Filipinas Next Message
Let us support your business in Media relations, Crisis Communications, & Reputation Management
09/06/2026
GABING PINAGPALA
Salamat, Panginoon, sa proteksyon Mo sa buong maghapon. Sa aking pagpapahinga, nawa’y mapuno ang aking puso ng Iyong kapayapaan. Patawad sa aking mga naging pagkakamali at salamat sa pagkakataong itama ang lahat bukas. Ipinagkakatiwala ko sa Iyo ang aking bukas. Amen.
09/06/2026
Panginoong Hesus, protektahan Mo kami. Amen.
09/06/2026
GATCHALIAN VS. CAYETANO: BATTLE OF THE MEMOS
Naglabas ng advisory si Acting Senate President Sherwin Gatchalian ngayong Martes, Hunyo 9, na nagpapahintulot sa work-from-home arrangement para sa lahat ng empleyado ng Senate Secretariat at Senate Proper sa Hunyo 10-11.
Ito ay matapos iparating ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na may banta sa seguridad ng Senado at kinakailangan magsagawa ng mga awtoridad ng safety measures sa gusali ng Mataas na Kapulungan.
Samantala, naglabas din ng advisory si Sen. Alan Peter Cayetano na nagsasabing tuloy ang trabaho sa Senado mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon sa Hunyo 8-11, 2026.
Patuloy na iginigiit ni Cayetano na siya pa rin ang lehitimong Senate President sa kabila ng pagkakahalal kay Gatchalian ng mayorya ng 12 senador noong Hunyo 3, kasunod ng tatlong araw na hindi pagsipot ng kampo ni Cayetano sa regular sessions makaraang maaresto sa kasong plunder ang kanilang kaalyadong si Sen. Jinggoy Estrada.
09/06/2026
EL NIÑO, NAGSIMULA NA; POSIBLENG
TUMAGAL HANGGANG 2027 — PAGASA
Kasalukuyan nang umiiral ang El Niño sa tropical Pacific matapos maabot ng relative sea surface temperature anomaly (rSSTA) ang +0.5 degrees Celsius na threshold, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sinabi ng PAGASA ngayong Martes, Hunyo 9, na may mahigit 80 porsiyentong tiyansa na lalo pang lumakas ang El Niño, na posibleng tumagal hanggang sa unang mga buwan ng 2027.
Ang El Niño ay ang pagbaba ng dami ng ulan sa maraming bahagi ng bansa, na maaaring magdulot ng dry spell at tagtuyot.
Samantala, maaari pa ring makaranas ng mas madalas at mas malakas na pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Pilipinas sa panahon ng habagat.
09/06/2026
CARGO VESSEL, SUMADSAD SA BADOC, ILOCOS NORTE
Nirespondehan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang cargo vessel MV MSCI 1 na sumadsad diumano sa baybaying dagat ng Badoc, Ilocos Norte nitong Lunes, Hunyo 8 ng umaga.
Ayon sa PCG, nakatanggap sila ng ulat dakong ala-6:20 ng umaga tungkol sa isang cargo vessel na nag-emergency beaching sa baybayin ng Badoc. Gumamit na rin ng containment boom o floating barriers para maiwasan ang pagkalat ng langis mula sa barko.
Labinglimang crew at pasahero ang na-rescue ng PCG mula sa sumadsad na barko. (Photo courtesy of MBLT-8 4th Marine Brigade)
09/06/2026
Makikita sa loob ng classroom ang iba’t ibang dekorasyon at kagamitan na pawang kulay ube o lilac, mula sa dingding hanggang sa mga gamit ng mga estudyante.
"Welcome to my Purple Classroom where learning shines and every child matters! 💜✨" mababasa sa caption ni Teacher Dijas.
Courtesy: DiJas Sonon Ambito/Facebook
09/06/2026
Sa Notice of Pre-Trial Conference na inilabas ngayong Hunyo 9 at pirmado ni acting Senate President Sherwin Gatchalian, sinabi ni House prosecutor at Bicol Saro Rep. Terry Ridon na inaatasan ng impeachment court si Vice President Sara Duterte at ang prosecution panel na humarap sa Hunyo 18, sa ganap na 9:00 ng umaga, sa Sen. C.M. Recto Room sa Senado.
Paglilinaw naman ni Ridon, nakasaad sa notice na maaaring personal o sa pamamagitan ng abogado dumalo ang magkabilang Partido upang talakayin ang mga pangunahing detalye sa pre-trial, kabilang ang stipulation of facts, pagpapasimple sa mga usapin, pagmamarka ng documentary at real evidence, pagtukoy sa mga testigo, pagtatakda ng mga petsa ng paglilitis, at pagsusunud-sunod ng presentasyon ng mga ebidensiya.
Pinagsusumite rin ng impeachment court ang magkabilang panig ng kani-kanyang pre-trial briefs bago sumapit ang Hunyo 15, ayon kay Ridon.
“The Pre-Trial Conference proceedings shall not be open to the media or public,” mababasa naman sa notice.
09/06/2026
Kinilala ang suspek sa alyas na “Jacky," biyuda, at vendor mula sa Barangay Ermita, Cebu City.
Ayon sa report, inamin umano ng ginang na gumagamit siya ng sh4bu at ang nakumpiska mula sa kanya ay para lamang umano sa kanyang sariling konsumo. Nakalimutan umano ng ginang na nakasuksok iyon sa kanyang bra nang pumasok siya sa pasilidad.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
09/06/2026
Nilinaw ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., iisa lamang ang upper chamber ng bansa, ang Senado ng Pilipinas na kasalukuyang pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian.
Pahayag ito bilang tugon sa naging komento ni Sen. Alan Peter Cayetano na mayroong umano’y “dalawang Senado” sa kasalukuyan: ang Senate of the Philippines at ang tinawag niyang “Senate of Malacañang.”
09/06/2026
“Nananawagan tayo sa lahat ng LGUs, emergency responders, volunteers at mga lider ng komunidad na tiyaking ligtas ang ating mga kababayan at maayos ang pagresponde sa anumang pangangailangan sa mga apektadong lugar,” apela ni House Speaker Faustino ‘Bojie’ Dy III kasunod ng magnitude 7.8 na pagyanig sa Sarangani kahapon, Hunyo 9.
Ayon kay Dy, ang Kamara de Representantes “stands in solidarity with our brothers and sisters in Mindanao.”
Nagpahayag din ang House leader ng kahandaan na agarang tumulong sa mga apektado ng lindol: “We are prepared to support all necessary efforts to help affected communities recover and rebuild.”
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
35th Avenue, Bonifacio Global City
Taguig
1643