LearnIslam Guidance Center PH
Kabilang po sa layunin ng page na ito, ay maiparating sa ating mga kababayan ang Mensahe ng Islam.
Ano ang Islam?
Ang Islam ay salitang Arabic, na ang kahulugan ay
Ay pagsuko kay Allah sa pamamagitan ng tawheed,
pagbubukod tangi sa kanyang kaisahan.
Pagsuko sa kanya sa pamamagitan ng pagpapasakop, at pagsunod sa mga kautusan ni Allah nang may kapayapaan.
Ang Islam ay pagiging malaya sa "shirk/pagtatambal" kawalang kinalaman dito, at sa mga taga tangkilik o nag sasagawa ng shirk na ito.
Ang Islam ay relihiyon ng pagsuko sa kalooban ni Allah. At ang taong sumusunod dito ay tinatawag na (Muslim) sumusunid lamang kay Allah .
Sabi sa Qur’an: “Katotohanan, ang relihiyon sa paningin ng Allah ay Islam.” [Surah Ali Imran 3:19]
Ang Islam ay mayroong limang Haligi ng Islam o sa arabic na salita Arkan al-Islam.
Ito yung limang pinaka-basikong kaalaman sa Islam dapat na gawain at pag-aralan ng isang Muslim:
1. Ang "Shahadah" -Panunumpa o Pagtestigo na _“Walang diyos maliban sa Allah, at si Muhammad ay Sugo ng Allah”_
2.Ang "Salah" - Pagdarasal ng 5 beses sa isang araw
3. Ang "Zakat" - Pagbibigay ng obligadong kawanggawa.
4. "Sawm" - Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan
5. At ang "Hajj" - Paglalakbay sa Makkah minsan sa tanang buhay kung may kakayanan.
Ganoon din ang Islam ay may 6 na Haligi ng Pananampalataya o ang tinatawag na Arkan al-Iman
Ito naman yung mga taos pusong dapat paniwalaan:
1. "Paniniwala sa Allah" - na siya ay nag-Iisang Diyos lamang, walang katambal
2. "Paniniwala sa mga Anghel - Gaya nina Jibril, Mikael at lahat ng mga anghel.
3. "Paniniwala sa mga Kasulatan" - Tawrah, Zabur, Injil, at Qur’an ang siyang pinaka huling kapahayagan.
4. "Paniniwala sa mga Propeta" - Mula kay Adam, Noah, Abraham, Moses, Jesus, hanggang Muhammad ﷺ na siya ang huli sa lahat ng mga propeta at sugo at silyado ng mga ito, ibig sabihin wala g dadating na propeta matapos niya.
5. "Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom" - Lahat tayo huhukuman sa araw na iyon patungo sa nakatakdang paroroonan ng paghabang buhay, Maaring paraiso ang tao dahil sa paniniwala at pag sunod sa nag iisang diyos at maaring impiyerno dahil sa kanyang pagtangging manilwala at sumunod.
6. At ika anim a paniniwala! "Paniniwala sa Qadar" - Tadhana, mabuti man o masama, galing sa Allah عزوجل.
Maaring itanong ninyo kung Sino si Allah?
Si Allah ito ang kanyang literal na pangalan sa Arabic, ito pangalan ng Nag-iisang Diyos.
Siya rin ang Diyos nina Abraham, Moses, at Jesus. Hindi Siya tao, hindi siya pinanganak at hindi nagkaanak. _“Sabihin: Siya si Allah, ang Nag-iisa.”_ [Surah Al-Ikhlas 112:1]
-Sino si Propeta Muhammad ﷺ?
Siya ang huling propeta at sugo. Pinadala para sa buong sangkatauhan.
Sa kanya ibinaba ang Qur’an sa loob ng 23 taon.
Hindi siya sinasamba tao lang siya,
pero siya ang pinaka mabuting halimbawa para sa mga Muslim.
Sa madaling salita:
Ang Islam ay paraan ng pamumuhay. Sakop niya yung paano ka sumamba, paano ka makitungo sa magulang, sa kapitbahay, sa hayop, sa kalikasan, at marami pang iba
Ang Islam ay naglalayong mapalapit ka kay Allah at makapasok ka sa kanyang Paraiso.
Kung nais mo malaman pa at kung paano nagiging Muslim ang isang tao, o kung ano pinagkaiba ng Islam sa ibang relihiyon.
Maari po kayong mag tanong sa amin.
Ang yayabang ninyong angkinin at sabihin ang titulong "Muslim Ako" subalit! Hindi nakikita sa mga asal at mga gawain ninyo ang dalisay na kahulugan nito.
10/02/2026
Assalamu alaykum warahmatullahi wa barakatu.
Para mga bagong muslim, iniimbitahan ko kayo na pag-aralan ang aralin patungkol sa pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.
https://tafaqqhlearning.com/courses/ang-pag-aayuno-sa-buwan-ng-ramadan/
01/02/2026
𝗦𝗛𝗜'𝗔𝗛 | Article #43
Q43: Sinunod ba ng mga Shi'ah ang kanilang mga Imam sa pagpuri at pagmamahal nila sa mga Sahabah ng Propeta ﷺ?
Nabanggit natin sa unang Artikulo na pinupuri ng kanilang mga Imam at minamahal ang mga Sahabah (ra), kaya ang tanong? Sinunod ba nila ang kanilang mga Imam?
