MLHC Ordovilla
Announcement,
Activities and
Words of God
06/05/2026
Evangelism Service 2026 ✨
Sa Diyos ang pinakamataas na papuri’t pagsamba sa katagumpayan ng gawaing ito🙌💖
06/05/2026
Sama-samang pagsamba sa Diyos na buhay ✨
Noong May 01, bilang panimula ng ika-73rd Founding Anniversary ng Barangay Ordovilla, isang mapagpalang gabi ang ating naranasan sa ginanap na Evangelism Service sa ating barangay court. Tunay ngang kahanga-hanga ang kilos ng Diyos sa bawat pusong dumalo, may mga napukaw, napalakas, at muling nag-alab ang pananampalataya. 🙌
Sa gitna ng ating pagkakaisa, napatunayan natin na walang imposible kapag ang Diyos ang sentro ng ating pagsamba. Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi, tumulong, at sumuporta sa gawaing ito.
Patuloy tayong magkaisa sa paglilingkod at ipalaganap ang Kanyang pag-ibig sa ating komunidad. 💛
29/04/2026
Tayo nang magkaisa sa pagsamba at pakikinig sa Salita ng Diyos! ✨
Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa ating Evangelism Service 💛
📍 Barangay Ordovilla Covered Court
🗓️ May 1, 2026 (Biyernes)
⏰ 6:00 PM – 9:00 PM
Isama ang pamilya at mga kaibigan, sama-sama nating maranasan ang pag-ibig at biyaya ng Diyos! 🙏
Kita-kits!
20/02/2026
LOVE MOVES FIRST | Hearts Day Fellowship 2026 💖
(1 Juan 4:16–20)
Noong nakaraang Linggo, naranasan nating muli ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa ating Hearts Day Fellowship. Sa pamamagitan ng mga awitan, pagbabahaginan, at Kanyang Salita, tunay na napuno ng kagalakan at inspirasyon ang bawat isa. ✨
Sa pamamagitan ng mensaheng ibinahagi ng ating mensahera na si Ate Marithel M. Ordoña, mas naunawaan natin na ang pag-ibig ay hindi lamang salita, ito ay kilos. Ang Diyos ang unang nagmahal sa atin, kaya tayo rin ay tinatawag na magmahal, magpatawad, at maglingkod sa iba. 🙏
Isang makabuluhang pagtitipon na muling nagpaalala sa atin na ang pag-ibig ng Diyos ang ating lakas, gabay, at dahilan upang patuloy na kumilos sa pananampalataya.
20/02/2026
👑 Awarding of Mr. and Ms. Valentines & Best in Attire | Hearts Day Fellowship 2026 ❤️
Isang espesyal na bahagi ng ating Hearts Day Fellowship ang pagbibigay-parangal sa ating Mr. and Ms. Valentines at Best in Attire. Ipinakita ng bawat isa ang kanilang kumpiyansa, saya, at natatanging ganda at kakisigan habang suot ang kanilang magagandang kasuotan. ✨
Higit pa sa korona at parangal, ipinakita nito ang pagkakaisa, suporta, at pagmamahalan ng bawat isa. Tunay ngang ang araw na ito ay naging mas makulay at makabuluhan, dahil Love moves first. ❤️
20/02/2026
🎉 Games and Raffles | Hearts Day Fellowship 2026 ❤️
Napuno ng saya, tawanan, at excitement ang ating Hearts Day Fellowship sa pamamagitan ng mga inihandang games at raffles. Ang bawat isa ay nakilahok, nakisaya, at nag-enjoy sa mga gawain na lalong nagpatibay ng ating samahan. ✨
Hindi lamang ito tungkol sa mga premyo, kundi sa masasayang alaala at pagkakaisang ating naranasan. Tunay ngang ang araw na ito ay puno ng saya at pag-ibig, dahil Love moves first. ❤️
20/02/2026
📖 Word of God | Hearts Day Fellowship 2026 ❤️
Love Moves First (1 Juan 4:16–20)
Sa pamamagitan ng mensaheng ibinahagi ng ating mensahera na si Sister Marithel M. Ordoña, ipinaalala sa atin na ang Diyos ang unang nagmahal sa atin. Dahil dito, tinuturuan din tayong magmahal sa iba, magpatawad, at gumawa ng mabuti sa kapwa. ✨
Ang Salita ng Diyos ay nagbigay sa atin ng lakas at inspirasyon upang patuloy na mamuhay nang may pag-ibig at pananampalataya. Tunay nga, Love moves first. ❤️
20/02/2026
Praise and Worship | Hearts Day Fellowship 2026 ❤️
Sa bawat awit at papuri, sabay-sabay nating itinataas ang pangalan ng Panginoon. Hindi lamang ito simpleng pag-awit, kundi isang taos-pusong pagsamba at pasasalamat sa Kanya na unang nagmahal sa atin. ✨
15/02/2026
Pag-ibig na Galing sa Diyos 💖
Mula sa mensahe ni Pastora Ruth Pesigan, natutunan natin na ang tunay na pag-ibig ay utos ng Diyos. Sa Lucas 10:25–28, sinabi na dapat nating ibigin ang Panginoon nang buong puso, kaluluwa, lakas, at isip, at ibigin ang ating kapwa gaya ng ating sarili. Ang pag-ibig na ito ang nagbibigay sa atin ng kapayapaan, lakas, at gabay sa ating buhay. 🙏
Ngayong Hearts Month, nawa’y patuloy nating ipakita ang pag-ibig sa Diyos at sa ating kapwa sa pamamagitan ng mabubuting gawa at tunay na malasakit. 💕
Kami rin ay nagpapasalamat at nagbibigay-parangal sa ating mga Best Tithers noong buwan ng Enero. Ang inyong katapatan ay patunay ng inyong pag-ibig at pananampalataya sa Diyos. Nawa’y patuloy kayong pagpalain. ✨
08/02/2026
Sadya bang Huli na Para sa Pakikipagsundo?🤝
Mula sa preach ni Pastora Ruth Pesigan, ating napagtanto na ang pakikipagsundo ay hindi kailanman huli kapag may pusong handang magpakumbaba at magmahal. Ang pagkakamali ay hindi katapusan, kundi pagkakataon upang humingi ng tawad, magpatawad, at magsimulang muli sa gabay ng Diyos. 🙏
Hangga’t may buhay at pag-ibig ng Panginoon, may pag-asa para sa kapayapaan at pagkakaisa . Piliin natin ang pakikipagsundo kaysa galit, at hayaang ang pag-ibig ng Diyos ang manguna sa ating mga puso.💖
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Brgy Ordovilla, Victoria Oriental Mindoro
Victoria
5205