Calambeño
To promote the culture and events of Calamba City and the whole province of Laguna
11/06/2026
MAYOR ROSS RIZAL, AGAD NAGTUNGO SA LUGAR NG NASUNOG NA BAKERY SA BARANGAY REAL
Agad na nagtungo si Mayor Ross Rizal sa lugar ng insidente matapos ang naganap na sunog sa isang bakery sa Barangay Real nitong madaling araw upang personal na alamin ang kalagayan ng mga naapektuhan at tiyakin ang agarang koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya.
Sa kanyang pagbisita, nakipag-ugnayan si Mayor Rizal sa mga responders at lokal na opisyal upang masuri ang lawak ng pinsala at matukoy ang mga kinakailangang hakbang para sa mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima.
Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba na patuloy nitong tututukan ang sitwasyon at magbibigay ng kaukulang tulong at suporta sa mga apektadong pamilya. Nakaantabay rin ang iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan upang masiguro ang maayos na paghatid ng kinakailangang assistance.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Mayor Rizal sa mabilis at maagap na pagkilos ng Bureau of Fire Protection, mga rescue personnel, barangay officials, at mga mamamayang tumulong upang makontrol ang insidente at maiwasan ang mas malaking pinsala.
📷 Dugong Bayani - Mayor Ross Rizal
RIP sa mga biktima
📷 credit to the owner
10/06/2026
𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 | Dahil sa 7.8 Mindanao earthquake,
Calamba, nasa ilalim na ng ‘heightened alert’
Pinirmahan na ni Mayor Roseller Rizal ang Memorandum na nagdedeklarang nasa ‘Heightened Alert Status’ na ang lungsod ng Calamba kasunod ng tumamang 7.8 magnitude na lindol sa Sarangani Province, Mindanao.
𝐁𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧. https://sites.google.com/view/sanggunianonline/balita/calamba-nasa-ilalim-na-ng-heightened-alert
𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 | Dahil sa 7.8 Mindanao earthquake,
Calamba, nasa ilalim na ng ‘heightened alert’
Pinirmahan na ni Mayor Roseller Rizal ang Memorandum na nagdedeklarang nasa ‘Heightened Alert Status’ na ang lungsod ng Calamba kasunod ng tumamang 7.8 magnitude na lindol sa Sarangani Province, Mindanao.
𝐁𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧. https://sites.google.com/view/sanggunianonline/balita/calamba-nasa-ilalim-na-ng-heightened-alert
Cc: Angelito Lazaro
10/06/2026
Lungsod ng Calamba Nagkamit ng 12 Parangal para sa Natatanging Programa sa Kalusugan
LUNGSOD NG CALAMBA — Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ross Rizal, muling nakapagtala ng mahalagang tagumpay ang Lungsod ng Calamba matapos makatanggap ng labindalawang (12) parangal mula sa Provincial Health Office bilang pagkilala sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan para sa kapakanan ng bawat Calambeño.
Kabilang sa mga natanggap na pagkilala ang:
: • Active Initiative in Promoting and Implementing the To***co Prevention and Control Program
• Most Improved LGU in Vector-Borne Disease Prevention and Control
• Newly Accredited HIV Service Facility
• Excellence in the Implementation of Family Planning Services • Excellence in Certified Adolescent Friendly Health Facility Performance (Level 2 and 3)
• Outstanding Basic Emergency Obstetric Neonatal Care (BEmONC) Services
• Institutionalizing Disaster Risk Reduction and Management in Health (DRM-H)
• Best Performing Local Government Unit in Terms of Voluntary Blood Services Program
• National Voluntary Blood Services Program (1% or More) • Adoption and Full Implementation of RA 9482
• Empowering BHWs as Barangay Level Health Education and Promotion Officers
• Community Mental Health Excellence through Outstanding Community-Based Mental Health Services
Naging posible ang mga tagumpay na ito sa pamamagitan ng mahusay na pamumuno ni Mayor Ross Rizal, katuwang ang City Health Office, mga healthcare workers, barangay health workers, at iba pang sektor na patuloy na nagsusulong ng mga programang naglalayong mapabuti ang kalusugan at kalidad ng buhay ng mga mamamayan.
Sa pamumuno ni Mayor Ross Rizal, nananatiling prayoridad ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba ang pagpapalawak at pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan upang matiyak ang isang mas malusog, mas ligtas, at mas matatag na lungsod para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.
📷 Dugong Bayani - Mayor Ross Rizal
10/06/2026
BINYAGANG BARANGAY PARA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY 5 AT BARANGAY 7, MATAGUMPAY NA IDINAOS
CALAMBA CITY, LAGUNA — Sa pangunguna ni Mayor Ross Rizal, matagumpay na isinagawa ang programang Binyagang Barangay para sa mga residente ng Barangay 5 at Barangay 7 bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapistahan ni San Juan Bautista.
