Agent Ric Diaz
Agent Ric Diaz blog discusses legal matters, law enforcement and current issues.
21/09/2026
Pumoputok ang butse sa inggit at inis ng mga DDS sa ibinigay na 500 million pesos ni PBBM sa pagpaayos ng Jesse M. Robredo Coliseum. Anong paki-alam ninyong mga panatikong DDS kayo at bakit ninyo pinagiinitan ang konting perang ibinigay upang ipaayos ang coliseum na ginagawang evacuation center kung may baha? Dahil ang pangalan ay Jesse M. Robredo Coliseum? Mabuting tao at lider ang namayapang si pareng Jesse at wala kayo sa kalingkingan nun, kayong mga DDS lalo na si Badoy na mukhang lalake at si Pongit na Nyak Angota. Bakit nakikita ninyo ang butas ng karayom pero hindi ang butas ng palakol? Heto ang dapat malaman ninyo. Anong sey nyo mga DDS sa mga iniidolo ninyong kurap?
21/09/2026
After 13 years, another picture with Mayor Leni today at the Naga City Mayor's Office! Hindi nagbabago ang mabait naming Mayor!
Dateline Naga City 9-21-26
Siguro ibang libro sa mga batas ang nabasa ni Atty. Jimmy Bondoc. Nagtataka ako kung bakit dispalinghado ang mga opinyon niya lalo na sa legal matters. Ang latest na birada niya, kahit ma-impeach pa raw si VP Sara ay patatakbuhin pa rin siya ng mga mamamayang Pilipino!
Acheche! Ang usapan ngayon ay hindi na po impeachment torni kundi kung acquittal o conviction dahil na-impeach na po si idol Sara mo! Inimpeach na siya ng House of Representatives kaya nga nagkakaroon ng trial na sa senado. Pero kung ang ibig sabihin ni torni Bondoc ay halimbawang maconvict ay tatakbo pa rin siya, eh sabit ang opinyon mong yun atorni. Final and unappealable ang judgment of conviction sa impeachment at may perpetual disqualification. Hindi ito appealable at reversible ng Korte Suprema torni, baka nakalimutan mo ang remedial law mo! Hindi na siya pwedeng tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno pero pwede pa naman siyang mag-join sa mga marathon. Pampapayat din yun he he
20/09/2026
Dateline Naga City 9-20-26
Evening Mass at the Peñafrancia Basilica tonight, 8:00-9:00 pm, last mass on the day of the Fiesta of Nuestra Señora de Peñafrancia!
Dateline, Naga City 9-20-26.
Ito namang si Manong Jonvic nagpapatawa. Atat na atat na bigyang power ang mga pulis na pumasok sa bahay ng gunholders para inspeksyonin ang mga lesensiyadong baril. Ang dahilan yung nangyaring school shootings para maiwasan daw. Teka muna Manong, facts muna:
- di ba baril ng policewoman ang ginamit sa
Tacloban shooting? Ang second firearm gamit
naman ng security guard, ergo, jurisdiction
ng PNP at PNP-SUSIA.
- Yung baril na ginamit sa Zamboanga ay issued
naman sa isang officer ng Customs. Meaning
jurisdiction ng BOC, Dept. of Finance.
Dahil pareho baril ng gobyerno at security agency na supervised ng gobyerno ang involved, bakit ang private gunholders naman ang pinag-iinitan mo? Ituon mo muna ang iyong pansin sa PNP under your jurisdiction, review mo ang existing policies sa gun possesion, handling and security. Usap muna kayo ng counterpart mo sa DOF para ayusin din ang sistema sa mga baril ng Customs.
Tungkol naman sa kagustuhan mong bigyan ng awtoridad ang mga pulis na pumasok sa bahay ng mga licensed private gunholders, sabit ka dyan sa Constitution. Yung sabi mong bigyan ng Supreme Court ng karapatan ang mga pulis, kahit na Supreme Court o Congress ay hindi pwedeng lumabag sa Constitutional provision on privacy of abode against unreasonable searches and seizures. Ang prinsipyo niyan ay "A man's house is his own castle and even the King of England cannot walk pass its doorsteps" (Sir Edward Cooke 1604). Pakibasa po ng Acosta vs. Ochoa, 211559, 1919 case, na hindi pwede ang warrantless search sa bahay ng gunholder kahit pinapirma ninyo ng waiver ang licensee ay need pa rin ng search warrant.
