para yumaman agad. Hindi na para makabawi agad.
Para makabalik.
At kung may isang bagay na gusto kong sabihin sa kahit sinong nasa parehong sitwasyon:
Minsan, ang pinakamalaking panalo ay hindi yung tumama ang taya.
Kundi yung araw na huminto ka sa paghabol.
Sana mawala na ang sugal sa buhay ko. Sana bumalik na ang pakiramdam na kapag gigising ako sa umaga, wala na akong iniisip na utang. Grabe na, para na akong nasa kumunoy. Habang pilit akong kumakawala, lalo lang akong lumulubog.
Sana hawakan ako ng Panginoon sa kamay para makaalis sa kumunoy ng sugal. Pilit ko nang binabago ang lahat. 🙏
08/06/2026
Hi Sidi. I’m an avid reader sa page na ’to.
I’m a teacher pero lulong sa sugal 🥹.
It all started noong year 2023. Paunti-unti lang ang cash in ko, 100–200, then nanalo ako ng 11k ilang beses noong month ng December. Before, kaya ko pang kontrolin ang sarili ko. Kapag natatalo nang kaunti, stop na agad.
But recently lang, nanalo ako ng malaki kaya nakabili ako ng iPhone at nakapagpa-renovate ng house. Akala ko tuloy-tuloy na ang swerte.
Almost every day na akong nagca-cash in ng tig-2k hanggang 5k. In total, parang kasing halaga na rin ng napanalunan ko ang naipatalo ko. Nagka-utang-utang na ako kahit kanino, at nakapagsinungaling para lang may maipang-cash in.
Halos sumakit na ang ulo ko kakaisip sa mga perang napatalo ko. Wala akong masabihan kahit kanino—sa pamilya man o sa partner ko—dahil nahihiya ako.
Minsan, nagdadahilan na lang akong may sakit para makaliban sa klase kahit na ang totoo, parang nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay.
Gusto ko lang i-share lahat ng ito dahil wala akong masabihan.
Advice ko lang po, huwag n’yo na pong subukan ang sugal. Sa una lang po kayo papanalunin. Sa huli, lahat ng panalo n’yo babawiin din. Ang mas worst pa, uubusin nito ang lahat ng meron kayo. 🙏🥹
08/06/2026
itago moko sa pangalan Lucas 32 yrs old isang negosyante , Ako yung hindi marunong magsugal pero sumugal kase sakin iniwan lahat ng mga kapatid ko sa ina at yun ay lima kasabay ng apat na anak na binubuhay ko at asawa ,
ako ay isang negosyante na kumikita ng minsan sobra minsan sapat pero ang hanapbuhay ay seasonal kaya pag taglakas kelangan magipon dahil dumarating din ang buwan ng tag hina as in walang benta kaya kung may ipon ka makakaligtas ka sa panahon ng krisis hanggang sa makabalik ito,
Sa kadahilanan 9 na responsibilidad ang nakaatang sa balikat ko sumusugal ako sa sugal na di ko naman alam , nagbabakasakali na makapanalo kahit konti pandagdag sa panggastos , kaso ang napatunayan ko sa sugal ay papapanalunin ka lang talaga ng konti pero tatalunin ka ng sobra , kaso wala eh ikaw ba naman lahat buhat ng mamatay yung lola at mama mo tapos wala kapang tatay, di mo naman pwedeng pabayaan yung mga kapatid mo dahil masakit sayong makitang wala ng maaring mag asikaso sa kanila ,
ang aral lang sa buhay , kahit na anong mangyari ano man ang hirap na danasin wag na wag isasa alang alang sa sugal ang pera na pinaghihirapan lalo meron mga batang magugutom kung sakaling maubusan at hatakin ka ng sugal. matutong mamaluktot kung maiksi ang kumot ✅
08/06/2026
29, Babae itago mo nlang ako sa pangalang Thea
Isa akong empleyado, may asawa at may isang anak. Maliit lamang ang kinikita ko sa isang araw. Dati, mahilig akong mag-ipon. Noong nag-aaral pa ako, kada perang natatanggap ko sa scholarship ay tinatabi ko. Hanggang sa nakatapos ako at nagtrabaho, hindi ko ginagalaw ang ipon kong iyon dahil para sana sa negosyo.
Pero may isa akong kaibigan na nagturo sa akin magsugal. Nag-cash in ako ng 100 at nanalo ng 400. Natuwa na ako noon kasi instant ang kita, kaya naitaya ko lahat ng ipon ko.
