Arab-Adab
Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham โ Rehiyong Bikol.
03/03/2026
| ๐ ๐ด๐ฎ ๐ถ๐๐ธ๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ, ๐ป๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ต๐ถ๐ป๐ด๐ด๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐๐ ๐ฐ๐ผ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ผ๐ป๐๐ต๐ถ๐ฝ ๐๐ฎ ๐๐๐บ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ถ๐ฒ๐ ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐๐ฒ๐ฏ๐ฎ๐๐ฒ
Binuksan ang hapong bahagi ng Humanities Day sa isang makabuluhan at mainit na debate ng mga iskolar hinggil sa proposisyong, โIs the rise of AI companionship a symptom of societyโs failure to teach human connection?โ na ginanap ala-una ng hapon noong ika-13 ng Pebrero sa himnasyo ng Pisay-Bikol.
Kinatawan nina Jasmine Minero (kapitan), Carl Nathan Rectin, at Megan Faustino ang koponan ng apirmatibo. Samantala, pinangunahan ni Bienric Pile ang koponan ng negatibo, kasama sina Froilan Besana at Brielle Orculo. Isinagawa ang palitan ng argumento sa ilalim ng modified Oxford-Oregon format, kung saan kapuwa panig ay naglatag ng matitibay na ebidensiya at lohikal na pangangatwiran upang ipagtanggol ang kani-kanilang paninindigan.
Sa pagtatapos ng tunggalian ng mga idea, itinanghal na kampeon ang koponan ng apirmatibo. Pinarangalan naman si Megan Faustino bilang Best Speaker, habang ginawaran si Carl Nathan Rectin ng Honorable Mention para sa kaniyang kahanga-hangang pagganap sa debate.
Naging tampok ang nasabing aktibidad sa pagpapalalim ng diskurso hinggil sa papel ng artificial intelligence sa makabagong lipunan at sa kahalagahan ng ugnayang pantao sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.
via Allyza Rafer at Artha Candeleja | Arab-Adab
03/03/2026
| ๐ต-๐ฃ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ป๐๐บ, ๐ป๐ฎ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐ถ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฒ๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐๐๐บ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ถ๐ฒ๐ ๐ค๐๐ถ๐ ๐๐ผ๐๐น ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Nagpasiklaban ng angking talino ang mga kinatawan ng ibaโt ibang seksiyon sa naganap na Humanities Quiz Bowl noong ika-13 ng Pebrero, 2026 sa himnasyo ng Pisay-Bikol.
Ang patimpalak ay binuo ng tatlong yugto: easy, medium, at difficult na rounds, na naglaman ng mga tanong na metikulosong pinili at inihandaโsiyang sumasaklaw sa panitikan at balarilang Filipino at English, gayundin sa kasaysayan.
Sa pagtatapos ng patimpalak, itinanghal na kampeon ang 9-Platinum matapos nitong makuha ang pinakamataas na puntos sa bilang na 66. Sinundan ito ng 9-Silicon at 12-Chemistry na kapuwa nagkamit ng ikalawang puwesto matapos makalikom ng 61 puntos, habang nasungkit naman ng 11-Biochemistry ang ikatlong puwesto sa 59 na puntos.
Nagsilbing pagkakataon ang patimpalak upang maipamalas ng mga iskolar ang kanilang kaalamang hindi lamang saklaw ng agham at teknolohiya, kundi maging sa larangan ng humanidades at ang kanilang pagpapahalaga sa wika, panitikan, at kasaysayan.
via Kimberly Lasala at Lorenzo Bosque | Arab-Adab
16/02/2026
| ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ต๐ถ๐ป
Sa pagbubukas ng Humanities Day 2026 sa temang โHumanity Through Time: Voices, Values, and Visions Across Eras,โ binigyang-buhay ng anim na baitang ang kani-kanilang napiling pelikula bilang tema sa pamamagitan ng makulay na banner showcase at presentasyon ng mga yell, nitong ika-13 ng Pebrero 2026 sa himnasyo ng Pisay-Bikol.
Pinangunahan ng ikapitong baitang ang entablado sa temang Hamilton, tangan ang bandilang ipinagmalaki ng kanilang dalawang kinatawan, gayundin ang ikawalong baitang na nagbigay-diwa sa misteryo ng Enola Holmes, na sinundan ng ika-siyam na tumawid sa mito ng Orpheus at Eurydice.
