Draft Kween Stories

Draft Kween Stories

Share

Less expectations, more satisfaction.

27/08/2025

Ano kaya ‘to? Pero wuuyy, umaasa pa rin talaga ako kina Jacob at Renesmee. Umabot na ko sa point na ginawan ko sila ng story HAHAHAHA! Ako na lang nagtuloy ng imagination ko. LOL Sorry naaa, crush na crush ko kasi yung character ni Taylor Lautner as Jacob Black eh.

Tomorrow... ✨

24/08/2025

THE LAST CAREGIVER
written by Jiara Dy

CHAPTER 2

Disclaimer:
This story is a work of fiction. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. No part of this story may be copied, reposted, distributed, or reproduced in any form or by any means without the author’s explicit permission.

KATATAPOS lang kumain ng magkakapatid kaya sinimulan na nila ang paglilibot sa paligid. Tanging sina Mika at Ralph lamang ang naiwan sa loob ng bahay para ayusin ang kanilang mga gamit. Nasa attic ang kwarto ni Mika dahil iyon ang pinili niya. No one wants to be there. Mas gusto ng mga kapatid niya sa ibaba para madali lang makalabas. Pero para sa kanya na sa una pa lang ay wala nang planong tumakas o umalis ng hacienda ay komportable siya sa napiling silid.

Samantala, habang naglalakad-lakad sina Shuvee at Kira sa paligid ng resthouse, napakunot ang noo ni Shuvee nang may mapansin doon.

“Yung huling beses na nanggaling ako rito, I think eight years old pa lang ako. But I don’t remember na may ganyan kataas na pader dito. And look, may electric fence pa sa itaas. What’s that for?”

Bahagyang natawa si Kira sa sinabi ng kapatid. “Of course para sa mga magnanakaw.”

Tumango-tango si Shuvee. “Sabagay, marami nga rin namang mananakaw dito, lalo na sa resthouse.”

“Kaya nga may security sa dinaanan natin kanina.”

Maang na napatingin si Shuvee kay Kira. “Really? Hindi ko napansin.”

“Kasi nga tulog ka.”

Umirap si Shuvee. “Whatever.”

**

HABANG may kanya-kanya nang ginagawa ang mga kapatid, pinili naman ni Will na bisitahin ang pool area na nasa kaliwang bahagi ng resthouse. Nasa gitna iyon ng hardin at napapalibutan din ng mga puno.

“Wow, maganda naman pala rito. Hindi na masama kung mag-s-stay ako rito for a month.” He chuckled. “Pero mas exciting sana kung mag-i-invite ako ng babae dito.”

“What part of “no outsiders” didn’t you understand?”

Nasapo ni Will ang dibdib sa pagkagulat nang biglang magsalita si Mika sa may likuran niya.

“Ano ka ba?! Bigla-bigla ka namang sumusulpot!”

“Kararating ko lang dito ‘no. Masyado ka lang busy dyan sa pagpapantasya mo kaya di mo ko napansin,” ani Mika.

“Ano ba kasing ginagawa mo rito?”

“Hinahanap ko si Ralph. Nasa loob lang siya kanina eh.”

Will scoffed. “Mukha bang alam ko kung nasa’n siya? Lumayo nga ako sa inyo para makapag-solo ako rito. Tapos mang-iistorbo ka naman.”

She hissed. “Don’t even try bringing your women here. Malinaw yung sinabi sa ‘tin ni Atty. Dyogi. Unless, gusto mong mapunta na lang sa amin yung inheritance mo?”

Sarkastikong tumawa si Will. “No fvcking way.”

Naiiling na iniwan ni Mika roon ang kapatid. Hahanapin na lang niya si Ralph dahil kailangan niyang kausapin ang binata tungkol sa pinaplano ni Will. Alam niya kung gaano kaloko ang kapatid nilang iyon. Gagawin nito ang gusto kahit anong mangyari.

Tahimik niyang nilibot ang resthouse. Hanggang sa magawi siya sa hallway patungong guest room. Nag-iisa lang iyon sa resthouse dahil bihira naman doon magkaroon ng bisita. At ang gumagamit ng kwartong iyon ay ang caregiver ng kanilang ama na si Ezra.

Lalampasan na sana niya ang guest room nang makarinig siya ng mahihinang ungol mula roon. Napakunot ang noo niya. Huminto siya sa paghakbang para pakinggan iyon nang mabuti.

