Lens and Letters
Our stories are getting bigger. Mas marami na kaming naaabot, at patuloy ring dumarami ang ating community.
From #Tarlac, we're now expanding our content across Central Luzon.
30/07/2026
Pormal nang humiling si Capas Mayor Atty. Roseller "Boots" Rodriguez sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ng isang mas komprehensibo at detalyadong presentasyon tungkol sa panukalang Pax Silica Project sa New Clark City.
Ayon sa alkalde, mahalagang magkaroon muna ng malinaw na pagpapaliwanag sa proyekto upang lubos na maunawaan ng lokal na pamahalaan at ng mga mamamayan ang mga posibleng epekto nito sa kapaligiran, kalusugan, at kinabukasan ng Capas.
Binigyang-diin din ni Mayor Rodriguez na suportado niya ang pag-unlad, ngunit iginiit niyang dapat itong isagawa nang may transparency, pananagutan, at sapat na impormasyon para sa publiko.
Aniya, nararapat lamang na marinig ang boses ng bawat Capaseño at mabigyan sila ng pagkakataong malaman ang buong detalye ng proyekto bago gumawa ng anumang mahahalagang desisyon na makaaapekto sa kanilang komunidad.
28/07/2026
Nakapag check na ba ang lahat?
sana all nalang talaga may 2K monthly! 😩
https://uplift-g2p.dswd.gov.ph/
Dapat alam mo to! ゚viralシ
27/07/2026
Hindi kami pabor sa PAX Silica AI Data Center sa Tarlac.
Hindi kami against sa progreso o sa teknolohiya. Pero hindi dapat isakripisyo ang ating tubig at kalikasan para sa isang proyektong na ang pangunahing makikinabang ay iilan.
Ang AI data center ay nangangailangan ng napakaraming tubig para palamigin ang libu-libong servers na tumatakbo 24/7. Ang sobrang konsumo ng tubig ay maaaring makaapekto sa suplay na ginagamit ng mga komunidad at mga magsasaka.
Naniniwala kami na ang tunay na dahilan kung bakit pilit itong itinutulak ay dapat maging malinaw sa publiko. Kung may mga pulitikong makikinabang o may malaking interes na nakataya, dapat itong ilantad at ipaliwanag nang buong transparency.
Hindi kami papayag na ipagpalit ang kinabukasan ng Pilipinas para sa interes ng iilan. Kalikasan ang dapat unahin, hindi pera at pulitika.
20/07/2026
Wagi ang mga Tarlaqueño mula Camiling sa DTI Young Creatives Challenge Season 3 Grandfinals, na ginanap noong July 14–18 sa SMX Convention Center Aura, BGC, Taguig City, kung saan nagtunggali ang mga grand finalists mula sa buong Pilipinas.
Kabilang sa mga nanalo sina Kidgital Superhero (Ash Agustin), na nakakuha ng 2nd Place sa Elementary Category; Kalikansya ni Bok (Jared Agustin), 2nd Place sa High School Category; at "Alam Mo Ba?: Camiling Series" ng Fort-I Vision (Edrian Racal, Kenneth Candelario at Jasmen Rotairo), na nakuha ang 8th Place sa Regular Edition.
Ang Young Creatives ay programa ng Department of Trade and Industry (DTI) na kumikilala sa talento at pagkamalikhain ng mga Pilipino. Ang mga nagwaging Top 10 finalists sa Regular, High School, at Elementary categories ay tumanggap ng cash prizes, kung saan ang 1st Place ay nag-uwi ng ₱1 milyon sa Regular Edition at ₱500,000 sa Elementary at High School categories.
Kabilang sa mga kategorya ng kompetisyon ang Animation, Game Development, Graphic Novel, Online Content Creation, Playwriting, Screenwriting, Short Story Writing, at Songwriting.
10/07/2026
Mula sa simpleng kamote, nakagawa ng negosyo na may layuning makatulong sa kalikasan at komunidad si Ella Mae Cunanan Manalus, 28-anyos na environmentalist mula Angeles City, Pampanga. Noong Nobyembre 2025, sinimulan niya ang Kamote Fiesta - Sweet Potato Superfoods, isang social enterprise na gumagawa ng innovative at masustansyang pastries mula sa kamote na direktang binibili sa mga Aeta farmers sa Pampanga.
Bilang Environmental Science graduate, layunin ni Manalus na mabigyan ng mas mataas na halaga ang lokal na ani habang binabawasan ang food waste. Sa pamamagitan ng mga produktong tulad ng Choco Lava Kamote Brownies, Velvet Love Bites, at Golden Keso Bliss, ipinapakita ng Kamote Fiesta na puwedeng magsama ang sustainability, innovation, at pagsuporta sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.
゚viralシfypシ゚
09/07/2026
P stands for?
07/07/2026
SANA ALL KABAYAN!
Hindi makapaniwala ang magkapatid na sina Jonathan R. at Mylene P. matapos nilang mapanalunan ang $75 milyong jackpot ng Lotto Max sa Toronto, Canada. Ayon sa kanila, una nilang inakalang $75,000 lamang ang kanilang napanalunan hanggang sa bilangin nila ang mga zero at mapagtantong milyonaryo na sila. Samantala, ang Pilipinong store manager sa Dubai na si Russel Reyes Tuazon ay nag-uwi rin ng AED15 milyon matapos manalo sa Emirates Draw. Congrats!
05/07/2026
Proudly made in Tarlac, ang Tabreti Decors Philippines Inc. sa Brgy. Tinang, Concepcion, Tarlac, ay gumagawa ng world-class fiber at resin decorative products na ine-export sa iba't ibang bansa. Bawat produkto ay nagpapakita ng husay, kalidad, at creativity ng mga Pilipino. Isang patunay na ang gawang Tarlac ay kayang makipagsabayan sa world market at maipagmalaki sa buong mundo.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Camiling