Poon Owner's Association

Poon Owner's Association

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Poon Owner's Association, Nonprofit Organization, City of Santa Rosa, Laguna, Santa Rosa.

P**n Owners' Association | Santa Rosa de Lima Parish is an organization of camareros and camareras dedicated to the care and stewardship of the parish's sacred devotional images, preserving Catholic traditions, fostering unity, and serving the Church

Photos from P**n Owner's Association 's post 30/09/2026

๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐’๐€๐๐“๐Ž ๐‘๐Ž๐’๐€๐‘๐ˆ๐Ž
โ€œ๐™๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™ ๐™–๐™ข๐™ž, ๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™– โ€™๐™ฎ๐™ค ๐™จ๐™ช๐™ข๐™ž๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™–,
๐™Š ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™–, ๐™„๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ฎ ๐™†๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ค ๐™ ๐™–๐™ข๐™ž ๐™ž๐™๐™–๐™ฉ๐™ž๐™™.โ€

๐“๐ˆ๐†๐๐€๐ | ๐€๐ฅ๐ญ๐š๐ซ ๐๐ž ๐๐ฎ๐ž๐ฌ๐ญ๐ซ๐š ๐’๐žรฑ๐จ๐ซ๐š ๐๐ž๐ฅ ๐’๐š๐ง๐ญรญ๐ฌ๐ข๐ฆ๐จ ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐จ

Sa bawat pagbigkas ng mga misteryo ng Santo Rosario, samahan natin ang ating Mahal na Ina sa pagninilay sa buhay ng kanyang anak na si Hesukristo. Kasama rin natin sa panalanging ito ang mga banal ng Orden ng mga Dominikano, na naging mga masigasig na tagapagpalaganap ng debosyon sa Santo Rosario.

Sa pamamagitan ng panalanging ito, nawa'y higit pang malapit tayo kay Hesukristo na kalong kalong ng kanyang Inang, si Maria, tayo nawa'y ilukod sa kanyang manto ng pagmamahal at pagkalinga

Nuestra Seรฑora del Santรญsimo Rosario, ipanalangin mo kami!


**nOwnersAssociation

28/09/2026

๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐ˆ๐๐€ ๐€๐‘๐Š๐€๐๐†๐‡๐„๐‹ ๐’๐€๐ ๐Œ๐ˆ๐†๐”๐„๐‹, ๐’๐€๐ ๐‘๐€๐…๐€๐„๐‹, ๐€๐“ ๐’๐€๐ ๐†๐€๐๐‘๐ˆ๐„๐‹
๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ—

Sa araw na ito, buong galak nating ipinagdiriwang ang kapistahan ng tatlong Arkanghel na binabanggit sa Banal na Kasulatanโ€”San Miguel, San Gabriel, at San Rafael. Sila ay mga lingkod at mensahero ng Diyos na, sa kani-kanilang natatanging misyon, nagpapatotoo sa kapangyarihan, awa, at pag-ibig ng Panginoon.

Si San Miguel Arkanghel ay tagapagtanggol ng bayan ng Diyos; si San Gabriel Arkanghel ang mensahero ng Diyos na naghatid kay Maria ng Mabuting Balita tungkol sa pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos; at si San Rafael Arkanghel ay iniuugnay sa paggabay at pagpapagaling sa Aklat ni Tobit. Sa kanilang halimbawa, nawaโ€™y matutuhan nating maging tapat na tagapaglingkod at mga kasangkapan ng kalooban ng Diyos.


**nOwnersAssociation

27/09/2026

๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐‹๐Ž๐‘๐„๐๐™๐Ž ๐‘๐”๐ˆ๐™ ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐€
๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ– | ๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ

Sa araw na ito, buong galak at debosyon nating ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Lorenzo Ruiz de Manila, ang unang Pilipinong santo at isang huwaran ng matatag na pananampalataya. Sa kabila ng mga pagsubok at pag-uusig, pinili niyang manatiling tapat kay Kristo at buong tapang na ipinagtanggol ang kanyang pananampalataya hanggang sa kanyang kamatayan.

Ang kanyang buhay at pagkamartir ay nagpapaalala sa atin na ang tunay na pananampalataya ay nananatiling matatag maging sa gitna ng pinakamabibigat na pagsubok. Nawaโ€™y maging inspirasyon si San Lorenzo sa bawat Pilipino na manatiling tapat sa Diyos at maging matapang na saksi ni Kristo sa ating pang-araw-araw na buhay.

"๐—ž๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ถ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†, ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐—ฎ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ธ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ"


**nOwnersAssociation

26/09/2026

๐Œ๐€๐‘๐€๐Œ๐ˆ๐๐† ๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“, ๐•๐ˆ๐‚๐€๐‘๐ˆ๐€ ๐๐ˆ ๐’๐€๐๐“๐€ ๐‘๐Ž๐’๐€ ๐ƒ๐„ ๐‹๐ˆ๐Œ๐€!

Sa pagtatapos ng ๐‹๐š๐ค๐›๐š๐ฒ ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง๐š: ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ง๐ญ๐š๐ค๐š๐ฌ๐ข, taos-puso ang aming pasasalamat sa bawat parokya, pari, lingkod-simbahan, at mananampalataya na buong pagmamahal na tumanggap at nakiisa sa pagdalaw ng imahen ni Santa Rosa de Lima.

