LDM - IWS
Ipanalo ang tunay, palaban, at makabayang unyon!
Ang Laban ng Demokratikong Manggagawa sa IWS- ADLO- KMU ay nagsusulong ng nakabubuhay na sahod, makataong paggawa, regularisasyon, karapatan sa pag-uunyon, at pagbabagong panlipunan.
04/09/2026
"Ang tagal ng election, ayaw lang nila mapalitan sa pwesto"
'Yan ang tugon ng regular na nakausap sa pamomolyeto namin kanina. Gustong gusto na ng manggagawa na palitan ang kasalukuyang unyon na korap at taksil sa uring manggagawa.
Ang unyon ni Tamina ay kapit-tuko para sa yaman! Kapit-tuko para pagsamantalahan ang magsasaka. Kung tutusin ay alam ng management at ni Tamina na iligal at walang bisa ang kanilang CBA pero ginagawa nila ito para makapanloko!
Kaya naman inabot na talaga ng management at ni Tamina na mag-apela sa DOLE Secretary na si Francis Tolentino. Pero ang apelang ito ay walang kwenta! Tuloy pa rin ang Certification Election!
TULOY ANG ELEKSYON AT KASAMA ANG LDM-IWS-ADLO-KMU!
TULOY ANG LABAN NG DEMOKRATIKONG MANGGAGAWA!
IPANALO ANG TUNAY, PALABAN, AT MAKABAYANG UNYON!
04/09/2026
Delayed ang CE dahil sa kagagawan ni Tamina at dayuhang kapitalistang IWS. Takot na takot mabawasan ang kita!
Takot na takot mapalitan ng tunay, palaban, at makabayang unyon!
Tuloy-tuloy ang laban natin mga demokratikong manggagawa!
Kasama ninyo ang LDM - IWS ADLO KMU para sa pagkamit ng magandang kinabukasan.
Tamina at management sagabal sa Eleksyon!
Takot na takot ang grupong Tamina lalo na ang dayuhang kapitalista ng IWS sa magaganap na CE dahil mababasura at itatakwil na ng mga manggagawa ang sunud-sunurang tuta nya na si Tamina. Kaya nagkukumahog itong nagmakaawa kay Tolentino na wag na ituloy ang Eleksyon. Ano man ang gawin nyang pag-antala sa CE tuloy ang ating laban. Tuloy ang Eleksyon!
Ang tanging magpapatunay ng katotohanan ay ang Certification Election dahil dito magpapasya ang mga manggagawa kung sino ang gusto niyang magrepresenta sa kanya sa CBA hindi kung sino ang gusto ng kapitalista!
Kaya kapag LDM ang nanalo ibabasura natin ang walang kwentang CBA nila Tamina at IWS, papalitan natin ito ng mas malaman at mas mabuting CBA!
Kaya mga ka-IWS ipanalo ang isang tunay na unyon na magtataguyod ng mabuting CBA. Ipanalo ang LDM! Ipanalo ang Tunay Palaban at Makabayangunyon!
01/09/2026
28/08/2026
Mahirap ipaglaban ang karapatan mo sa planta kung ang mismong unyon ay hindi ka pinoprotektahan.
BASAHIN: https://tinyurl.com/3r8sznen
26/08/2026
"Ang tagal tagal, gustong gusto na namin mag-eleksyon."
'Yan ang tugon ng regular na nakausap habang inaabutan s'ya ng polyeto. Hanggang ngayon nagbubulag-bulagan pa rin ang unyon ni Tamina sa tunay na kailangan ng manggagawa. Hanggang ngayon ay sunud-sunuran pa rin ito sa utos ng management para panatilihin ang pagpaparami ng tubo para sa kapital habang ang sahod ng mga manggagawa ay nakapako pa rin sa krus ng pagsasamantala at gayundin ang pamumuno ng unyon ni Tamina ay kalbaryo pa rin sa mga manggagawa.
Si Tamina at ang management ang dahilan kung bakit nadedelay ang eleksyon!
Pero gayunpaman hindi tayo titigil, tuloy-tuloy ang laban!
Hindi tayo titigil, tuloy na tuloy ang eleksyon!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Luisita Industrial Park
Tarlac