BCSTEC Updates
Excellence is our habit. Perfection is our goal.
14/06/2026
๐พ๐ผ๐๐๐๐ ๐๐๐พ๐๐ผ๐๐: ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ฆ๐ง๐๐๐ถ๐ฎ๐ป๐, ๐ ๐ฎ๐๐ถ๐ด๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐ป๐ฎ๐น๐๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐๐ฆ๐ง๐๐
Masayang tinanggap ng Mataas na Paaralan ng Bayawan City Science and Technology Education Center ang mga bagong mag-aaral sa isang Campus Socials nitong ika-11 ng Hunyo.
Sa kabila ng mainit na panahon, napuno ng tawanan at hiyawan ang bulwagan ng paaralan habang magiliw na naglaro, nakihalubilo, at nakiisa ang bawat mag-aaral.
Sa isang STEC Bingo, nakilala ng bawat STECian ang mga katangian ng kanilang mga kapwa kamag-aral na makakasama nila sa kanilang paglalakbay sa hayskul. Dagdag pa rito, mas nahubog ang kanilang pagkakaisa sa larong Giant Volley, kung saan nasubok hindi lamang ang kanilang kakayahan kundi pinatatag din ang kanilang pagtutulungan at tiwala sa isaโt isa.
Bilang pormal na pagtanggap sa mga bagong mag-aaral, pinangunahan ni G. Alfie Herrera ang isang seremonya ng pagbabasbas. Sa isang panata, nangako ang mga mag-aaral ng ikapitong baitang na isasabuhay ang kagalingan at kahusayan ng isang STECian. Ang kanilang pangkat ay opisyal na kinilalang Batch Fleming.
Samantala, bilang pagbati sa mga bagong miyembro ng Batch Faraday, itinaas din ng mga bagong mag-aaral ng ika-11 baitang ang kanilang kanang kamay at nanumpang ipagpapatuloy ang nasimulan ng kanilang pangkat.
Bilang isang taunang pagtitipon, ang Campus Socials ay naglalayong gawing mas makabuluhan at masigla ang karanasan at bagong simula ng bawat STECian. Ang programang ito ay inorganisa ng Supreme Secondary Learner Government sa tulong ng opisyal na Technical Working Group ng BCSTEC.
Natapos ang unang linggo ng mga mag-aaral na may baong ngiti, bagong pagkakaibigan, at masasayang alaalang magsisilbing panimula ng kanilang paglalakbay sa bagong taong panuruan.
14/06/2026
๐ ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ด ๐๐๐ฆ๐ง๐๐, ๐ฃ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐ป๐๐บ๐ฝ๐ฎ
Sa isang makasaysayang Oath Taking Ceremony, opisyal nang nanumpa sa katungkulan ang mga bagong halal na pinuno ng ibaโt ibang organisasyon ng Mataas na Paralan ng Bayawan City Science and Technology Education Center nitong ika-11 ng Hunyo.
Hudyat ng seremonya ang pagsisimula ng panunungkulan ng mga opisyales ng Supreme Secondary Learner Government, bawat baitang, at mga kinikilalang club sa paaralan. Pinangunahan ang panunumpa ni G. Jeffrey Cadeliรฑa, punong-guro ng BCSTEC, kung saan pinayuhan niya ang mga lider na maglingkod nang patas at ayon sa ikabubuti ng bawat mag-aaral.
Dagdag pa rito, pinagtibay rin ng mga lider ng bawat House ng BCSTEC at ng Technical Working Group ang kanilang pangako sa paglilingkod.
Ayon kay Lourenz Peรฑaflorida, bagong halal na Bise Presidente ng SSLG, malaki ang responsibilidad ng bawat kinatawan upang maisaboses ang mga hinaing ng mga estudyante at maisulong ang mga programang makatutugon sa kanilang pangangailangan.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng paglilingkod nang may puso at sipag. Ani ni Peรฑaflorida, walang puwang ang mga plano kung hindi para sa kabataan.
Bukod pa rito, hinimok ni Gng. Lorename Lacdao, Guidance Counselor ng BCSTEC, ang mga lider na mamuno nang may katapatan sa paglilingkod at panatilihin ang respeto sa bawat isa.
Ang mga bagong halal na opisyales ng paaralan ay manunungkulan para sa taong panuruan 2026โ2027. Sa kanilang pamumuno, nawaโy manatili ang demokrasya, pahalagahan ang de-kalidad na edukasyon, at manaig ang katotohanan.