May time na na-delay ang sahod namin at tinuruan ulit ako ng kaibigan ko na mag-loan online ng halagang 2,500. Ayun, nilaro ko rin baka sakali hanggang sa natalo. Iba't ibang online loan apps ang ginamit ko para may maipangsugal hanggang sa hindi ko na mabayaran lahat ng loan, pati mga kaibigan ko ay nautangan ko na rin.
Isang beses, sa sobrang depressed ko, lumayas ako at nagbiyahe sa malayo dahil nahihiya na ako. Pero naisip ko na baka masyado nang nag-aalala ang pamilya ko, kaya umuwi rin ako. Tinulungan nila akong makabangon at magbayad ng mga utang ko, at naging maayos naman ang lahat.
Lumipas ang mga buwan, pero bumalik ako sa pagsusugal at naulit na naman ang senaryo. Dumami na naman ang mga utang ko.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin. Hindi ako natuto sa mga nangyari sa akin, at hanggang ngayon ay lubog na lubog pa rin ako. Sinira ko ang pagkakataong ibinigay sa akin at nasira rin ang mga pangarap ko.
Minsan naiisip ko, sana hindi na lang ako nakinig sa kaibigan kong nagturo sa akin magsugal at umutang online. Hindi ko na alam kung kaya ko pa. May mga pagkakataon na gusto ko nang sumuko dahil hindi ako makapagsabi sa pamilya ko. Hiyang-hiya na ako sa kanila.
Ang dami kong pagsisisi. Lahat naubos. Kada sahod, ubos agad dahil sa sugal na iyan.
08/06/2026
Hello SiDi,
30 years old, F. Kaya kong kumita ng 50k+ bilang freelancer, at maganda rin ang work ng husband ko kaya okay ang allowance namin monthly.
Ang dami kong nababasa dito, halos lahat Mommy. Gusto ko lang i-share yung nangyari sa akin, lalo na sa mga Mommy diyan.
Natuto akong magkautang dahil sa online sugal. Pero isang araw, binilhan ko yung anak ko ng napakasimpleng pagkain at tuwang-tuwa siya. (Hindi siya nagkukulang sa food at mga gamit, nabibigay ko lahat ng needs niya.) Noon ko na-realize na yung mga perang pinapatalo ko sa sugal, ilang beses na sanang sobrang natuwa ang anak ko kung sa kanya ko na lang ginamit.
Sa mga Mommy diyan na hirap na hirap kumawala sa sugal, tingnan n’yo lang lagi yung anak o mga anak n’yo. Sila yung maging inspirasyon n’yo para itigil na yan at sa kanila na lang ilaan yung perang ipapatalo n’yo sa sugal.
Kaya n’yo yan, mga Mi. Delete n’yo na mga online banking n’yo. Isa yan sa mga first step na ginawa ko.
Ngayon, hindi na ako nauubusan ng pera at hindi na nasi-stress kapag natalo na naman. Unti-unti na ring nababayaran ang mga utang, at nakakain na ulit ng lahat ng gusto dahil hindi na pinangca-cash in.
Kung tatanungin n’yo ako, nagpapatalo ako dati ng 20k–50k per day.
Tumigil na kayo dahil habang nagsusugal pa rin kayo, lalo lang kayo nitong ilulubog, pati ang kinabukasan ng mga anak n’yo. ❤️
08/06/2026
Hello SIDI,
25 years old, Female
Nabaon sa utang dahil sa online gambling. Noong year 2022 ko nakilala ang online sugal. Una, cash in lang ng maliit hanggang sa nanalo nang malaki at naingganyo lalo.
Malakas ang negosyo ko dati, SIDI, pero nalugmok lang dahil sa sugal. Hanggang sa nabaon ako sa utang at nag-decide na mag-abroad para makabayad.
Then ngayong 2026, umuwi ako noong February dahil debt-free na. Pero naingganyo ulit ako sa pagsusugal hanggang sa nagkautang na naman, hindi na kalakihan pero sana makaya ko itong bayaran. 🥹🥹
Ngayon po ay nagtigil na ako at sana tuloy-tuloy na. Kaya advice ko sa mga hindi pa sumusubok, huwag niyo nang pasukin ang online gambling. Masisira ang buhay niyo.
Hoping na makaya ko na talagang tigilan ang paglalaro ng online gambling para makapag-focus na sa goal. 🙏
07/06/2026
Hello po, ako si Roger, isang VIP Driver (Private). Ang dami ko nang utang.
