KALAP Product Display Center
KALAP PRODUCT CENTER
Ang Kalap Product Center ay proyekto ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa ilalim ng pamamahala ng City Trade and Industry Department.
Ito ay matatagpuan sa harapang bahagi ng Pamilihang Lungsod ng Calapan at ang Business Hours ay mula 8am hanggang 5pm mula Lunes hanggang Sabado. Layunin ng proyekto na matulungan ang mga maliliit na negosyante ng Calapan at mga karatig-bayan na maipakita at maisulong sa merkado ang kanilang mga produkto. Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang mga produkto sa Kalap Product Center na walang babayaran. Mayroon na ring itinalagang tagapagtinda sa Center ang Pamahalaang Lungsod kung kaya’t hindi na kailangan pang magtigil dito ang mga negosyante. Ang mga nasabing kawani na rin ang mag-imbentaryo ng mga produkto na lalabas at papasok ng Center. Sa kasalukuyan ay mayroong 23 produkto ang nakalagak sa Kalap Product Center, 10 dito ay mula sa Lungsod ng Calapan at 13 naman ay mula sa iba’t ibang bayan ng Silangang Mindoro. Ang mga interesadong producers ay maaaring makipag-ugnayan sa City Trade and Industry Department upang makapag display din ng kanilang mga produkto. Sa ating pagtutulungan ay kakayanin nating talunin ang Covid-19.
#INVESTCalapanCity
#WeRecoverAsOne
#WeHealAsOne
#OneCalapan
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Calapan
5200
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when KALAP Product Display Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.