Ilang sandali pa, nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang pamilyar na boses.

“Fvck! You’re so tight!”

Natutop niya ang bibig. “Ralph?” mahina niyang sabi.

Napamura na lamang siya sa isip niya nang muling marinig ang boses ng panganay na kapatid at ang ungol ni Ezra.

“Sh!t. Kaya pala gano’n na lang yung tinginan nila kanina.” Bigla siyang nakaramdam ng pandidiri. Hindi niya akalaing ganoon pala ang babaeng tipo ni Ralph.

Gwapo at maganda ang katawan ni Ralph dahil palagi iyon sa gym. Isa pa ay martial artist din ang binata kaya noon pa man ay maganda na talaga ang pangangatawan. Pero sa dalawang lalaki sa kanilang magkakapatid, si Ralph talaga yung pihikan sa mga babae. Iniisip niya noon na baka masyadong mataas ang standards ng kapatid niya kaya hindi pa rin nagkakaroon ng girlfriend mula nang lokohin ng five years nitong karelasyon noon.

Pero sa pagkakataong ‘yon, kahit hindi niya nakikita ang ginagawa nina Ralph at Ezra, hindi naman siya t-nga para hindi ma-gets kung anong nagaganap sa loob ng guest room.

Uminit ang magkabilang pisngi niya. Nagpasya na lang muna siyang lumabas para magpahangin at para mawala na rin sa isip niya yung narinig niya kani-kanina lang.

Habang nakatambay sa porch sa harap ng bahay. Mayamaya lang, napatayo siya sa inuupuang couch nang matanaw ang paparating na SUV.

“What the heck? Kaninong bisita ‘yon?”

Kaagad siyang lumapit sa humintong sasakyan. Hinintay niyang bumaba ang sakay nito. Ilang sandali pa ay umibis doon ang isang matangkad na lalaki.

“Who are you? And um... who invited you here?”

Namulsa ang lalaki at walang kakurap-kurap na tumitig sa kanya. Napalunok siya nang magsalubong ang kanilang mga mata.

“Well, Atty. Dyogi sent me to see if you’re really following the rules for the inheritance. I’ll be reporting everything back to him. Name’s Brent Manalo. Nice meeting you, Miss Anne Mikaela Veramonte Madrigal.”

“I hate hearing my full name. Mika’s fine.”

He shrugged. “Sabi mo eh.”

Then he cleared his throat. “Sabi sa ‘kin ni Attorney, may ipapagamit daw siyang kwarto sa resthouse. Pwede mo ba ‘kong samahan?”

She rolled her eyes. Hindi siya na-inform na may iba pa pala silang makakasama. Ang alam niya lang, tatay lang nila ang magiging witness sa isang buwang pananatili nila sa hacienda.

“Hindi ko alam kung saan ka matutulog. May mga paa ka naman ‘di ba? May bibig ka rin. Magtanong ka na lang sa katiwala namin dito kung saan ka pwede mag-stay. Iisa lang kasi yung guest room. Pero kapag wala nang available na kwarto, pwede ka na siguro sa bodega.” Pagkasabi’y inirapan ni Mika ang binata at iritadong iniwan iyon doon.

“Wow, what a welcome.”

Napapailing na lang na bumalik sa sasakyan si Brent para kunin ang mga gamit niya. Walang signal doon kaya hindi niya matatawagan si Atty. Dyogi. Para makapag-report sa abogado, kailangan pa niyang pumunta sa bayan o kahit saan na makakasagap siya ng signal.

Napabuga na lang siya sa hangin habang pinagmamasdan ang mataas na pader na nakapalibot sa buong hacienda.

“Why do I get the feeling that I’m going to end up a prisoner here?”

TO BE CONTINUED…

Hello, drafties! Para ma-notify kayo pag may bagong update si Author, please make sure na naka-følløw kayo dito sa page. Drop a comment para ma-reply-an ko kayo kapag may bago ulit na update. Dito po kayo sa mismong page mag-comment para makita ko po agad. Thanks!

23/08/2025

Waiting pa rin kami na magkaron sa Spotify. 🥹

OPM icon Ogie Alcasid, nagpasalamat kay Rob Deniel sa !

Nasa comment section ang link.

23/08/2025

AI can write stories, but it can’t write your story.