Naghatid naman ng halakhak at puso sa pang-araw-araw na buhay ang ika-10 sa identidad na hango sa komedyang pelikula na Ang Tanging Ina.
Sa makabagong romansa, dumako ang Batch 2027 na kumatawan sa mga karakter ng Sheโs Dating the Gangster, bago tuluyang nagwakas ang pagtatanghal at panimulang programa sa isang masiglang himig na hatid ng Batch 2026, inspirado sa mga awitin sa musical na Mamma Mia!
Ayon sa Pangulo ng Nexus Club na si Ayanna Atondo, nabuo ang konsepto mula sa pagnanais na ilihis ang direksiyon ng selebrasyon sa karaniwang tema na nakasentro lamang sa romantikong pag-ibig, upang sa halip ay ituon ito sa mas malalim pang diwa ng panahon at koneksiyon. โStudents or teenagers our age, minamadali nila [ang] lahat, kaya na-ra-rush ang timeโalso, isa sa mga love languages [ang] quality time,โ pagpapaliwanag niya sa pinagmulan ng pamagat ng tema.
Dagdag pa niya, ang pangunahing layunin ng programa ay โcelebrating humanity,โ kung saan maipakikita ng bawat isa ang pagiging makatao sa ibaโt ibang paraan at anyo.
via Deborah Gunoy, Hugo Ramirez, Artha Candaleja, Lorenzo Bosque at Bashaier Calipes | Arab-Adab
13/02/2026
| โ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ผ ๐ป๐ฎ๐บ๐ถ๐ป ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป, ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ผ ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ผ๐น๐ฑ ๐บ๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐.โ โ ๐ฅ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ๐, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Ibinahagi ng House Master ng Aurelion Sol na si Justine Rances na ang kanilang pagkakasungkit sa kampeonato sa IskoLaro 2026 Intramurals ay bunga ng malakas na house spirit at matinding teamwork.
โAng pag-angat ng House Gold [ay] because of the collective effort of the house,โ pagbibigay-diin ni Rances sa kooperasyon ng bawat miyembro ng Ginto na naging susi sa pagkapanalo matapos ang ilan taong pagiging bottom placer bago pa ang pandemic.
Nanguna ang Aurelion Sol matapos magtala ng 244 na puntos, na sinundan ng Selenic Lycans sa puntos na 219, habang pangatlo naman ang Nebula Serpents na may 205, at ikaapat ang Scarlet Supernova na may 178.
Bukod sa kabuoang pagkapanalo, nag-uwi rin ng 11 kampeonato ang Ginto sa ibaโt ibang isports at paligsahan, kung saan dominante ang 40 kabuoang puntos na nakalap sa Menโs at Womenโs Volleyball. Samantala, nagwagi naman sa pitong laro ang Asul, sa anim ang Puti, at sa dalawa ang P**a.
Binigyang-pugay ang Mythical 5 ng Menโs Basketball na kinabibilangan nina Sean Abando at James Lagundi ng Serpents, Nico Buenconsejo, Shaun Faeldonea, at Jaryll Goyala ng Lycans; gayundin ang Mythical 5 ng Womenโs na sina Princess Aquino ng Sol, Kristine Melgar ng Supernova, at Averil Carreon, Sadie Lajara, at Joyce Zuniega ng Lycans.
Pinangaralan din ang mga manlalaro ng Serpents na sina Abando, Tobit Hilotin, at Carlos Plata; kinatawan ng Sol na sina Carljun Abilay, Lorenzo Bosque, Mark Sevilla, Shania Bachiller, Akyra Dollison, at Zoe Zapanta; at koponan ng Supernova na binubuo nina Jonamae Basmayor, Melgar, at Queenie Pandes bilang Mythical 6 ng Menโs at Womenโs Volleyball.
