Ausome Aria

Ausome Aria

Share

Hi, I’m Aria! I have autism and I’m happy. Please come see my world! 🌎

23/08/2026

Ang batang sanay sa kanin at ulam, medyo nasasanay naman na sa patatas, sabaw at gulay! πŸ˜ŠπŸ™πŸΌ

17/08/2026

Throwback ulit from 2025. Andami nang nagbago sa buhay ni Aria ngayon compared to last year. This was one of only a few instances na nailalabas namin siya nang walang helmet o face shield. Pero as you can see, hirap na hirap siya pag wala siyang suot. A few months after this video, we would have shifted her to wearing wrist weights which was so much more soothing for her. πŸ™πŸΌ

13/08/2026

Nakakalungkot mapanood ito kasi kitang kita ang dahan-dahang pagkawala ng speech ni Aria. Nung bata pa siya, lagi kaming excited noon na dumadami na ang mga nasasabi niyang words, tapos bigla nalang isang araw, dahan dahang nawawala. 😒 Speech regression is real.

Sana one day, marinig pa ulit namin si Aria na magsalita. Hoping na one day, nakakausap namin ang sarili naming mga anak.

13/08/2026

Dinala namin si Aria sa doktor niya kasi ilang araw na niyang kinukutkot ang kanang tenga niya. Makikita niyo sa video na ayaw din niya ipahawak kaya nahihirapan kami tignan kung ano ang nangyari. Thankfully, wala namang nakitang problema si dok at nagprescribe lang siya ng antibiotics. After ilang araw, mukhang okay na din si Aria at di na mukhang masakit ang tenga niya. πŸ™πŸΌ

12/08/2026

Sharing a day of our lives with Aria. Today, niregister namin siya para sa upcoming school year! πŸ™πŸΌ

11/08/2026

Replying to Ausome Hiro πŸ™πŸΌ

11/08/2026

To those who liked the song, "Bituin" is available on Spotify! https://open.spotify.com/track/3RMrcKCxE2Pe1Cj9JWoMZC?si=iTvQ0AveQieCOxeEaHsZ0g&utm_source=copy-link

10/08/2026

Nung nakaraang taon lang, napakadalang ni Aria lumayo dahil sa sobrang anxious niyang mahiwalay samin. Pero lately, that is no longer the case. Madalas na siyang nakakatakbo nang malayo. The fact na nage-elope na siya nang ganun kalayo means na sobrang nabawasan ang anxiety niya. It's very nice makita siyang ganito but at the same time nakaka nerbyos din. πŸ˜‚πŸ™πŸΌ

09/08/2026

Mabilis mapagod si Aria pag grocery day. Lagi siyang naghahanap ng mauupuan kahit saglit lang. Kaya tuwang tuwa kami para sa kanya nung makita namin na may ganitong mga carts na pwede niya sakyan pag pagod na siya. πŸ™πŸΌ

09/08/2026

A little throwback at how our life was with Aria one year ago. Ngayong binabalikan namin yung mga videos, narerealize namin kung gaano na pala kalala ang self-injuries niya. Pag araw-araw mo kasing buhay ito, hindi mo na rin mahahalata yung hirap. Naging routine na namin na ihelmet o face shield siya para maprotektahan ang sarili niya o kaya saluhin ang mga suntok niya. Pero di namin namamalayan na lumalala na din pala yung sitwasyon. Kumbaga, ito na yung "normal life" para samin. Naging okay man kami sa ganung buhay, hindi parin naging healthy para sa buong pamilya. Kaya natutuwa kami at one year later, maraming naging pagbabago para kay Aria. πŸ™πŸΌ

Want your business to be the top-listed Media Company in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Santa Rosa