Nowadays, ang dami nang sumusulpot na “writers” na AI-generated lang yung stories. Pero linawin ko lang ha, I am not attacking those who rely solely on AI to create stories. We all have our reasons. Maybe it’s for practice, maybe it’s for fun, maybe it’s for content. Valid rin naman yun.

But here’s the thing:

WRITING IS A PASSION, not just something you do para sumikat or sumabay sa uso.

When you truly love writing, you breathe life into every word. You pour your emotions, experiences, and imagination into the page. That’s something no machine can replicate, because AI can generate words, pero ikaw lang yung makakapagbigay ng buhay dun sa kwentong sinusulat mo. Ikaw yung makakapagbigay ng kakaibang excitement sa mga nagbabasa ng stories mo kasi natural na yun sayo.

Kung tutuusin, kaya ko rin namang gawin yun. I can let AI write stories for me, para may ma-post ako lagi, kahit kada oras pa kung gugustuhin ko. Pero hindi ko gagawin. Bakit? Kasi hindi naman ako dun minahal at sinuportahan ng mga readers ko eh. They don’t come to me for quantity, they come for quality. For the excitement, the twists, the emotions na nafe-feel nila sa bawat update. Kaya nga tuwang-tuwa ako kapag nakikita ko feedback nila. Yung tipong sinasabi nila na kinabahan sila, nagulat, natakot… May mga naiinis pa kapag nabitin sila. Sa ganung paraan, alam ko na binasa talaga nila at nagustuhan nila yung kwento.

That’s why I’d rather take my time. Di bale nang matagalan bago ako mag-post basta pinag-isipan ko talaga yung pino-post ko kahit na wala akong kinikita ro’n. Ang dami kong pending stories, yung iba on-hold pa kasi na-stuck ako sa pagbuo ng ideas. Then kapag may bago na naman, kailangan ko talagang isulat kasi hindi ako mapapakali. Hindi ako papatulugin nung ideas na yon.

Okay, balik tayo sa topic. AI can guide, inspire, and help us when we’re stuck. Malaking tulong nga actually, pero wag natin abusuhin kasi kapag nasanay tayo sa gano’n, mahirap nang bumalik sa dati na kaya nating mag-isip nang mag-isa, na kaya nating bumuo ng kwento nang walang tulong ng AI. Don’t lose the fire. Kasi kaya naman natin noon eh. Sumasali pa nga tayo sa mga writing contest. Pinag-iisipan nang malala yung plot kahit load lang yung prize o kaya certificate lang na ginagawa sa Canva.

Use AI if you must, but don’t let it replace your own voice. Mas masayang ma-recognize dahil sa kakaibang kwento na kaya nating isulat. Kasi yung fame, madali lang din mawala kapag marami nang gumaya sa ginagawa ng iba. Pero kapag tumatak na sa mga readers natin yung mga kwentong naisulat natin, sobrang sarap sa pakiramdam. Hahanap-hanapin nila yung ganung klase ng kwento at babalikan pa yung mga nasulat natin kahit nabasa na nila.

Photos from ABS-CBN Film Productions Inc. (Star Cinema)'s post 22/08/2025

Tapos wala sa kanila yung makakatuluyan ni Bianca.

22/08/2025

THE LAST CAREGIVER
written by Jiara Dy

CHAPTER 1

Disclaimer:
This story is a work of fiction. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. No part of this story may be copied, reposted, distributed, or reproduced in any form or by any means without the author’s explicit permission.

MULA nang mamatay ang ina ng magkakapatid na Will, Ralph, Mika, Kira, at Shuvee, hindi na natapos ang awayan. May iniwang last will and testament ang kanilang ina. Lahat sila ay may matatanggap na pera na nagkakahalaga ng thirty million pesos. Na-divide na rin ang mga property sa kanila. Ang problema, hindi nila iyon makukuha hanggat hindi nila nagagawa ang kondisyon ng kanilang ina na nakasaad sa dokumento.

“What? Kailangan naming tumira sa hacienda nang isang buwan? No, I won’t do that!” ani Shuvee na hindi nagustuhan ang kondisyon ng kanilang ina bago makuha ang mana.

“Well, kung hindi niyo magagawa ‘yon, hindi niyo makukuha ang mga mana ninyong apat. Dapat lahat kayo, makatagal nang isang buwan sa Hacienda La Vera. At kailangan ding pirmahan ng tatay niyo ang patunay na ginawa niyo ang nakasaad dito. Sa ngayon, pera pa lang ang alam niyong makukuha niyo. Kapag tumagal kayo ng fifteen days, saka niyo pa lang malalaman kung anu-anong property ang mapupunta sa bawat isa,” paliwanag ni Atty. Dyogi.