Sa pagtatapos ng IskoLaro 2026, pinaalalahanan ni Rances ang mga natitirang miyembro at susunod na tagabunsod ng House Gold na bagaman mahalaga na sikaping manalo, sa huli ay mas mahalaga pa rin ang karakter na nahubog sa proseso, sapagkat dito makikita ang totoong ningning ng Ginto, โmananatiling ginto ang House Gold, may title [man] o wala.โ
via Allyza Rafer, Thea Tambago, Kurt Lagrimas, Stephanie Vista, at Bashaier Calipes | Arab-Adab Sansinukob
08/02/2026
Mayroon ka bang damdamin at saloobing nais mong ipahayag, ngunit hirap kang ilagay sa tamang salita? ๐ญโ๏ธ O kaya naman may gusto kang sabihin, ngunit nahihiya kang iparating? ๐ณ๐ Huwag kang mag-alala!
Nandito ang Arab-Adab at Filipino Club upang samahan ka sa bawat hakbang ng pagbuo ng mga sulat at mensaheng nagmumula sa iyong puso. ๐ฉท๐ชถ Maging ito man ay tungkol sa pagmamahal, pasasalamat, o lihim na paghanga, ang aming serbisyo ay para saโyo! โค๏ธโ๐ฅ
๐ Bisitahin ang aming booth: ๐๐ฌ๐ฑ ๐ฑ๐ฌ ๐
๐ข๐ฉ๐ฆ๐ข๐ณ๐ข ๐ฆ๐ซ ๐๐ฏ๐ฆ๐ฑ๐ฆ๐ซ๐ค
๐ Pebrero 13, 2026
๐ Himnasyo ng Pisay-Bikol
๐ Mga Serbisyo:
๐ Never Not Write You โ โฑ20
Ikaw ang magsusulat ng liham (oo, ikaw talaga! ๐), at kami ang magsisilbing kupido na maghahatid nito sa iyong special someone. Kami na ang bahala sa delivery ng sulat mong puno ng pagmamahal! ๐๏ธ๐
๐๏ธ That Thing Called Sulat โ โฑ40
Ikaw ang gagawa ng mensahe at kami naman ang magsusulat, kasama na ang pagdeliver nito.๐ฌโจ Perfect ito para sa mga nonchalant, mysterious, at lowkey oat na ayaw magpakilala. ๐
๐ 100 Sulat Para Kay Stella โ โฑ60
Kami na ang bahala sa lahat: gagawa ng mensahe, magsusulat, at maghahatid ng liham.๐๐ Ibigay mo lamang ang mga detalye, mag-chill, at kami na ang bahala maging best wingman mo! ๐๐ค๐
๐ Upang magpatala para sa aming mga serbisyo, narito ang link:
https://forms.gle/Sc6vgWDGJRAgKpU7A
https://forms.gle/Sc6vgWDGJRAgKpU7A
https://forms.gle/Sc6vgWDGJRAgKpU7A
โฐ Paunawa:
Ang form ay magsasara sa ganap na ika-3:00 PM ng Pebrero 12 โณโ Kaya huwag nang magpatumpik-tumpik pa at ipasulat na ang mga damdaming matagal mo nang kinikimkim! ๐โ๏ธ ๐
๐จ๐ชถ Formanes at Lasala
01/02/2026
| ๐ก๐ฒ๐ฏ๐๐น๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฝ๐ฒ๐ป๐๐, ๐ฝ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐น๐ฒ๐ป๐ถ๐ฐ ๐๐๐ฐ๐ฎ๐ป๐, ๐ฎ-๐ฌ; ๐๐ถ๐ป๐ถ๐ธ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ด๐ถ๐ป๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ ๐ฒ๐ปโ๐ ๐๐ฎ๐ฑ๐บ๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป ๐ฆ๐ถ๐ป๐ด๐น๐ฒ๐
Rumatsada ang matatalim na smash ng pambato ng Nebula Serpents na si Jacob Capellan upang tibagin ang depensa ni John Rej Alcantara ng Scarlet Supernova, 15-9, 15-12, sa sagupaan sa kampeonato ng IskoLaro 2026 Menโs Badminton Singles.
Agad na nanalasa si Capellan gamit ang kanyang matatalim na long drives at smashes upang butasin ang depensa ni Alcantara sa bukana pa lamang ng laban.
โMasaya pero underwhelming kasi parang mas mahirap yung laro ko sa first game kaysa sa second game,โ ani pa niya.
Dinomina kaagad ni Capellan ang entrada ng unang set sa pagpapaulan ng sunod-sunod na service aces at smash na agad nagbigay ng abanteng 9-2, subalit nagtala rin ito ng sunurang errors at outside shots kung kayaโt nailapit ang iskor sa 9-6.