Ang sagot ay hindi, at magiging malinaw ito sa tatalakayin nating dalawang paksa;
Una: Sila ay naninindigan lalo na ang kanilang mga Shaikh na lahat ng tao ay naging Murtadd pagkamatay ng Propeta ﷺ.
Sinabi ng Shaikh nila na si Muhammad Ridha: "Namatay ang Propeta ﷺ at lahat ng Muslim ay bumaliktad (ang paniniwala)." Ibig sabihin ay naging Murtadd.
~ Sa Kitan na: As-Saqeefah, P. 19.
At sinabi pa ng isa sa kanilang dinadakilang Shaikh na si Tustary: "Nang dumating ang Propeta ﷺ ay nagabayan niya ang napakaraming tao, ngunet nang siya ay namatay ay lahat sila bumaliktad (naging Murtadd)."
~ Sa Kitab na Ihqâqul Haqq, P. 316.
Sinabi pa nila: "Lahat ng tao ay naging Murtadd pagkatapos mamatay ng Propeta ﷺ maliban sa tatlo: Si Miqdad, si Abu Dharr, at si Salman."
~ Sa Kitab na: Rijâlul Kis-Shy, P. 6.
At sa iba pa nilang salaysay ay kabilang si Ali at Ammar.
Pagnilayan mo ngayon, kung paano nila sinabi na hindi lang pala ang mga Sahabah (ra) ang naging Murtadd kundi pati si Fatimah, Hassan, Hussien, at lahat ng Ahlul Bayt maliban sa mga nabanggit.
Sa kanilang mga dila mismo nanggagaling ang kabaluktutan ng kanilang paniniwala. Ang mga salaysay na nabanggit na pinapatunay mismo ng kanilang mga aklat ay nagpapatunay na ang Shi'ah ay isang maskara lamang na ginagamit upang ipatupad ang kanilang maitim na layunin.
Pangalawa: Lahat daw ng mga Sahãbah (ra) ay mga Munãfiq sa panahon ng Propeta ﷺ!
Sinabi ito mismo ni Tustarie, Kãshânie, at ang pinuno nila na si Khumienie!
Tinganan sa mga aklat na: Ihqãqul Haqq, P. 3. At Tafseerus-Sãfie, Vol. 1/4. At sa Al Hukoumah Al Islãmiyyah, P. 69.
Kabaliktaran sa sinabi ng kanilang Imam na si Ja'far As-Sadiq: "Walang niisang Qadarie, o Murji', o Harourie (Kharijie), o Mu'tazilie, o sumusunod sa sariling pagnanasa, sa mga Sahãbah." Munafiq pa kaya?!
~ Sa Kitab na: Al Khisãl, 640.
✍️ Dr. Muhd-ata Abdulkarim
20/01/2026
Sa nagtatanong po kung nag-aasikaso nga ba ako ng Marriage Contract sa kapatirang Muslim:
Opo nag-aasikaso ako, At nagkakasal din ako kasi Authorized officer po ayo ng PSA na magkasal. Gayun din ang Conversion.
At bilang, . at Shariah Counselor at Law ay nag-aasikaso rin po Ako ng . Depende po sa case.
Mag-pm lang po, insha'Allah.
BAWAT GABI HUWAG KALIGTAAN ANG PAGBASA NG:
1. AYATUL-KURSI (ayah 255 ng Surah AL-BAQARAH).
"فإنه لن يزال عليك من الله حافظ، ولا يقربنك شيطان حتى تصبح."
"sapagka't magkakaroon ng isang tagapag-alaga na itinalaga sa iyo mula sa Allah, at ang demonyo ay hindi makakalapit sa iyo hanggang sa umaga." [Bukhari].
2. SURAH AL-IKHLAS. Sa isang hadith sinabi ng Propeta ﷺ:
"{قُلْ هُوَ اللَّهُ أَحَدٌ} تَعْدِلُ ثُلُثَ الْقُرْآنِ."
"Ito ay katumbas ng one third ng Qur'ān." [Bukhari at Muslim].
3. HULING DALAWANG AYAH NG SURAH AL-BAQARAH (ayah 285 at 286). Sa isang hadith:
"من قرأهما في ليلة كفتاه."
"Sinuman ang nagbasa niyo sa gabi ay sapat na para sa kanya." [Bukhari at Muslim].
Sabi ni Imam Nawawi - رحمه الله - :
قيل: معناه: كفتاه من قيام الليل، وقيل: من الشيطان، وقيل: من الآفات، ويحتمل من الجميع.
"Sinasabing ang ibig sabihin nito ay: sapat na sa kanya sa pagtaguyod ng simbang gabi, at sinasabing: proteksyon niya ito mula sa demonyo, at sinasabing: proteksyon niya ito mula sa mga pinsala, at maaaring itong lahat ay pinapahiwatig nito." [Al-Minhaj].
Kung nilalayon nito ang lahat ng mga ito ay wala namang sagabal, sapagkat ang mga biyaya ng Allah ay napakalawak, ipinagkakaloob Niya ito sa sinumang Kanyang nais. والله تعالى أعلم.
Dalawang katangian ng tao lamang ang kinaiinggitan ko..
Kaalaman at
Kayamanan
na kapwa ginamit para lamang sa kaluguran ni Allah عزوجل.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the place of worship
Telephone
Website
Address
Pamatawan
Subic
2209