Muling nagkaingay ang silid ng sunod-sunod na magreklamo ang apat na magkakapatid. Masyado kasing malayo ang Hacienda La Vera. Bata pa lamang ang kanilang ina ay nakatayo na ang hacienda na ‘yon pero hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring signal sa lugar. Their mom probably just wants them to experience life away from the city—no parties, no social media, just them and their father for a month.

Habang nagtatalo-talo ang mga kapatid ni Mika, kinuha niya ang agreement na inaabot ng abogado at binasa ang mga nakasulat doon.

The Beneficiaries shall comply with the conditions set forth herein in order to rightfully claim their inheritance as stated in the last will and testament of the Grantor.

Rules and Conditions:

1. Residency Requirement – All four Beneficiaries must reside in Hacienda La Vera for a continuous period of one (1) month without leaving for more than 24 consecutive hours.

2. Collective Presence – The Beneficiaries must stay together within the hacienda grounds. If one Beneficiary leaves permanently before the one-month period ends, all shall forfeit their inheritance.

3. Daily Documentation – The Beneficiaries’ father, Leandro Madrigal, shall sign a written attestation at the end of the month as proof of compliance.

4. No Outsiders Overnight – No non-family members are allowed to stay overnight in the hacienda unless given prior written consent by the Grantor or her appointed representative.

5. Good Conduct Clause – Any act of violence, theft, or willful property damage within the hacienda shall result in immediate disqualification from receiving the inheritance.

Napabuntong hininga si Mika. “Guys, stop fighting, will you? I just read the residency agreement, and we have to follow it. We’ll need Dad’s signature at the end of the month. It says, failure to comply with any of the above rules will result in the forfeiture of the Beneficiaries’ rights to their inheritance, which shall be disposed of according to the Grantor’s alternative instructions. So ibig sabihin, wala tayong choice kundi sumunod. Come on, guys, isang buwan lang ‘yon.”

“Isang buwan lang? Ang dami kong pwedeng gawin sa loob ng isang buwan na ‘yon, Mika!” reklamo naman ni Kira.

“Fvck!” inis na sabi ni Will. “Just tell me kung kailan kayo pupunta sa hacienda. And Mika, give me a copy of the agreement. Babasahin ko na lang mamaya.”

“Bigyan mo rin ako,” ani Shuvee na sinundan pa ng ibang kapatid.

Napabuntong hininga na lang si Mika. As usual, siya na naman ang gagawa no’n para sa mga kapatid niya.

SUNDAY.

Iyon ang araw na babyahe sila patungong Hacienda La Vera. Aabutin ng limang oras ang byahe nila papunta roon. Tatlong oras bago makarating sa bayan ng Beltran, at dalawang oras naman bago makarating sa hacienda. Lahat silang magkakapatid ay may kani-kaniyang sasakyan pero kasama sa usapan na iisang sasakyan lang ang gagamitin nila kaya wala silang choice kundi ang magkita-kita sa bahay ng mga magulang nila na tanging mga maid na lamang ang nakatira. Kanya-kanyang reklamo agad ang narinig ni Mika mula sa mga kapatid.

“Ano ba ‘yan, ang aga-aga pa pinapabiyahe na agad tayo,” iritang sabi ni Kira habang nakasuot ng shades. “Kung hindi lang ‘to para thirty million, hindi niyo ko mapapapunta sa hasyendang ‘yon.”

“Lalo naman ako ‘no!”

“Stop whining,” sabat ni Ralph na kanina pa tahimik. “We’ll just get this over with. Thirty days, then we’re out.”

Will smirked. “Huwag niyo sabihing hindi niyo rin iniisip na parang survivor game ‘to. Stuck tayo sa hacienda, no signal, no nightlife. Sino kaya ang tatagal?”

Natawa si Mika sa kuya niya. “I think ikaw. Sa dami ng dala mong bagahe, parang hindi ka na babalik eh.”

“No way. Gagawin ko lang talaga ‘to para sa mana ko.”

“Hindi niyo man lang ba nami-miss si Dad?” tanong ni Mika.