Hindi hinayaan ni Capellan na maagaw ang kaniyang momentum at muling nagpakawala ng mga kalkuladong drop shots at backcourt smashes upang muling palayuin ang agwat, 12-6.
Sinubukang isalba ni Alcantara ang set sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na drops, ngunit nanaig ang bagsik ng Asul upang selyuhin ang unang set sa iskor na 15-9.
Umariba muli ang pambato ng Asul nang humataw muli ito ng rumaragasang back court smash at nagpamalas ng impresibong footwork upang sirain ang pokus ni Alcantara sa simula ng ikalawang set, upang itala ang 9-3 na kalamangan.
Gayunpaman, tila dinapuan ng malas si Capellan sa kalagitnaan ng set nang magsimulang magsalansan ng errors, na naging daan para maitabla ni Alcantara ang laban sa 11-all.
Sa krusiyal na bahagi ng laro, hindi na nagpaubaya ang pambato ng Nebula Serpents nang muling nagpakawala si Capellan ng maiinit na smashes na sinabayan ng mga net errors ni Alcantara upang tuluyang tapusin ang laban sa iskor na 15-12.
via Shermaine Florin, Stephanie Vista, Bashaier Calipes, at Kurt Lagrimas | Arab-Adab Sansinukob
30/01/2026
| ๐๐ผ๐๐พ๐๐ฒ-๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฒ๐น๐ฒ๐ท๐ฎ, ๐๐๐บ๐ถ๐ธ๐น๐ฎ๐ฏ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฑ๐บ๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป ๐ ๐ถ๐
๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ๐๐ฏ๐น๐ฒ๐: ๐๐๐ฟ๐ฒ๐น๐ถ๐ผ๐ป ๐ฆ๐ผ๐น, ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ธ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐น๐ฒ๐ป๐ถ๐ฐ ๐๐๐ฐ๐ฎ๐ป๐, ๐ฎ-๐ฌ
Pinatumba ng Aurelion Sol ang Selenic Lycans sa mabangis na bakbakan ng tambalang Don Bosque at Artha Candeleja laban kina Niรฑo Colina at Akeela Ante, 15-12, 16-14, sa ikalawang tapatan ng Badminton Mixed Doubles.
Sa pagbubukas ng unang set, ibinandera ni Ante ang kaniyang mapanlinlang na drop shots, na sinabayan naman ng matitinik na flicks ni Colina. Gayunpaman, agad na bumawi si Bosque matapos magpakawala ng puwersadong smashes, na sinuportahan ng high clear shots ni Candeleja, upang maagaw ang kalamangan, 12-9, pabor sa Aurelion Sol.
Bumira naman sa ikalawang set ang Selenic Lycans gamit ang mapaghiganting smashes ni Colina, kontra sa kalkuladong clears ni Candeleja, dahilan upang ipantay ang laban sa iskor na 14 at magtala ng deuce.
Nanatiling kalmado ang tambalang Bosque-Candeleja at muling umangat matapos humataw ng bumubulusok na clears, na sinamahan ng errors mula sa katunggali, upang tuluyang kandaduhan ang salpukan, 16-14, at igawad ang panalo sa Aurelion Sol tungo sa finals.
via Kezia Sandejo, Kurt Lagrimas, at Bashaier Calipes | Arab-Adab Sansinukob
28/01/2026
| ๐ก๐ฒ๐ฏ๐๐น๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฝ๐ฒ๐ป๐๐ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐๐๐ผ๐ ๐ธ๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐น๐ฒ๐ป๐ถ๐ฐ ๐๐๐ฐ๐ฎ๐ป๐, ๐ฎ-๐ฌ
Puso at tiwala ang nagsilbing armas ng Nebula Serpents nang kanilang gapiin ang defending champion na Selenic Lycans, 25-23, 27-25, sa panimulang laban ng Iskolaro 2026 Menโs Volleyball.
Mata-sa-mata kaagad ang sagupaan sa unang set na pinangunahan ng palitan ng umaapoy na spikes nina Sean Abando ng Serpents at Clarence Laurio ng Lycans.