Sa kabuuan, tatlumpung (30) bata ang nabigyan ng pagkakataong tanggapin ang banal na sakramento ng binyag at maging bahagi ng pananampalatayang Kristiyano. Ang makabuluhang gawaing ito ay sumasalamin sa patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang nagpapatibay ng pananampalataya at pagkakaisa ng komunidad.
Ayon kay Mayor Rizal, mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang bawat pamilya na maisakatuparan ang mga mahahalagang sakramento para sa kanilang mga anak. Aniya, ang mga programang tulad nito ay hindi lamang nagbibigay ng espiritwal na gabay kundi nagtataguyod din ng mas matatag na samahan sa loob ng pamayanan.
Patuloy ang pamahalaang lungsod sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga mamamayan at sa pagpapatibay ng mga pagpapahalagang nagbubuklod sa bawat pamilyang Calambeño.
📷 Dugong Bayani - Mayor Ross Rizal
09/06/2026
Personal Collection Direct Selling Inc 𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗪𝗘𝗗𝗘𝗡𝗚 𝗜 𝗢𝗙𝗙𝗘𝗥 𝗡𝗜 𝗣𝗖 𝗦𝗔𝗬𝗢?
👉 𝑩𝒆𝒏𝒆𝒇𝒊𝒕𝒔 𝒃𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈 𝑷𝑪 𝑫𝒆𝒂𝒍𝒆𝒓:
✅ Walang Puhunan – Free registration at may starter products ka agad.
✅ 25% Discount sa mga Products – Pwede ka makakuha ng hanggang 70% discount.
✅ Flexible Payment Terms – May credit line ka at 37 days to pay.
✅ Extra Kita – Pwede mong ibenta at kumita ng extra income.
✅ Personal Savings – Kahit personal use lang, malaki matitipid mo sa mga essentials.
👉 𝑩𝒂𝒌𝒊𝒕 𝒌𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒅𝒆 𝒉𝒖𝒔𝒕𝒍𝒆 𝒃𝒖𝒌𝒐𝒅 𝒔𝒂 𝒕𝒓𝒂𝒃𝒂𝒉𝒐?
•Hindi sapat ang isang source of income, lalo na’t pataas ang bilihin.
•Sa side hustle tulad ng PC, hawak mo oras mo at ikaw ang boss.
•Pwede itong maging fallback plan kung may emergencies.
•Low risk, big potential kasi wala kang inilabas na puhunan.
👉 𝑩𝒖𝒔𝒊𝒏𝒆𝒔𝒔 𝒐𝒓 𝑷𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑼𝒔𝒆 𝒑𝒂𝒏𝒂𝒍𝒐 𝒌𝒂!
Kung business, madali magbenta kasi daily essentials ang produkto.
Kung personal use, practical kasi may savings ka sa sariling gamit.
Kaya, kung naghahanap ka ng extra income o gusto mong makatipid, sagot ka ni PC! 💚✨
📩 Comment “HOW” or mag message para ma-guide kita kung paano magsimula😊
Look for me at PC CALAMBA BRANCH
GLE : Jessica C.
CP NO.: 09681258106
09/06/2026
Tara na sa RSV Thrift Trading
SALE
✅ Branded Jacket only 300 each
✅ Ladies Wear 100 each
✅ Branded Men's 100 each
✅ Ordinary left sides 3 for 100
✅ Ordinary right sides 2 for /150
📍 Location Pabalan St Barangay 5 Mercado de Calamba Harap nang Maddies Bakeshop
09/06/2026
📢 PANAWAGAN SA PUBLIKO 📢
Ang babaeng nasa larawan na si Rachel Himenez, 28 taong gulang, na taga-Pagdanganan, Rizal ay kasalukuyan narito po siya sa Barangay Palo Alto. Kung sino man po ang nakakakilala, nakakita, o may impormasyon tungkol sa kanyang mga kaanak, hinihiling po namin ang inyong pakikipagtulungan.
📌 Maaaring makipag-ugnayan sa aming tanggapan o magpadala ng mensahe upang agad na maipaabot ang impormasyon sa kanyang pamilya.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa. Ang simpleng pag-share ng post na ito ay malaking tulong upang siya ay makauwi nang ligtas at makapiling muli ang kanyang mga mahal sa buhay.
https://www.facebook.com/share/p/1EscaYz5Yn/
TUFF PLD Mix and wash laundry detergent!
Mix colors and whites in one wash.
Powerful stain removal,brightens colors and
Long lasting fragrance.
Order now.
Free Membership at Personal Collection.
Good morning
💙💙💙
Tara kape tayo!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Calamba