Alabfil - JILCF

Alabfil - JILCF

Share

MGA NAGPAPAKADALUBHASA SA FILIPINO

Photos from Alabfil - JILCF's post 30/08/2025

Pinatunayan natin na ang wikang Filipino ay hindi lamang wika ng komunikasyon, kundi ito ang wika ng ating ang pagkakakilanlan, wika ng ating pagkakaisa at wika ng pagmamahal sa bayan.

Ating balikan ang mga tagpo sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 ng Kagawaran ng Kolehiyo sa Jesus Is Lord Colleges Foundation, Inc. na may temang "๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ: ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ".

Photos from Alabfil - JILCF's post 28/08/2025

Buwan ng Wika 2025
โ€Ž
Sa ilalim ng temang โ€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bayanโ€, muli nating ipinagbunyi ang talino at husay ng ating mga College JILians sa natatanging patimpalak na Wika-Laya, na ginanap noong ika-27 ng Agosto 2025 sa Jesus Is Lord Colleges Foundation, Inc.
โ€Ž
Sa lakas ng tinig at lalim ng kaisipan, ipinamalas ng ating mga kalahok ang kapangyarihan ng wikang Filipino bilang sandata ng kaisahan at kalayaan.
โ€Ž
๐ŸŽค Wika-Laya โ€“ Sa saliw ng damdamin at talim ng pananalita, inilulunsad ang WikaLayaโ€”isang spoken word poetry competition na nagbibigay tinig sa kasaysayan, kultura, at paninindigan ng sambayanang Pilipino. Kaakibat ng temang โ€œAng Paglinang ng Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagbuo ng Bansa".
โ€Ž
Isang patunay na ang wika ay hindi lang ginagamit, kundi isinasabuhayโ€”sa entablado, sa lipunan, at sa ating pagkatao. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ


โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

Photos from Alabfil - JILCF's post 17/08/2025

๐Ÿšจ Tuloy-tuloy pa rin ang laban! ๐Ÿšจ
Sa mga nais pang sumali sa paligsahan, huwag palampasin ang pagkakataon.

๐Ÿ“Œ i-check ang comment section para makapasok sa official GC ng mga kasali!

Photos from Alabfil - JILCF's post 16/08/2025

Buwan ng Wika 2025.
โ€Ž
โ€ŽSa ilalim ng temang โ€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bayanโ€, ipinagmamalaki nating itampok ang galing at husay ng ating College JILians sa dalawang natatanging patimpalak: Sipat-Sining at Kuwikra na ginanap sa New Building, room 08E sa Jesus Is Lord Colleges Foundation, Inc. noong ika-14 ng Agosto 2025.
โ€Ž
โ€ŽSa bawat kulay ng guhit at bawat kuha ng lente, naririto ang kwento ng ating pagkakakilanlan.
โ€Ž
โ€Ž๐Ÿ“ธ KuwiKra: Kuwento ng Wika sa Kamera โ€“ Sa mata ng lente at talim ng pananalita, inilulunsad ang KuwiKraโ€”isang patimpalak sa larawang sanaysay na naglalayong sipatin ang kasaysayan, kultura, at diwa ng sambayanang Pilipino gamit ang larawan at wika.
โ€Ž
โ€Ž๐ŸŽจ Sipat-sining โ€“ Sa bawat guhit ay may kwento, sa bawat kulay ay may diwa. Inilulunsad ang Sipat-Siningโ€”isang patimpalak sa paggawa ng poster na naglalayong ipakita ang makasaysayang papel ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa pagbuo ng ating bansa.
โ€Ž
โ€ŽIsang patunay na ang sining at larawan ay makapangyarihang paraan upang ipahayag ang pagmamahal sa sariling wika at bayan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

Photos from Alabfil - JILCF's post 11/08/2025

๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ, ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐—ธ๐—ฎ, ๐—ธ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ.๐Ÿคโœจ