Bagamaโt dikit ang iskor, naging agarang bentahe ng Serpents ang matitinding dump shots at blocks ni Abando, dahilan upang tuluyang matapos ang unang set sa iskor na 25-23.
Rumatsada naman ang tambalang Tobit Hilotin at Jian Matanguihan ng Serpents sa pagpapaulan ng sidecourt spikes upang manguna kontra Puti sa ikalawang set.
Sinubukang isalba ni Ralph Escalora ang Puti sa pamamagitan ng magkakasunod na nagliliyab na service aces at palo mula kay Mark Petajen upang makuha ang bentahe, 19-17, ngunit hindi nagpatinag ang Asul, at humataw naman ng mga atake si Joaquin Necesario upang maidala ang laro sa deuce.
Wala nang naging bawi pa ang Lycans nang magkaroon ng net error, na sinundan ng isang makamandag na spike ni Matanguihan upang tuluyang maiselyo ng Serpents ang tagumpay.
โSa ngayon, wala naman akong ine-expect, since galing pa lang kami sa fourth place from last year. Okay na sa akin [kahit] second, basta super precious na nakikita kong close kami at nag-e-enjoy,โ ayon kay Matanguihan.
via Shermaine Florin, Kurt Lagrimas, Stephanie Vista, at Thea Tambago | Arab-Adab Sansinukob
26/01/2026
| ๐ก๐ฒ๐ฏ๐๐น๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฝ๐ฒ๐ป๐๐, ๐ธ๐๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐ธ๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ฎ ๐๐๐ฟ๐ฒ๐น๐ถ๐ฎ๐ป ๐ฆ๐ผ๐น, ๐ฎ-๐ญ
Ginapang ng tambalang Marcus Aguirre at Andrei Abelado ng Nebula Serpents ang daan tungo sa final round ng IskoLaro 2026 Badminton Menโs Doubles matapos biguin sina Clyde De Ocampo at Jerztine Zaragosa ng Aurelian Sol.
Matinik ang naging laban sa unang set nang magpamalas ng kalkuladong forehand drives si Aguirre na tinapatan naman ng smash ni Zaragosa, 9-7, ngunit nanaig pa rin sa huli ang Asul nang magpamalas ng mapanlinlang na drop shots, 15-13.
Pinantayan ng depensa ng Ginto ang sa Asul sa pangunguna ng mga pamatay na smash ni Zaragosa at matikas na depensa ni De Ocampo upang mamayagpag sa ikalawang set, 15-7.
Kumasa pa ng mga drop shots at smash ang Ginto sa ikatlong set, ngunit hindi na pinakawalan ng Asul ang tagumpay gamit ang rumaragasang forehand drives sa iskor na 15-13.
via Shermaine Florin, Stephanie Vista, at Bashaier Calipes | Arab-Adab Sansinukob
26/01/2026
| ๐ฆ๐ฒ๐น๐ฒ๐ป๐ถ๐ฐ ๐๐๐ฐ๐ฎ๐ป๐, ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ธ๐น๐ผ๐ฝ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฐ๐ฎ๐ฟ๐น๐ฒ๐ ๐ฆ๐๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ป๐ผ๐๐ฎ, ๐ฎ-๐ฌ
Inilaglag ng tambalang Clarence Laurio at Mark Petajen ng Selenic Lycans ang pambato ng Scarlet Supernova na sina Chance Caminar at Hendrich Bagay, 15-8, 15-7, sa elimination round ng IskoLaro 2026 Menโs Badminton Doubles na ginanap sa himnasyo ng Pisay-Bikol nitong ika-15 ng Enero, 2026.
Nagpaulan ng mga umaapoy na backcourt smash si Laurio at mapanlinlang na drop shots si Petajen upang tunawin ang depensa ng P**a sa unang set.