12/06/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง! ๐ต๐ญ๐
๐ช Mula noon hanggang ngayon, patuloy na nagliliyab sa ating mga puso ang makasaysayang paggunita ng kalayaan ng ating bayan sa araw na ito. Sa likod ng kalayaang tinatamasa natin upang gumawa ng mga bagay na makabubuti sa kapwa Pilipino, nakaukit ang mga sakripisyo at madugong pakikibaka ng ating mga bayani noong nakaraan. Sumisimbolo ito ng katapangan at katatagan ng bawat bayaning Pilipino na nagsisilbing repleksiyon ng ating lakas sa kabila ng malalaking hamon at pagsubok na ating kinakaharap. ๐โ๏ธ
๐ Ngayong araw, taos-pusong nakikiisa ang ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐ ๐ฆ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ด๐ ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ sa pagdiriwang ng ๐ข๐ค๐-๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง ng ating bansa. Nawa'y patuloy nating ipagpugay at alalahanin ang karangalang inihandog ng ating mga magigiting na bayani upang makamit natin ang kalayaang tinatamasa sa kasalukuyan. Huwag nating sayangin ang kalayaang kanilang ipinaglaban at ipinagkaloob para sa atin.๐ก๐ฏ
๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐! ๐ต๐ญ๐ซ
11/06/2026
๐ค ๐ข๐ฎ๐๐ต ๐ง๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ผ๐ป๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ค
A new chapter of leadership begins! Today, our newly elected officers officially took their oath, pledging to serve with integrity, dedication, and responsibility. ๐
As they embark on this journey, may they lead with purpose, inspire with action, and uphold the values of a true STECian. Congratulations to all our newly elected student leaders! ๐
10/06/2026
๐๐ฌ๐บ๐พ๐ช๐ฒ๐ท๐ฝ๐ช๐ท๐ฌ๐ฎ ๐๐ช๐ป๐ฝ๐ 2026 ๐ช
The wait is almost over, ๐ข๐ฃ๐๐๐ฒ๐ช๐ท๐ผ! ๐
Get ready for a day filled with laughter, music, fun activities, and the chance to create new friendships and unforgettable memories.
Join us tomorrow as we celebrate the beginning of another exciting chapter together. Let's make every moment count and every smile memorable! ๐
10/06/2026
๐ข ๐ช๐ต๐ฎ๐โ๐ ๐จ๐ฝ, ๐ฆ๐ง๐๐๐ถ๐ฎ๐ป๐! ๐ฅโจ
Do you have a passion for photography, videography, graphic design, writing, broadcasting, social media, or content creation? ๐ธ๐๏ธ๐จ
The BCSTEC Media Production Crew is now looking for volunteers who are ready to capture moments, tell stories, and showcase the best of our school community!
Whether youโre experienced or just eager to learn, this is your chance to develop your skills, gain hands-on experience, and become part of a creative and dedicated team. ๐
๐ฉ ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฑ ๐ถ๐ป ๐ท๐ผ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด?
Send the following to [email protected]
โข Full Name
โข Grade & Section
โข Area of Interest
โข Why you want to join the BCSTEC Media Production Crew
Join us behind the camera, behind the microphone, behind the designs, and behind the stories.
โจ ๐๐ถ๐ด๐ต๐๐. ๐๐ฎ๐บ๐ฒ๐ฟ๐ฎ. ๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐๐ถ๐๐ถ๐๐.
Be part of the BCSTEC Media Production Crew and help bring every STECian story to life! ๐ฌ๐ธ
Applications are open to all interested BCSTEC High School students with passion, creativity, commitment, and willingness to learn.
08/06/2026
๐ญ STEConnect: ๐๐ต๐พ๐ซ๐ซ๐ฒ๐ท๐ฐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ญ
One campus, countless passions! ๐
Today, STECians took the first step toward new experiences annd new opportunities. The journey starts with finding where you belong.
08/06/2026
The halls are filled with smiles, laughter, and excitement as we begin a brand-new school year! ๐ซ
Here's to new lessons, new friendships, and unforgettable memories. Welcome back, ๐ข๐ฃ๐๐๐ฒ๐ช๐ท๐ผ! ๐๐ฉท Let's make this year one to remember.
๏ฟฝ
BCSTEC Live Radio
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Cabcabon Hills, Banga
Bayawan
6221