Pitombayog Child Development Center
Awarded as 3rd Place for Tarlac Provincial Search for Best CDC & CDW 2022!π©·
Ano pang hinihintay ninyo, mga magulang? π
Buksan ang mas maliwanag na kinabukasan ng inyong anak sa Pitombayog Child Development Center ngayong School Year 2026β2027!
Sa Pitombayog CDC, layunin naming hubugin ang bawat bata sa isang ligtas, masaya, at mapag-arugang kapaligiran kung saan sila ay natututo habang nag-eenjoy. Dito, pinahahalagahan namin ang maagang edukasyon bilang pundasyon ng kanilang paglakiβakademiko man o sa paghubog ng kanilang ugali at kakayahan.
π Tumatanggap na kami ng enrollees:
β’ Pre-Kindergarten 1 (Edad 3.0β3.11)
β’ Pre-Kindergarten 2 (Edad 4.0β4.11)
Bigyan ang inyong anak ng pagkakataong matuto, makipagkaibigan, at tuklasin ang kanilang mga talento sa isang kapaligirang puno ng gabay at pagmamahal. Sa Pitombayog CDC, bawat bata ay mahalaga at binibigyan ng pansin upang maabot ang kanilang buong potensyal.
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo?
Maging bahagi na ng lumalaking pamilya ng Pitombayog Child Development Center! π
Mag-enroll na ngayon at sama-sama nating ihanda ang inyong anak para sa mas matagumpay na kinabukasan! β¨
18/03/2026
Maraming salamat po sa lahat ng aming minamahal na magulang/guardians ng Pitombayog Child Development Center sa matagumpay na huling YCAP π
Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta, pakikiisa, at pagmamahal sa ating mga munting mag-aaral. Sa mga nakadalo, maraming salamat po sa inyong oras at presensya. At sa mga hindi man nakapunta ngunit nagpaabot ng tulong lalo na sa mga snacks, taos-puso po kaming nagpapasalamat π
Hindi po magiging matagumpay ang araw na ito kung wala kayo. Maraming salamat po at nawaβy patuloy pa rin ang inyong suporta sa ating center π
17/02/2026
β¨ 1st Day of Early Registration for SY 2026β2027 β¨
Maraming salamat po sa pagpunta, dear future parents/guardians! π Your trust means so much to us here at Pitombayog Child Development Center.π«
Excited na kaming makasama ang inyong little ones sa kanilang fun-filled learning journey! ππ¨ See you all and welcome to our growing family! π
16/02/2026
π’β¨ EARLY REGISTRATION β School Year 2026β2027 β¨π’
Ang Pitombayog Child Development Center ay tumatanggap na ng Early Registration ngayong February 17, 2026 (Tuesday) 8:00-9:30am only. Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang at guardians na ipalista na ang kanilang mga anak.
πΆ Early Childhood Care and Development Services Offered:
π Pre-Kindergarten 1 β para sa mga batang edad 3.0 to 3.11 years old
π Pre-Kindergarten 2 β para sa mga batang edad 4.0 to 4.11 years old
π Age cut-off: Hanggang katapusan ng October.
π Mga kailangang dalhin:
βοΈ Photocopy ng Live Birth
βοΈ Photocopy ng Immunization Card
βοΈ Long Brown Envelope
βοΈ Ballpen (para sa pagpirma ng forms)
Simulan natin ang maagang paghahanda ng ating mga anak para sa mas maliwanag na kinabukasan. ππ
Kita-kits po tayo, dear future Parents & Guardians! πβ¨
20/01/2026
Lubos po kaming nagpapasalamat sa mapagkalinga at mapagbigay na Barangay Pitombayog Officials sa pangunguna ng ating masipag at mapagmahal na Punong Barangay Hon. Noel D. Era sa kanilang patuloy na suporta sa edukasyon ng kabataan. Ang pagbibigay ng DB Audio 1500 Watts Bluetooth Speaker para sa Pitombayog Child Development Center ay malaking tulong sa mga gawain, programa, at aktibidad ng aming mga batang mag-aaral.
