Threads
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Threads, Video Creator, Pittsburgh, PA.
06/04/2026
Isa sa layunin ng NFA Revamp Bill ay maprotektahan ang mga magsasaka laban sa luging bentahan ng kanilang ani.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, dapat may kakampi ang mga magsasaka sa gobyerno upang masigurong patas ang presyo ng kanilang palay.
06/04/2026
Suportado ni Cong. Martin Romualdez ang NFA Revamp Bill na layuning palakasin muli ang papel ng National Food Authority sa rice market.
Target ng panukala na mapababa ang presyo ng bigas, maprotektahan ang mga magsasaka, at masigurong may sapat na suplay ng pagkain para sa bawat Pilipino.
06/03/2026
Mula sa agrikultura, turismo, hanggang edukasyon, layunin ng mga bagong batas na palakasin ang iba't ibang sektor ng lipunan.
Sa pangunguna ni Cong. Martin Romualdez at ng Kamara, ang mga panukalang ito ay ngayon ay ganap nang batas na inaasahang magbibigay ng pangmatagalang benepisyo sa bansa.
06/03/2026
🌾 Maraming magsasaka ang umaasa lamang sa kanilang ani kahit sila ay nasa katandaan na.
Dahil dito, inihain ni Martin Romualdez ang House Bill No. 7663 o ang Comprehensive Farmers' Pension and Social Protection Act upang mabigyan ng pensyon at social protection ang mga magsasakang madalas walang access sa formal retirement programs.
06/02/2026
🌾 Sa ilalim ng RA 12078 na isinulong ni Cong. Martin Romualdez, itinaas mula ₱10 bilyon tungo sa ₱30 bilyon kada taon ang pondo para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Layunin nitong matulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng mas de-kalidad na binhi, makinarya, pautang, at iba pang agricultural support programs.
06/02/2026
📖 Inihain ni Cong. Martin Romualdez ang House Bill No. 7663 o ang Comprehensive Farmers’ Pension and Social Protection Act, isang panukalang naglalayong magbigay ng pensyon at social protection sa mga kwalipikadong magsasaka na kadalasang walang access sa formal retirement programs.
06/01/2026
Suportado ni Cong. Martin Romualdez ang NFA
Revamp Bill bilang hakbang tungo sa mas
matatag at pangmatagalang sistema ng abot-kayang bigas sa bansa.
Ayon kay Cong. Romualdez, mahalagang magkaroon ng konkretong mekanismo upang makatulong sa pagpapanatiling abot-kaya ang presyo ng bigas para sa mga pamilyang Pilipino.
Layunin ng panukala na palakasin ang kakayahan
ng NFA at suportahan ang mas maayos na
sistema ng suplay ng bigas para sa
kapakinabangan ng mga mamimili at magsasaka.
06/01/2026
Sa panahon ng dumaraming digital threats at online risks, isinusulong ni Cong. Martin Romualdez ang House Bill No. 9 o Digital Security Act upang palakasin ang proteksyon ng bansa laban sa malware, unauthorized access, at iba pang panganib sa digital na kapaligiran.
Layunin ng panukala na mapangalagaan ang sensitibong impormasyon ng mga Pilipino at palakasin ang digital security measures ng mahahalagang sektor tulad ng banking, health, tubig, at enerhiya.
05/31/2026
Minsan sa isang click lang, maaaring malagay sa panganib ang ating personal na impormasyon.
Kaya isinusulong ni Cong. Martin Romualdez ang Digital Security Act upang hikayatin ang mga mahahalagang sektor na magpatupad ng mas matibay na mga hakbang sa digital security at proteksyon ng datos laban sa iba’t ibang online na banta.
Layunin ni Cong. Romualdez ang mas ligtas at mas maaasahang digital environment para sa lahat.
05/31/2026
Para sa mga professionals na araw-araw nagsisilbi sa bayan, mas maginhawang proseso ang layunin ng panukalang ito.
Naaprubahan na sa House of Representatives ang panukalang magpapalawig ng validity ng PRC ID mula 3 taon hanggang 5 taon, kabilang ang mga panukalang may kaparehong layunin gaya ng House Bill 6752.
Layunin nitong mabawasan ang gastos at abala sa regular na pagre-renew ng PRC ID ng mga propesyonal.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pittsburgh, PA