Arnold B. Arcillas

Arnold B. Arcillas

Share

Official Facebook Fan Page of Santa Rosa City (Laguna) Vice Mayor Arnold B. Arcillas

Photos from Arnold B. Arcillas's post 19/06/2026

Ngayong ika-165 na Kaarawan ng ating Pambansang Bayani Dr. Jose P. Rizal, nanguna si Vice Mayor Arnold B. Arcillas sa Flag Raising Ceremony at Floral Offering. Sa kanyang mensahe, inanyayahan nya ang lahat na magsilbing tanglaw nawa ang mga aral ni Dr. Jose Rizal upang maitaguyod natin ang isang lipunang makabayan, makabago, at nakatuon sa isang mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat.

17/06/2026

IKA APATNAPU'T WALONG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD

17/06/2026

Ang Programang Halina’t Matututong Magbasa ng ating City Library ay taunang naghahandog sa mga kabataan ng pagaaral magbasa kasama ang PUP Santa Rosa. Sa ginanap na Graduation nito noong nakaraang Linggo, pinamigay ni Vice Mayor Arnold Arcillas at Mayor Arlene Arcillas ang mga regalong School Supplies sa mga kabataang beneficiary ng nasabing programa. Ipinaiintindi rin sa mga bata ang kahalagahan ng pagbabasa at ng Library sa atin bilang source ng kaalaman.

13/06/2026

Dinaluhan nina Vice Mayor Arnold Arcillas at Mayor Arlene Arcillas ang ginanap na pag-iisang dibdib ni Joshua and Jean sa isang napakasayang okasyong ito noong Sabado, June 6, 2026. Hangad at dasal namin ni Mayor Arlene ang kasaganaan at kaligayahan sa inyong buhay may asawa at pamilya. Gayunrin sumaksi sila noong Miyerkules, June 3, 2026 sa Renewal of Vows ni Kap. Michael at Kapitana Irene Ambata ng Market Area sa pagdiriwang ng kanilang 25th Anniversary. Patuloy na panalangin sa marami pang taon ng pagsasama na puno ng pagmamahal sa isat isa.

12/06/2026

Isang Makabayang Pagpupugay sa ating Lahing Pilipino ngayong Araw ng Kalayaan mula kay Vice Mayor Arnold Arcillas, Mayor Arlene Arcillas at buong Sangguniang Panlungsod. Nawa patuloy na mag-alab sa bawat isa sa atin ang pagmamahal sa bayan at kapwa na unang ipinamalas ng ating mga ninuno sa kanilang paglaban sa panunupil noong kanilang panahon. Dahilan nawa sa pag-ibig na ito ay patuloy tayong magsama-sama bilang isang bansa tungo sa progreso lalo’t higit ng bawat isang mamamayang Pilipino. Mabuhay ang Republika ng Pilipinas!

Photos from Arnold B. Arcillas's post 11/06/2026

Tuloy-tuloy sa pagtugon si Vice Mayor Arnold Arcillas katuwang si Mayor Arlene Arcillas sa mga personal na donasyon nito para sa mga indibiduwal at grupong humihiling ng tulong sa ating mga opisina.

10/06/2026

IKA APATNAPU'T PITONG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD

09/06/2026

Pormal na pinanumpa ang mga bagong halal na opisyales ng lahat ng mga TODA sa buong Lungsod ng Santa Rosa ngayong araw, 9 June 2026 sa harap ni Mayor Arlene B. Arcillas at sinaksihan naman ni Vice Mayor Arnold Arcillas, Sangguniang Panlungsod at mga Kapitan ng bawat barangay. Sa kanilang mensahe ay ipinahayag nina Mayor Arlene, Vice Mayor Arnold at mga Konsehal ang kanilang suporta sa transport sector ng ating Lungsod lalo’t higit sa mga tricycle drivers.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Santa Rosa