PYAP - Camiling Chapter

PYAP - Camiling Chapter

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PYAP - Camiling Chapter, Quezon Avenue, Camiling.

To promote the development of the out of school youth and other disadvantaged youth to become self reliant economically productive and socially responsible citizens, able to contribute to the development of their family and community.

10/05/2026

Kwento ng pagsisikap ❣️

𝗟𝗔𝗧𝗛𝗔𝗟𝗔𝗜𝗡 | Pawis at luha: Ang nagliliyab na lakas

Sa karerang walang kasiguraduhan, may ilan na mabilis, may ilan namang iika-ika lang.
May tumatakbo para sa pangarap; may iba namang tumatakbo upang maitawid ang gutom sa magdamag. Habang ang ilan ay may sapatos na bago, may iba namang nakapaa sa batong daan;
Ngunit kahit sugatan, patuloy pa rin sa laban.

Isa sa mga tumatakbo sa karerang ito ay isang dalagang hindi tinantanan ng mga balakid. Sa halip na huminto, pinili niyang lumaban—hindi lamang para mabuhay, kundi para lumikha, magbahagi, at magbigay ng pag-asa sa iba.

𝗔𝗻𝗴 𝗣𝗶𝘀𝗼 𝗻𝗮 𝗛𝘂𝗺𝘂𝗯𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀

“Kahit piso, wala ako noon… Pambili lang sana ng kahit ano para mahimasmasan yung tiyan ko dahil gutom na gutom na ako.”

Ganito inilarawan ni Gwenyth Izra Veraya, kilala bilang “Gwen,” 20, mula Barangay Manaquem, ang mga araw na tila nagdidilim ang mundo. Ramdam niya at ng kaniyang pamilya ang gutom, pangamba, at kakulangan sa araw-araw.

Estudyante siya ng Bachelor of Science in Development Communication sa Tarlac Agricultural University (TAU), sa kabila ng kanyang kabataan at pangarap, bawat araw ay tila isang mabigat na laban.

“Minsan kahit kanin, wala na. Minsan may ulam nga pero naubusan pa rin…” dagdag niya, na para bang bawat salita ay may bigat na bumabalik.

Dahil sa tindi ng sitwasyon, naglakas-loob siyang magbahagi sa social media. Ipinost niya ang video na siya ay umiiyak. Hindi niya alam kung may makaiintindi, pero kailangan lang niyang mailabas ang nararamdaman. Di nagtagal, may nagpadala ng tulong sa GCash—isang pag-asa, pero hindi sapat upang mabuhay nang tuluy-tuloy.

Nagbukas sila ng maliit na negosyo at nagbenta ng Pancit Malabon at spaghetti. Ngunit hindi araw-araw may order. Kalaunan, napilitang magsara ang negosyo, at muling bumalot ang hirap.

Pagpasok sa kolehiyo, kinailangan niyang humanap ng ibang paraan. Wala sa plano ang pagtitinda, at kulang ang pera para sa araw-araw, kaya pumunta siya sa bukid upang makisahod sa pag-aani ng palay. Umulan man o umaraw, bawat pawis at galos sa kamay ay tanda ng pagpupursige. Sa mga gabing tila walang kasagutan, ibinubulong niya:

“Lord, bakit nandito na naman kami sa ganitong buhay?”

Sa halip na panghinaan, unti-unti niyang naramdaman ang lakas mula sa pananalig.

Makalipas ang ilang buwan, may mensahe sa group chat ng Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP). Naghahanap sila ng kabataang may negosyo. Nag-atubili si Gwen bago sumagot dahil pansamantalang sarado ang kanilang negosyo. Ngunit sabi ni Kris Angeles, Municipal Federation President ng PYAP, gagawan nila ito ng paraan.

Anim na buwan ang lumipas, naaprubahan ang aplikasyon ni Gwen at nakatanggap siya ng ₱10,000. Hindi niya napigilan ang luha—pagkatapos ng sunod-sunod na pagkalugmok, muli siyang nagkaroon ng pagkakataong tumayo.

Sa tulong ng PYAP at ng trabaho sa bukid, nagsimula siyang gumawa ng sariling mga produkto.

“Hindi lang ito para sa akin… para rin sa iba. Gusto kong malaman nila na kahit mahirap, may liwanag sa dulo ng daan,” wika niya.