Sa bawat Misa, panalangin, pagdalaw, at pagtitipon, naging saksi tayo sa isang pananampalatayang nagbubuklod sa pamayanan. Higit sa isang paglalakbay ng isang imahen, ang Lakbay Patrona ay naging pagkakataon upang si Santa Rosa ay maging paalala sa ating lahat na manatiling matatag sa pananampalataya, mapagpakumbaba sa paglilingkod, at laging umaasa sa Diyos.

Sa mga parokyang nagbukas ng kanilang mga pintuan at puso, maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap at pakikiisa. Dalhin nawa natin ang mga biyaya, panalangin, at alaala ng paglalakbay na ito habang patuloy nating ipinapahayag ang ating pagmamahal at debosyon sa ating Rosang Pintakasi.

Sa aming pamamaalam, hindi ito pagtatapos ng ating gawain at tungkulin, kundi pagpapatuloy ng iisang pananampalataya at debosyon.

๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐™๐™ค๐™จ๐™– ๐™™๐™š ๐™‡๐™ž๐™ข๐™–, ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ ๐™–๐™จ๐™ž, ๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™ข๐™ค ๐™ ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™–๐™ข๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฉ ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ. ๐ŸŒน๐Ÿ™

๐™ˆ๐™–๐™ง๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฉ, ๐™–๐™ฉ ๐™๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™– ๐™ข๐™ช๐™ก๐™ž, ๐™‘๐™ž๐™˜๐™–๐™ง๐™ž๐™– ๐™ฃ๐™ž ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐™๐™ค๐™จ๐™– ๐™™๐™š ๐™‡๐™ž๐™ข๐™–!


**nOwnersAssociation

25/09/2026

Lakbay Patrona: Dalaw ng Rosang Pintakasi sa mga Parokya sa kanyang Bikarya
(Motorcade mula sa Our Mother of Perpetual Help Parish Bel-Air pabalik sa Parokya ni Santa Rosa de Lima)
26 Septenber 2026

**nOwnersAssociation

25/09/2026

Lakbay Patrona: Dalaw ng Rosang Pintakasi sa mga Parokya sa kanyang Bikarya
(Rito ng pamamaalam sa Imahen at Relikya ni Santa Rosa mula sa Our Mother of Perpetual Help Parish Bel-Air )
26 September 2026

Photos from P**n Owner's Association 's post 25/09/2026

๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐’๐€๐๐“๐Ž ๐‘๐Ž๐’๐€๐‘๐ˆ๐Ž
โ€œ๐™๐™ช๐™ฃ๐™œฬฑ๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™ ๐™–๐™ข๐™ž, ๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™– โ€™๐™ฎ๐™ค ๐™จ๐™ช๐™ข๐™ž๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™–,
๐™Š ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™–, ๐™„๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ, ๐™ ๐™–๐™ฎ ๐™†๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ค ๐™ ๐™–๐™ข๐™ž ๐™ž๐™๐™–๐™ฉ๐™ž๐™™.โ€

OKTUBRE 1- 31, 2026

Sa bawat pagbigkas ng Aba Ginoong Maria at sa bawat misteryong ating pinagninilayan, ating inaalala ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng ating Panginoong Hesukristoโ€”mula sa Kanyang pagkakatawang-tao, pagdurusa, kamatayan, hanggang sa Kanyang Muling Pagkabuhay.

Narito ang talaan ng mga gawain para sa paparating na Buwan ng Santo Rosario. Inaanyayahan namin ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa mga panalanging ito at sama-samang ipagdiwang ang ating debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Halinaโ€™t manalangin, magnilay, at makiisa sa Buwan ng Santo Rosario.

๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š, ๐ˆ๐ง๐š ๐ง๐  ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ, ๐ข๐ฉ๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฆ๐จ ๐ค๐š๐ฆ๐ข ๐š๐ญ ๐ข๐ก๐š๐ญ๐ข๐ ๐ฆ๐จ ๐ค๐š๐ฆ๐ข ๐ค๐š๐ฒ ๐Š๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ.


**nOwnersAssociation

20/09/2026

๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐ˆ ๐’๐€๐ ๐Œ๐€๐“๐„๐Ž, ๐€๐๐Ž๐’๐“๐Ž๐‹ ๐€๐“ ๐„๐•๐€๐๐†๐„๐‹๐ˆ๐’๐“๐€
๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ

Bago siya tinawag ng Panginoon, siya ay isang maniningil ng buwis. Ngunit sa isang simpleng paanyaya ni Hesusโ€”โ€œSumunod ka sa akinโ€โ€”iniwan ni Mateo ang kanyang dating buhay at buong pananampalatayang sumunod sa Kanya.

Mula sa pagiging maniningil ng buwis, naging tagapagdala siya ng Mabuting Balita. Sa kanyang buhay, makikita natin na ang tawag ng Diyos ay hindi nakabatay sa ating nakaraan, kundi sa ating kahandaang tumugon sa Kanyang paanyaya. Sa kanyang pangangaral at pagsaksi kay Kristo, nanatili siyang tapat hanggang sa kanyang kamatayan bilang saksi ng pananampalataya.

"โ€œ๐’๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ค๐š ๐ฌ๐š ๐š๐ค๐ข๐ง.โ€ ๐€๐ญ ๐ฌ๐ข๐ฒ๐š'๐ฒ ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ข๐  ๐š๐ญ ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ง๐ฒ๐š." โ€” ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ ๐Ÿ—:๐Ÿ—


**nOwnersAssociation

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Santa Rosa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


City Of Santa Rosa, Laguna
Santa Rosa
4026