Team BBMRC
"One Team. One Road. One Mission." We always ride to build Camaraderie
TEAM BBMRC 🏍️
Isang samahan ng mga Rider na nagkakaisa sa layuning magbigay-inspirasyon, tumulong sa komunidad, at palaganapin ang tunay na diwa ng kapatiran sa kalsada.
Sama Sama sa Kalsada.. 🏍️🏍️🏍️
23/08/2026
CHARITY MUNA, BONDING PAGKATAPOS! ❤️🏍️
Syempre, pagkatapos ng isang makabuluhang Charity for a Cause, hindi mawawala ang bonding at kwentuhan ng grupo! 😄🏍️
Sa Angas Basud, sama-sama ang tropa—pahinga, tawanan, kwentuhan, at siyempre, dagdag memories na naman kasama ang ating mga ka-riders. ❤️
Dahil sa BBMRC, hindi lang tayo nagkikita kapag may ride o event. Bawat ride, may camaraderie. Bawat charity, may malasakit. At bawat bonding, may kuwentong babaunin. 🤝🏍️
Ride. Charity. Camaraderie.
BBMRC — Sama-sama sa Kalsada! 🔥
23/08/2026
MULING NAKIISA ANG BBMRC SA ISANG MAKABULUHANG CHARITY FOR A CAUSE! ❤️🏍️
Ngayong August 23, 2026 (Sunday), muling ipinakita ng Bicol Best Movement Riders Club (BBMRC) ang tunay na diwa ng Rides, Charity, at Camaraderie sa ginanap na Charity for a Cause na inorganisa ng PEDSCOR/PTDI TEAM, kasama ang aming minamahal na alyansa, UNITED RIDER’S OF CAMARINES NORTE ALLIANCE (URCNA).
Ang ating pagkakaisa ay para sa ating beneficiary na si:
➡️ FLORDELIZ DAYAP
➡️ 33 years old
➡️ P-1, Brgy. Sta. Cruz, Talisay, Camarines Norte
➡️ Hepatic Mass, probably malignant
📍 Venue: Brgy. Sta. Cruz Covered Court, Talisay, Camarines Norte
📅 August 23, 2026 | Sunday
Muli na namang dinaluhan ng iba't ibang Riders Groups mula sa Bicol at Camarines Norte ang gawaing ito—patunay na kapag ang mga riders ay nagkaisa, ang simpleng pagmomotor ay nagiging instrumento para makatulong, makapagbigay-asa, at makapaghatid ng malasakit. ❤️
Maraming salamat sa PEDSCOR/PTDI TEAM, sa UNITED RIDER’S OF CAMARINES NORTE ALLIANCE, at sa lahat ng Riders Groups at indibidwal na nakibahagi sa makabuluhang gawain na ito.
BBMRC — Rides. Charity. Camaraderie. 🏍️❤️
Sama-sama sa Kalsada, Sama-sama sa Pagtulong!
22/08/2026
Maraming Salamat, Harapagan sa Niyogan! 🥥🏃♂️🏍️
Taos-puso ang aming pasasalamat sa mga organizers ng Harapagan sa Niyogan ng Taisan, Basud sa tiwalang ibinigay ninyo sa Bicol Best Movement Riders Club (BBMRC) upang magsilbing Road Marshals sa inyong Fun Run Event.
Isang karangalan para sa aming grupo na maging bahagi ng isang makabuluhan at masayang event na naglalayong pagsama-samahin ang komunidad. 🤝❤️
Maraming salamat din sa inyong mainit na pagtanggap at sa libreng pakain! 🥰
🍲 Lugaw
🥚 Itlog
🥖 Pandesal
At may libre pang
🥥 Niyog
🪭 Pamaypay
☂️ Payong
Hindi lang tiyan namin ang napuno, kundi pati puso sa inyong kabutihan at pagpapahalaga sa aming serbisyo. ❤️
Mula sa buong Team BBMRC, maraming maraming salamat sa tiwala at pagkakataong makapaglingkod. Patuloy kaming magiging katuwang sa mga event na nagtataguyod ng Safety, Service, Charity, at Camaraderie.
Hanggang sa susunod na event, mga ka-Niyogan! 🥥🏍️💨
Bicol Best Movement Riders Club – BBMRC
Rides • Charity • Camaraderie 🤝🏍️❤️
13/08/2026
3rd Quarter Meeting for Municipal Peace and Order Council..
Official Logo of TeamBBMRC.
Team BBMRC
🎉Maligayang 17th Year Anniversary, Motorsiklo Xklusibo!
🏍️🔥 Ibang Atake sa Disisyete!
17 taon ng samahan, rides, pagkakaibigan, at walang sawang suporta sa bawat rider. Saludo sa lahat ng bumubuo ng MX — tuloy ang arangkada, tuloy ang kwentuhan, tuloy ang pagiging Xklusibo! 💪🏁
06/08/2026
🥋 BBMRC on the Go.. 🏍️🏍️
2nd Day Aikido Training.
Bilang Riders at Responsableng mamamayan, mahalagang matutunan ang self defense at tamang disiplina.
Lamang ang may Alam! 💪🔥 📍 Provincial Office
01/08/2026
🌊🧹 PAGKAKAISA SA KALINISAN, PAGMAMAHAL AT ALAY SA KALIKASAN 🐢🌿
Ngayong ika-1 ng Agosto 2026, buong pusong nakiisa ang Bicol Best Movement Riders Club – BBMRC sa Massive Clean-Up Drive na pinangunahan ng Tourism Operations Office sa kahabaan ng Cory Aquino Boulevard, partikular sa Bagasbas at San Jose Beach.
📍 Assembly Area: Anita’s Restaurant, Talisay, Camarines Norte🕒 Oras: 3:00 PM📅 Saturday, August 1, 2026
Lubos kaming nagpapasalamat sa Tourism Operations Office sa pag-imbita sa BBMRC upang maging bahagi ng makabuluhang gawaing ito para sa Kalikasan at Komunidad.
Bilang mga Riders, naniniwala kami na ang tunay na pagmamahal sa ating Bayan ay hindi lamang nasusukat sa ating mga Biyahe, kundi sa ating pagkilos para mapanatiling Malinis, Ligtas, at Maayos ang ating mga Dalampasigan at Kapaligiran. 🌴♻️
Sama-sama sa Kalsada, Sama Sama sa Pangangalaga ng Kalikasan para sa susunod na Henerasyon! 💙
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Basud
Daet
4608