At sa bawat laban na nalampasan niya, natutunan ni Gwen na ang kanyang kuwento ay maaari ring maging ilaw para sa iba.

𝗠𝗴𝗮 𝗯𝗶𝗻𝗴𝗸𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆

Habang patuloy siyang bumabangon, natuklasan ni Gwen ang vlogging—hindi bilang libangan, kundi bilang paraan ng pagbabahagi ng buhay at pagbibigay inspirasyon.

“Hindi talaga siya intensyunal na vlog noon,” ani Gwen. Nagsimula ito bilang project sa Ecoliteracy noong first year, second semester—simple lang, ipinakita lamang nila ang proseso ng pagtatanim. Hindi ito para sa views, kundi para matapos ang project.

Sa una, AI voiceover lang ang gamit niya. Noon, takot siyang magsalita dahil na-bully siya noong senior high, kaya bihira siyang magbukas ng damdamin. Ngunit habang tumatagal, natutunan niyang gamitin ang sariling boses, at kasama nito, natutunan niyang maging totoo muli.

“Mas may nanonood, mas may nakaka-relate. Dito ko nakita na puwede pala itong paraan para maipahayag ang sarili,” sabi niya.

Hindi madali ang laging masaya sa harap ng kamera.

“Tatlong araw bago ako makapag-voiceover minsan,” sambit niya, tumatawa. “Kailangan ko munang maging okay. Hindi mo maibibigay ang wala sa puso mo.”

At kapag napapagod siya, ito ang paulit-ulit niyang paalala sa sarili: “May Lord pa. May kakampi pa ako.”

Kasabay ng content, natutunan niya ang halaga ng pagbibigay. Siya mismo ang nagplano at gumawa ng sariling tindahan, maliit man ang puhunan. Kapag may sobra, nagbibigay siya sa nangangailangan. “Hindi ito tungkol sa views. Mula ito sa puso,” ani Gwen.

Nang maging viral ang isa sa mga video niya, naramdaman niya ang epekto ng kanyang ginagawa. Sumasabay sa kanya ang ilang estudyante—parang binabasa nila ang kanyang diary. Sa bawat komento at mensahe, ramdam niya ang saya at pasasalamat.

Ngunit hindi naging madali pagsabayin ang pag-aaral, pagtitinda, at vlogging. May mga araw na nakababalisa at nakapapagod. Ngunit sa bawat sulok ng kampus, may nagtatanong tungkol sa vlog niya, at kahit pagod, kailangan pa ring ngumiti.

Sa likod ng bawat ngiti, may isang kaibigang hindi bumitaw.

𝗞𝗮𝗮𝗴𝗮𝗽𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗿𝗮𝗽

Bago pa man siya nakilala sa social media, may isa nang naniwala sa kanya — si Gieanely “Giea” Agustin, 20, kaklase at matalik niyang kaibigan.

Napangiti si Gwen habang kinukwento kung paano siya kumukuha ng mga estudyanteng kapos sa pera—binibigyan niya ng ₱200 o ₱300 bilang tulong. Minsan, pati si Giea ay sinasahuran. “Ang yabang ko namang sabihin ’to,” sabi ni Gwen, “pero gusto ko lang makatulong.”

Hindi rin madali para kay Giea. Hindi suportado ng kanyang magulang ang pagnenegosyo. Ngunit ginagawa pa rin niya ang lahat para kay Gwen. Humahanga siya sa determinasyon ng kaibigan.

“Honestly, ambisyosa siya. Never siyang tumitigil mangarap,” sabi pa ni Giea.

Sa bawat hamon na dumadaan, nariyan si Giea — hindi lang bilang katrabaho, kundi bilang katuwang sa lahat ng hirap at saya. Tulad ng anumang tunay na samahan, may mga araw na magaan at puno ng tawanan, at mayroon ding sandaling sinusubok sila ng tampuhan. Natatawa si Gwen habang inaalala kung paano rin sila nagkakatampuhan paminsan, lalo na’t magkaiba sila ng diskarte sa buhay: si Gwen ang palaban at malaya, samantalang si Giea ang mas maingat at laging humihingi muna ng permiso. Kaya’t hindi na bago ang biro ng karamihan — si Gwen daw ang “bad influence” ng kanilang duo.

Ngunit sa totoo lang, hindi iyon utos ni Gwen. Isa iyong paraan ng pagtulong.