Dateline, Naga City, 9-29-26.
Si Apollo Quibuloy nagsasabing Appointed son of God daw siya. Pero kung hanapan ko ng appointment papers wala namang maipakita.
Si Allan Petra Cayetano nagke-claim na Ambassador of Christ daw siya pero wala rin maipakitang kopya ng kanyang appointment. Kung walang documentary evidence hindi kapanipaniwala he he
18/09/2026
Dateline Naga City 9-18-26
Reunion with my former Broadcast Media colleagues Vincent Schwalbe and Felix Abaño at Vincent's home in Pacol, Naga City. Remembering those days when we are on the airwaves daily as broadcasters. Perhaps they have forgotten our voices but its okey, ganyan ang life. By the way Felix Abaño who is based in Daet, Camarines Norte still goes ok board once a week in his radio show!
Depensa ni Robin, wala raw siyang itinakas! Nakisakay lang daw sa sasakyan niya ang kumpare niyang si Bato. Libo libo daw ang mga pulis hindi naman sila hinarang! Maniwala kaya ang Piskal sa paliwanag niya samantalang:
1. Alam niyang si Bato de la Rosa ay may
warrant of arrest, inaaresto ng NBI at
tumakbo at nagpakanlong sa senado;
2. Alam niyang nasa custody ng senado si
kumpare niyang Bato at kasama siya sa
pagpasa ng resolusyon at hindi dapat umalis
ng senado:
3. Kitang kita sa CCTV na galawan ng mga
tumatakas ang aksyon nila at hindi yung
normal na galaw ng isang taong hindi tatakas;
4. Kahit libo ang pulis hindi naman nila alam
nasa loob ng tinted SUV niya si Bato at hindi
naman nila pinipigilan ang sasakyan ng
mga senador. Naroon sila para sa
peace and order at hindi para umaresto
dahil NBI ang may hawak ng warrant.
Hindi lulusot ang sa bobong rason ni Robin.
Hindi bobo ang Piskal na maniwala sa kanya. Tayo nga na ordinaryong tao lamang ay hindi kumbensido! Kasuhan na yan!
Iginigiit ni Ret. Associate Justice Azcuna na walang senador na namatay, walang nagresign at natanggal kaya dapat 24 pa rin ang dapat bumoto. Ito rin ang linya ng mga DDS! Ito ang estupidong interpretasyon ng probisyon ng Konstitusyon. Excuse me! Ibig sabihin nito:
- si Bato de la Rosa na hindi sumumpa bilang
senator judge, nagtatago sa kung saang
lupalop, hindi man lang nakaupo kahit isang
minuto sa trial, hindi nakita ang mga testigo,
hindi nakatanong o nagkaroon ng meaningful
participation bilang huwes, ay HUHUSGA!
- si Jinggoy at Marcoleta na sumumpa bilang
senator judge pero naaresto dahil sa Plunder
at nakakulong, suspendido bilang senador
sa ilalim ng Plunder law kaya hindi pwedeng
maging hukom, hindi umupo kahit minsan sa
trial, hindi nakita ang ebedensya at testigo
pero sila ay HUHUSGA!
Nasaan ang common sense? Nasaan ang hustisya? Dito pa lang sa tatlong mamang ito ay MALI na kung sila ay huhusga dahil ang sabi ng Saligang Batas ay dapat umupo sila bilang huwes (sitting as a judge). Hindi sila umupo kahit minsan bilang judge! Bulag yata si ret. Justice Azcuna o DDS siya? he he
16/09/2026
Akala ko si Ed Sheeran, si Digong Duterte pala! Looking good naman ang matanda at parang pumuti pa nga at bumata. Medyo mahaba sa normal niyang buhok dahil wala dun ang kanyang peborit na barbero. See kung ano ang resulta ng clean living at healthy food? Mas lalong hahaba ang kanyang buhay. Sayang hindi natin narinig magsalita dahil baka may British accent na siya he he
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Melbourne, VIC
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Agent Ric Diaz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.