Ngayong Agosto, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika 2025 na may temang โ€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika.โ€ Sa buwang ito, ipinakikilala ng AlabFil sa lahat ng College JILians ang serye ng mga patimpalak na magpapaunlad sa galing, talino, at pagmamahal sa sariling wika at kultura:

๐Ÿ“ธ ๐—ž๐˜‚๐˜„๐—ถ๐—ž๐—ฟ๐—ฎ: ๐—ž๐˜‚๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ โ€“ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†
๐ŸŽจ ๐—ฆ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐˜-๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด โ€“ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ต๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ
๐Ÿงต ๐—Ÿ๐—ถ๐—ธ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—›๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ โ€“ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ต๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ป
๐Ÿ–‹ ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ โ€“ ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฝ๐—ผ๐—ธ๐—ฒ๐—ป ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ฃ๐—ผ๐—ฒ๐˜๐—ฟ๐˜†
๐ŸŽค ๐—›๐—ถ๐—บ๐—ถ๐—ด๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป โ€“ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ

๐Ÿ“Œ ๐™ธ๐š๐š˜ ๐šŠ๐šข ๐š‹๐šž๐š”๐šŠ๐šœ ๐šœ๐šŠ ๐š•๐šŠ๐š‘๐šŠ๐š ๐š—๐š ๐™ฒ๐š˜๐š•๐š•๐šŽ๐š๐šŽ ๐™น๐™ธ๐™ป๐š’๐šŠ๐š—๐šœ!, ๐šŠ๐š—๐šž๐š–๐šŠ๐š— ๐šŠ๐š—๐š ๐š’๐š—๐šข๐š˜๐š—๐š ๐š™๐š›๐š˜๐š๐š›๐šŠ๐š–๐šŠ ๐š˜ ๐š๐šŠ๐š˜๐š— ๐šœ๐šŠ ๐š”๐š˜๐š•๐šŽ๐š‘๐š’๐šข๐š˜, ๐š–๐šŠ๐šŠ๐šŠ๐š›๐š’ ๐š”๐šŠ๐šข๐š˜๐š—๐š ๐š–๐šŠ๐š๐š’๐š—๐š ๐š”๐šŠ๐š•๐šŠ๐š‘๐š˜๐š”!
๐Ÿ“Œ ๐™ฟ๐šŠ๐š›๐šŠ ๐šœ๐šŠ ๐š–๐š๐šŠ ๐š—๐šŠ๐š’๐šœ ๐š•๐šž๐š–๐šŠ๐š‘๐š˜๐š”, ๐š–๐šŠ๐š”๐š’๐š™๐šŠ๐š-๐šž๐š๐š—๐šŠ๐šข๐šŠ๐š— ๐šœ๐šŠ ๐š’๐š—๐šข๐š˜๐š—๐š ๐™ฟ๐š›๐š˜๐š๐š›๐šŠ๐š– ๐™ฒ๐š‘๐šŠ๐š’๐š› ๐šž๐š™๐šŠ๐š—๐š ๐š–๐šŠ๐š”๐šž๐š‘๐šŠ ๐šŠ๐š—๐š ๐š”๐šž๐š–๐š™๐š•๐šŽ๐š๐š˜๐š—๐š ๐š๐šŽ๐š๐šŠ๐š•๐šข๐šŽ ๐šŠ๐š ๐š–๐šŽ๐šŒ๐š‘๐šŠ๐š—๐š’๐šŒ๐šœ ๐š—๐š ๐š‹๐šŠ๐š ๐šŠ๐š ๐š™๐šŠ๐š๐š’๐š–๐š™๐šŠ๐š•๐šŠ๐š”.

(Para sa iba pang detalye patungkol sa mga patimpalak ay maaaring tignan ang bawat larawan at deskripsyon nito)

๐Ÿ“… Isama niyo na ito sa inyong iskedyul at maging bahagi ng isang makulay na pagdiriwang na magpapaalala sa atin ng kahalagahan ng ating wika at kultura. Tara na, College JILians! Ipakita ang iyong galing at husay!โœจ

Pubmats by Daniel Cortez

Photos from Alabfil - JILCF's post 06/08/2025

SA MGA LARAWAN | Kulay, Kultura, Kasaysayan

Sa mga ngiting 'di matatawaran, sa kasuotang may saysay,
sa bawat hakbang sa pagbida ng ating kultura,
salamat sa pagtaya, pakikiisa, at pagdiriwang.

