Councilor Ramon Encarnacion
District 1 - Valenzuela City
30/06/2025
PASASALAMAT SA PAGKILALA.
Maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta.
Sa tulong ng Panginoon, sa gabay ng aking pamilya, sa pakikiisa ng aking mga kasama sa Sanggunian, at sa sipag ng ating mga staff—naging posible ang bawat hakbang ng paglilingkod.
Isang malaking karangalan po na makapaglingkod bilang Konsehal ng Valenzuela mula ika-7 hanggang ika-9 na Sangguniang Panlungsod.
Sa bawat Valenzuelano na naging inspirasyon sa aking tungkulin—maraming, maraming salamat po. Hanggang sa muli. 💙❤️
21/06/2025
Dumalo ang inyong lingkod sa Monthly Regular Meeting ng Valenzuela City Tripartite Industrial Peace Council (VCTIPC) na ginanap sa Alert Center. Ang inyong lingkod po ay masayang nakiisa sa kanilang makabuluhang pagpupulong. ✨
15/06/2025
Sa mga masisipag at butihing mga Ama ng ating mga tahanan, ako po ay bumabati sa inyo ng Happy Father's Day. Mabuhay ang mga haligi ng ating tahanan. 👨🏼💙
12/06/2025
Ang inyong lingkod po ay nakikiisa sa pagdiriwang ng buong bansa at bumabati sa inyong lahat ng Maligayang Araw ng Kalayaan. 🇵🇭
06/06/2025
Nakiisa ang inyong lingkod sa pagsisimula ng 6th Valenzuela City Tripartite Industrial Peace Council (VCTIPC) Inter-industrial Basketball Tournament na ginanap sa 3S Center Palasan.
Layunin ng programang ito na palakasin ang samahan at pagtutulungan ng mga kalahok mula sa iba't ibang sektor.
18/05/2025
Dumalo at nakiisa ang inyong lingkod sa naganap na Regular Meeting ng Valenzuela City Tripartite Industrial Peace Council noong Biyernes sa Alert Center Malinta.
06/05/2025
Pinangunahan ng Department of Transportation, kasama ang ating butihing Mayor WES Gatchalian, ilang opisyal ng Mitsubishi Corp., at maging ang inyong lingkod ay dumalo sa naganap na Groundbreaking Ceremony para sa Bulk Supply Substation 1 ng Metro Manila Subway Project (MMSP) kahapon.
01/05/2025
Nakikiisa po ang inyong lingkod sa pagdiriwang natin ng Araw ng mga Manggagawang Pilipino, kasama ang Valenzuela City Tripartite Industrial Peace Council dumalo ang inyong lingkod sa kanilang Solidarity Walk for Tripartism.
Mabuhay po ang mga Manggagawang Pilipino. 🇵🇭
20/04/2025
Ngayong araw ng linggo ng pagkabuhay ating ginugunita ang muling pagkabuhay ni Hesu Kristo. Ito ay hudyat ng panibagong pag-asa at pagpapatotoo na si Hesu Kristo ay ang ating Diyos na nabuhay namag-uli at umaakyat sa langit.
Ang muling pagkabuhay ng Panginoong Hesu Kristo ay nagbigay pag-asa sa kanyang mga alagad na ipagpatuloy at ihayag ang mga magagandang salita at balita ng ating Panginoon. Ito ay isang patotoong siya ay ang ating Panginoong nabubuhay hanggang ngayon at magkapailanman.
Ito rin ay sumisimbolo na ang mga pagsubok at paghihirap na ating kinahaharap ay mayroon ring ginhawa at kaligayahang mangyayari sa dulo. Si Hesu Kristo ay humarap sa lahat ng paghihirap upang tubusin ang ating mga kasalanan, siya ay ipinako sa krus at namatay, matapos ang ilang mga araw siya ay muling na buhay upang tayo ay kanyang subaybayan at alagaan na ang ating mga gagawin ay hindi mapunta sa kasamaan kundi sa kabutihan.
Ano man ang ating ipinapanalangin at hinihiling sa ating Panginoong Diyos tayo ay kanyang diringgin, tayo po ay manalangin kasabay ng ating paggunita sa kanyang muling pagkabuhay na ang mga pagsubok na ating kinahaharap ngayon ay matatapos na rin at ang kaginhawaan ay ating makakamtan.
19/04/2025
Tuwing Sabado De Gloria ay ating ginugunita ang araw kung kailan inilibing ang katawan ni Hesu Kristo matapos nitong magpakasakit ng siya'y ipako sa krus, at patuloy pa rin ang pag-alaala nating mga katoliko sa pagkamatay ng ating Panginoong Hesu Kristo.
Patuloy po tayong manalangin, para sa ating mga pangangailangan at kaligtasan. Palagi po kayong mag-iingat.
18/04/2025
Sa araw ng Biyernes Santo naganap ang pagpapakasakit ni Hesu Kristo. Kung saan siya ay pinako sa krus at namatay para linisin ang ating mga pagkakasala. Ngayong araw rin ay ang araw ng pagluluksa, penitensya at pag-aayuno.
Tayong lahat ay magnilay nilay sa ating mga nagawang kasalanan. Manalangin ng mataimtim upang tayo'y dinggin ng ating panginoon.
17/04/2025
Ang Huwebes Santo ang pangalang ibinigay sa araw kung kailan ginanap ng Panginoong Hesu Kristo at ng kanyang mga alagad ang tinatawag na Huling Hapunan. Kung saan naganap rin ang paghuhugas ni Hesus sa mga paa ng kanyang mga alagad bilang pagpapakita ng pagpapakumbaba at paglilingkod. Ito rin ay nagbigay ng halimbawa na dapat tayong lahat ay mag-ibigan at maglingkod sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig at kapakumbabaan (Juan 13:3-17).
Sama sama po nating alalahanin ang mga huling sandali ng ating panginoon bago ito magsakripisyong maipako sa krus, upang linisin ang ating mga kasalanan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Valenzuela
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |