Kalikasan Program

Kalikasan Program

Share

Part of the core programs of the 7K Plus Program of the Provincial Government of Sorsogon.

Photos from Kalikasan Program's post 13/05/2026

Noong Abril 8, 2026 ay matagumpay na nakapag-harvest ang 7K Kalikasan Team ng tinatayang 130 sako ng vermicompost bilang bahagi ng aming patuloy na adhikain sa pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng sustainable agriculture.

Ang vermicompost na ito ay malaking ambag sa pagpapalago ng mas masustansya at matitibay na mga punla para sa iba’t ibang proyekto ng pagtatanim at rehabilitasyon ng kalikasan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at tiyaga ng buong team, patuloy naming pinapatunayan na ang wastong pangangalaga sa kapaligiran ay may magandang bunga para sa komunidad.

Unti-unti nang namumunga ang mga donasyon at suporta ng aming mga KPartners para sa 7K Kalikasan. Ang bawat tulong, maliit man o malaki, ay nagiging daan upang maisakatuparan ang aming mga adhikain para sa kalikasan, komunidad, at mas luntiang kinabukasan.

Photos from Kalikasan Program's post 13/05/2026

Lubos na nagpapasalamat ang 7K Kalikasan Team sa matagumpay na paghingi at pagtanggap ng 90 sako ng rice hull mula kay Sir Roberto Castillo ng Bolos, Irosin. Malaking tulong po ito sa aming mga gawain para sa pagpapaunlad ng mga punla at patuloy na pangangalaga sa kalikasan.

Ang inyong kabutihang-loob at suporta ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pa naming pagbutihin ang aming adhikain para sa mas luntiang kinabukasan. Maraming maraming salamat po sa inyong donasyon at pakikiisa sa aming layunin para sa kalikasan at komunidad. 🌱💚

Photos from Kalikasan Program's post 11/05/2026

Sang Daang Puno, Sang Barangay | Monitoring

Patuloy na iniikot ng ating Kalikasan Monitoring Team ang iba’t ibang barangay ng Sta. Magdalena, Sorsogon upang tingnan at suriin ang kalagayan ng mga punlang naitanim sa ilalim ng Sang Daang Puno, Sang Barangay ng 7kPlus Kalikasan Program.

Sa bawat pagbisita, muling naipapakita ang kahalagahan ng pagtutulungan ng komunidad sa pagpapanatili at pag-aalaga ng mga punong magsisilbing pakinabang para sa susunod na mga taon.

Photos from Kalikasan Program's post 07/05/2026

Sang Daang Puno, Sang Barangay | Monitoring

Nagpatuloy ang monitoring ng mga naitanim na punla sa iba’t ibang barangay ng Sta. Magdalena, Sorsogon bilang bahagi ng inisyatibang Sang Daang Puno, Sang Barangay sa ilalim ng 7kPlus Kalikasan Program, kasama ang ating Kalikasan Monitoring Team.

Layunin ng gawaing ito na masubaybayan ang kalagayan ng mga punla at matiyak ang kanilang maayos na paglaki sa tulong ng mga komunidad na patuloy na nakikiisa sa pangangalaga ng kalikasan.

Patuloy po nating alagaan at suportahan ang mga programang pangkalikasan, sa sama-samang pagkilos ay mas mapapanatili nating buhay at maayos ang ating kapaligiran.

Photos from Kalikasan Program's post 05/05/2026

Ang 7KPlusKalikasan Monitoring Team sa Pilar, Sorsogon ay patuloy na nagsasagawa ng masusing pagbabantay at pagsusuri sa mga itinanim na punla, isang patunay ng kanilang dedikasyon sa pangangalaga ng kalikasan.

Sa kabila ng matinding init ng panahon at ng malalayong lokasyon ng mga site, hindi ito naging hadlang sa kanilang layunin. Sa halip, ito’y nagsilbing inspirasyon upang higit pang pag-ibayuhin ang kanilang pagsisikap. Ang bawat hakbang sa ilalim ng tirik na araw at bawat paglalakbay sa mahahabang distansya ay simbolo ng tunay na malasakit at pagmamahal sa kalikasan.

Patuloy silang tumitindig bilang mga tagapagtaguyod ng luntiang kinabukasan, dahil para sa kanila, ang bawat punlang inaalagaan ngayon ay pag-asa ng mas maayos at mas luntiang bukas para sa susunod na henerasyon.

Photos from Kalikasan Program's post 01/05/2026

Welcoming the visit of International Organization for Migration delegates and participants to the Sorsogon Provincial Nursery. Composed of students, youth leaders, and young professionals, their tour reflects a shared intention to learn about environmental conservation, sustainable plant propagation, and the vital role of nurseries in protecting our future.

Their presence shows that today’s generation is ready to take action, gaining knowledge, building leadership, and inspiring communities to care for nature. May this visit encourage stronger partnerships for climate action, livelihood opportunities, and a greener tomorrow for Sorsogon.

22/04/2026

Today is a reminder: we don’t inherit the Earth, we borrow it. Let’s take care of it.

Photos from Kalikasan Program's post 20/04/2026

Pagsubaybay ng 7KplusKalikasan sa mga Itinanim na Punla sa Pilar, Sorsogon.

Isinagawa ng KPartners ang masusing monitoring sa mga itinanim na punla sa bayan ng Pilar, Sorsogon upang matiyak ang maayos na paglago at kalagayan ng mga ito. Layunin ng gawaing ito na suriin ang survival rate, kalusugan ng mga halaman, at angkop na kondisyon ng kapaligiran kung saan sila itinanim. Kabilang din sa monitoring ang pagtukoy sa mga suliranin tulad ng kakulangan sa tubig, damo o peste, at mga pisikal na pinsala sa mga punla.

Sa pamamagitan nito, makakapagbigay ang Kpartners ng nararapat na rekomendasyon at agarang aksyon upang mapanatili ang kalusugan at patuloy na paglago ng mga punla, gayundin ang pagpapalakas ng mga programang pangkalikasan sa nasabing lugar.

14/04/2026

Happy Birthday sa ating poging Plant Propagator ng Gubat Nursery, Oliver Deocareza! 🌱🎉

Maraming salamat sa iyong sipag, dedikasyon, at malasakit sa pangangalaga ng ating mga punla at sa kalikasan. Malaki ang iyong naging ambag sa patuloy na pag-usbong at tagumpay ng ating nursery. Hindi lang sa trabaho, kundi pati sa pagbibigay inspirasyon sa iba, tunay kang maaasahan.

Nawa’y patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, kasiyahan, at tagumpay sa buhay. Ipagpatuloy mo lang ang magandang adhikain at serbisyo para sa kalikasan at komunidad.

Muli, maligayang kaarawan at maraming salamat sa iyong walang sawang kontribusyon! 🎂🌿

Photos from Kalikasan Program's post 14/04/2026

SDPSB MONITORING: Monitoring activities were conducted on the seedlings planted in Barangays Peñafrancia and San Sebastian, Sta. Magdalena, Sorsogon under the Sang Daang-Puno, Sang Barangay (SDPSB) program.

The activity aimed to assess the current condition, growth performance, and survival rate of the seedlings, as well as to identify challenges such as w**d proliferation, animal disturbance, and environmental factors affecting their development.

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Sorsogon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Capitol Building, Burabod, Sorsogon City
Sorsogon
4700

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 9am - 5pm