“Gusto ko siyang magtinda kasi minsan, wala talaga akong maibigay. Sakto lang sa bayarin ko. Pero gusto kong maramdaman niyang may kaya siya.”

Para kay Giea naman, hindi mahalaga ang kapalit; ang mahalaga ay makita si Gwen na nagtatagumpay at umaangat. Sa kabila ng magkaibang pananaw at pamumuhay, natutunan nilang alalayan ang isa’t isa, lalo na kapag pagod o may problema sa negosyo o sa pag-aaral.

“May araw nga na sinama ko siya sa bukid. First time niyang naligo sa water pump,” kwento ni Gwen, halos hindi mapigilan ang tawa.

Tawang-tawa rin si Giea. “Oo! Nabisukul pa ako! Pero worth it. Ngayon ko lang naramdaman ‘yung hirap at saya ng ganung buhay.”

Doon nila napagtanto na ang tunay na samahan ay hindi lang nasusukat sa kapehan o gala, kundi sa mga araw na puno ng pawis, putik, at pagod na may kasamang saya. May mga pagkakataon ding pinipili nilang itago ang ilang bahagi ng kanilang ginagawa sa vlog, lalo na dahil ayaw ng mga magulang ni Giea na mapanood ang lahat. Para kay Gwen, hindi lahat kailangang ipakita sa camera; may mga kwento at karanasang sapat nang manatili sa kanila.

Ngayon, hindi lang pagkakaibigan ang meron sila. May nabuo rin silang layunin.

Ayon kay Gwen, plano na nilang palawakin ang mga produkto para sa grupo nilang PYAP Camiling.

“Mas masarap maging successful kapag sama-sama,” ani Gwen. “Hindi na lang ito tungkol sa sarili kong brand kundi sa grupo naming lahat.”

Sa halip na sariling pangalan lang sa label, gusto ni Gwen na makilala rin ang mga kasaping kabataan.

“We’re starting to build our own PYAP Camiling product,” paliwanag niya. “Dati, parang sa akin lang nakikilala, pero ngayon gusto namin, lahat ng members, kasama sa tagumpay.”

𝗧𝗮𝗸𝗯𝗼𝗻𝗴 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗻

Sa karerang walang kasiguraduhan, kung saan may ilan na mabilis at may ilan namang iika-ika, nanatiling patunay si Gwen na bawat hakbang, gaano man kaliit o puno ng sugat, ay may kabuluhan.

Hindi lamang siya isang dalaga sa karera ng buhay; siya ay simbolo ng determinasyon at liwanag sa gitna ng dilim. Sa tulong ng kaniyang pamilya, kaibigan, at komunidad, natutunan niyang ang tagumpay ay hindi nasusukat sa materyal na bagay, kundi sa tapang na bumangon, sa pusong handang magbigay, at sa bawat hakbang na may tiwala sa Maykapal.

Sa huli, ang karera ng buhay ay hindi tungkol sa kung sino ang nauuna, kundi sa kung sino ang patuloy na tumatakbo. Tulad ng ipinakita ni Gwen, sa bawat sugat at paghihirap, may puwang para sa pagbabago at liwanag—at sa bawat maliit na hakbang, nabubuo ang bukas na mas maliwanag kaysa sa inaasahan.

🖊 Alexeiz Niconne Riparip at Monica Ellaine Asuncion
📷 Jazel Ann Carzano
💻 Rence Duran

Photos from PYAP - Camiling Chapter's post 10/05/2026

Isang malaking pagbati sa aming PYAP members na nakiisa sa 1st Maria Clara Festival! 🎉

Congrats kina Earl Jewish Dancel sa pagkapanalo sa pag-awit at Mark Angelo Simbre sa 2nd place sa Camlikha.

Kahit 'di nag-place sa Cookfest, masarap pa rin ang chicharon niyo!

Proud din kami sa PYAP Camiling sa pagiging aktibong miyembro ng Local Youth Development Council na nabigyan ng pagkikala noong ginanap na SK NIGHT.

Maraming salamat sa inyong lahat! Mabuhay ang kabataan ng Camiling! 🇵🇭

Photo Credit to Maria Clara Festival

Photos from PYAP - Camiling Chapter's post 21/04/2026

KABATAAN, HANDA NA SA PAGBABAGO! 🤳🛡️

​Matagumpay nating naidaos ang Volunteer Service Initiative 4 (VSI 4) Training of Trainers nitong April 17 sa Balay Silangan, Cayaoan!