04/08/2025

๐ŸŽ‰ Simula na ng selebrasyon, at patuloy na mananatili ang alaala!

Mula sa makukulay na kasuotan hanggang sa makasaysayang karanasan, ang Pista ng Wikaโ€™t Pamana ay tunay na naging paglalakbay pabalik sa ating ugat.

03/08/2025

๐ŸŽญ Pista ng Wikaโ€™t Pamana
Isang umaga ng kulay, kultura, at kasaysayan ang naghihintayโ€ฆ

๐Ÿ“ August 4 | 7:00 AM
๐Ÿ“Œ Alam mo ba kung anong meron?

May mga tanong na โ€˜di na kailangang sagutin, kailangan lang puntahan.

Basta ang sigurado,
๐Ÿ“ท puno โ€˜to ng alaala,
๐Ÿ‘ฃ ng hakbang pabalik sa pinagmulan,
๐Ÿ’ฌ at kwentong ikaw mismo ang magiging bahagi.

Huwag mahuli sa simula ng sorpresa.

Pubmat by Daniel Cortez

02/08/2025

โ€œMula sa uniporme ng karunungan, ngayoโ€™y suot na ang barong ng pagkakakilanlan.โ€
Ito'y hindi lamang pagbabagong panlabas, kundi pagyakap sa panloob na diwa,
ang diwang Pilipino na matatag, mapagpakumbaba, at makabayan.

Sa bawat hibla ng barong, habi ang kasaysayan;
sa bawat tiklop, nakaukit ang wika ng ating pagkakaisa.

Ngayong Buwan ng Wika, ipinagdiriwang natin hindi lamang ang salita,
kundi ang kaluluwa ng ating lahi, ang Filipino, at ang mga katutubong wikang bumubuo sa ating pagkatao.

Sa temang โ€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,โ€
tayo'y hinihikayat hindi lang magsuot, kundi manindigan.
Magsalita, hindi lang gamit ang dila, kundi gamit ang puso.
Dahil ang tunay na wika, ay yaong nag-uugnay, hindi lamang ng salita, kundi ng sambayanan.

02/08/2025

๐–๐ข๐ค๐š. ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ . ๐๐š๐ฒ๐š๐ง.

Sa diwa ng wikang Filipino at mga katutubong wika, bumubuo tayo ng tulay ng pagkakaisa. Ngayong Buwan ng Wika, sama-sama nating linangin, ipagmalaki, at itaguyod ang dibersidad ng ating mga wika โ€” sapagkat ito ang ugat ng ating pagka-Pilipino, salamin ng ating kultura at pagkakakilanlan bilang nasyon.

Ngayong Agosto 2025, ipagdiriwang natin ang saysay ng Wikang Filipino bilang wikang pambansa at ang natatanging yaman ng mga katutubong wika sa ating bayang sinilangan. Sabay-sabay nating salubungin ang Agosto sa tema ngayong taon:

"๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐›๐จ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š: ๐Œ๐š๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ฌ๐š"

Ang pag-unlad nito ay hudyat na buhay ang diwa ng ating pagkakaisa. Kung kaya't patuloy nating bigyan ng daan ang pagyabong ng ating sariling mga wika. Ating sikaping bumuo ng mga gawaing magpapatuloy sa paglago nito na magiging bahagi ng ating kasaysayan.

Mabuhay ang wikang Filipino.
Mabuhay ang mga katutubong wika sa Pilipinas.
Mabuhay ang diwa ng pagkakaisa sa ating inang bayan.

Want your school to be the top-listed School/college in Bocaue?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


101 Bunlo, Bulacan
Bocaue
3018