Pilipinas Today Batangas

Pilipinas Today Batangas

Share

Anong Ganap?

08/06/2026

LINDOL UPDATE: PAGGUHO NG COMMERCIAL BUILDING SA GENSAN, NAKUNAN NG VIDEO

Nagsigawan ang mga residente at bystanders sa isang lugar sa General Santos City nang masaksihan ang pagguho ng gusali ng isang fast food chain sa commercial center sa siyudad kasabay ng magnitude-7 earthquake na naramdaman sa siyudad alas-7:37 ng umaga ngayong Lunes, Hunyo 8. (Video courtesy of Dave Jim Alocelja)

08/06/2026

PAGYANIG SA SARANGANI, ITINAAS SA MAGNITUDE 7.8

EARTHQUAKE ALERT: Base sa update ng PHIVOLCS bandang 8:33 ng umaga ngayong Lunes, Hunyo 8, ang magnitude 7.0 na lindol na unang naitala sa General Santos ay in-update sa 7.8 magnitude at ang epicenter ay tinukoy sa Maasim, Sarangani.

Naitala ang pagyanig bandang 7:37 ng umaga, ayon sa PHIVOLCS, habang ilang lokal na pamahalaan ang nakapagre-report ng aftershocks sa kasalukuyan.

08/06/2026

TSUNAMI ALERT ITINAAS BUNSOD NG 7.8 MAGNITUDE QUAKE SA SARANGANI

Nagbabala ang PHIVOLCS sa posibleng pagkakaroon ng tsunami matapos yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang karagatang bahagi ng Sarangani alas-7:37 ng umaga nitong Lunes, Hunyo 8.

Kabilang sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng tsunami waves na higit sa isang metro ang taas ang Sarangani, Davao Occidental, Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Sultan Kudarat, at South Cotabato.

Ayon sa PHIVOLCS, inaasahang darating ang unang mga alon sa pagitan ng 7:37 a.m. at 9:37 a.m. at maaaring magpatuloy ang pagtaas at pagbaba ng tubig-dagat nang ilang oras.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga baybaying komunidad na agad na lumikas patungo sa mas mataas na lugar o mas malayong bahagi ng lupa. Samantala, pinayuhan ang mga mangingisda at may-ari ng bangka na umiwas muna sa dalampasigan at manatili sa mas malalim na bahagi ng dagat kung nasa laot na.

(Courtesy: PHIVOLCS)

08/06/2026

Umani ng malawak na pagbati at suporta ang kanilang pag-iisang dibdib mula sa mga tagahanga at netizens na nagpaabot ng mensahe ng kasiyahan at paghanga sa kanilang relasyon.

Marami ang nagbigay-diin na ang kanilang kwento ay patunay ng pagmamahalan at pagkakaisa na hindi nakabatay sa anumang pamantayan, kundi sa tunay na pag-ibig at respeto sa isa’t isa.



-Cassagne

08/06/2026

MAGNITUDE 7, YUMANIG SA SARANGANI;
PHIVOLCS, NAG-ALERTO NG TSUNAMI

Nagbabala ng tsunami ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kasunod ng magnitude 7 na pagyanig sa Sarangani ngayong Lunes ng umaga, Hunyo 8.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang lindol bandang 7:37 ng umaga sa lalim na 10 kilometro, sa may General Santos City.

Naiulat ang sumusunod na intensities:

Intensity VII - General Santos City
Intensity VI - Palimbang at Senator Ninoy Aquino sa Sultan Kudarat
Intensity V - Davao City; City of Kidapawan at Carmen sa Cotabato; Bagumbayan, Kalamansig, at President Quirino sa Sultan Kudarat; Sibuco at Siocon, Zamboanga del Norte
Intensity IV - City of Mati, Davao Oriental; Buug, Zamboanga Sibugay; Caraga, Manay, at Tarragona, Davao Oriental
Intensity III - Butuan City; Mainit, Surigao del Norte; City of Dapitan, Zamboanga del Norte; Kumalarang, Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur
Intensity II - City of Dipolog, Labason, Liloy, President Manuel A. Roxas, at Salug Zamboanga del Norte; Alicia, Ipil, Mabuhay, Olutanga, at Siay, Zamboanga Sibugay; Molave, Zamboanga del Sur; Abuyog, at Dulag, Leyte; San Francisco, Southern Leyte

08/06/2026

Sa ilalim nito, ang “Hayo” ay nangangahulugang tuloy ang normal na face-to-face classes kapag ligtas at handa ang mga mag-aaral at g**o.

Ang “Hinay” ay pagpapatuloy ng pag-aaral sa mas mabagal o flexible na paraan sa gitna ng maliliit na abala o disruptions.

Ang “Hinga” ay pagbawas ng academic workload upang bigyang-priyoridad ang kalusugan ng isip at well-being ng learners at staff.

At ang “Hinto” ay ganap na pagsuspinde ng klase kapag may matinding banta sa kaligtasan tulad ng malawakang pagbaha o malalakas na lindol.

Layunin ng bagong sistema na mas maging mabilis at localized ang pagtugon ng mga paaralan katuwang ang LGUs at education officials, habang kinikilala rin ang karapatan ng mga magulang na magdesisyon na huwag papasukin ang kanilang anak kung sa tingin nila ay delikado ang kondisyon.






-aaral

08/06/2026

BREAKING NEWS: Isa ang fast food chain na ito sa mga gusali na napinsala ng magnitude 7 na lindol na tumama sa General Santos City alas-7:37 ng umaga ngayong Lunes, Hunyo 8.

Kasabay nito ang magnitude 7.8 quake na yumanig sa karagatan malapit sa Maasim, Sarangani, dahilan upang mag-isyu ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng tsunami warning sa ilang baybaying lugar sa Mindanao. (Photo courtesy of Ryan Jay Quizon)

08/06/2026

Help us choose faith instead of fear in every situation.

08/06/2026

Sa press conference na ginanap sa Saturday News Forum ngayong Sabado Hunyo 6, muling nagpahayag ng kritisismo si Atty. Dino De Leon kaugnay sa ilang mambabatas na aniya ay mas nakikita pa sa social media kaysa sa aktwal na trabaho sa gobyerno.

Direkta niyang pinatamaan si Sen. Alan Peter Cayetano, na ayon kay De Leon ay tila mas nakatutok pa sa pagvo-vlog at online content kaysa sa mga usaping lehislatibo at seryosong tungkulin bilang opisyal ng bayan.

Ayon pa sa kanya, mahalagang bumalik sa pangunahing tungkulin ang mga halal na opisyal at unahin ang serbisyo publiko kaysa personal na imahe sa social media.

(Courtesy: Saturday News Forum)

08/06/2026

Ayon sa mga saksi, nangyari ang insidente habang nasa mall ang bata kasama ang magulang para bumili ng school supplies. Bigla umanong nagkagulo ang mga tao matapos mapansin ang aksidente.

Naglalaro umano ang bata sa may hagdanan bago ito nadapa at napunta ang kamay sa escalator.

Agad na rumesponde ang mall staff at natagpuan ang bata na dumadaing ng sakit habang nakahiga sa lugar ng insidente.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung may pagkukulang sa safety measures sa lugar.

(Courtesy: KMJS Facebook)

Want your business to be the top-listed Media Company in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Santa Rosa
4025