“Seriously? Wala na siyang pakialam sa ‘tin di ba? He left us bago pa man mawala si Mommy. Mas ginusto niya pang mabulok sa hacienda kesa makasama tayong lahat… kahit sa mga huling sandali ni Mommy kaya bakit namin siya mami-miss?” inis na sabi ni Kira.

“She’s right,” ani Will.

Nagkibit-balikat na lang si Ralph sa sinabi ng mga kapatid. Natahimik na rin naman noon si Kira na tulad ni Shuvee ay abala sa pag-a-update sa mga malalapit na kaibigan. Na-announce na nila sa lahat ng social media account na mayroon sila na magiging inactive sila sa loob ng isang buwan.

“Wow, I’m actually on a socmed detox,” hindi makapaniwalang sabi ni Shuvee.

“Tss. Hindi mo naman ikamamatay kung isang buwan kang ‘di mag-a-update sa 100 followers mo,” natatawang pasaring ni Will.

Umikot ang mga mata ni Shuvee. “Shut up.”

***

Makalipas ang tatlong oras, narating nila ang bayan ng Beltran. Doon pa lang, ramdam na nila ang layo byahe. Nang makalabas sila ng sentro, sumalubong na sa kanila ang mga puno at malalawak na palayan sa gilid ng kalsada. Nang tumuloy pa sila papasok ng mas malalim na daan patungo sa hacienda, nag-iba ang pakiramdam ng lahat.

“Creepy naman dito,” bulong ni Shuvee habang nakatingin sa makipot na kalsada na napapalibutan ng malalaking puno.

“Akala ko resort vibes yung pupuntahan natin, pero feeling ko nasa horror movie tayo. Baka mamaya bigla na lang lumabas dito yung mga cannibal ha,” dagdag ni Kira, sabay tawa para itago ang kaba.

Nang sa wakas ay tumambad sa kanila ang Hacienda La Vera, natigilan silang lahat. Luma at mala-haunted house ang inaasahan nilang pupuntahan nila roon. Pero napanganga ang magkakapatid nang makita ang renovated na resthouse sa loob ng hacienda. Sa ganda ng pagkakagawa ay hindi mapapagkamalang renovated lang iyon. Gawa sa dalawang palapag ang bahay. Kita sa itsura na kahit ilang dekada na iyon ay nanatili pa ring matibay. Ngunit sa sobrang tahimik ay parang wala nang nakatira doon.

“Seriously, may nakatira pa ba rito?” tanong ni Will.

“Meron, Kuya. Si Dad at yung caregiver niya na katiwala na rin dito sa bahay ang nangangalaga nitong bahay,” sagot ni Mika.

“Nasaan yung ibang tauhan sa hacienda?”

Sasagot na sana si Mika nang biglang lumabas ng bahay ang caregiver ng kanilang ama na si Ezra.

“Welcome to Hacienda La Vera!” masiglang bati ng babae.

Medyo napangiwi si Mika.

“Nasa plantasyon ang mga tauhan. Malayo ‘yon dito sa resthouse kaya hindi niyo sila makikita. Ako at ang daddy niyo lang ang nandito.”

“Ikaw rin ba ang naglilinis dito?” curious na tanong ni Ralph.

Umiling si Ezra. “Hindi. May tagalinis ang daddy niyo pero once a week lang pumupunta rito. Pero wag kayong mag-alala, naipalinis ko na ang mga kwartong gagamitin niyo. Halina kayo sa loob. Mukhang pagod at gutom na kayo sa haba ng byahe niyo.”

“Señorito, mauna na po kayong pumasok,” magalang na sabi ng caregiver kay Ralph.

Napakunot ang noo ni Mika nang mapansin ang tila kakaibang ngiti ni Ezra nang dumako ang tingin nito sa panganay nilang kapatid.

“Magkakilala ba sila?” sa isip-isip niya.

TO BE CONTINUED…

Hi! If you’d like to read the continuation of THE LAST CAREGIVER, just follow this page and leave a comment. Magre-reply ako sa comment niyo when the new update is posted.

Photos from VP Choice Awards's post 18/08/2025

Jeremiah Ong 🩷

18/08/2025

Ito pala talaga yung “Multo” eh 😅

Maine Mendoza openly shared that she fell in love with Alden Richards during their time as a love team 🥺❤️ But according to her, it never really went beyond friendship.

More stories here: https://www.lionheartv.net/2023/10/alden-richards-maine-mendoza-aldub/

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Subic?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Subic