Tuluyang sinilaban ng Puti ang P**a sa pangunguna muli ng mga mala-kidlat na smash ni Laurio, na sinabayan pa ng mintis ng P**a, kung kayaโt nakamit ang iskor na 15-7 at naipako ng Puti ang puwesto tungo sa finals round.
via Shermaine Florin, Kurt Lagrimas, Bashaier Calipes, at Hugo Ramirez | Arab-Adab Sansinukob
26/01/2026
| ๐ฆ๐ฒ๐น๐ฒ๐ป๐ถ๐ฐ ๐๐๐ฐ๐ฎ๐ป๐, ๐ฎ-๐ฌ ๐๐ฎ๐ด๐ถ ๐ธ๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ฎ ๐ฆ๐ฐ๐ฎ๐ฟ๐น๐ฒ๐ ๐ฆ๐๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ป๐ผ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐๐๐๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป-๐๐ผ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ฎ๐ป
Nanaig ang tambalan nina Rianne Pattugalan at Zoe Domasian ng Selenic Lycans laban sa pares nina Jasmine Minero at Kishi Relloso ng Scarlet Supernova, 15-8, 15-13, sa unang laro ng Womenโs Badminton Doubles.
Nagbukas ang laban sa dikit na palitan ng puntos sa sunurang rallies, bago tuluyang makalamang ang Puti. Patuloy na lumawak ang agwat ng mga iskor, hanggang sa tuluyang tinuldukan ng isang madiskarteng drop shot ni Domasian ang unang set, 15-8.
Sa kabila ng pitong puntos na pagkakalubog sa unang set, nanatiling matatag ang P**a at agad na kumuha ng maagang bentahe, 6-4, sa ikalawang set. Mabilis namang bumawi ang Puti sa pamamagitan ng sunod-sunod na clears at smashes upang makapagtala ng 4-0 run.
Sinubukan pang humabol ng Supernova sa bisa ng matatalas na drives ni Minero at matatag na depensa ni Relloso sa likuran, subalit hindi ito naging sapat upang magapi ang Lycans, na tuluyang nagtapos sa tapatan sa iskor na 15-13.
via Jenelle Ramirez, Kurt Lagrimas, at Bashaier Calipes | Arab-Adab Sansinukob
22/01/2026
| ๐๐๐ฟ๐ฒ๐น๐ถ๐ผ๐ป ๐ฆ๐ผ๐น, ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฒ๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ช๐ผ๐บ๐ฒ๐ปโ๐ ๐๐ฎ๐ฑ๐บ๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐น: ๐ญ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฎ, ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฒ๐ณ๐ฒ๐ป๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ฐ๐ต๐ฎ๐บ๐ฝ๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ถ๐๐น๐ฒ ๐ป๐ถ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ฏ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ผ, ๐ฎ-๐ฌ
Napasakamay ng Aurelion Sol ang kampeonato sa Womenโs Badminton Singles ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐น matapos dominahin ni Zoe Zapanta ang defending champion na si Rhianne Presbitero ng Selenic Lycans, 15-4, 15-8, sa Winner-Winner Match Up.
Unang dinaig ni Zapanta ang pambato ng Scarlet Supernova na si Gia Barbacena, 15-8, 15-9, gamit ang umaatikabong smashes at high clear shots upang puksain ang kumpiyansa ng katunggali.
Samantala, tinapatan naman ni Presbitero si Avryelle Ortua ng Nebula Serpents sa panimulang laro, 15-6, 15-13, bunsod ng mapanlinlang na drop shots at matitinik na kills, at tuluyang nasungkit ang panalo.
โSiguro, experience. Since [elementary] pa kasi ako naglalaro; feeling ko rin, sa practice,โ saad ni Zapanta matapos tanungin tungkol sa kaniyang naging kalamangan.
Maagang itinatag ni Zapanta ang kaniyang nagliliyab na opensa sa unang set matapos magpaulan ng sunod-sunod na solidong smashes at kalkuladong clears, na bigo namang masabayan ni Presbitero, bunsod ng serye ng out at net errors, dahilan upang mabilis na maselyuhan ng Aurelion Sol ang tagumpay sa unang set, 15-4.
Pumuwersa naman bilang ganti si Presbitero nang magtangkang angkinin ang momentum sa mapanlinlang na drop shots at mabibilis na rallies, 8-5, pabor sa Lycans.
Sa huling yugto, muling nagliyab ang Aurelion Sol at nagpakawala ng 10-0 run sa likod ng umaatikabong smashes at mapaminsalang kills upang tuluyang masungkit ni Zapanta ang korona, 15-8.
via Kezia Sandejo at Kurt Lagrimas | Arab-Adab Sansinukob
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Philippine Science High School/Bicol Region Campus
Goa
4422