Dalawang guard, parehas sa isang SG — 20k ang principal, 7k ang tubo kada kinsenas. 2,700 ang hulog, 5 buwan hulugan.
Sa isa pang SG naman, 20k din, hulog kada kinsenas na 2,500 sa loob ng 5 buwan.
Sa kapitbahay ko, sangla ATM na 20k, may 6k na tubo at tatlong hulog lang.
Tapos sa isa pang kapitbahay, 10k.
Sa ibang katrabaho naman, siguro nasa 15k.
Kulang na kulang ang sahod ko na 14k kada kinsenas na sasahurin. Nakakabaliw mag-isip. Sobrang stress na ako, feeling ko may anxiety na ako. Kahit puyat, hindi pa rin makatulog.
Advice n’yo naman po, hindi ko na alam ang gagawin. Sinira ng sugal ang buhay ko. Napabayaan ko na ang pamilya ko. Gusto ko kasing gumaan agad ang buhay namin kaya napasugal ako. Kapag may pera, napapasugal ulit ako, pero bandang huli, nadadagdagan lang ang utang ko. 😢
07/06/2026
Hi, SIDI
Gusto ko lang i-share experience ko sa pagkalulong ko sa hayop na online gambling na yan. I am Carl, 23 yrs old, fresh graduate, pero halos baon na baon sa utang at ngayon hindi ko na alam pano pa ako makakabangon.
Nag start ito way back 2022 nang turuan ako ng ate ko paano maglaro sa gcash. Sobrang saya sa una dahil kahit libre lang na 20 pesos, lumalago ng halos 1k plus. Hanggang sa pinaranas ako ng panalo umaabot ng 1k at 2k hanggang sa naging 10k at hindi ko na namalayan, kinakain na pala ako ng sistema ng online gambling na yan.
Bilang isang matipid at hindi maluho na tao, sa isang iglap lahat ng ipon ko nawala, lubog na rin ako sa mga online loans na up until now, hindi pa rin nababayaran. Hindi ko na alam gagawin ko, halos ang kakarampot ko na sahod na imbes iipunin, ipangsusugal pa.
Ngayong araw lang, naipatalo ko ang 19,500 na panalo ko sana sa 2k na puhunan pero dahil sa greedy, imbes na i keep nalang, nilaro pa at ayun hindi naabutan ng dalawang oras, lahat ng panalo, talo.
Eto ako ngayon tulala hindi alam kung ano gagawin ultimo pamasahe ko at tiyaka pambayad ng apartment walang natira. Hindi ko alam ano gagawin ko ngayon naiiyak na ako sa sitwasyon ko. Gusto ko ng makawala sa sistemang ito. Umabot na sa point na gusto ko nalang magpakamatay, feeling ko wala ng halaga para mabuhay kung ganito lang naman mangyayari sa buhay ko. Wala akong ipon ngayon lahat ng savings ko zero balance. At ngayon hindi ko alam saan ako kukuha ng pang gastos para sa apartment, pamasahe, at food ko hanggang till sahod.
Sana ma ban na lahat ng online gambling sa Pinas kawawa tayong mga lulong sa online gambling na to. At sana matutunan ko na rin na maiwasan ang paglalaro. Pagod na ako, sobrang pagod na gusto ko nalang mamahinga. Hindi alam ng pamilya ko ang nagyayari sakin takot ako na malaman nila na ang akala nilang kapatid/anak na palaging masaya, lugmok na lugmok na pala at halos mawala na sa sariling isip niya.
07/06/2026
Hello SIDI.
Im 26F. With two kids and kapapanganak ko Turning 2 months yung bunso ko. Matalino ako SIDI pero sugal lang pala mag papa Bobo sakin. Baon na baon nako sa utang sa utang sa mga tao. Kahit Sarili kong ate naloloko kona para lang may maipang sugal. Kahapon lang at Ngayon nakapag patalo ako Ng 45 😭😭😭😭 Diko na alam gagawin ko dahil galing lang din sa utang yan na Akala ko makakabawi ako 😭 Hindi alam ng Asawa ko to sidi. Bukod pa dyan andami Kong hinugulugan Ngayon eh Wala Naman Ako trabaho 😭 Gusto ko Ng mamatay na lang Ngayon din ayoko na kinain na ako Ng sugal please help po 😭😭😭😭😭😭😭
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Imus
4103