Ang nasabing donasyon ay malugod na tinanggap nina Sir Jomari P. Dioso, Child Development Worker, at Mrs. Patty L. Lagunero, Parent Committee President. Isa itong patunay ng malasakit at dedikasyon ng ating mga opisyal sa pagpapaunlad ng maayos, masaya, at makabuluhang kapaligiran sa pagkatuto ng mga bata. Maraming salamat po sa patuloy na pagtitiwala at suporta. Tunay ngang kapag nagkakaisa ang pamayanan, mas napapabuti ang kinabukasan ng ating kabataan. ππβ¨
11/12/2025
Masayang gumagawa ng kani-kanilang Christmas Hat ang mga Young Learners ng Pitombayog CDC! πβ¨ PunΓ΄ ng saya, kulay, at Christmas spirit ang araw na ito. β€οΈπ
11/12/2025
Lubos-lubos ang aming pasasalamat sa kabutihang-loob at walang sawang suporta ng ating mga masisigasig na taga-Barangay at mga taong may pusong tumulong para sa Christmas Party 2025 ng Young Learners ng Pitombayog Child Development Center bukas.
Maraming salamat po kina:
β’ Kap Noel Era β P500
β’ Kgwd. Edgar Agas β P500
β’ Kgwd. Raul Javier β P500
β’ Kgwd. Ulyses Paulo β P500
β’ Kgwd. Jerry Pagaduan β P200
β’ Ate Mary Relampagos β P1,000
β’ Anonymous Donor β P1,500
β’ Kua Melvin Manganaan β Candies & Pencils
β’ Ate Gladys Pascual β Christmas Party Decor
β’ Yulo Castro β Toys
β’ Ate Rhoda Olazo β Lotebags
β’ Besh Mee Ann Yabut: Candies
Agyamanak ti adu iti kina-anus ken naimbag a pusoyo. Dios ti agngina kadakayo amin! More blessings to come! πβ€οΈπ
28/11/2025
Happy 5th Birthday!π
Seth Angelo B. Javierπ
-Thank You so much po sa mga masasarap na snacks for Kids and Parents Ate Cindy & Kua Rommelβ₯οΈ
27/11/2025
Taos-pusong pasasalamat kina Mr. Roger Osorio & Family at Ms. Imelda Mendoza sa kanilang bukas-palad na donasyon ng pintura para sa bakod ng Pitombayog Child Development Center. Ang inyong kabutihang-loob at malasakit ay malaking tulong upang mas maging maayos, ligtas, at kaaya-aya ang kapaligiran ng ating mga batang mag-aaral. Ang simpleng tulong na ito ay may malaking ambag sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa aming mga bata. Maraming salamat po at nawaβy pagpalain pa kayo! π¨ππ
27/11/2025
Taos-puso ang aming lubos na pasasalamat sa mga masisipag at mapagkalingang magulang ng Pitombayog Child Development Center sa patuloy ninyong ipinapakita na dedikasyon, malasakit, at buong pusong suporta sa ating Buwanang Pangkalahatang Paglilinis. Sa bawat walis, punas, at pagtutulungan, malinaw na naipapakita ang inyong pagpapahalaga sa kalinisan, kaligtasan, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga batang mag-aaral.
Hindi matatawaran ang inyong oras at pagod na inilalaan upang matiyak na ang CDC ay isang lugar na puno ng pag-aaruga, disiplina, at positibong pagkatuto. Ang inyong pagkakaisa ay patunay na ang edukasyon at kaayusan ay nagsisimula sa tahanan at pinagtitibay ng isang nagmamalasakit na komunidad. Maraming salamat po sa inyong walang sawang suportaβkayo ay tunay na inspirasyon at haligi ng Pitombayog Child Development Center. πβ¨π
20/11/2025
Matagumpay na naisagawa ang pagbibigay ng Vitamin A sa mga batang mag-aaral ng Pitombayog CDC bilang bahagi ng patuloy na programa para sa kalusugan at nutrisyon ng kabataan. Pinangunahan ni Sir Jomari P. Dioso ang aktibidad na ito at isinagawa sa pamamagitan ng masisipag at dedikadong BHWs na sina Mrs. Josefina Corpuz, Jingle Palma, at BNS Gina Dacayanan. Layunin ng programang ito na mapalakas ang resistensya, mapahusay ang nutrisyon, at matiyak ang maayos na paglaki ng ating mga kabataan. Lubos ang pasasalamat sa kanilang serbisyo at malasakit na tunay na nakatutulong sa pangangalaga sa kalusugan ng mga batang Pitombayog. Maraming salamat sa patuloy ninyong suporta at dedikasyon sa komunidad.π
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Purok 6
Tarlac
2304