Kobed Complex

Kobed Complex

Share

Community for Vaccinated Vulnerables, Indigents, and Disabled.

15/11/2021

Kilalanin ang nag-iisang pambato ng Kobed Complex sa ating bayan. Tulad niyo, gusto ko yung may 'K'


Balagtas Kobe Delos Reyes ❤💪

Photos from Kobed Complex's post 31/10/2021

LUMA AT BAGONG HENERASYON BUKLOD-BISIG SA PAGSULONG - Patuloy po ang pagdalo ng Kobed Complex sa mga nakatatanda. Kanina ay nadagdagan na naman ang ating mga residente na nagmula naman sa Bagong Barrio, Barangay Wawa, Balagtas, Bulacan. Bukas po ang ating pintuan sa lahat. Ika nga ng ating community administrator na si Kobe Delos Reyes Balagtas, ang Kobed ay pamayanan nating lahat. Kita-kits po ulet next week para sa mga bago nating housemates....

Photos from Kobed Complex's post 18/10/2021

Patuloy po ang ating pakikihalubilo sa mga mahal nating nakatatanda. Kita po uli tayo sa susunod na linggo. Salamat po at parating mag-iingat!

PAALALA: Sa mga hindi po kaya pumunta ng dahil sa kanilang karamdaman, ay maaari pong imessage ang aming page para kami na po ang pupunta sa kanilang kabahayan.

Photos from Kobed Complex's post 09/10/2021

Pabatid:

Ang Kobed Complex po ay nagtungo sa Balagtas Heights, Brgy. Santol para maghatid ng konting tulong. Amin pong nakausap ang ilang piling seniors ukol sa aming adbokasiya. Kami po ay nagagalak na mapag-alamang sila ay bakunado na at ang kaso ng Covid-19 sa kanilang lugar ay bihira lamang dahil masunurin sila sa safety protocols. Tuloy-tuloy lang ang ating hakbang patungo sa pag-angat at kaginhawaan kasama ang ating pinakamamahal na mga taga Balagtas. Mag-ingat po parati!

Maraming Salamat po kay ate Jessica Bardeloza Morones sa kanyang tulong.

Photos from Kobed Complex's post 08/10/2021

Tulad po ng aming nabanggit, ang Kobed Comlpex ay bumibisita rin sa ibang barangay para maghatid ng kaunting tulong. Masaya kaming nagpunta sa barangay San Juan kung saan nakahuntahan ang ilan sa kanila at ikwinento ang umano'y "Alamat ng Baha" na kasama nila araw-araw😀

Photos from Kobed Complex's post 03/10/2021

Magandang araw mga ka-Balagtas!

Binuksang muli ang ating bakuran upang makapag-abot ng bahagyang tulong sa mga vulnerable sectors.

Ang Kobed Complex ay nagsisilbi ring activity center para sa kanila.

Sa mga gustong pumunta ay maaari lamang na magmessage/magpalista sa aming page upang makapagpaschedule dahil sa pandemya at bilang pagsunod na rin sa safety protocols.

Bukas ang complex tuwing Linggo mula 8 am hanggang 10 am.

Maraming salamat at palaging mag-ingat!

Photos from Kobed Complex's post 01/10/2021

PARA SA LAHAT NG TAGA BALAGTAS!

Ang Kobed Complex ay tumutugon sa tawag ng lahat ng taga Balagtas. Hindi po ito ekslusibo lang para sa taga Barangay Panginay na kasalukuyang kinatitirikan ng ating komunidad. Kamakailan lamang, binisita ng ating Complex Founder na si Kobe Delos Reyes ang ilan sa mga nagngangailangan sa Barangay Borol Segundo kung saan 50 pamilya rin ang napagkalooban ng munting ayuda. Kung kayo po ay nasa ibang barangay gaya ng Borol 1st, Borol 2nd, Dalig, Longos, Pulong Gubat, San Juan, Santol at Wawa; ay huwag pong mag atubili na mag-iwan ng mensahe sa ating page. Bagamat ekslusibo tayo sa mga vulnerable sector, maaari po kaming umaksiyon base sa inyong kahilingan. Maraming salamat po at patuloy tayong mag-ingat.

House for COVID-19 vaccinated vulnerables open up in Bulacan 30/09/2021

Patuloy ang pagpapaligaya sa mga vulnerables. Salamat INQUIRER.net❤️

House for COVID-19 vaccinated vulnerables open up in Bulacan Instead of spending hard-earned savings to treat family and friends in his birthday, a young man in Barangay Panginay, Balagtas Bulacan opened their home to welcome vu...

Photos from Kobed Complex's post 30/09/2021

Ang paglilingkod sa kapwa, ay tunay na kalugud-lugod sa Panginoong Diyos! Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan. Taglay nila ang malakas na katawan, malayang kaisipan at dalisay na pagmamahal sa kapwa. Inaanyayahan ko ang mga gustong magboluntaryo na makibahagi sa adbokasiyang magsusulong sa kaginhawaan ng mga vulnerable sector (senior citizen, person with disability, solo parent, indigent, CAR at CICL).

Samahan niyo ako at maging caretaker ng Kobed Complex. BUKAS ANG ATING TAHANAN TUWING LINGGO (7:00 am onwards). Ang gawaing ito ay purong volunteerism. Ipakita natin ang ating malasakit sa mga higit na nangangailangan ng walang hinihintay na kapalit o pabuya. Taas noo, ikarangal natin na ang Bayan ng Balagtas ay hindi lamang lugar ng matulain at makata; kundi, isang mapagkalingang komunidad na naghahari ang pagdadamayan, pagmamahalan at pagkakaisa. PM, comment or magtext na po sa ating mga numero.

Binabati ko po ang 40 lolo’t lola, 7 PWD, 2 solo parent at 1 Child at Risk (50 beneficiaries) sa unang pagbubukas ng ating pintuan kamakailan. Sana ay patuloy na lumawig ang ating pamilya. Mag-ingat po tayo lagi at magkitang muli sa mga susunod na Linggo.

PAALALA: Ugaliing magpalista bago bumisita. Ipractice ang safety protocols at tanging mga bakunado lamang ang maaari munang dumalo. SALAMAT PO!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Balagtas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Barangay Panginay
Balagtas
3016

Opening Hours

7am - 10am