​Hindi lang basta training ang naganap—ito ay paghahanda para sa mas ligtas at mapanuring bukas! Binigyang-diin natin ang laban kontra Fake News at ang kahalagahan ng Cybersecurity sa ating henerasyon. 💻🚫

​Hindi rin nagpahuli ang mahahalagang diskusyon tungkol sa:

✅ Tamang Pagpili (Voters Education) – dahil ang boses natin ay mahalaga!
✅ Mental Health – dahil ang kalusugan ng isip ay prayoridad.

​Big shoutout sa ating mga Youth Facilitators at sa ating Peace Corps Volunteer partner! You guys rocked it! 🙌

​Isang taos-pusong pasasalamat sa MSWDO Camiling at sa ating LGU, lalo na sa ating supportive na Ina ng Bayan, Hon. Joyce Benitez-Agustin.

Salamat sa paniniwala sa kakayahan ng kabataan! 💖

​Sama-sama tayong maging boses ng katotohanan at pag-asa! 🇵🇭

20/04/2026

Isang Pangalan, Isang Pamana. ✨
Damhin ang kwento ni Maria Clara—sa entablado, sa puso, sa ating kultura. 🇵🇭

📅 May 2, 2026
🕘 9:00 AM | 🕞 3:30 PM

Isang taunang inisyatibo ng LGU na sumusuporta sa Department of Education. Ngayong taon, para sa ARAL Grade 1 Learners ang benepisyo. 💛

🎟️ Tickets available at:
Office of the Mayor | Camiling Public Market | Business One-Stop Shop | HR Office

15/04/2026

Maligayang Kaarawan sa aming pinaka maganda at mabait na MSWDO Ms. Rikka Kiriena L. Andres ❤️

Happy Birthday po, Ma’am! 🎉🎂💖

On your special day, gusto po naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong mahusay na pamumuno, walang sawang suporta, at malasakit hindi lamang sa buong MSWD office kundi lalo na sa mga pamilyang ating pinaglilingkuran.

Isa po kayong blessing sa aming team dahil sa inyong kabaitan, wisdom, at leadership na puno ng puso at inspirasyon. Thank you for always guiding us, motivating us, and bringing out the best in each one of us.

Deserve na deserve po ninyo ang lahat ng love, happiness, at blessings today and in the years to come. Nawa’y patuloy po kayong bigyan ni Lord ng good health, strength, wisdom, at mas marami pang tagumpay sa buhay at serbisyo.

Happy happy birthday po, Ma’am! We are truly blessed to have you as our leader. 🎈🎁✨
With love from your MSWD family. 💐

14/04/2026

Tara na! 🎉 Malapit na ang Volunteer Service Initiative Volume IV: Training of Trainers! 🗓️ April 17, 2026 'yan sa Balai Silangan, Brgy Cayaoan, Camiling, Tarlac. See you doon! 😉👋

09/04/2026

Volume. Information. Voice. 🚦

We’re turning up the volume for youth empowerment. The VSI Volume IV: Training of Trainers is officially in a green zone. Ready to lead, ready to serve, and ready to make an impact.

Tara, VSI na. Coming this April 17, 2026!

Stay tuned for more informations and updates!

Photos from PYAP - Camiling Chapter's post 15/02/2026

Kape. Pelikula. At ang Iyong Kwento. ✨

​Salamat sa lahat ng naki-Coffee Date at Movie Marathon sa amin! Higit pa sa saya, naging makabuluhan ang ating kwentuhan tungkol sa inyong mga personal na opinyon at nararamdaman.

​Saludo kami sa inyong katapangan na maging totoo. Tunay ngang ang boses ng kabataan ay mahalaga. 🧡

Salamat sa suporta ng ating MSWDO, LCPC at LYDC sa paggawa ng mga ganitong aktibidad na naglalayong protektahan at pakinggan ang boses ng kabataan.

​Abangan ang muling pagbubukas ng ating Teen Bayan sa Brgy. Cayaoan!

Mag-update kami rito sa FB kung kailan ang susunod nating "tambay with a purpose."

​🔜 Coming Soon: Reopening of Teen Bayan!

Want your school to be the top-listed School/college in Camiling?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Quezon Avenue
Camiling
2306